Kabanata 5

"Isa.... tatlo, takbooooooooo!"

Halos hindi ako magkanda-ugaga habang bitbit ang malaking bag na ito at isang maleta.

Rinig ko pa ang malalakas nilang tawa na tila hinihiyaw ang tagumpay habang tumatakbo. Irita kong binuhat ang maleta at ang bag na hindi ko alam kung bato ba ang mga laman. Feeling ko anytime ay madadapa ako.

Napag-usapan kasi nila na magpaunahan papunta sa hacienda at kung sino ang mahuhuli ay syang mag-iigib ng aming mga panligo.

Natatanaw ko na ang malaking tarangkahan ng hacienda pero imposibleng maunahan ko sila, ako ata ang pinaka maraming bitbit dito.

Napaluhod ako at hingal na hingal, pakiramdam ko'y pinatakbo ako ang ng sampung ikot sa isang disyerto.

"Paano bayan, pag-iigiban mo kami ng panligo habang nandito tayo sa hacienda HAHAHAHA!" nanggagalaiti kong tinigan ang parang nahihibang na mga tawa ni Amper.

"Ewan ko sayo!" wika ko't binato sa kanya ang bag at nauna ng pumasok sa malaking tarangkahan ng Hancienda. Nakakainis, kita nang mabigat ang mga bitbit ko.

~~~

Inayos ko ang buhok kong ninilipad ng hangin. Matataas ang mga kubo rito na mistulang may terrace pa. At totoong napakalawak nga ng hacienda.

"KUYAAAAAA AMPERRRR!"

Papalapit palang kami sa isang malaking silong at hanggang ngayon ay nagsisitakbo na ang mga bata patungo sa direksyon ni Amper at dinamba sya ng yakap.

May nakita pa akong winawagayway ang kanilang mga sombrerong pangsaka na tila binabati sya.

"Ganyan talaga kasaya ang mga bata kapag pumupunta rito si Amper."

"Hulaan ko kung ano ang trabaho nya rito. Hardinero?" natatawa kong sambit ngunit mas umapaw ang tawa ni Marie na siyang ikinakunot ng aking noo.

"Apo sya ng dating Gobernador, si Don Francisco Dela Fuerte. Anak sya ni Robert Dela Fuerte, ang Governor." umiling si Jigs at tila natatawa pa."Hindi nga lang halata."

"S-sino ba talaga ang pamilya niya?" nalilito kung tanong.

"Ang Gov ang totong tatay ni Amper kaso nga lang ay ayaw nyang umasa sa mga Dela Fuerte at mas pinili nyang alagaan ang mga kapatid nya at pagtiisan si Mang Cardo." dagdag pa nito sabay iling.

"Ito nga pala ang bahay-aralan ng mga bata rito sa hacienda. Kung minsan ay tuwing sabado't linggo ay dito sila nag-aaral." aniya at itinuro ang isang silong sa gilid ng palayan.

Pirming umupo ang mga bata at sya naman ay nasa harapan. Napukol ang tingin ko sa mga regalong laman ng bag at isa-isa nyang pinamigay. Kung ganun, mga regalo iyong laman ng bag kanina.

"Hays, nakakainlove talaga siya. Maswerte ang babaeng mamahalin nya habang buhay. "

"At huwag ka nang umasa na ikaw yon."

"Tseh! Panira ka talaga ng imahinasyon ko!"

Asaran ng dalawa. Napailing nalang ako at napag-isipang igala ang sarili.

Narating ko ang likurang bahagi ng mansion kung saan may malaking hardin na puno ng mga bulaklak katulad ng mga tulips na may iba't iba pang kulay at mga mapupulang rosas. May fountain din ito gitna na pinapalibutan din ng iba't ibang klase ng bulaklak.

Umupo ako duyang sa kahoy at nakapikit na sinalubong ang simag ng araw na sumisilip mula sa matayog na puno.

Peaceful mind. Normal heartbeats.

Yan lang ang nararamdaman ko ngayon, kalamdo.

"This place is so quiet and it is my favorite." napamulat ako at agad na hinanap ang boses na iyon.

Formal ang suot ito at kumkinang pa ang suot nitong relos. Marahan itong naglakad patungo sa direksyon ko.

"Hi, you don't look familiar by the way my name is Robert Dela Fuerte."

Kinuha ko ang kamay nito at pilit na ngumiti.

Hawig na hawig ang mukha nila.

"Sandra Gonzales, Gov."tipid kong sagot.

"Welcome to our place, are you enjoying it?"

"Thank you and yes, it's cool actually."sagot ko at sinabayan ito sa paglalakad.

"So, you are Sandro Gonzales' daughter." napatigil ako at binugyan siya ng nagtatanong na tingin.

"Paano nyo po nalaman?"

"Hindi nalalayo ang iyong mukha sa iyong ama.Well, he's a very good friend of mine, actually he's the doctor of my father. And it's very a long time since we last met. He's a very busy person hahaha"

Kung ganun? Edi kilala rin ni Amper si papa?

Hindi, imposible 'yon.

Diba nga mas tinututukan ni Amprr ang pamilya niya kesa sa mga Dela Fuerte?

"Sandra!G-gov." umangat ang tingin ko kay Amper na bigla na lamang sumulpot sa aming harapan.

"You know each other?"

"Yes Gov actually sya nag dahilan kung bakit ako nakarating rito sa San Francisco. He saved me."diretsong sagot ko habang nakatingin ng diretso kay Amper.

Lumipad ang kamay ng Governor sa kanyang braso at marahan syang tinapik.

"Good to hear that. So, can you accept my invitation for tomorrow night, Sandra?"

Tipid akong tumanggo imbis na um-oo.

"It's nice talking to you.See you around." aniya at tinalikuran kami ngunit muli din itong humarap"And.... Amper take care of her okay?"

"Opo, Gov!" abot langit ang mga ngiti nya at inakbayan ako. "Ako ang bahala sa duwende na to."

~~~

"Marunong ka bang mangabayo?"

Umiling ako at sinipat ang iba't ibang klase ng mga kabayo na abala sa pagkain.

"Percy, Austin, may bago tayong estudyante." pangusap nya sa kulay chocomilk at pure white na kabayo na nasa magkabila niyang gilid.

"Sakay na?"

"What?" kumunot ang noo ko. "No way!"

Sa pagkakaalala ko ay noong huli kong sakay sa kabayo ay nahulog ako at muntik na akong madaganan.

"Tulad ng pinangako ko sa Governor, hindi ka masasaktan ."

marahang nitong tinapik ang likuran ni Austin.

"Kapag nahulog ka, sasaluhin naman kita."

Pakiramdam ko may ibang ibigsabihin ang sinabing nyang 'yon ngunit iniwasan kong bigyan iyon ng ibang kahulugan.

Napabuntong hininga ako at sumakay nalang sa kabayo.

"Hawak ka lang sa kamay ko. Huwag kang bibitaw."

Inabot ko ang kamay nya at

Marahang inabot ang lubid ng kabayo.

"Ano, paunahan tayo hanggang doon sa dulo."nguso nya kaya naman pumwesto ako sa gilid nya upang tapatan sya.

"Isa, dalawa.... tatloooooo! "

Ngunit sa kalagitnaan ay pareho kaming nawalan ng balanse at nalaglag sa kanya-kanyang kabayo. Nagkatinginan kami't saka humagalpak sa tawa.

"Ayos ka lang?" tanong nya ng makatayo saka inilahad ang kamay na agad ko ring inabot upang makatayo.

"Wala yun, nahulog naman akong may kasama HAHAHA! Ang pangit kasi kapag mag-isa lang."

~~~

"Amper! Sandra!Sali kayo dito."tawag ni Marie ng matanawan kami. Agad namang kaming lumapit at naabutan namin silang inaaliw ang mga bata.

"Galingan nyo sa pagtago."nakangising usal ni Jigs pagkatapos ayitiniro si Amper."Dahil si Kuya Amper nyo ang taya ngayon."

"Kasali ka po." turo sakin ng isang bata.

Nakangiti kong sagotbago nilingon si Amper.

" Magaling akong magtago."

"Oh, sige! "Pagbilang ko ng lima, naka tago na kayo ha!" mayabang syang ngumiti,yung tipong kampanteng-kampante syang mahahanap kami agad.

Agad kaming nagsitakbuhan para maghanao ng mapagtataguan.

"Isa, dalawa, tatlo, apat, apat at kalahati, lima!"

Napili ko ang puno ng Narra ngunit pakiramdam ko'y makikita agad ang likod ko dahil hindi naman ganoon kalakihan ang katawan.

"Nakikita ko na ang mga likod nyo!HAHAHA, Marie at Jigs, labas na kayo dyan."

"HAHAHA, bulaga! Nakita ko na kayong lima!"

Napangiwi ako ng marinig angboses niya na humahalakhak sa tuwa.

Nagtago ba talaga kasi ang mga 'yon?

"Si Sandra nalang ang kulang."rinig kong sabi ni Marie. Napabuga ako ng hangin at humakbang paatras. Habang naririnig ko ang ingay ng mga naaapakang dahon ay patuloy naman ang hakbang ko paatras.

" HULI KA! "

Dahil sa bigla ay bahagya akong natumba ngunit agad namang pumulupot ang mga braso nya sa beywang ko at ang mga kamay ko ay sumabit naman sa kanyang leeg.

Tumama ang tingin ko sa mga mata nya.

Dreaming, I must be dreaming

Or am I really lying here with you?

Baby, you take me in your arms

And though I'm wide awake, I know my dream is coming true

Sinalo na naman nya ako ulit.

And, oh, I just fall in love again

Just one touch and then it happens every time

There I go, I just fall in love again and when I do

I can't help myself, I fall in love with you

Dugdugdugdug.

Ang puso ko.

Alam ko ang ganitong pakiramdam.

Ang pagiging slow motion ng paligid, ang lakas ng kabog ng dibdib. Dahil naramdaman ko na ito noon at nararamdam ko na naman ngayon.

Am I falling inlove again?

"Akala ko ba sa susunod, di mo na ako sasaluhin?"

"Kung sa akin ka ba naman malaglag, bakit hindi?" aniya at kinindatan pa ako ng kupal. Tumaas ang pressure sa pisngi ko, nagiging kulay pulang kamatis na iyo. Kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"AYIEEEEEEE!" napatayo ng tuwid ng marinig ang mga kantyaw nila.Hindi ko iyon piannsin at naglakad na lamang paalis.

~~~

"Arghh!" irita kong binuhat ang dalawang balde.

Puno naman ito kanina pero sa ngayon ay nangangalahati nalang. Lagi kasi itong natatapon kad'da hak ang ko.

"Ako, kaya pa?"

nakapameywang nasambit ni Amper na tila nang-aasar pa.

"E kung tu-lu-ngan mo nalang kaya ako?" nagngitngit ang ngipin ko slat inis na binaba ang dalawang balde. Ang yaman-yaman ng hacienda tapos ang layo-layo ng igiban ng tubig!

Pinahid ko ang mga namumuong pawis sa noo ko at sinamaan ang tingin ang lalaking ito na kanina pa nakangisi.

"Ano, eto lang? Paano kung tatae pala ako?"

Napangiwi ako. Kailangan talagang sabihin ang salitang 'tatae', ew!

Sinalin ko ang tubig sa malaking drum at nilakad ulit ang malayo-layong pump. Nakailang balik din ako bago ito mapuno. Nakakapagod, nakakainis at the same time.

"Tsk, ginoo, puno na po. Maaari na kayong maligo!"

"Marunong ka bang magtanim ng palay?" kusa akong napairap at nangalumbabang umupo sa hagdanan ng kubo.

"Hindi! Mukha bang agriculture ang kinuha kong kurso?" sarkastikong kong litanya at inirapan sya.

"Hahaha,Halika! " Hindi pa man ako naka kakontra ay hinila nya na ako.

"Ngayong araw na to ay tuturuan kitang magtanim ng palay."aniya ng malayo ang mga tingin at nakapameywang na naman. Paborito nya atang pose iyan.

"Okay."

Pinadausdos ko ang mga kamay ko sa buhok kong nililipad ng hangin.

"Kukuha ka ng palay na kakasya sa kamay mo at pagkatapos paunti-unti mong babawasan pagkatapos ihihilera mo syang itataanim. Ibukaka mo pa mga paa mo para makapag tanim ka ng maayos. Magandang exercise ito sa umaga."

Ibinukaka ko ang paa ko at inabot ang palay, na medyo maputik pa na binigay nya at kumuha ng kunti upang iyon ang itanim.Hindi pa naman ako nakakapgsimula ay nanindig na ang mga balahibo ko.

"T-eka, A-Amper!" para akong naestatwa sa kinatatayuan ko."A-ano iyong naglalakad sa pa-a ko?"

"Suso lang yan, hahaha!"

aniya at tumawa.

"WAAAAAHHHHHHH AMPERRRRR! ANO TOOOOO!

PINAGTRITRIPAN MO NA NAMAN BA AKO!"

Nagtatakbo ako at pakiramdam ko'y kahit saan ako makaapak at may maapakan akong walking monster sa putik. Kaya mas lalo ko lamang nwrinig ang walang bukas nyang tawa habang nakahawak pa sa tiyan nya.

Natigil ako at irita syang hinarap. Kumuha ako ng putik at binato sya.

"I hate you!"

"BWHAHAHHA!" humagalpak ako sa tawa nang sumakto ang putik sa noo nya.

"Halikaaaa dito!"

Panay ang habulan namin. Hindi namin alintana ang mga magsasaka at pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang naririto.

"Ang panget mo!" sigaw ko at itunuro pa ang mukha nya. Nilabas ko pa ang dila ko upang bumelat.

Hinabol na naman nya ako at nagpahiran kami ng putik. Tawa lang kami ng tawa na parang hindi namin alintana ang paligid. Hanggang sa matumba sya at nadala ako.

Magic, it must be magic

The way I hold you and the night just seems to fly

Easy for you to take me to a star

Heaven is that moment when I look into your eyes

And, oh, I just fall in love again

Just one touch and then it happens every time

There I go, I just fall in love again and when I do

I can't help myself, I fall in love with you

Ayon na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Buti nalang bingi ba sya. Hindi nya maririnig.

"Amper?" sabay kaming napalingon sa pinanggaliangan ng boses na yun."Oh, that was gross!" nalukot ang mukha ko at iritang tinigqj ang babaeng binigyan kami ng nandidiring tingin bago umalis.

Tumayo na kami ngunit pagkaapak namin sa maliit na pathway ay pareho kaming nadulas at muling nalaglag sa putik. Nakatinginan nalang kami saka tumawa.