Pinadausdos ko ang kamay ko sa aking buhok at inipit ito. Ang lakas ng simoy ng lahat.
Taon na rin ang lumipas simula ng bumalik ako sa lugar na to but still, nothing changed. Maganda, sariwa at nakakaenganyo paring pagmasdan ang kulay berdeng tanawin ng buong San Francisco.
And as I closed my eyes, memories flashed in my mind.
Napahugot ako ng malalim na hininga. Halos hindi ko maimulat ang aking mga mata. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko.
"Mama, si ate, gising na."
"Are you s-sure? Oh my God!"
Pinilit kong ibuka ang magkabilang pilikmata. Malabo pero di kalaunay naging klaro rin sa akin ang lahat. Agad kong naramdaman ang paddalo sa sa akin ang ilang nurse.
Napaluha ako ng bumungad ang mukha ni papa na abot langit ang ngiti suot ang puting coat.
Tama. Nasa hospital ko. At may kung ano-anong apparatus ang nakasaksak sa katawan ko.
Iginala ko ang tingin sa kabuuhan ng kwarto wala akong mahagilap na kamukha niya.
"Where's Amper?"lumipat ang mga tingin ko kay mama na bigla na lamang napahagulhol.
"He's gone."
Diretsong sagot ni papa at parang saksak sakin ang mga salitang yun.
"No, this is not real. I'm...I'm just dreaming."
"He died in the accident."
Pilit kong prinoposeso sa utak ko ang kanyang mga sinabi pero hindi ko magawa kasi ayokong paniwalaan.
"I saw him, he was sitting beside me, sobrang higpit pa ng yakap niya. And he whispered i love you before i fell asleep."
"You've in coma for a year Sandra." mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama dahil upang muli kong balingan ng tingin si papa.
"We tried to bring back his life pero kusang sumuko ang katawan nya." rinig ko panlulumo sa boses niya at ang lungkot - lungkot ng mga mata niya.
"I hate myself Sand. Hindi kita nagawang protektahan katulad ng ginawa nya. You avoided a lot of damage 'cause he covered you with his body. He protected you until his last breath."
At sa mga salitang' yon, doon tymulo ang mg luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Amper's gone. He didn't survive."
Pinunasan ko ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi at hinaplos ang pangalang inukit sa kahoy na purselas na nakasuot sa aking pulso.
Ampersand
Ang pangalang naming pinagdugto niya.
Nahanap ito sa jacket na suot ni Amper noong araw na iyon.Napakaganda nya na para bang inukit ito para lamang sa akin--- wala nang ibang katulad.
"Before the incident, nagkaroon ng malakas na ulan kaya naging slippery ang daan. Ang totoo nyan ay naka inom ang driver ng bus at nawalan ito ng prino at hindi nya na na pigilan na bumanggang ang bus sa Ten Wheeler Truck sa harapan nito. And the bus fell down . " naalala ko pang sabi ng pulis na syang inatasang mag imbistiga sa pangyayari.
Napapikit ako upang pigilan ulit ang mga nagbabadyang luha.
Minsan magugulat ka nalang. Yung taong mahalaga sayo, biglaang mawawala. Na wala kang maririnig na salitang paalam.
Sobrang pinagsisihan ko ang araw na iyon.
Sana pinigilan ko syang sumama.
Sana hindi nalang ako umalis that day.
Sana nasabi ko rin na mahal ko din siya.
Hanggang sana nalang ang lahat kasi tapos na.
Pero tulad ng ipinangako ko.
"Bumalik ako Amper"
"Kaso wala ka."
~~~
You've read the epilogue, thank you so much for wasting your hours reading Ampersand.
I hope you learned a lot.
This is your author Bal , giving you a salute!