Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa. Ang alam ko lang ay natatanaw ko na halos ang kabuuhan ng hacienda.
Tahimik ang paligid, sariwa ang hangin at pakiramdam ko nakangiti sakin ang mga tala.
"Ito ang pinaka paborito kong lugar dito sa hacienda."
Hindi ako nag salita at hinayaan lamang syang umupo sa tabi ko.
"May sakit si mama non at buntis sya non kay bunso. Ang sabi samin ng doktor ay 50/50 ang posibilidad na mabuhay si mama at ang bata sa sinapupunan nya. Dinala namin sa Maynila si mama at doon namin nakilala ang papa mo- si Sir Sandro."
Ayokong pakinggang lahat ng mga sasabihin niya kasi natatakot ako na baka kunwari lang lahat ulit para lang malusaw ang lamig sa puso ko pero hinayaan ko parin siyang magkwento.
"Wala kaming pera noon pero sinagot ni Sir Sandro ang lahat. Nabuhay si Tip-Tip pero" aniya kasabay noon ang mahihina nyang hikbi."pero hindi kasama si mama. Ganunpaman, malaki ang pasasalamat namin kay Sir Sandro dahil sa walang katumbas na tulog na binigay nya."sa puntong ito ay nilingon ko sya.
Bakit diko naisip yun noon. Bakit di ko nagawang itanong kung nasaan ang mama niya?
"Agad iyong nalaman ni papa, nag wala sya at halos hindi matanggap ang buong katotohanan. Pero kahit papaano,, nagkaroon parin kami ng pagkakataon na makausap siya, hindi ko lang inaasahan na sa mga huling natitirang minuto ng buhay niya, aaminin niyang anak hindi ako anak ni papa, na anak ako ni Sir Robert Dela Fuerte."
"Bakit mo sinasabi sakin ito ngayon?"
"Mahal na mahal ka ng papa mo."
"Nasan ang pagmamahal doon? Nasa pag-iwan?"mapait kong sagot.
"Naduduwag ka lang kasi natatakot kang magbigay ng chance. Pero ganun ang buhay, susugal ka. At sa bawat sugal mo, maari kang masaktan."
"That's why you always choose to give chances to your stepfather kahit masakit na? That's you always choose na tiisin nalang ang inggit kasi hindi mo nagawang maging malapit sa totoong tatay mo?"
"Kasi yung pagmamahal, hindi mo na yan maipaparamdam kapag nawala na sila."
Pinahid ko ang mga luhang tumakip sa mga mata ko.
Gusto kong sumbatan sa kung anong klaseng pagkatao ang meron siya!
Dahil masyadong kakaiba!
"Bakit ka ganyan ha!? Masyado kang mabait! Kailan mo iisipin ang sarili mo?"
"Masaya ako kung magiging masaya ang mga taong nasa paligid ko. Malulungkot ako kung malulungkot din sila. May mga taong, nakabase ang kasiyahan sa iba at isa na nga siguro ako sa kanila. "
Sumimangot ako.
Pakiramdam ko bigla nalang nawala yung sakit at galit.
Pakiramdam ko bigla nalang natunaw ang mabigat na laging nakapatong sa dibdib ko.
Did I already found someone who can heal my wounded heart?
"Salamat." nakanguso kong sabi at pinagmasdan ang mukha nya. Sapat na ang ilaw na nagmumula sa buwan para makita ko ito.
"Habang buhay kong babaunin ang lahat. Hindi-hindi ko makakalimutan itong napakagandang parte ng buhay ko.Tulad ng ipinangako ko sayo, pagkatapos nito ay hindi na kita guguluhin pero babalik at babalik parin ako sa lugar na to."
"Nakamove-on na ba?"
Nag thumbs-up ako, pinunasahan ang mga luha at malapad na ngumiti.
"Nagawa kong mag let go, makakaya kong mag move forward."
~~~
"Gov?"
"Ahh, Yes Sandra? Akala ko ay nakauwi ka na."
"Pwede po ba tayong mag-usap?"
Iginaya sa malawak nilang sala na puno ng mga litrato."Tungkol po kay Amper."
"Why, did he do something?"
Umiling ako.Ngumiti ito.
"Napakabait po ng anak nyo. Hindi ko po alam kung saan sya nagkulang para pagkaitan nyo sya ng karapatan. Anak nyo ho sya at sana dumating yung araw na hindi na Gov ang kailangang itawag nya sa inyo. Masyado pong nakaka proud ang anak nyo at kung susubukan nyo lamang pong alamin ang pagkatao nya, hindi po ito magiginv sayang sa oras ."sunod-sunod kong sabi, hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin ang lahat ng iyon. Medyo nakaka insulto man ang mga nasabi ko pero hindi ko iyon pinagsisisihan.
Ngunit hindi ko inaasahan ng pumatong ng mga kamay nito sa balikat ko at muli akong binigyan ng ngiti.
"Thank you."
"You are not mad?"
"Dapat matagal ko ng ginawa iyon. Tjank you for being too brave para sabihin sakin ang mga iyon."
Tumanggo ako at sinuklian din siya ng ngiti.
Madaling natapos ang pag-uusap namin ng Gov kaya umalis din ako kaagad.
Kumunot ang noo ko ng matanawan sa baba si Vinve na kinakawayan pa ako. Nakaporma ito at may hawak pang bouquet of flowers. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan ng Mansion at nagtataka siyang tinignan.
"For you."inabot ko ang bulaklak saka tinaasan siya ng kilay.
"Para san to?"
"I like you"diretsong sagot nito.
"The first time I saw you,quickly, you got my heart."
"I like someone else."
"I know, the way you look at him. It's different."
"Because he's different."pikit akong ngumiti at muling ibinigay pabalik ang bulaklak.
" That's the reason why I like you, you're very straight forward even your aura is shouting that you are not interested in me."
"Nice meeting you, Vince ." sagot ko nalamang bago siya tinalikuran.
Mamaya ang byahe namin papuntang Maynila. Tama ang pananatili ko rito siguro sapat na panahon na iyon para harapin ko naman ang realidad ko. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi ko narin ulit nakita si Iana, siguro ay pumunta lamang sya dito para um-attend sa event na 'yon. Hindi ko na rin ulit nakita si Amper, hindi ko siya nakitang lumabas ng kubo o nakupaglaro sa mga bata.
Papalapit pa lang ako sa kubo ng biglang bumuhos ang malalas n ulan. Naglakad ako na parang hindi iniinda ang malalaking patak nito.
"Paano kong gusto ko ulit na guluhin mo yung buhay ko?"kusa akong napatigil sa paglalakad ng maramdaman ang presensiya sa aking likod. Bitbit nya ang itim na payong habang nakahawak sa bulsa ng suot nyang jacket ang isa pa nyang kamay.
" "B-bakit?" Anong ibig mong sabihin? "
Dahan-dahan syang lumapit sa akin hanggang sa maisilong nya ako sa payong.
Nandyan na naman ang kabog ng dibdib na tila naghahabulan.
Hindi ko inaasahang sa mg ahuling minuto na 'to ay magpapakita siya sa akin. Akala ko tuluyan kong lilisanin ang San Francisco ng hindi siya nagpaparamdam.
"Hindi mo ba naririnig?"
Nangunot ang noo ko."Ang alin?"
"Sinisigaw ka ng puso ko."
Hindi ko alam ngunit imbis na manguna ang kilig ay umapaw ang tawa ko.
"Sinabi ko rin yan dati.. sa isip ko."
Pero nanatiling seryoso ang mukha niya habang pinagmamasdan ang mukha ko.
"Dati pakiramdam ko ay gusto na kita pero ngayon, isang daang porsyento nang mahal kita."
Napaigtad ako ng maramdamdam ang mga labi nyang lumapat sa aking noo.
Pumikit ako at dinamdam ang halik na'yon sa aking noo.
Oh, I just fall in love again
Just one touch and then it happens every time
There I go, I just fall in love again and when I do
I can't help myself, I fall in love with you
I can't help myself, I fall in love with you
Ang saya-saya ko.
Nguniy natigil ang magandang moment na iyon ng marinig namin ang malakas na sigaw ni Jigs.
"Marieeee!" pareho kaming napatawa ng makitang natumba si Marie na tila nahimatay pa. Sabay nalang kaming napailing kasabay ng isnag malalim na buntong hininga.
~~~
"Anak?"
Sabay kaming napalingon ni Amper kay Mang Cardo. Batay sa tindig ay mukhang magaling na nga siya.
"Pa."
"Sorry sa lahat anak. Patawarin mo sana si papa."napangiti ako ng yakapin ni Mang Cardo si Amper.
Sobrang saya ko ng malaman na inaayos na ni Mang Cardi ang buhay niya--na bilang ama, ginagampanan na niya ng maayos ang responsibilidad niya.
"Mahal na mahal ko po kayo pa."
"Ate Sandra, babalik po ba ulit kayo?"
"O-po, ma-mi-miss po ki-ta."
Katulad ng madalas kong ginagawa ay ginulo ko na naman ang buhok nila. Ang cute talaga nilang dalawa.
"Babalikan ko kayo."
Sumama papunta sa terminal ng bus sina Mang Cardo dahil nga sa pagpupumilit ng dalawa.
"Magpakabait kayo kay Papa, ihahatid ko lang ang ate Sandra nyo."paalam ni Amper na hinalikan pa sa noo ang dalawang kapatid bago kami sumakay ng bus.
Muli ko pa silang sinilip sa bintana at kumaway hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
Napabuntong hininga ako.
Ito na, uuwi ako baon ang mga lesson na tutunan ko sa taong hindi ko alam na magkakaroon ng malaking parte sa buhay ko.
While we are busy giving chances to others, we sometimes forget to give chances for ourselves.
Isa iyon sa mga natutunan ko.
At ngayon, handa na ulit ako. After the rest, we should face what's reality.
Malakas ang ulan at nakakaantok ang love song na pinapatugtog sa bus. Nakapikit kong isinandal ang sulo sa kanyang balikat. Yumakap naman ang kanyang mga braso hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo.
"I love you. "
Napangiti ako tuluyang nilunod ang sarili sa pagtulog ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na mga nangyari.
Nakajabingi nag malakas na pagharurot ng bus at sigawan ng mga tao. Biglaang nagkagulo ang lahat, rinig na rinig ang nababasag na bintana na bus. Umalingangaw ang mga iyak at sigaw dahil sa takot.
Pakiramdam ko umikot ang mundo ko, kinapa ko ang nanunubig sa aking noo.
Dugo.
"SANDRA!"
Muli kong maramdaman ang mahigpit na yakap ng kanyang ang dalawang bisig sa aking katawan bago ako nawalan ng malay. Napangiti ako.
I'm safe.