June 2019
"Aida, kahit siguro nasa pang 100 floor ang classroom ni Haski pupuntahan mo pa rin noh? Maibigay lang 'yang tula mo?"
I heard Pia complained but I wondered why she's still following me like she can leave if she want.
"Aida!" she almost screamed nang mapagtantong 'di ko sineseryoso ang kung anong sinasabi niya.
"Pia," I said and she already know what is the meaning of the voice tone I used.
I grabbed her hand at pumasok na kami sa silid aralan ni Haski.
"Pssh. Kung malaman lang ni Ms. Gonzales ang totoong dahilan kung ba't ang aga aga natin pumasok, I'm sure she'll gonna hit your damn stupid butt," Pia explained. Hindi ko na lang 'yon pinansin pa dahil Pia will always be Pia. Alam ko naman kung bakit ganiyan siya umasta.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa paghahalungkat ng mga notes ko. Tandang tanda ko pa na inipit ko ang isang pirasong papel na 'yon dito matapos amoy-amuyin at binigyan ng malaking halik.
Yes, don't hide it. I know your first reaction on it. But I don't care about it, anyway.
Para kaming binuhusan ng malamig na tubig nang makarinig kami ng mga yapak ng mga paa. Agad na nagkasalubong ang mga praning na mga mata namin ni Pia.
"Mukhang mar-reveal na ang babae sa likod ng mga tula, Aida," Pia concluded but I quickly grabbed her hand as well as my things.
"Sorry but my pen is not agree on it."
We saw ourselves hiding behind the door. Avoiding not to create any noise as well as breathing normally because we need to pretend we're not here.
"Alam mo brad, hindi naman natin kailangang pumasok ng maaga gaya nito. Wala pang estudyante, oh."
We heard that voice. A familiar voice.
But relax, Aida. Hindi ganyan ang boses ni Haski, one of his friends I'm sure. And yes mga brad, mali talaga na pumasok kayo ng maaga, my opinion.
"Ano kaba brad, dagdag point— teka, cleaners kami kahapon, ah? Ba't may kalat dito sa upuan mo, Ruselle?"
"Sa'n? Patingin nga."
Then my hearbeat starts to beat so fast. Habang abalang nakatuon ang atensyon no'ng dalawa sa pagkuha ng "kalat" daw ay pasimple akong sumilip. Because my curiosity is killing me right now.
"Patay."
Narinig ni Pia ang katagang 'yon pati na rin ang agarang pagpikit ko ng mga mata ko.
"Whoah, naglalaman ng tula brad."
I nodded my head. And don't try to read it mga darlings, hindi 'yan para sa inyo.
"The owner of the pen is a damn so careless, hmmp!"
That whispers were followed by a mild snobbed. You're not helping, Pia. You're not.
"Para 'yan kay Haski sigurado."
Tumpak! You got it, Ruselle.
"Eh, ba't sa upuan mo nakalagay? Eh 'di ba dapat sa upuan ni Haski?"
Boy you ask too much. Give that paper to Ruselle and let Ruselle do his job. That's for Haski!
"Baka kasi ganito brad, na-realize ng makatang 'yon na wala talaga siyang mapapala sa Haski na 'yan kaya ikaw ang ginawang paksa sa panibagong tula. Ano sa tingin mo?"
Isa pa lalaki ka. Eh, kung sampalin kita gamit ang pala ngayon, ah?
"Ewan sa 'yo, kumain na nga muna tayo sa Canteen. 'Di na ako nakapagbreakfast dahil sa sobrang aga natin," Ruselle suggested.
"Tara, do'n na natin basahin 'tong tula. Mahaba-haba pa naman. Siguradong pinagpuyatan ito ng makatang 'yon," that boy commented.
Nandilim ang paningin ko lalo na no'ng umalis na sila nang dala dala ang tula ko.
"Hindi ko lang 'yon pinagpuyatan, sumisid pa ako sa pinakailalim na parte ng utak ko para lang makapag-isip ng mga katagang a-angkop sa nararamdaman ko," mungkahi ko nang lumabas kami sa pinagtataguan namin.
Para 'yon kay Haski, eh. Mga panira.
"Baka may gusto kang sabihin, Pia?" tanong ko dahil nag-iba na naman ang hulma ng mukha niya.
Agad itong napalitan ng pilyong tawa.
"Mas mabuti ngang sila ang makabasa ng tula mo at hindi si Haski," Pia said very plainly as if those words are easy to utter or as if those words are the words I want to hear.
"Tell me you said it with mistake."
"I said it with the right words," she insisted. I can't deny the fact that its weaken my whole body.
Lahat naman kasi ng tula na ginagawa ko pinagpupuyatan ko. I write poems wholeheartedly and passionately. Sino ba namang poet ang ayaw mabasa ang kanyang gawa ng kaniyang mismong paksa?
"Why are you like that Pia?" I asked and I know she's informed that I take her words very seriously this time.
She took a deep breath before answering me.
"Because we both know that if they read it, there's a huge chance you can receive a word "appreciate". Eh, si Haski? Kailan nga siya nagkaroon ng paki sa mga tula mo, Aida? You keep writing a poem about a guy who will never see your worth, your effort, your exis–"
And her long detailed speech continue. She's been throwing some shits about the guy behind my poetry. But who cares? He's still my favorite subject.
I prefer books than make-ups.
I prefer staying at my room reading all day than partying at bars.
I prefer writing more than talking a lot.
I prefer poetries than long sweet message.
Yes, my name is Aida, never be your ideal girl.
I started to write poems and stories when I was 9 years old because my grandma taught me about it.
What I really love in writing? You can kill someone without getting in jail and that's awesome for me. But aside from that, writing is a big help for me. I can able to express my thoughts and emotions using a pen and paper. I also write to escape the cruel reality where I can be the controller of the new world I made in my own book. I'll decide who will die, who will cry, pati na rin kung sino ang magkakaroon ng happy ending.
Pero isang happy ending lang naman ang gusto kong mangyari din sa reality. Ang happy ending namin ni Haski.
Writers are good in formulating words but not a single "hi" for their crushes. Isang taon ko na ring inaalayan ng tula si Haski at hanggang ngayon nagkukubli pa rin ako sa mga tulang 'yon. I hope one day, I'll remove the mask and I myself will the one who will give the poems to him.
"Ms. Viltares?" tinapos ng boses na 'yon ang mga iniisip ko kanina pa. Damn, binasa ba talaga ng dalawang 'yon ang tula ko?
"Sir?" tugon ko. He landed his sight in my armchair where my book is simply above on it.
I saw how he raised his left brow.
"What page you supposed to open your accounting book?"
It was a mad question. I handle to explore my sight inside this classroom and yes, they are all looking at me.
"Wow sir! Ang ganda no'ng sunlight, oh. Sana mayro'n akong kotse tas mabilis kong papaandarin pero dapat may sun kiss–"
"Quiet Ms. Katelyn"
It is a hint. My favorite hint. How lovely is it. One of my favorite part.
"Page 13, Sir."
My eyes caught Mr. Aragon's eyes landed to Pia's face but eyed me back after a seconds. Unsatisfied look but I'm sure my answer is right. It is on chapter 13, Edward stepping out into the direct sunlight, and Bella thinks that he is one of the most beautiful things she can ever seen. Bella caressing his skin and Edward tells her that it feels so wonderful. That chapter ends with Edward carrying Bella back to the Car at super speed, and then two if them kissed so long and passionate.
So it is on Page 13, hehe.
"Okay, go on. Everybody read that page and—"
I smiled in a sudden and I looked at Pia.
"Thank you."
No sound but I know she understand what I tried to conveyed. She just smiled back and nodded her head like "okay lang gaga".
Kahit masakit magsalita minsan si Pia alam ko namang hindi niya ako pababayaan. At alam kong concern lang naman siya sa akin kung ba't minsan pinagsasabihan niya ako ng masasakit.
"Alam mo Aida, ang sasarap ng pagkain dito sa Canteen noh?" parinig ni Pia at alam ko kung saan patutungo ang mga ganiyang panimula.
"Basta ako, yakult lang ang sadya ko dito."
I now ended her plan. We should be drinking yakult everyday!
"Ihh Aida!" I heard Pia screamed my name kaya natawa na lang ako. Nang mabili na namin ang mga pagkaing gusto namin ay tumambay muna kami sa Canteen at umupo sa upuan.
"If I am the creator of yakult, hahaluhan ko 'yan ng isang sangkap and I'll call it anti-haski. Ano iinomin mo pa?" Pia dared to asked and I already know what she's trying to say.
"Eh, ikaw? Gusto mong inomin? Since day 1, anti haski kana, eh."
At kinuha niya talaga ang yakult and in front of me, she drink the yakult in support of her what she called "anti-haski ingredient".
Yakult ko 'yon, eh.
Pero imbes na mainis ako ay natawa na lang ako sa inasta ng baliw na babaeng 'to. She's always like that, reminding me that I'm a desperate stupid teenage girl who keep chasing a boy with a damn hard stone heart.
"Look who's here."
Agad kong sinundan ng tingin kung saang direksyon natungo ang mga mata ni Pia.
Haski. The guy behind my poetries.
He always looks so cute in that black hoodie. A tall guy who always put his hands on his pockets with a fucking attractive pointed nose. This guy is also gifted because of his good looking eyes with a long eyelashes that will melts you in a second single look. A softy lips that everyone loves to–
"Huy Aida!"
Okay forget what I'm going to say.
"Ikaw ba nakikinig sa pinagsasabi ko kanina pa?"
I gave her an empty expression. Lalong pumukos ang titig ko sa direksyon kung nasa'n si Haski ngayon dahil sa babaeng lumapit sa kaniya. Kahit malayo kami ng kunti, batid kong kumawala ng katagang "hi" mula sa bibig ng babaeng katabi niya ngayon. Nandilim lalo ang paningin ko nang magtuloy tuloy na ang paggalaw ng bibig nila, hudyat na tumuloy tuloy ang usapan nila.
Kalma, Aida. Usap lang 'yon but damn, ba't may ngitiang nagaganap?
I heard Pia smirked pero hindi no'n nawasak ang tinging direkta ko sa babaeng nakikipaglandi sa paksa ko.
"Look at them, Aida. Eyed them. Especially that girl."
Sinunod ko naman ang sinabi ni Pia. Bitch, go and get your own subject, haski is mine! Laman na siya ng tula ko.
Look who's possessive here. And ambitious.
"Listen. Iyang babaeng 'yan, hindi gumawa ng tula pero look, she's free talking to your subject and oh, haski looks so enjoy talking to her, too."
Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano sila nag-uusap. They are smiling so wide while talking. Minsan ay pinapalo pa ng babaeng 'yon si Haski, 'di ko 'yan pinapalo girl, you're too much!
"Eh, ikaw? Inubos mo na ang tinta ng panulat mo pero ni isang pag-uusap wala kayo ni Haski. I'm so proud of my best friend. Ano, magkano suweldo mo sa katangahan? Mahal ba kaya 'di ka makaresign?"
Hindi ko alam pero napayuko na lang ako ng tingin. Ano naman bang e-expect ko dapat? Porke ginawan lang siya ng tula, kakausapin na niya ako? Hindi nga niya alam na ako 'yong palaging nagbibigay ng tula sa kaniya sa kaniyang upuan, at wala 'yong mintis, ah. Siguro nga hindi rin siya interesado sa mga tula na 'yon, wala rin kasi kaming nasagap na balita na nagbalak siyang alamin kung sino ang babae sa likod ng mga tula na 'yon. Ba't kasi ang hirap ipaintindi sa sarili ko na hindi na nga niya naa-appreciate 'yong tula, 'yong may gawa pa kaya?
Naglakas loob akong tingnan sila ulit ngunit paalis na rin sila ng Canteen.
But all in a sudden, I smiled half-witted.
"Saka na ako magseselos kung inalayan na siya ng tula ng babaeng 'yan."
Then Pia took a very long breath after she knows this tough lover will fight 'till end. Tula ang puhunan, lalaban ng buong puso.
I know nowadays, poems or stories are not really in the line of romantic gifts. Because some of us knew that flowers, chocolates, materialistic gifts, rings, long sweet messages, flex on social media are all products of romantic gifts or sweet offers by your lover. But imagine someone is having a deep thinking just to make a poem for you. From the title of the poem, the words chosen and how it is arranged.
And imagine how your lover describe you in her or his story. The way you talk, how you dressed, how cute you are, how you two argued, even the small experssion she or he can write. It is damn so romantic because he or she just thinking only you for making that pieces. That's more so sincere and sweet that everyone wants to experience.
Kaya magmahal ka ng manunulat, mga salita lang ang nilalaro nila, hindi ang puso.
"Ano'ng iniisip mo?" Pia asked habang naglalakad kami sa hallway dahil uwian na. And I walk my signature lame walk.
"Iniisip ko lang 'yong assignment sa accounting," tugon ko.
Pia took a deep breath and crossed her arms.
"Wala tayong assignment sa accounting babae ka, sa research lang."
Nagsisinungaling na nga palpak pa.
"Magpapa assignment din 'yon si Sir, inunahan ko na," I defended tas nginusuan na lang ako ni Pia.
"Ewan sa 'yo, Aida. Teka, naka sumbit ka na ng entry sa Star Wricon?" Pia asked kaya medyo nauntog ang ulo ko.
We stopped.
"Yes," tipid kong sagot.
"Sinong paksa?" mala-investigator niyang tanong.
"Ikaw hehe."
Then I received a deep hit from her. 'Yong balikat ko, aray.
"Lokohin mo na lahat 'wag lang ako Aida. Kakabasa ko lang ng entry mo kanina at si Haski pa rin ang paksa," Pia explained and I rolled my eyes.
"Oh, alam mo rin pala, eh, tas nagtanong ka p—"
Nakatanggap na naman ako ng palo mula sa babaeng 'to. Gaganti sana ako nang maalala kong may kailangan pa pala akong kuning module sa faculty dahil report namin bukas.
"Mauna kana Pia, may kukunin pa ako sa faculty. Babye."
"Teka!"
Nginusuan ko na lang siya at agad nang umalis dahil aware akong malapit na ang 5pm at tiyak kapag umabot na ng 5pm ay wala na akong aabutang teacher sa faculty.
Nang makarating ako sa faculty ay nakahinga ako ng maluwang nang makita ko si Ma'am, kinuha ko na ang module sa kaniya saka umalis na rin sa faculty room.
I glanced the module and I smiled in a sudden because the topic is interesting.
Pero para akong na human ice nang marinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko habang naglalakad ako sa hallway papuntang gate.
"Brad, feeling ko gud para sa 'yo 'to."
Ang lalaking kaninang umaga na kasama si Ruselle. Ang kumuha bigla ng tula ko.
"Haski, sa 'yo 'yan for sure. Sino bang may makatang admirer simula grade 11?"
You got it Ruselle. Kunti na lang ililibre ko na siya.
Hindi ko batid kung ba't walang tugon si Haski sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya. Say a word sweetie please.
"Ang bobo naman kasi ng makatang 'yon, hindi ba naman nilagyan ng to at from. Kaya ngayon ako ang namomoblema kung kanino ko ito ibibigay," that boy complained. Kanina kana Roger, ah? Sa lahat ng kaibigan ni Haski ikaw lang 'tong nangr-rant sa akin.
Oh, bakit sinabi ko bang kunin mo 'yan lalaki ka?
"Kay Haski nga 'yan Roger," Ruselle insisted.
"Paano kung hindi sa kaniya 'to Ruselle, ah? At realize nga talaga niya na wala siyang mapapala kay Haski kaya bumuo ng tula na hindi na si Haski ang paksa?"
Pigilan ninyo ako, may masusuntok ako dito sige.
Natigilan kami nang makarating na kami sa labas ng gate at aabang na ng sasakyan.
"Okay lang sa akin kung hindi na 'yan para sa akin, para wala na rin akong tulang babasahin pag-uwi ng bahay."
At si Haski ang sumagot sa tanong ni Roger. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makasakay siya ng sasakyan. He said those words so plainly.
Hindi ko alam kung bakit may pumapatak na luha sa mga mata ko ngayon.
|F I C T I O N|