Chapter 2

Hindi ko alam kung anong pinal na mararamdaman ko. Magiging masaya dahil sa nalaman ko na binabasa nga talaga ni Haski ang mga tula na gawa ko o magiging malungkot dahil okay na lang sa kaniya na hindi ko na siya alayan ng tula dahil sa tono ng pananalita niya ay parang malaking istorbo pa ito? 3am thoughts are really sucks.

Be my permanent subject, sweetie.

And I'll be your permanent writer.

           "Oh, himala dito tayo dumiretso sa classroom natin? Ano 'to Aida, bagong buhay?" Pia teased me early in this morning.

Hindi na ako sumagot at agad na inilagay ang bag sa upuan ko at naupo na, isinubsob ko ang mukha ko sa armchair na tila walang ganang mabuhay sa mundong 'to.

"Huy babae," pagkuha pa ng atensyon sa akin ni Pia pero hindi rin ako sumagot.

Iniisip ko pa rin kasi 'yong mga katagang sinabi ni Haski kahapon. Hindi ba siya aware na nasa tabi lang nila ang makatang tinutukoy nila? Sa bagay, wala nga talagang nakaka-appreciate sa makatang 'yon.

"Omg Aida! Si Haski!"

"Sa'n!?"

Then I saw Pia smirked. Wala talaga akong gana sa mga ganitong trip ng babaeng 'to.

"Oh 'di ba? Auto-lingon kung si Haski na ang pinag-uusapan. 'Kala ko pa naman bagong buhay na," mungkahi ni Pia.

"Huy Aida, report mo mamaya. Ano gaganyan ka sa harapan namin? Ano ba kasing nangyari?" Pia tried to know what was really happened.

'Wag na. Baka lalo niya akong pagtripan. Natigilan na lang siya nang dumadating na ang ilang kaklae namin. Nang HRG time na ay kinuha ng aming president ang atensyon namin.

"Guys, wala ngayong umaga si Mr. Aragon for Accounting class, bali magkakaroon tayo ng make-up class mamayang 4pm-5pm along with three sections–"

Nagkatinginan kami ni Pia.

"Another doom day for you makata," she whispered. Pinagsasabi nito?

No'ng grade 11 pa lang, basta may ganitong make-up class along with three sections, kinakabahan na ako. Minsan pa nga, nahihiya ako kahit wala namang dahilan o wala namang dapat ikahiya. Kinakalma ko na lang ang sarili ko knowing na wala ni isa except Pia ang may alam na ako ang mastermind sa mga tulang 'yon. Hanggang ngayon, kinakapitan pa rin ako ng suwerte.

"Di na ako a-attend," mungkahi ko.

"Waw. CPA kana at 'di ka na susulpot?" agad na puna ni Pia. Bumuntong hininga ako.

"Sa bahay na lang ako mag self study," sabi ko pa. Pinagdilatan niya ako ng mata.

"Hmmp! Uy Aida, sinasabi ko sa 'yo baka nakakalimutan mo, hulog na hulog ka sa Haski na 'yan pati grade mo sa accounting na fall din," Pia explained. Iba ring 'tong babaeng 'to kung manermon kala mo 'di rin na fall grade niya.

Pero nakakadismaya pa rin 'yong grade ko no'ng grade 11, hindi ko alam pero nagtataka rin ako kung bakit gano'n. Ang hirap ng accounting sobra. Kung akala lang ninyong minus, plus, at multiply lang, nagkakamali kayo. Punong puno ng comprehension at analyzation na 'yong tipong sasakit ang ulo mo dahil sa pag-intindi lang. I thought my comprehension was enough to take ABM as my strand pero 'di pa pala. I am good in writing, well sabi 'yon ng iba pero ba't sa Accounting, ang bad ko? HAHA.

I'll split the true reason behind this. Ever since, taking this strand was not really my choice. It's my parents choice. Sa pamilya namin, maraming accountant kaya hindi nakakapagtaka na gusto rin nila akong maging accountant. Ang balak pa ng tatay ko ay ipa-proceed ako sa pagiging lawyer. This is hard for me because first of all, I have no interest in Accounting especially numbers. My interests are writing news, articles, essays, novels, poems etc. Which is hindi ko na ipaglaban sa parents ko. Honestly, I want to be a journalist someday. Hindi ko nakikita ang future ko sa pagiging accountant. Siguro 'yon nga ang dahilan kaya kahit subukin kong intindihin ang lesson namin sa accounting, I always ended up giving up kasi nga at the first place hindi ko 'yon gusto. Hindi ba't madali tayong napapagod at sumusuko lalo na kung 'di naman natin gusto ang isang bagay?

"Oh, siguro naman nakinig ka sa pinagsasabi ko kanina pa," Pia said nang mapagtantong lumipad na naman ang isip ko sa ibang planeta. Kayo ba, narinig niyo?

"Ako pa," I lied.

"Kaya susulpot tayo, ah? 'Wag kang ano, hindi ka CPA," anunsyo niya kaya ano pa bang magagawa ko?

          Kasalukuyan kong hinihintay si Pia na nag CR lang daw pero ang tagal tagal. Iniwan ba naman ako dito sa Canteen habang hawak hawak ang mga pagkaing binili niya. Inilibot ko ang aking mga mata, parami na nang parami ang mga estudyante na nagpupuntahan sa Canteen baka 'pag lingon ko na lang si Haski na pala ang nasa liko–ay kabayo!

"Ay sorry binibini."

I handle to smile like nothing happened. Binibini mo mukha mo, ano nga sabi mo kahapon? Bobo ako? Palamunin kita diyan ng labanos, eh.

"Aida 'di ba?"

Nagulat ako nang magtanong siya. Aba, kilala pala ako ng kumag na 'to?

"Aida Viltares."

Tumango ako bilang sagot. Kilala nga niya ako. Bakit kaya? At himalang 'di niya kasama mga kaibigan niya. Siguro nga nagsawa na rin sila sa ugali ng lalaking 'to.

"Kilala mo pala ako?"

Tangina self. Nagtanong ka pa.

He smiled so wide, 'yong tipong kitang kita 'yong ngipin niyang may braces. 'Pag ako nakaganyan, ngingiti ako ket tulog, kala mo, ah.

"Oo naman. Lagi ka nga niyang kinukuwento, eh."

What?

"Sino?"

"Kaibigan ko," sagot niya kaya naghugis puso ang mga mata ko.

"Si Haski?"

"Huh?"

Careless hmmmp!

"Uy Roger!"

"Pia!"

Anak ng tinapa. Si Pia pala?

"Aida si Roger pala, pinsan ko," pagpapakilala ni Pia. Naiinis na ako sa babaeng 'to, ano 'to first day of class? Bakit may ganito? I move closer to her.

"Pinsan? Ba't ngayon mo lang sinabi?" bulong kong tanong.

"Nagtanong ka ba?"

Magtutuos tayo mamaya, Pia.

"Aida looks so shocked. 'Di ba halata? Masyado bang malayo? Sobrang guwapo ko kasi kaya wala masyadong nakakaabot ng standard ng mukha ko," Roger explained. Ang hangin sobra.

"Mukha mo Roger. Hindi ko nga rin alam na magpinsan tayo kung 'di pa tayo umattend ng reunion no'ng bakasyon."

That explanation enlighten me. Sa dinami daming estudyante, ba't ito pang kumag na 'to ang naging pinsan ni Pia? Bigla kong naalala ang sinabi ni Roger sa akin kanina lang.

"Kinukuwento mo pala ako sa kaniya Pia?" tanong ko at diniinan ang bawat salita na pinakawalan ko. Alam na ni Pia kung ano ang ibig kong sabihin sa tanong kong 'yon.

Pia smiled with delight.  "Oo naman Aida. Palagi ka naming paksa," sagot pa niya.

"At 'wag ka mag-alala, safe ka naming pinag-uusapan," dagdag pa niya sabay kindat kaya nakahinga ako ng maluwang. Pinapakaba ako ng babaeng 'to.

"Ito naman, bakit 'wag mong sabihing may malagim na lihim 'yang kaibigan mo?" Roger asked na sinundan niya ng mahinang tawa.

"HAHA kung alam mo la– uy wala ah. Inosente 'yang si Aida sinasabi ko sa 'yo," tugon ni Pia at nagtawanan 'yong dalawang magpinsang baliw.

Ngumuso na lang ako at galit na ibinigay kay Pia ang mga pagkain niya. Hindi pa nakuntento 'tong Roger at nakitambay na rin sa paborito naming tambayan dito ni Pia sa Canteen.

"Mahilig ka pala sa Yakult?" tanong ni Roger. Ngumiti ako 'saka tumango.

"Mahilig talaga siya niyan Roger. Yakult eveyday 'yan," mungkahi ni Pia.

"Parehas kayo ng kaibigan ko, mahilig din siya sa yakult," aniya Roger kaya naghugis puso na naman ang mga mata ko.

"Si Haski?"

Then they eyed me because of that careless questioned I asked.

"Gaga ka, si Haski lang ba kaibigan niya? Naku Aida, mabubuking ka niyan sige ka," gigil na bulong ni Pia. Excited lang naman ako malaman kung sino. Masama ba 'yon?

"Parang kanina ka pa Haski nang Haski, ah? May gusto ka ba sa kaibigan ko, Aida?" Roger asked kaya napalunok ako nang wala sa oras.

Ito na 'yong isa sa consequences ng pagiging careless mo, Aida. Face it.

Nagpakawala ako ng malakas na pagtawa para ang dating maniwala 'tong kumag na 'to.

"Ako? Magkakagusto do'n? Nagbibiro ka ba?" panimula ko at ando'n pa 'yong tawa effect, ah.

"Pero 'wag ako Roger. Hindi ako mahilig sa payat na matangkad na papunta na sa malnourished, haha nakita ba ninyo braso no'n? Aakalain mong stick na dahil sa payat, tas kala ba niya ang cool niyang tingnan kapag naka-eyeglass? Mukha siyang matalinong nasiraan ng utak galing sa mental hospita–"

"Aida, tama na, and–"

"Teka lang Pia, ang hilig pa ng kaibigan mong ilagay ang kamay niya sa bulsa niya, ano namang pakulo 'yon? Binibilang ba niya 'yong pera niya habang 'yong kamay niya nasa bulsa niya? Kaya sinasabi ko sa 'yo, Roger. Never akong magkakagusto sa kaibigan mong 'yan," anunsyo ko at taas noo ko 'yong sinabi.

Ano, okay na ba arte ko?

"I do it sometimes."

Bang! Para akong dinaganan ng lupa't langit sa mga mukhang biglang lumitaw sa harapan ko. Myghad. Ano nga ulit sinabi mo kanina, Aida?

Nakita kong na speechless ang dalawa kong kasama pati na rin ang dalawang kasama ni Haski. Patay. Anong ginawa ko?

"Ang bilangin ang pera sa bulsa ko without me looking at it," he added. Sa sobrang hiya parang gusto kong maglaho ngayon din. Nanlambot ang mga tuhod ko.

The hell is this. This is our first interaction, ba't ganito ang kinalabasan? Naging mabait naman ako nitong mga nakaraang buwan, ah? Bakit ganito?

"HAHAHAHHAHAHAHAHA"

At winasak ng mga tawanan ang awkward na ambiance dito. Gusto kong ilibing ang sarili ko ngayon dahil sa hiya. Shit, that's Haski you know. The guy behind my poetry. So ang ending nito, ang sama sama ko na para sa kaniya.

"Upo kayo mga brad," alok ni Roger sa tatlo niyang kasama habang si Haski, 'di ko alam kung assumera lang talaga ako o talagang hindi maalis ang tingin niya sa akin. Myghad, this is a doom day for me.

"Ang init no'n, ah. Itong si Aida talaga, ay mga brad, siya pala 'yong tinutukoy kong second cousin ko sa section IV, si Pia Katelyn, kaibigan niya si Aida," pagpapakilala ni Roger kaya medyo naglight na 'yong atmospera dito.

Hu! Kung mamalasin ka namang ngayong araw, oh.

"Ruselle Guevera, nice to meet the two of you," Ruselle gratefully said. Buti pa 'to wala masyadong say.

"Khlayford Rodriquez," pagpapakilala no'ng isa saka ngumiti sa amin ni Pia. Ngumiti rin kami bilang sagot sa dalawa.

At ngayon, tumama ang tinginan namin ni Haski kaya agad akong umiwas ng tingin. Ang araw na ito ay habangbuhay na magiging masalimuot na alaala.

Haski, sweetie. It's a big lie. Arte lang 'yon, wala namang totoo sa sinabi ko kanina, eh. Please don't be mad to me.

"Haski Rastimonte, nice to meet you Pia Katelyn, I heard a lot about you," pagpapakilala niya.

Oh 'di ba? Halatang galit na 'tong sweetie ko. Biro lang naman 'yon, eh. Pikon agad.

Nag-antay pa kami ng ilang segundo pero mukhang wala ng balak magpakilala sa akin si Haski dahil sa mga masasamang sinabi ko kanina. Boom. It's game over.

"And nice to meet you, Aida. You look great."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil do'n o lalong dapat na magtago dahil sa sinabi niya. "You look great." Nyeta! Ayan bash bash pa ng pisikal na anyo ng iba kala mo naman kung kagandahan.

Ngumiti ako sa kaniya ng puno ng kaba.

"Pasensya na Haski, joker kasi 'tong si Aida kung 'di mo lang alam," Pia defended me. Feeling ko kasi nililitis ako ng mga maskuladong investigator ngayon, eh.

"Pero nagulat ako sa jokes mo Aida, ah. Pasalamat ka mabait 'tong kaibigan namin kasi kung ako 'yon, 'di kita papansinin forever," Roger said his side.

Paki ko sa 'yong kumag ka. Kung 'di ka lang nagtanong akala mo ba magsasalita ako ng gano'n?

"Ang childish mo pa rin Roger," sabi ni Khlayford kaya natawa kami.

"Wala kayong accounting kanina?" tanong ni Ruselle.

"Oo wala. Pero may make-up class naman mamaya," si Pia ang sumagot.

"Ano ba 'yan, ang saya ko na ngang walang accounting kanina pero may make-up class din pala, iba rin 'tong si Sir Dragon, eh. 'Di nauubusan ng apoy," Roger explained as he rolled his eyes. Halatang ayaw sa accounting, eh.

"Subukan mong banggitin 'yang sir dragon na 'yan sa harapan ni Mr. Aragon, makakatanggap ka ng tumataginting na 75," opinyon ni Ruselle.

Pasado na 'yon, uy. Haha.

Don't be happy, Aida. Remember what words you said a while ago?

"Sana naman tumaas taas na rin grades natin this sem. sa accounting noh? Nakakawalang gana na kasi 'yong kaisa-isang line of 7 ko sa card," dagdag pa ni Roger.

"Buti nga sa 'yo, isa lang. Kami nga ni Aida, madami dami na."

-_- 'wag mo 'kong dinadamay Pia, ah? Labas ako diyan.

"Syempre joke lang. Sa accounting lang talaga kami nadadali," pagbawi ni Pia agad at tumango tango 'yong tatlo bilang pagsang-ayon.

"Madali lang naman ang accounting."

Then tutor me, sweetie.

"Oo, madali para sa 'yo Haski. Wala naman kaming utak na gaya mo. Ano bang sekreto mo brad?" tanong ni Roger saka kinagat ang siopao niya. Itinuon namin ang buong atensyon kay Haski.

"We have the book, Mr. Aragon's teachings as well as the unlimited information we can gain in the internet," Haski answered. Na nosebleed ako do'n ng kunti, ah.

"Yon na yon?" tanong ni Khlayford kaya kumawala ng half smile si Haski. Ang guwapo talaga.

"Hindi rin pa 'yon sapat, of course you need to have the hardwork. Reading accounting book is really tiring and you'll ended up having a drained brain after analyzing a lot of transactions but if you have the dedication on it, nothing is possible. You'll also need to add extra effort in both reading with right comprehension and analyzation and a more time on it," Haski explained.

Give him a round of applause, please. My sweetie is getting so smarter and smarter. Nag-aaral talaga ng maayos ang future ko. Samantalang ako, hindi alam kung may kinabukasan pa.

"Grabe, iba ka talaga brad, our soon to be Haski Hilland Rastimonte, CPA. Don't forget your pa kain, ah?" mungkahi ni Roger.

Huy! Magpaalam ka rin sa misis, duh.

Haski smiled very serenely. Kung ganito lang naman ang future ko, aba hindi masasayang ang mga tula ko.

"Kaya ikaw Aida, don't try to mess up again with this smart guy, naku baka hamonin ka niyan magbalance, taob ka lang," tukso sa akin ni Roger at sinundan nila ng tawanan 'yon.

"Kung maka ano ka naman sa kaibigan ko, huy Roger maaaring taob 'tong kaibigan ko sa accounting.."

Nice back-up Pia. Sinakyan mo rin talaga 'yong taob, eh.

"Pero sa writing, she can slay. Duh."

Patay.

Tumama ang tinginan namin ni Haski at sa oras na 'yon hindi ko iniwas ang tingin sa kaniya. We eyed so deeply na parang nalulunod na kami sa tinginan namin.

Nanlaki ang mga mata ni Roger saka napa aha dahilan kaya naputol ang tinginan namin ni Haski. Kahit kailan, panira 'tong kumag na 'to.

"Speaking of writing, may kilala ba kayong mahilig magsulat ng tula? Makata, gano'n?" Roger asked at sumang-ayon 'yong dalawa sa pamamagitan ng pagtango.

Pasimpleng nagkatinginan kami ni Pia.

"Makata? Mahilig magsulat ng tula?" tanong ni Pia.

"Oo, syempre except kay Aida, matagal na kasing may nagbibigay ng tula dito kay Haski, baka naman may kilala kayo para na rin malaman namin kung sino talaga ang babae sa likod ng mga tulang 'yon," Roger asked. Aba, except sa akin? Eh, paano ba 'yan lalaki ka, ako ang babae sa likod ng mga tula na 'yon. Ang kapal mag except Aida, ah.

"Teka, ba't may except Aida brad?" Ruselle asked in curiosity.

"Brad, alangan namang siya 'yong makata na 'yon, narinig mo naman siguro 'yong mga sinabi niya kanina 'di ba? Kulang na lang magpatayo siya ng anti-haski group," Roger explained at nakita kong nagpipigil lang ng tawa si Pia.

Hindi ko alam kung anong nagawa ko at nakilala ko 'tong Roger na 'to.

"I agree."

Aray, 'yong puso ko. Sweetie naman? Anong agree agree ka diyan? Joke lang naman 'yon, eh. Naniwala agad.

"Ba't mas parang ikaw pa ang gigil na makilala ang makata na 'yon Roger. Ikaw ba ang ginawan ng tula?" tanong ko. Gigil na ako sa kumag na 'to, eh.

"Oo nga brad, dapat si Haski ang numerong unang naghahanap sa makatang 'yan," panig sa akin ni Khlayford. Yan, tama 'yan.

"No need," Haski said. Kaya sa kaniya na naman kami nakatingin ngayon.

"I already know the girl behind those poetries."

Ano raw?

|F I C T I O N|