"S-sya na ba yon?"
"Oo"
Kung nakakalusaw lamang ang tingin ay kanina pa ako natunaw. Nakangalumbaba ngayon sa aking harapan sina Tip-tip at Ann-Ann. Uso ata sa pamilya nila ang inuulit na pangalan.
"Pano po kayo nag kakilala ng kuya Amper ko?" nilingon ko ang a lang si. Amper na pinunasan ang kanyang ama.
"Sinave nya ako sa mga bad guys."
"I-big-sa-bi-hin po-ay na-ging su-perhe-ro si ku-ya."tumanggo ako at marahang kinurot ang pisngi ni Ann-Ann. Napakacute nya lalo na ang pagiging utal nya sa pagsasalita.
Nakakamiss din pala ang kapatid kong iyon, si Shore.
"Ibig sabihin po ba nun ay may powers si Kuya?" umiling ako.
"Tip-Tip, pwede kang maging Superhero anytime at hindi mo kailangan magkaroon ng powers para maging Superhero."
Ginulo ko ang buhok nya.
"Yung pag-aalaga mo sa kapatid mo, pagiging Superhero narin iyon."
Tumanggo-tanggo ito at inakbayan ang kapatid.
Ang cute talaga nilang dalawa kaso nga lang pinaglihi sa regla ang kuya nila.
~~~
Ang sabi ni Ate Lily, may magandang sapa raw rito at masarap daw ang mamangka at mamingwit ng isda kaya maaga akong nagising at pumunta sa bahay nina Amper. Pero nadatnan ko si Tip-Tip na naglalaba kasama ang kapatid nya kaya tumulong narin ako.
"Ang kuya Amper mo?" tanong ko habang pinipiga ang damit na natapos kong kusutin na damit.
"Nasa loob po."tipid nitong sagot.
"Iyong papa mo?"
"Umalis po."
Nagtaka ako sa pagiging tipid ni Tip-Tip. May nangyari kaya?
Kumuha ulit ako ng damit at isang maiksing boxer ang nakuha ko. Bigla na lamang akong humagalpak sa tawa.
"B-rip Ku-ya Am-per. " matigas na sabi ni Ann-Ann na nabubulol pa.
Ngunit natahimik rin ako ng bigla na lamang may humablot nito sa kamay ko.
"Wala tayong gagawin ngayon kaya umuwi ka na."
Agad akong tumayo at hinawakan ang mukha nya na pilit nyang iniiwas.
"Ano ba, ang baho ng hininga mo!"
Imbis na pansinin iyon ay naroon ang atensyon ko sa pisngi nyang may pasa.
Pilit akong ngumiti saka ibinaba ang kamay ko.
"Are you okay?"
"Oo naman, nauntog lang."
"Nauntog sa pisngi? Asan ba nakalagay yang mga mata mo? Nasa tuktok ng ulo mo?"
Sarkastiko kong sabi.
Kung masakit, pwede ka namang hindi magkunwari. Hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan mong sabihin na ayos lang.
"Mag picnic kaya tayo!"agad namang natuwa ang dalawa sa suhestiyon ko pero ang kanilang kuya na laging kontra ay humindi.
"Malaki ka na, kaya mo nang mag-isa."
"Kuya Amper, sige na po please!"
"Ti-ge na po ku-ya Am-per!"
~~~
"Kuya, kuya!May nahuli ako!"
Walang nagawa si Amper kundi ang um-oo at sumama. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang magkapatid na tuwang-tuwa sa pamimingwit nila.
Si Shore kaya?
Ano kayang ginagawa niya ngayon?
Namimiss na ako nun panigurado.
"Anong nangyari?" lumipat ang mga tingin ko kay Amper na diretso lamang ang tingin. Alam kong alam na nya kung ano ang ibig kong sabihin.
"Nagalit sya sa akin kaya binugbog nya ako."
"Y-yung papa mo, ganun ba talaga sya?"
"Hindi."
Nagawa nyang isakripisyo ang pangarap nya para sa pamilya nya pero ito parin ang naaabot nya sa papa nya. Bugbog at pasa.
Gusto kong magalit sa papa niya. Hindi niya nakikita kung gaano ka responsable ang anak niya? Nagawa niyang punan ang pagiging iresponsable niya.
"P-aano mo nagagawang tiisin ang pambubugbog niya?"
Nagkibit-balikat sya.
"Siguro pag sanay ka na, parang wala lang. Pero masakit parin kasi paulit-ulit nalang."
"Maaaring makulong ang papa mo. Hindi tama ang ginagawa niya. Anak ka niya Amper."
Paano nalang kung may amgsumbong sa papa niya sa mga awtoridad?
"Kailangan sya ng mga kapatid ko, kailangan namin sya."
"Pero mali yung ginagawa nya!"
"Sa buhay, minsan kailangan mong isantabi yung tama. At yung mali ang paninindigan mo dahil hindi lahat ng tama ay dapat."Rinig ko ang malalim niyang hininga bago tumayo at pinuntahan ang mga kapatid.
"Kuya, tignan mo ang dami naming nahuli.Apir bunso!"
Malungkot ko silang pinagmasdan habang ginugulo ng kuya nila ang mga buhok nila.
Dahil sa likod ng mga tawa nila ay ang mga kirot ng pangungulila.
Pilit ko 'yong winala sa aking isipan' yonng sinimulan nila akong sabuyan ng tubig.
Ayokong makita nila akong malungkot, dapat maging masaya ako kasi nakikita ko silang masaya ngayon.
"Target spotted! ATTACKEDDD!"
Panay ang ilag ko ngunit kalaunay sinuong ko narin ang malamig na sapa at nakipagbakbakan. Para kaming may mga superpowers at gumagawa ng sarili naming mahika.
Basang-basa na kami pero wala kaming pakialam.
Napaupo kami at hinabol ang aming mga hininga sabay nagkatinginan at napahagalpak sa na lamang sa tawa.
"BWHAHHAHAHAHA!"
Sobrang saya sa pakiramdam, yung totoo ang mga ngiti at walang lungkot na nakasilip.
Ngayon ko nalang kasi ulit naramadaman 'to. Matagal-tagal na rin kasi simula ng naligaw naman sa akin ang totoong tawa.
Natigil iyon ng tumunog ang telepono ni Amper. Hinayaan namin siyang umalis sa sapa upang sagutin' iyon.
"ANOOO?"
Kusa akong napalingon ng bigla na lamang pumaitaas ang boses niya. Agad kong inasikaso sina Tip-tip at Ann-Ann para puntahan siya upang usisahin kung anong nangyari.
"SAAN?"
Klarong-karo sa mukha niya pag-aalala at pagkataranta.
"S-sige, sige! P-pupunta kami agad dyan."
"Anong nangyari?"
"S-si papa..."
"Kailangan n aniyang itigil ang pag-inom ng alak dahil magiging sanhi iyon ng kamatayan niya. Kung hindi naagapan na dalhin siya dito sa klinika ay maaaring kung ano na ang nangyari sa kanya. "
Bigla na lamang daw tumumba si Mang Cardo kanina sa palayan. Ang sabi ng doktor ay masyadong mataas daw ang blood pressure nito kaya hindi na siguro na kaya ang sama ng pakiramdam at pagkahilo.
"K-uya, a-ayos lang po ba si papa?" humihikbing tanong ni Ann-Ann na yakap-yakap ang kapatid.
"Oo naman! Magiging maayos si papa."sagot nito at ginulo ang buhok ng kapatid bago muling binalingan ng tingin ang nurse.
"Marami salamat po."tumanggo lamang ito bago nilisan ang kwarto.
"Amper"
"Pa."
Agad kong kinuha ang mga kapatid niya at inupo ang mga ito sa tabi ko. Patuloy parin sila sa pag-iyak lalo na si Tip-tip na kanina pa nakayakap sa ate.
"Ayoko pang mamatay anak."
"Gagaling po kayo pa. Pangako yan."
"Akala ko katapusan ko na eh, noong nag dilim ang paningin ko, mukha nyo lang ang nakikita ko at ang akala ko 'yon na ang magiging huli. Hindi pa ako nakakabawu sa inyo lalo na sa' yo. Pinasan mo ang mga responsibilidad na dapat ako ang gumagawa."
"Ayos lang 'yon pa."
"Noong nawala ang mama mo, parang nawala na rin ako sa inyo. Nakalimutan kong, hindi lang pala ako ang nawalan kundi kayo rin.Dapat mas nqging matapang ako kasi ako' yong tatay pero tinalo ako ng mga anak ko."
"Huwag po kayong mag-alala, lagi lang akong nandito pa. Kapag bumagsak ang dalawa nyong braso, may dalawa pa ako oh!" aniya at nakangiting itinaas ang mga braso.
"Hay, manang-mana ka sa mama mo, kapogian lang ang nakuha mo sakin eh!"
"Pag Bonifacio ang apelyido, dugong matatapang yan!"
"Ikaw talaga oh! Sino naman itong magandang dalaga na kasama mo?"
"S-si Sandra po, taga Maynila. Bakasyonista po siya rito."
"Kung ganun, welcome sa lugar ng San Francisco, Sandra. Marami kang magandang lugar na mapupuntahan rito lalo na't kabisado ni Amper ang mga magagandang pasyalan dito sa San Francisco."
Ngumiti ako at tumanggo.
"Salamat po pero mas kailangan nyo po si Amper."
"Malapit na ang pagdating ng dating Gobernador at kailangan ay naroon si Amper. Iiwan ko na alak kaya gagaling din ako kaagad."
~~~
"Iiwan na talaga kita! "
Malalakas ang mga katok nya kaya agad kong sinamaan ng tingin ang pinto na wari'y sya iyon.
"Oo na, teka nga lang kasi!"
Halos di ako magkanda-ugaga na isuot ang sapatos ko.
Agad na nakalabas sa klinika si Mang Cardo dahil naging maayos na rin agad ang kalagayan niya at si aling Lily ay mabuti siyang inaakaso.
"Okay, ayos, ready na ako!" hingal kong sabi at binuksan ang pinto saka malapad na ngumiti.
"Sa tagal mo sa loob, di ka manlang nakapagsuklay?" umiiling-iling nyang saad habang nakapameywang pa.
Napangiwi ako at kinapa ang buhok kong basang-basa pa at sobrang gulo saka marahan itong sinuklay gamit ang mga kamay ko.
Arghh,nagmamadali kasi! Bakit kasi di nya sinabing may lakad pala kami ngayon! Edi sana, mas maaga akong gumising tapos bubulabugin nya ako na e ang sarap-sarap ng tulog ko.
"Oh, dalhin mo 'to!" halos mapaatras nalang ako ng bigla na lamang nyang ipinasa ang isang malaking bag saka naunang naglakad paalis.
"May signal naman dito ano? Paki search sa Youtube' paano yung bigay na dahan-dahan'"
"Diba may Google ka?"
"So?"
"Paki hanap yung paki ko."nang-aasar niyang sabi at tinalikuran ako saka humagalpak sa tawa.
ARRGGGHHHHHH, NAKAKAINIS TALAGA SYA!
"Jigs ,si Sandra nga pala."
"Hi Sandra!" ngumiti ng malapad si Jigs na kinaway pa ang kamay. Tumanggo lang ako.
Kung hindi ako nagkakamali ay sya 'yong waiter nung isang araw.
"Umalis lang ako saglit, may iba ka na? Nawala lang ako sandali, ipinagpalit mo na ako? Ano, kung sino yung mas malapit, sya na?" biglang sumulpot ang isang nagdradramang babae, kulot ang buhok nito at my kulay pa.
"Tsk, Hindi kayo bagay ni Amper!" Inabot ni Jigs ang unan na nasa gilid nasa front seat ng sasakyan tsaka ipinambato sa kanya."Tumigil ka Maria!"
"Arghh, it's Marie!" iritang tugon nya at nagpapadyak pa."Pwede ba, wag ka ngang kontrabida sa lovestory namin ng babyloves cherrypie ko!hmmpp!" aniya at naglakad papalapit samin-- sa akin at inukutan ako.
Tumigil sya sa harap ko at dahan-dahang nanlilit ang mga mata nya na tila kinikilatis bawat parte ng aking mukha.
"Name?"
"S-sandra."
"Hmmpp! Marie!"taas-kilay nyang tugon at inangat ang kanang kamay niya na inabot ko naman.
" Don't worry,I'm not a theif. I'm won't steal someone's boyfriend. " ngumiti ako at binawi din agad ang kamay.
Saglit itong tumingin sa gawi ni Amper nguniy agad ding binalik sa akin. "Soon to be my boyfriend." nakangisi nyang aniya, saka tumalikod sabay flip ng buhol.
"Asa ka namang ikaw yung soon to be the girlfriend!" asar ni Jigs at pinalo na naman sya ng unan sa mukha.
Napangisi nalang ako bago isinakay din sa likuran ang mga gamit na dala ko. Magkatabi kami ni Amper rito sa likuran at parihong nakatayo lang.
"Simula na natin ang byahe!"ani Jigs na sinundan naman ng sigaw nila.
"WOAHHHHHHHH"
Kasabay nun ang pag tugtog ng musika na sinabayan naming lahat.
I remember the days we spent together
Were not enough
And it used to feel like dreamin'
Except we always woke up
Never thought not having you
Here now would hurt so much
Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
And know the stars are
Holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight
Malakas ang lipad ng hangin sa aking buhok. Pumikit ako at inunat ang mga braso upang mas lalong lasapin ang napakasariwang hangin ng probinsya.
"Pakiramdam ko dinadala ng hangin ang sakit na nararamdaman ko."
"Kapag malungkot ka, tumingin ka lang sa paligid mo at siguradong makakahanap ka agad ng rason para sumaya."
"Ang ganda!"bulong ko at habang tinataas ang sunglasses na suot ko.Manghang-mangha kong pinagmamasdan ang mga kulay berdeng tanawin mula sa mga bundok at matatayog na puno, it's like a paradise.
"Sobra." binaling ko ang mga tingin sa kanya at natagpuan mata nyang nakatingin sa akin.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa Hacienda Dela Fuerte."