Hay, ang sarap ng tulog ko!
Nakangiti akong nag-unat ng mga kamay ngunit agad ding napawi nang makaramdam ako ng pananakit ng likod at ng aking batok.
"Halaaa, gising na siya!"
Kumunot ang noo ko at dahan-dahang nagmulat saka bumungad sakin ang bubong, dingding at i-isang bata.
"WAAAAAAAAAAAAAHHHHHH/WAAAAAAAAAAAHHHH!"sabay kaming napasigaw sa mukha ng isa't isa.
Agad akong napabalikwas ng upo nang maalala ang mga nangyari.
Ito ba? Ito ba ang basement ng mga rapist-kidnappers na iyon? A-at itong bata na'to ay isang bunga ng mga ginawa nila.
Nanlalaki ang mata kong iginala ang paningin sakabuuhan ng aking katawan. Iba na ang suot ko kumpara kagabi--p-pero hindi naman masakit sa ibaba ko kaya ibig sabihin walang nangyari pero siguradong pinagpyistahan na nila ang katawan ko kagabi!
Mabilis kong hinila ang kumot at ipinantakip sa katawan ko at sinandal ang likod sa matigas na dingding.
"S-sino ka? Nasaan ako? Kaninong anak ka?" sunod-sunod kong tanong.
"Bunso"
Kusang napaangat ang tingin ko sa pintuan. Siguradong isa iyong sa mga lalaking lumapastanganan sa aking pagkababae. Humanda ka at dudurugin ko ang mga buto mo!
Marahan kong hinawakan sa magkabilang balikat ng bata at tinignan sya mata sa mata.
"Takpan mo ang mga mata mo dahil mamaya hindi magandang masaksihan ng isang bata ang mga ganoong pangyayari. Makinig ka kay ate okay? Tatakas tayo dito at mabubuhay ka ng malinis at mapayapa. Maliwanag?"
"O-opo "
Tumanggo ako at pumwesto na sa likod ng hagdan at ni ready na ang mga kamay ko upang sumuntok at ang mga paa ko upang lumipad.Napangiti naman ako ng tinakpan na nung bata ang mga mata nya.
Wag kang mag alala, sisiguraduhing ko lilipad sya katulad ni Captain Barbel!
"BUNSO! ANONG NANGYA---
"YAAAAAAA! "
Bago pa man sya matapos sa pagsasalita ay tumama na ang paa ko sa kanyang mukha dahilan kaya natumba siya.
Hindi na ako naghintay ng ibang pagkakataon at sinakyan na siya sa tiyan. Ilang beses na lumipad ang aking mga kamay sa kanyang pisngi, maging ang kanyang buhok ay hindi ko pinalamapas.
"Ikaw, anong ginawa mo sakin ha! Nakakadiri ka!"
"Aray! Aray! Aray! Ano ba! Tumigil ka nga miss!" aniya at pilit na sinasangga ang kanyang mga braso mula sa mga sampal ko.
"Anong tigil ha! Makakalbo ka muna bago ako titigil! isa kang rapist na kidnapper!" sigaw ko at mas lalong hindi sya tinigilan.
Ang lakas ng loob nyang mag-maang-maangan!
"Psshh, wag ka ngang umasa na pag-iinteresan kita! Babae ang naghahabol sa mukha 'to!" pagmamayabang niya ng mahuli ang mga kamay ko at mahigpit itong hinawakan.
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha sa mukha nya at nanliliit ang mga matang tinitigan siya.
"Gwapo ka ba?"
"Bakit, maganda ka ba?"
"Oo at marami nang nakapagsabi sakin noon!"
"Pwes, sakin hindi." singhal nya at biglaan akong itinulak ng pagilid.
Mas lalo umakyat ang level ng inis ko dahil sa ginawa nya.
Ang walang modo!
"Ano bang ginagawa mo dun sa eskenitang yun mag isa? Wanted ka siguro sa inyo noh kaya tumakas ka."
Naglapat ang mga labi ko sa inis at mas lalong sinamaan ang tingin sa kanya.
"Ha! Wanted? Anong akala mo sakin ,magnanakaw ,holdaper etc. Over my alive , precious and sexy bo--"
Bago pa man ako matapos mag salita ay tinulak na nya ang kulay pink kong maleta. Aba!
"Oh ayan, wala kaming kinuha ni alikabok dyan sa maleta mo. Makakalis ka na!"
"I hate you." I said at hinila ang maleta ko.
"Wow ha, Ikaw na nga itong tinulungan ikaw pa tong galit at ikaw pa tong nanakit! Umuwi ka na nga sa inyo, alis na! " umiiling-iling nyang tugon at hinila ang maleta ko nasa gilid lang para mauna nang makarating sa pintuan.
"Edi aalis!"
"Bilis na!"
Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at nagmartsa palabas ng main door.
Hahakbang na sana ako para tuluyang umalis pero pumangibabaw ang boses ng isang mayabang na lalaki.
"Jacket mo, naiwan mo!" at saktong pagharap ko ay tumama mismo sa mukha ko ang leather jacket ko pagkatapos nun ay pinagsarhan ako ng pinto.
"SALAMAT HA! THANK YOU!"sarkastiko kong sigaw at inis na umupo sa pintuan nila saka nangalumbaba.
Padabog akong umupo. Nakakainis ang lalaking iyon. Napakaantipatiko!
Saan naman kaya ako pupunta?
~~~
Irita kong pinagpapalo ang aking mga tuhod dahil sa kati. Hindi ko alam ang lugar na'to pero imbis na bumalik sa Maynila ay napagdesissyunan ko nag dumito muna.
Agad na umaliwalas ang aking mukha ng hindi pa man ako nakakalayo ay may nakita na akong nakapaskil na
"Kubo for Rent"
Saktong may Ate na nasa tantsa ko ay nasa edad 30 na lumabas mula sa pintuan nito.
"Magandang hapon po?"
"Ano 'yon?" lumapit ito at bahagyang kumunot ang noo.
"Rerentahan ko po ang kubong ito." turo ko rito. Maliit lang ito ngunit sa tingin ko'y magiging komportable na ako.
"Teka... Tama! Ikaw iyong magandang nobya ni Amper!" aniya at napapalakpak pa.
Amper? Iyon sigurong masungit na lalaking 'yon?
"Naku ho,' di ko po sya boyfriend. Wala po akong boyfriend." pilit na ngiti kong sagot. Napangiwi ako.
Yung aroganteng iyon? Umulan man ng snow sa Pilipinas, hinding-hindi parin ako mahuhulog sa lalaking 'yon!
"Ganun ba, ang akala ko ay nobya ka nya. Ako nga pala si Lily, ako ang nag asikaso sayo kagabi."
Inabot ko ang kamay nito saka ngumiti.
"Sandra po. Maraming salamat po pala, pasyensya na po sa abala. "
"Naku, walang anuman. Pasok ka, saktong-sakto ay kaaalis lamang nang huling umupa noong isang linggo."
Inilibot ko ang paningin sa kabuuhan ng kubo. Sa gilid ay isang papag na gawa sa kahoy na syang tutulugan ko na may di kalakihang bintana, sa harapan naman ng kubo ay ang kusina at lababong gawa sa kawayan. At may mesa ring gawa sa kawayan na may dalawang upuan.
"Buti na lamang ay nandoon sya sa lugar na iyon Sandra."
Doon ko lamang napagtanto na ang layo nga pala ng etsura ni Amper doon sa mga lalaking iyon.
Buti nalang talaga kundi baka laman na ako ng dyaryo kinabukasan.
'Isang dalaga, patay sa pagkakagahasa na isinilid sa sako at itinapon sa ilog.'
Tumanggo-tanggo pa akong tila nahihiya. Nakakahiya iyong ginawa ko ,ni hindi ko manlang magawang magpa salamat.Pero teka anong lugar nga ba ito? Nasa Luzon pa ba ako? "A-ate Lily, nasaang lugar po ba ako?"
Mas lalo itong natawa."Nasa San Francisco, Bulacan ka Sandra."
San Francisco?
Bago sa aking padinig ang lugar na ito kung sabagay, hindi pa rin naman a ko nakakarating dito sa Bulacan.
Napabuntong hininga ako.
"Ang San Francisco ay kilalang probinsya sa Bulacan dahil sakop nito ang pinaka mayamang hacienda na pag-mamay-ari ng mga Dela Fuerte na pagmamay-ari ng dating kilalang Gobernador ng aming lalawigan."
Tumanggo nalang ako dahil hindi ko mabigyan ng interes ang San Francisco. Buti nalang at hindi na nagtanong pa si Ate Lily kung bakit at paanong na doon ako sa eskinitang iyon na may dalang maleta. Hinayaan nya akong magpahinga. Sinabi ko rin sa kanya na hindi ako mag tatagal rito at babalik na rin ako agad sa Laguna.
~~~
"GOOD---"
Di ko pa natatapos ang masiglang bungad ko ay may tumalsik na ang tubig sa mukha ko. Naglapat ang mga labi ko, sinisigurong walang makakatakas na tubig patungo sa loob ng bunganga ko.
Kadiriiiiiiiii!
Sinamaan ko sya ng tingin at hinablot ang panyong nakasampay sa braso nya saka pinampunas sa mukha kong binugahan nya ng tubig!
"IKAW NA NAMAN!" nag tiim ang kanyang bagang at sinamaan rin ako ng tingin.
Aba ang balasubas na ito, ang akala mo naman ay walang 50.9 na germs ang binuga sa akin!
Napabuga ako ng hangin at pilit na kinalma ang sarili. "May hihingi akong pabor sa iyo."
Isang malakas na kalapag ng pagsarado ng pinto ang naring ko.
"HINDI AKO INTERESADO SAYO!"
sigaw nya. Akala nya siguro ay titigilan ko siya!
*knock *knock
*knock *knock
"HOY!" sigaw ko at sunod-sunod na kumatok pero wala man lang ako narinig na tugon.
"BUKSAN MO NGA ITONG PINTO!"
"Aba't hindi ka pa rin uma--"
"Tulungan mo akong maka move-on" Walang pag-aanlingan kong sinabi, pinagcross ko ang mga braso at tinignan siya ng diretso.
"A-YO-KO!"
"ANO BA, PATAPUSIN MO NGA AKO!
DI NAMAN IBIGSABIHIN NUN JOJOWAIN NA KITA NOH!"
Inis kong sigaw matapos pagsarhan na naman nya ako ng pinto. Kunti nalang, masisira na ang doorlock ng pinto nila.
Iniisip nya siguro ay katulad ito sa mga novels na nababasa nya na magpapanggap syang Boyfriend ko tapos marerealize namin na mahal pala namin ang isa't isa and we live happily without ever after.
"Tsk, anong trip mo?"
"I'm serious. I really need your help. Gusto ko lang na--Gusto ko lang makalimot Amper." yumuko ako't napapikit.
"Miss, ang problema, hindi kinakalimutan yan, sinusulusyunan! Kasi kahit anong gawing mong pag limot, babalik at babalik. Kesa magmukmok ka dito, bakit di ka nalang bumalik sa inyo at ayusin mo yang sarili mo."
Kumunot ang aking noo habang pinipigilan ang mga nagbabadyang luha na tumulo.
Mapait akong ngumiti at binigay ang kanyang panyo.
"Madali lang sabihin sayo kasi hindi mo naman alam ang mga pinagdaanan ko."
~~~
"Isa pa ngang bote kuya!"
Rinig na rinig ko ang paos kung boses at ramdam ko na ang pagkahilo pero patuloy parin ako sa pag-inom.
Habang naglalakad ako kanina habang sinusumpa ang pangalan ni Amper ay napadpad ako sa isang bahay-inuman. Kukunti lang ang tao pero maingay.
Gabi na at tanging ilaw na mula sa mga abombilya at dancing lights lang ang nagbibigay liwanag.
"Hindi rin alak ang solusyon sa problema."
Kusang nanliit ang mga mata ko sa lalaking walang permisong hinablot ang aking braso.
"Pwede ba? Kung gusto mo ring magpakalasing, humanap ka ng ibang pwesto at humingi ng sarili mong baso."
"Diba sabi ko sayo umuwi ka na?"
"Wala akong sinabi na susundin kita. " irita kong sagot saka nilagok ang mismong bote.
"Iuwi mo na yan, bro. Lakas uminom eh." rinig kong bulong ng lalaki na nagdadala ng alak sa mesa ko. Tsk! Ibigsabihin ay magkakilala sila.
"Salamat bro, ako ng bahala sa kanya." aniya pagkatapos ay binalingan ako ng tingin.
"Tama na yan. Iuuwi na kita." agad kong hinila pabalik ang aking pulso ng hilain niya ito.
"Bakit mo ba ako pinapauwi? Tatay ba kita?"
"Lasing ka na."
"Hindi ako lasing at huwag mo akong iistorbohin! May sarili akong paa kaya kaya kong umuwi mag-isa!"
"Hindi mo kaya."mabilis niyang hinablot ang bote at pagkatapos ay biglaan akong binuhat.
Agad akong nagpumiglas at pinagpapapalo siya sa likod ngunit balewala lamang sa kanya.
"Nakakainis ka!"
"Bitawan mo 'ko!"
"Susukaan talaga kita!"
Patuloy ang pagwala ko pero wala akong natanggap na sagot. Nagtagumpay siyang ipasok ako sa kanyang pick up saka nilock ang pinto. Naglapat ang mga labi ko sa inis saka pinagcross ang mga braso.
Nahihilo man ay nagawa ko paring aninagin ang kanyang mukha na nakatuon lamang sa daan at seryosong nagmamaneho.
"Ibaba mo ako kundi tatalon ako."
"Matulog ka na. Gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo."
"HUWAHHH! HUWAHHH!" pilit akong umiyak. Hindi ko alam kung dala lang ba 'to ng alak o gusto ko lang makuha ang atensyon niya.
"SOBRANG SAMA MO! BAKIT MO BA AKO PINAPAKAILAMAN HA!"
"HUWAHHHH! AYOKO NG AMOY NG ALAK AT AYOKO NG ALAK PERO GUSTO KO LANG NAMAN MAGLASING! HUWAHHHH"
"Ang ingay mo! Pati langgam maiirita sa boses mo."
"Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakababa. HUWAAHHHH! *halos mauntog ako ng bigla niyang itinigil ang sasakyan at dagliang bumaba pagkatapos ay pinagbukas ako ng pinto.
"BABA."
Wala sa wisyo akong sumunod at hindi ko inaasahan ng bigla niya akong hinila papunta sa harapan ng pick up. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin ng inilahad niya ang kamay sa harapan namin.
"Kahit anong sigaw mo, walang makakarinig syao maliban sakin."