"Kahit anong sigaw mo, walang makakarinig sayo maliban sakin."
Wala sa wisyo akong naglakad at inilibot ang tingin sa paligid. Pakiramdam ko ay nasa mataas na burol kami. Nakikita ko ang liwanag na nagmumula sa mga kabahayan. Tumingala ako at sinalubong ang liwanag ang mga bituin. Masyadong tahimik at ang hangin ay patuloy na nililipad ang aking buhok.
"Hindi mo kailangang umiyak ng patago. Kapag nasasaktan ka, galit sa mundo o kahit ano, isigaw mo.At maniwala ka sakin, mas nakakagaan sa pakiramdam kesa itago."
Nakangiti ko siyang nilingon habang pinapahid ang mga luhang nagdagsaan sa aking pisngi at tumanggo.
Pinikit ko ang mga mata at humugot ng malalim na hininga.
"JEYM DELO SANTOS! OO, INIYAKAN KITA PERO KAYA KO NG WALA KA!"
"ALAM MO BA KUNG BAKIT?"
"KASI HINDI KA OXYGEN NA KAILANGAN KO PARA MABUHAY HABANG BUHAY !"
"AT IKAW PA! WALA KAYONG PINAGKAIBA!"
"PAGKATAPOS NGAYON BABALIK KA? AKALA MO BA GANOON LANG KADALI KALIMUTAN LAHAT NG 'YON?"
"NAGMAKAAWA SI MAMA NA KAMI ANG PILIIN MO PERO MAS MAHALAGA PARIN SAYO ANG SARILI MO!NAKAPASELFISH MO!"
Dahan-dahan bumigat ang mga tuhod ko kaya umupo ako at niyakap ito.
"Ano bang nangyari?" Nilingon ko siya at pilit na ngumiti.
"My ex-boyfriend cheated on me that's why i broke up with him then i lost my job. Ang akala ko noon kapag bumalik yung ex niya, ako parin pero hindi eh kasi mas matimbang pa rin pala yung dati."pinahid ko ang mga luha sa kaing pisngi upang maklaro ang kanyang mukha.
"Tell me? Deserve ko ba talagang iwan? Deserve ko bang ipagpalit? Nakakapagod ba akong mahalin?"
"Hindi. May iba't ibang klase kasi ng pagmamahal, may pagmamahal na sabay-sabay kaya nakakalito, may biglang mawawala at kusang bumabalik. Wala kasing remote control ang puso. Kaya hindi natin madidiktahan kung kailan ito titigil at kung sino ang mamahalin. Pero naniniwala ako na, a real love never gets tired."
"Alam mo, mas mahirap palang maging option, kasi kasali ka nga sa choices pero hindi ka parin naman pipiliin. Aasa lang pala sa wala."
Mapait kong sabi saka muling binalik ang tingin sa aking harapan.
"Pagkatapos si papa biglang bumalik na parang wala lang 'yong sampung taon na iniwan niya kami. He was the first guy who broke my heart and who made me believed that promises are meant to be broken but still i became a fool again. Ganoon ba talaga ang nagagawa ng love? Paulit-ulit kang gagawing tanga?!"
"Bakit hindi mo siya bigyan ng pangalawang pagkakataon? Lahat naman ng tao kaya at kusang nagbabago. Paano kung gusto niyang buuhin ulit kayo?"
Hinarap ko siya. Umiling ako at ngumiti ng mapait.
"Not all people deserve a second chance Amper because sometimes,a second chance is just another way to break your heart again."
~~~
TOOT
TOOT
TOOT
Hindi ko pinansin ang patuloy na alarm ng aking relo. Wala akong ganang tumayo, nakaubob lamang ang aking mukha sa matigas na unan. Mukhang nasobrahan aga ako sa alak kagabi.
Ganun pala ang alak, bibigyan ka ng pansamantalang kaligayahan pero paggising mo, sakit naman ng katawan ang aabutin mo.
"HOY! Tumayo ka dyan! May lakad tayo!"
Agad akong napabalikwas ng upo nang marinig ang pamilyar na boses.
"Amper?"
Hindi ko alam kong saang lupalop na kami ng San Francisco, ang alam ko lang ay basta na lamang akong tinapunan sa mukha ng masusuot ni Amprer.
"Teka nga lang, nasaan na ba tayo?"
"Ito ang Cornu Fuerto, isa itong maisan na pagmamay-ari ng mga Dela Fuerte. Tuwing sabado at linggo, pumupunta ako dito para tumulong sa mga magsasaka ng maisan." mabilis ang mga lakad nya na halos hindi ko masabayan.
Pinagmasdan ko ang suot kong bota at checkered long-sleeves na may panloob na sando at maong na pants. Naglapat ang mga labi ko sa irita at piannliitan siya ng tingin saka patakbong nag lakad habang nakahawak sa sumbrerong suot ko para harangan siya.
"A-anong gagawin ko dito?"
"Tutulong tayo sa pag-aani. " aniya at nilagpasan lang ako.
"Aba, ang sabi ko, tulungan mo ako sa pagmomove - on, hindi ang hanapan ng trabaho!"
Totoong napakalawak ng maisan at sa di kalayuan ay may nakikita akong mga magsasaka na abala sa pagbubuhat ng mga sako-sakong mais na nilalagay doon sa malaking truck.
"Ito ang madaling paraan ng pag-mo move-on."aniya saka lumapit doon sa lalaking kanina pa nakangiti at nakatanaw sa amin.
"AMPER!" rinig ko tawag ng isang lalaki habang winawagayway pa ang sumbrero.
"Mang Jeffrey, kumusta kayo?"
"Maayos naman, ang ganda nga ng ani natin ngayong taon. Paniguradong maganda din ang presyo nito dahil maganda ang kalidad ng ating mais. Oh, sino naman itong magandang kasama mo"
Hindi ko mabilang kong ilang beses inulit ni Mang Jeffrey ang salitang maganda pero ang alam ko'y isa ako roon.
Medyo may edad narin si Mang Jeffrey ngunit klarong-klaro parin ang kanyang paningin.
Binaba ko ang aking sumbrero at ngumiti.
"Si Sandra nga po pala. Tutulong po sya sa atin."
"Sandra,mag nobya at nobyo na ba kayo ni Amper?" abala ako sa pagpipitas ng mga mais nang mag tanong si Katherine. Rinig na rinig ko pa ang mahinang hagikhik ni Kathy sa gilid.
Sinilip ko ang seryosong mukha ni Amper na tumutulong sa pagbuhat ng mga naaning mais.
Lahat nalang ba iisiping boyfriend kita?
Napangiti na lamang ako at umiling kay Katherine. Sila ang Kambal na anak ni Mang Jeffrey, ang tagapamahala nitong maisan.
Hindi malayo ang pag kakaiba nina Kathy at Katherine, sapagkat pareho itong bibo, madaldal at mausisa.
"Hindi ko sya boyfriend . Matagal na bang nagtatrabaho rito si Amper? " tanong ko upang iligaw ang usapan.
"Naku oo, kung tutuusin nga'y bata pa lamang sya ay nagtatrabaho na sya dito sa maisan. Kaya naman sa tuwing wala ang aming ama ay sa kanya hinahabilin ang pamamuno."sagot ni Kathy.
"Hindi ba sya nag-aaral?" sandaling natahimik ang dalawa. Pansin ko pa ang bahagyang pagsiko ni Katherine sa kanya.
"Ang totoo nyan ay tumigil sya, sayang at huling taon na nya sana sa kolehiyo.Matalino iyang si Amper at laging top pa sa klase. Wala kasing nag-aalaga sa dalawang kapatid nya at kailangan nyang mag trabaho para sa pangangailangan nila. Kaya naman hinahangaan si Amper ng mga taga San Francisco."
"Bumaba na kayo riyan at nang makapag meryinda muna tayo! "
Gusto ko pa sanang mag tanong kaso tinawag na kami ni Aling Rose, ang asawa ni Mang Jeffrey.
Umamba akong hahakbang ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumulas ang aking paa. Naitakip ko na lamang ang mga kamay sa mukha ng maramdama ang pagdausdos ng katawan ko pababa.
"WAAAAHHHHHH!"
Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay ko at minulat ang mga mata.
"Sa susunod, 'di na kita sasaluhin."Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay ko at minulat ang mga mata ng maramdaman ang mga bisig na sumalo sa akin pagkatapos ay inalalayan ako tumayo.
"Hindi sa lahat ng oras, laging may nandyan para sayo. Ipaparanas sayo ng pagkakataon na mag-isa ka para matuto kang bigyan halaga ang mga bagay na hindi mo binigyan pansin habang abala ka sa pagpapahalaga sa iba."
Napako ang tingin ko sa likod nyang papalayo. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi niya.
"Ayos ka lang ba?" wala sa ulirat akong napatanggo kay Kathy.
"Ayos lang ako."
~~~
"Si Amper ho?" tanong ko kay Mang Jeffry habang nagmimeryinda. Ngumuso ito habang kagat-kagat ang mais.
Sinundan ko ito ng mga tingin at nakita ko si Amper na inaaliw ang mga bata.
"Napakabait talaga ng batang 'yan. Maswerte ang kanyang mapapangasawa."
Napangiwi ako at parang nabilaukan sa sinabi ni Mang Jeffrey.
"Nasaan po ang mga magulang niya?"
"Matagal nang ulila sa ina si Amper. Buhay nga ang kanyang ama, lagi naman itong wala kaya sya na ang tumatayong ama at ina sa dalawang kapatid nya."tumango ako at napag-isipang puntahan sila.
" Talaga ho? Mas maganda pa po ang tumira sa probinsya?"
"Oo, mapolusyon kasi sa Maynila tapos ang mga tao hindi pa halos magkakakilala. Hindi tulad sa inyo na nagtuturingan pang pamilya."
Napangiting saad ko at umupo sa putol na kahoy sa tabi ni Amper.
Apat silang bata na nakacross ang mga paa habang nakaupo at may suot pang sumbrero na pangsaka.
"Ano pong pangalan nyo?"
"Sandra pero Sand ang madalas nilang tinatawag sakin."
"Parang buhangin po?"
Malapad akong ngumiti at tumanggo.
"Ako nga po pala si Aira at ito po si Carlo! Ito naman po si Elji at Jasmine, magkapatid po sila. Kayo po, may kapatid po ba kayo?"
"Oo, kaedad nyo rin siya. Shore ang pangalan niya."
"Ang weird naman ng mga pangalan nyo. Buhangin at baybayin! Hahaha buti nalang hindi naging isda ang pangalan mo hahaha! "
"Cool lang talaga mag-isip si mama!" nakanguso kong saad pagkatapos ay inirapan siya.
~~~
Hapon na ng nakaalis kami sa Maisan. Mga alas - singko na rin siguro.
Nagtaka ako ng hininto niya ang sasakyan sa bahay-inuman kung saan din ako napadpad noong isa araw.
"Dito ka lang." aniya at walang alinlangang bumaba ng sasakyan pero imbis na sundin siya ay bumaba rin ako.
"Sama ako."
Sinalubong kami ng nakakasilaw na ilaw ng mga dancing lights at amoy ng alak. Diretso ang mga hakbang niya papasok at kusang kumunot ang noo ko ng tumigil siya sa isang mesa kung saang may nakayukong lalaki na marami-rami naring alak ang nakatayo sa mesa.
"Pa."rinig kong mahinahong sambit ni Amper habang marahang tinatapik ang balikat ng ama.
"Tama na yan pa, umuwi ka na."
"Ha!Anong ginagawa mo dito?" " singhal nito pagkatapos ay winakli ang kamay niya bago lumagok ng alak.
Base sa pananalita nito ay lulod na nga ito sa alak.
"Ilang araw ka nang di umuuwi pa, itigil nyo na po ang kaiinom."
Tila kusang kumabog ang dibdib ko ng tumayo ang papa nya at pinakita yung alak sa kanya saka sya dinuro-duro.
"Hoy! Uuwi ako kung kailan ko gusto! Ikaw ang lumayas sa harapan ko baka dumilim ang paningin ko sayo!"
Medyo napapatingin na ang mga tao sa direksyon nilang mag-ama. Wala man lang bang aawat o tutulong?
"Mga bisyo nyo nalang ba ang mahalaga sa inyo? Alam kong masakit noong nawala si mama pero pa nandito pa po kami! Kailangan din namin kayo!"
"Ha! Bakit ka ba nangangailam ha, hindi naman kita anak ah! "
Napabuntong hininga ako.
Naaawa ako sa nakikita kong Amper ngayon.
" P-pero pa, mamamatay po kayo dahil sa alak nayan! "
"Ha!" singhal nya at ipinatong ang kamay sa braso ni Amper.
"Tandaan mo 'to ha! Mauunang mamamatay ang sampo nating kapitbahay bago si CARDO!"aniya saka natumba sa dibdib ni Amper.
Agad akong lumapit at kinuha ang braso ni Mang Cardo." Iuwi na natin sya."
Kita ko ang pagka bigla sa kanya pero agad din naman nya akong tinulungan.
"Pasyensya ka na ha." aniya at nilingon ako.
"Ayos lang, ganyan rin naman si mama, malakas din uminom."
Ngumuso ako. "May mga panahon pa noon na halos di na sya umuuwi ng bahay kasi lagi rin syang nasa bar." natatawa kong kwento. Pero hindi ako magreklamo kasi alam kong masyado syang nasaktan sa ginawa ni papa.