Prologue:

"Sino ulit ang crush mo?" Unti unti niya pang nilapit ang mukha sa akin at ako naman ay paatras din ng paatras. Ano ba kasing kailangan ng lalaking ito sa akin? Bigla bigla nalang nanghihila kung saan, akala niya ba crush ko pa siya hanggang ngayon? Pwes, hindi siya nagkakamali.

"Umalis ka nga sa harap ko." Inerapan ko siya at tinulak pa palayo sa akin, pero masyado siyang malakas para sa akin.

"Do you still have a crush on me?" Cold niyang tanong sa akin. Lalaking ito siya na nga lang magtatanong siya pa ang may ganang bigyan ako ng cold treatment.

"Bakit na-miss mo ang kakulitan ko?" Nang-aasar kong tanong sa kanya. Siya naman ay kumunot ang noo bigla. Lalong lumapit ang mukha niya sa akin.

"Paano kung sabihin kong oo? Oo, nam-miss ko ang pangungulit mo sa akin? Paano kung sabihin kong nagagalit ako dahil napupunta ang atensyon mo sa lalaking iyon? May magagawa kaba para baguhin ang nararamdaman ko?"

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Tama ba ang naririnig ko? Hindi ba ako nagkakamali? Sh*t.

This is Stephanie Alferez and he's Kelvin Corpin my cold, snobbish crush. And this is our story.