"Si Amper?" tanong ko ng tinungo sina Jigs at Marie na nag-iihaw. Kumuha ako sa inihaw nilang karne at kumagat rito.
"Ayun oh." ani Marie at ngumuso. Halata rin sa mukha nya ang pagkairita.
Sinundan ko ito ng tingin at nakuta si Amper at ang babaeng maarte kanina na nakapulupot sa balikat niya.
"Si Iana Santiago ay anak ng matalik na kaibigan ng Governor ."ani Jigs.
"At halata naman kung makalingkis ang babaeng yan ay may gusto nya sa sweetiepie ko. "nakabusangot na sabi ni Marie dahilan kung bakit binusalan ni Jigs ang bibig nito ng inihaw na mais.
"Hi, my name is Iana."pakilala nito ng makalapit sila
Halata sa tono nito ang pagiging sosyal at sinisigaq ng pananmit nito ang pagiging mayaman.
"Sandra."kinuha ko ang kamay nitong agad nya naman binitawan na para bang may 99.9 na germs sa kamay ko.
"Gustong mangabayo ni Iana."
Hindi ako inreresado.
"Gusto nya kayong isama."
Bakit kung ayaw nya ba kaming sumama ay yayayain mo parin kami?
"Sure!" pumalakpak si Marie at nag flip pa ng hair."At ng mabantayan namin yang kaharutan mo kay Amper." rinig kong bulong ni Marie dahilan kung kaya't bahagya siyang siniko ni Jigs.
Pinili kong umupo at tanawin na lamang sila habang katabi ko si Austin na kumakain ng damo. Sina Marie at Jigs ay panay ang karera gamit ang kanya-kanyang kabayo habang sina Amper at Iana ay nakasakay kay Austin.
Mabubulag na ata ako dahil ang skait sa mata'ng tignan ang dalawa.
Tumayo ako at napagdesisyunang igala na lamang si Percy. Ngunit muli n anaman akong napadpad sa hardin ng mansion kung saan may isang lalaki na seryoso sa pagigitara at pagkanta.
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you
You'd be like Heaven to touch
I wanna hold you so much
Dahan-dahan itong nagmulat kasabay ng pagguhit ng mga ngiti nito sa labi ngunit hindi parin ito natigil sa pagbigkas ng mga lyrics ng kanta.
At long last love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off you
Umamba akong aalis ngunit tinawag nito ang atensyon ko.
"Hey!"
"What?" Bagot kong sagot saka sinipat si Percy na kumakain na ng mga damo.
Sa tuwing pupunta na lamang ako sa lugar na ito ay may bago akong nakikilala.
Patakbo itong lumapit bitbit parin ang gitara.
"You are Sandra right? Amper's friend." tumanggo lamang ako.
Paano naman nya nalaman?
"We're cousins. Vince De la Fuerte ."
"Aalis na ako." paalam ko't tinalikuran sya.
I don't know but I can smell the blood of being a playboy in him.
"Can I come? Gusto ko ring makita si Amper, hindi nya pa alam na nakauwi na ako." nagkibit-balikat ako. Hinayaan ko syang sabayan ako sa paglalakad.
"So, I bet you're invited to the party tonight?"
"Yup, Governor invited me." tipid kong sagot.
Si Amper lang ata ang hindi Englishero sa mga Dela Fuerte.
"Bro!" hinanap ko ang boses na 'yon at natanawan si Amper na papalapit sa direksyon namin.
"Amper! Dude, how are you?" aniya saka nag fist bomb ang dalawa.
"Ayos lang naman. Ngayon ka lang nakarating?" lumipat ang tingin nya sakin kaya't tinaasan ko sya ng kilay.
"Yeah, busy kasi. Maraming paperworks na pinagawa sakin si Tita."
"Nice to see you again, bro. Sige, ibabalik pa namin ni Sandra si Percey. "
"No dude, ako na. I insist."hinawakan nito ang kamay ko dahilan kung bakit nangunot naman ang aking noo.
Ano? Hindi mo man lang siya pipigilan?
"Ahh, sige! Ikaw na bahala sa kanila ha?" muling lumipat ang di maipaliwanag nitong tingin sa akin na sinuklian ko lamang ng sama ng tingin.
"Don't worry."
Agad itong umalis at tumungo kay Iana na hinihintay sya. Naglapat nalang ang mga labi ko sa irita.
Nakakainis siya! Porket may Iana na, ipinapaubaya na ako.
~~~
"Alam mo kung ikaw lang naman ang magiging girlfriend ng sweetiepie ko, hindi na ako magrereklamo." komento Marie na naglalagay ng foundation. "Basta huwag lang sa Iana na 'yon!"
Napatawa nalang ako bago itinali ang aking buhok.
"Kung ako ang mamahalin niya."
"BUMABA NA KAYO D' YAN! INAAMAG NA ANG KAGWAPUHAN KO!"
"Che! Hindi ka gwapo at matagal nang inaamag ang mukha mo!" Maarti nitong pinaltik ang buhok bago saglit na sinipat ang sarili sa salamin bago muling binaling ang lingon sa akin.
Napangisi nalamang ako ng hilain niya ako palabas ngunit hindi ko inaasahan kung sino ang lalaking nag-aantay sa baba.
"Ayan, kanina ka pa kasi hinihintay ng sundo mo! Kaya mauuna ka girl."
Napangiti nalang ako habang simulang humakbang sa hagdanan kasabay ng pagtugtog ng piano version ng Can't Help Falling Inlove.
Maliwanag ang paligid dahil sa mga light bulbs na nakakabit sa mga kubo na duamgdag sa pagiging romantiko ng atmospera.
" Amp--"
Naputol ang pagtawag ko sa pangalan niya matalisod ako ng suot kong sandal na 3 inches ang takong. At sa pangatlong pagkakataon na nalaglag ako, siya na naman ang nakasalo.
"Sa pang-apat na salo ko sayo, liligawan na kita."
'Yong inis ko dahil sa ginawa niya kanina ay kusang nawala at ' yong linya niya naman ang pumalit para gumulo na naman sa isip ko.
"Paano ka nakakasiguro?"
"Kasi 'yong pang-apat , ibigsabihin noon 'mahal mo rin ako.'"
Hinayaan kong kumapit ang aking kamay sa kanyang balikat at sinabayan siyang maglakad.
"Paano kung ayoko?"
"Liligawan parin kita."
"Paano kapag wala naman pala akong balak na sagutin ka ?"
"Hindi naman kita liligawan para mag-expect ng' oo'. Liligawan kita para ipakitang karapat - dapat ako ng 'oo' mo."
Hindi ko alam kung paano ko nagagawang maging kalmado sa kabila ng mga pinagsasabi niya.
" HOY JIGS! IIWAN MO AKO? AKO PARTNER MO HA?"
Natigil ang usapan ng pumaibabaw ang asaran ng dalawa. Napatawa na lamang kami pareho at hindi na sila pinansin.
"MASANAY KA NA MAG-ISA!"
"BWISET KA TALAGAAAA!"
~~~
"Good evening everyone! I'm very thankful that you came here tonight. Dad, welcome home!" nilingon nito ang daring Gobernador at tinaas ang baso. "Hope you enjoy the night everyone!"
"Sandra!" Agad na kumunot ang noo ko. Ang akala ko'y si Amper ang makakasama ko ngayong gabi ngunit agad akong manlumo ng makita ang papalapit na si Vince.
"Thank you bro!" bungad ni Vince.
Tsk, nakakainis! Bakit niya ba ako ibinibigay sa lalaking 'to?
"Walang anuman."
"Ahh Bro, kanina ka pa hinahanap ni Iana, medyo iritado na nga eh! Hahaha!"
"Sige, alis na ako. Mag-enjoy kayong dalawa! Sand, puntahan ko muna date ko."
But did he just call me Sand?
Fitfst time' yon na tinawag niya ako ng hindi buong pangalan.
"You look gorgeous with that yellow dress."nabalik ako sa wisyo ng marinig ang papuring binigay ni Vince habang ang kamay ay nakapulupot na sa beywang ko.
"Ahh thanks." pilit akong ngumiti.
"Let's go.Ipapakilala kita kay Tita." nagpadala ako sa kanyang hila hanggang sa marating namin ang table ng asawa ng Gov.
Tumaas ang kilay ng Tita nya at pinagkatitigan ako mula ulo hanggang paa na para siyang scanner
"Hi, Tita. This is Sandra and Sandra, this is Tita Janice, the Gov's wife."
"So, what's going on with you two?" diretsahang tanong nito saka nilipat ang tingin kay Vince na malapad parin ang ibinibigay na ngiti.
"Maybe, my soon to be girlfriend tita."
Kampanteng sgait nito, nais kung humirit ngunit hindi na ako nakaimik pa ng nakiusisa rin si Gov at binati rin ako.
"You look good together huh! And Sandra, thank you for coming."
"You're welcome, Gov."
Mukhang malapit sila sa isa't isa. Nilingon ko ang mga matang kanina ko pa napapansin na nakatingin sa direksyon namin.
Diretso ang mga tingin ni Amper kay Gov at sa asawa niya. Katabi niya si Iana na nakalingkis na naman sa kanya.
Nalulungkot ako kasi kailangan pang gamitin ang salitang Gov sa tuwing makikipag-usap siya sa tatay niya.
~~~
Pinunasan ko ang gilid ng labi ko saka diretsong tumingin kay Vince na panay ang titig sa akin. Kumakain na kami ngayon ngunit hindi ko magawang mabusog dahil kanina pa ako hindi makatakas kay Vince.
Kating-kati na akong umalis sa paningin niya.
"Baka matunaw ako niyan."pabiro ngunit may sarkasmo kong saad.
"Because you caught my eyes."bola nito at ngumiti .
"Thank you but I really have to go."tumayo ako at hindi na hinintay na siya hinintay na komuntra pa.
Panay ang lingon ko sa paligid baka sakaling mahagilap niya ngunit kusang kumunot ang akinh noo ng makita ang pamilyar na tindig na kasama. Sinundan ko ang mga yabag nilang papalabas ng mansion.
Muli na naman akong napadpad sa hardin at may nakilala na naman ako pero hidnii na bagong tao.
"Sir, hayaan nyo po akong masabi sa kanya ng totoo."
"We want Sandra back Amper."
"Amper?"pilit kong pinipigilan ang namumuong galit sa dibdib ko.
Palipat - lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa--kay Amper na alam kong gulat dahil sa biglaan kong pagsulpot at si papa na hindi ko malaman nag ekspresiyon.
"Sandra, iuuwi na kita."puno ng awtoridad sa boses niya.
"Amper, can you f*cking explain?"naguguluhan kong tanong. Hindi ko alam, andaming tanong na namumuo utak ko.
"I ask him na bantayan ka. I ask him na dalhin ka dito sa San Francisco. I know he can help you!"
"So all this time, niloloko mo lang din ako?"
napasinghal ako at agad na pinunasan ang mga luhang tumakas sa mga mata ako.
"He didn't. Kasalanan namin kasi itago namin sayo 'to ng papa mo. We know that you've been hurt so bad, anak."
Great! Alam nila, alam nilang dalawa. Set up lang ang lahat!
"What do you mean ma naniwala talaga kayo? MY GOD MA! MATUTO NAMAN KAYO!"
"He's still you father Sandra!"
Umiling ako at mapait na ngumiti.
"Naging ama ba talaga siya? Ano, after 10 long years babalik sya? Ano tayo? Basura na itinapon nya tapos nang maalala nyang may gamit pala, nirecycle nya ulit?"
*PAK*
Nagtiim ang bagang ko at hindi pinansin ang malakas na sampal ni mama, sa pangalawang pagkakataon.
"Sorry Ma , pero hindi ko alam kung kaya ko syang tanggapin ulit. Iniwan na nya tayo tapos ano? Babalik sya na parang hindi sya yung kusang umalis?"
"Everyone deserves a second chance Sandra."
"No, not everyone ma."
"Ayaw mo bang mabuo tayo ulit?"
"Pero sinira nya yung buhay ko ma-yung buhay natin." Hindi ko na na pigilan ang humagulhol. Wala akong pakialam kong marinig na kami ng mga guest sa loob. Ang tagal 'tong nakatago pero ayokong magreklamo noon kasi ayokong maging makasarili. Mas kailangan ako nina mama kaya pinilit kong ibaon sa limot pero patuloy naman na hinuhukay para masaktan na naman ako.
"Naalala mo pa ba ma yung mga gabing halos hindi ka na umuuwi kasi lagi kang nasa bar at umiinom. Parang gusto mo na ngang patayin sa lak ang sarili mo noon eh!" natatawa kong kwento. "Tumigil ako sa pag-aaral para bantayan ka at para mag trabaho kasi baon na tayo sa utang. At si Shore, ma? May sakit ang kapatid ko, madalas syang atakihin nun pero nasaan sya? NANDOON SA MGA BABAE NIYA AT NAGPAPAKASAYA!"
"I-i'm really sorry, anak."
"Pare-pareho lang kayo. How can I ever give my trust again kung paulit-ulit lang din naman ako nililinlang ng paligid ko? Tapos, ikaw ngayon, Amper? Magkano binayad nila sayo?"
"Nagkusa syang tumulong Sandra!" umiling ako kay papa at binigyan siya ng mapait na ngiti.
"Tumulong? sa paraan ng panloloko, ganun ba pa?"
I said then left.