CHAPTER 1

Inaantok akong pumasok sa classroom, kulang pa ang tulog ko dahil sa pagpupuyat ko kagabi. Kinukulit ko kasi si Kelvin sa chat tapos hinintay ko pa ang reply niya pero wala man lang akong natanggap. Kahit kelan talaga napaka-snobber ng lalaking iyon. Kahit i-seen man lang ang message ko hindi ginawa. Ang damot.

Nawala lang ang antok ko ng makita ko si Kelvin, naka-headphone ito at naglalaro ng mobile games. Asusual, ano pa bang aasahan ko sa kanya? Araw araw naman niyang ginagawa iyan. Wala siyang pakaelam sa paligid niya at parang galit siya sa mundo kung tumingin. May mga kaibigan naman siya pero hindi ko man lang siya nakikitang ngumiti kahit pa isang beses. Palaging walang emosyon.

Napailing nalang ako habang tinititigan siya. At dahil nawala na ang antok ko at wala pa naman akong makakausap dito, dahil sigurado akong mal-late nanaman ang magaling kong kaibigan ay nilapitan ko si Kelvin. Umupo ako sa tabi niya atsaka siya pinanuod maglaro. Parang hindi manlang ako napansin, wala din yatang pakiramdam ang lalaking ito. Paano ko ba natagalan ang ganitong lalaki? Cold na tapos snobber pa.

"Kelvin, bakit ang cute mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mukha niya. Nangalumbaba pa ako para matignan iyon nang maayos. "Alam mo bang halos apat na taon na kitang crush? Natagalan kita noh? Hindi mo naman ako pinapansin, ni hindi mo nga ako tinitignan eh." Napatawa ako, seryoso ba ako? Kinakausap ko ang lalaking ito? Hindi naman marunong makinig. "Pero alam mo kahit gano'n crush padin kita kaya handa akong guluhin ka mapansin mo lang ako." Ngumiti ako at lalong nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

Yung mukha niya hindi nakakasawang titigan, nakakawala ng pagod at antok. Siguro nga, kahit magdamag pa akong tumitig sa kanya hindi ako magsasawa. Pero wala nga sigurong pakiramdam si Kelvin, kanina pa ako nandito sa tabi niya at halos mahalikan ko na ang pisngi niya pero wala padin siyang reaction, kahit tignan man lang ako ay hindi niya magawa.

Sumimangot ako, wala na ba talagang pag-asa na mapansin ako ng lalaking ito? "Uy, Kelvin." Kalabit ko sa kanya, pero deadma ang beauty ko. "Kelvin, yuhoooo." Kinawayan ko pa siya pero wala talaga. Ano pa bang mainan na gawin para mapansin niya ako?

Nag-isip ako, kailangan makaisip ako. Ayaw kong mabulok ako dito at crush ko padin siya, kailangan maging asawa ko ang lalaking ito. Namgisi ako nang may maisip ako. Tignan nalang natin kung hindi mo ako pansinin sa gagawin ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinapat sa mukha niya. Kumuha ako ng tamang anggulo para makunan siya. Siniguro kong may flash ang camera para naman makuha ko ang atensyon niya. At hindi nga ako nagkamali.

Binaba niya ang cellphone niya at tinignan ako ng masama. Patay. Ito kasi ang pinakaayaw niya ang kinukuhanan siya ng litrato. Ano ba naman kasing kalokohan ang naisip ko. Ngumiti lang ako at kumaway pa sa kanya. Akala ko ay kukunin niya ang cellphone ko at buburahin ang picture niya na tinake ko pero iba ang ginawa niya. Tumayo siya at walang emosyong lumabas ng classroom.

Ako naman ay naiwan na kinikilig at hinahabol siya ng tingin. Tinignan niya ako? First time in four years. Mah heart.

"Hoy, babae." Halos mapatalon ako nang sigawan ako ng kaibigan ko sa mismong tainga ko. Panira naman ang babaeng ito.

"Ano? Kailangan sumigaw?" Inerapan ko siya. At muling tinignan ang picture ni Kelvin. Ang cute talaga niya.

"Paanong hindi ka sisigawan? Kanina pa kita tinatawag at kinalabit narin kita pero deadma. Sapakin kita diyan eh. " Umupo ito sa harap ko. "Ano ba kasi iyang tinitignan mo?" Hinablot niya ang cellphone na hawak ko. Napangiwi ito habang sinisiyasat ang cellphone ko. "Ano na namang kalokohan ang naisip mo? Ginulo mo nanaman si Kelvin noh?" Tanong nito sa akin na nakakunot noo.

Bumingisngis lang ako at muling kinuha ang cellphone sa kanya. Pakielamera talaga ang babaeng ito. Muli kong tinignan ang mga picture ni Kelvin, pake ba? Sa natutuwa akong pagmasdan ang walang emosyon niyang mukha eh. "Kung maka-kontra ka naman, Shean parang hindi ka naging ganito kay Yohanne ah?" Pang-aasar ko din sa kanya. Yohanne is her crush for two years. Baliw na baliw din siya dito. Mas madami nga siyang picture nang crush niya sa gallery kaysa sa akin. Akala mo talaga inosente eh.

"Hindi naman ako kasing baliw mo. Ilang taon ka na bang nagpapapansin diyan sa crush mo hindi ka naman mapansin. Kahit nga tingin hindi niya maibigay sa'yo eh."

"Sorry, Shean. Pero tinignan na niya ako kanina. " I laughed. Ipagmamalaki ko talaga ito, because it's my first time.

"Sus, if I know ibang tingin ang binigay niya sa'yo. Masamang tingin, pusta pa ako."

Tinignan ko siya ng masama. Kahit kailan talaga napakasama ng babaeng ito sa akin. Parang hindi ko kaibigan kung mang-api. Hindi man lang marunong mag-support.

"Alam mo parang hindi kita kaibigan, wala kang ka-support support ang pangit mo naman. Mukha kang unggoy." Inerapan ko siya.

Tinignan lang niya ako ng masama pero binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Tumahimik siya at ako naman ay tinitigang muli ang picture ni Kelvin. Sabi ko naman sa inyong hindi ako magsasawa sa mukha nang lalaking iyon. Kahit pa siya ang pinaka-cold na tao sa buong mundo.

Saan kaya kami magandang ikasal? Ano kayang pwedeng ipangalan sa future babies namin? Ano kayang magandang design ng bahay namin? Gusto ko yung simple lang basta kasama ko siya at ang mga magiging anak namin. Gusto ko din nang twins, tapos isang babae at lalaki.

Napangiti nalang ako sa mga naiisip ko. Ang dami ko nang pangarap para sa aming dalawa pero hanggang ngayon, wala paring nangyayari sa panggugulo ko sa kanya, hanggang crush palang din ako.

Natigil ako sa pagd-daydream ko ng makita ko si Shean na naglabas ng pagkain. Napangisi ako, atsaka na ako mangangarap sa ngayon ay kakain muna ako.

Nilapitan ko siya at kinuha ang pagkain sa kanya. Ako na ang nagbukas para sa aming dalawa, makapal na ang mukha kung makapal, pagkain ito. Nakatingin siya sa akin ng masama habang pinapanuod akong kainin ang clover na dala niya. Nginitian ko lang ulit siya ng malapad at inabot sa kanya ang pagkain.

"Gusto mo?" Pang-aasar ko pa sa kanya. She rolled her eyes bago kunin ang clover niya sa akin.

"Kahit kelan Steph, ang kapal ng mukha mo." Reklamo niya bago kumain. Para namang hindi siya sanay sa akin. Ganito na talaga ako pagdating sa kanya.

"Kumain ka nalang diyan, daldal mo." Sabi ko nalang sa kanya at tumawa pa nang malakas. Hindi na ako sinasaway ng mga kaklase ko, sanay na sila sa akin. Atsaka, maingay din naman sila.

Hinintay ko si Kelvin na bumalik, simula kasi ng lumabas siya kanina dahil sa pangungulit ko, hindi na ito bumalik. Nasaan na kaya ang asawa ko na iyon? Wala ba siyang balak mag-aral? Atsaka, bakit pala wala pa kaming teacher, anong oras na. Katatawa at kakakulit ko kay Kelvin hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko.

Parang bumalik ang antok ko ng maubos ang kinakain namin ni Shean. Hindi ko pa masilayan ang crush ko. Bakit nagiging malas yata ako ngayong araw? Nakakainis naman. Kinalabit ko ang kaibigan ko.

"Nakita mo na ba ang crush ko?" Tanong ko sa kanya. Agad naman niya akong pinagkunutan ng noo. Ayan na naman siya sa at nagtataray na naman. "Charr, lang. Bakit pala wala tayong teacher ngayon? Anong meron?" Seryoso ko nang tanong sa kanya.

"Kung ano ano kasi ang inuuna mo, ngayon wala kang alam. Landiin mo pa yung crush mong wala namang pakaelam sa'yo. May meeting sila ngayon." Sagot nito. Sasagot na nga lang, mangi-insulto pa. Masasapak ko na talaga ito, pigilan niyo ako.

Minsan talaga, iniisip ko kung bakit ba naging kaibigan ko ang babaeng ito. Nakakainis at puro realtalk ang inaabot ko sa kanya. Akala mo naman mabait na bata, plastik naman. Charr lang.

Agad naman akong napatingin sa may pintuan ng makita ko si Kelvin na papasok. Lalo siyang gumwapo, ano bang charisma meron ang lalaking ito at ganuon siya kung makaasta. Ang gwapo niya kahit nakasimangit, paano pa kaya kapag ngumiti na. Nginitian ko siya ng mapadako ang tingin niya sa akin, tinignan niya ba ulit ako? Kikiligin na ba ako?

"Huy, konti nalang matutunaw na iyang crush mo. Grabe ang lagkit ng titig mo." Bulong sa akin ng kaibigan ko pero hindi ko iyon pinansin. Gusto ko lang titigan ang crush ko.

"Shean, tinignan niya ulit ako. Tinignan ul---Aray!" Reklamo ko nang bigla niya akong batukan.

"Ilusyunada ka, Steph. Hindi ka tinignan nun, nagi-imagine ka lang." Kontra niya. " Kakanuod mo yan ng K-drama." Dugtong pa nito. Nadamay pa ang panunuod ko ng K-drama. Babaeng ito, dinaig pa ang nanay ko kung manermon. Nanunuod din naman siya nun, batukan ko ito eh.

After class, I decided to borrow books from library. Kahit naman puro pagtawa at pagdaldal lang ang ginawa ko buong klase, gusto ko paring mag-aral at maka-graduate. Past, 6;00 na din kaya kailangan kong bilisan dahil 6:30 ay magsasara na ang library. Baka hindi pa ako makahiram.

Nang makarating ako sa library ay agad kong hinanap ang librong dapat ay hihiramin ko. Naglilibot ako ng makita ko si Kelvin na natutulog sa pinaka-dulo ng desk. Sigurado akong siya iyon, apat na taon ko na siyang pinagmamasdan kaya alam ko na ang bawat anggulo ng katawan niya.

Napangiti ako at lumapit sa kanya, mamaya ko nalang hahanapin ang libro, sisilay lang muna ako. Umupo ako sa tabi niya, dahan dahan kong hinawakan ang buhok niya at marahang hinimas iyon. Natuwa naman ako ng hindi man lang siya nagising sa ginawa ko. Ano kayang pinaggagawa ng asawa kong ito at parang pagod na pagod? Hindi man lang nagising sa ginagawa ko, samantalang dati, kapag may lumalapit sa kanya kahit tulog siya, nagigising na. Ngayon, kahit siguro halikan ko ito, hindi magigising.

"Kelvin, bakit ang sungit mo? Bakit ayaw mong makihalubilo sa tao? Apat na taon na kitang kilala at kinukulit pero hanggang ngayon, masamang tingin lang ang binibigay mo sa akin." Tanong ko sa kanya. Natawa naman ako, kausapin ko ba naman ang tulog. Inihilig ko din ang ulo ko sa desk ng nakaharap sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang paglaro sa buhok niya.

Nasa ganuong estado ako ng gumalaw siya at humarap ang mukha sa akin. Biglang tumibok ang puso ko, anong gagawin ko? Sinilip ko kung gising siya pero hindi nakamulat ang kanyang mata kaya nakahinga ako ng maluwag. Ngayon ay magkaharap na ang mukha naming dalawa. Kitang kita ko ang gwapo niyang mukha, ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit. Ang swerte ko naman.

"Ang gwapo mo talaga." Nakangiti kong sambit. Wala sa sariling pinisil ko ng mahina ang ilong niya dahilan para bahagya itong magmulat.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Siya naman ay tuluyan ng nagmulat ng mata at masamang nakatingin sa akin. Patay ako nito.

Nginitian ko siya. "Hi, hehe, gigisingin sana kita kase---what the--anong oras na pala?"

Agad kong tinignan ang relo ko. Napatakbo ako sa may pinto pero nakasara na iyon, madilim narin sa labas ng sumilip ako sa bintana, wala ng tao duon. Nakalimutan kong 6:30 ang sara ng library, inuna ko pa kasi ang crush ko. Ito tuloy ako na-lock dito sa loob at kasama ko ang crush ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis sa nangyari. Inumpisahan kong katukin ang pinto, nagbabakasakaling may tao sa labas.

"Tulooooong, may tao po ba diyan? Tulooong, may tao po dito." Paulit ulit kong sigaw, pero parang wala na talagang tao sa labas. Past 7;00 narin kasi, paniguradong wala nang tao dito.

Tinignan ko si Kelvin na prenteng nakaupo at nagbabasa ng libro.. Hindi ba natatakot itong lalaki na ito? Kinuha ko ang cellphone ko, drain nadin iyon. Wala pa akong contact sa bahay. Kainis naman, mag-aalala si mama sa akin.

"Uy, Kelvin." Tawag ko sa kanya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. "Hindi ka ba natatakot? Na-lock tayo dito, wala ka man lang gagawin." Tanong ko sa kanya.

Wala man lang sagot, ano bang aasahan ko dito? Bakit ba kasi tinanong tanong ko pa ang lalaking ito. Ayos lang basta siya ang kasama ko dito. Kahit pa ako nalang ang magsalita ng magsalita basta siya ang kukuwentuhan ko hindi ako mapapagod. Tinignan ko ang librong binabasa niya.

"Teka, pambata ito ah? Fairytales?" Tanong ko sa kanya. Kinuha ko pa ang libro at tinignan ang title nuon. Hindi nga ako nagkamali, napangiti ako ng mapagtantong ang cold crush ko ay mahilig magbasa ng fairytales.

"Akin na iyan." Napahinto ako at gulat na napatingin sa kanya. Siya ba ang nagsalita o nagi-imagine na naman ako. "Ang ayaw ko sa lahat yung pinapakaelaman ang gamit ko." Siya nga ang nagsalita.

Masama ang tingin niya sa akin ng kunin niya ang libro. "Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga fairytale books. Madami ako sa bahay baka gusto m--"

"Shut up." He hissed. "You know nothing about me." Niligpit niya ang gamit niya.

" Bakit kasi ayaw mong makihalubilo sa tao? Pwede mo naman silang maging kaibigan, ako, pwede mo akong maging kaibigan." Sabi ko habang tinuturo ang sarili ko.

"I don't care about people." Tipid nitong sagot. Kahit tipid at pagalit ang sagot niya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ito ang unang beses sa apat na taon na nagkaroon kami ng conversation.

"Bakit nga eh? Bakit ayaw mo sa tao? Alam mo ba kung gaano ko kagustong maging kaibigan ka? Kung gaano ko kagustong damayan ka? Ang lungkot kasi niyang mga mata mo." Confuse kong tanong.

"Mas mabuti pang lumayo kana sa akin." Cold. Iyon na naman siya sa pagiging cold niya.

"Hindi ako lalayo sayo. Kahit ipagtabuyan mo ako, hindi ako lalayo. Kahit hindi mo ako pansinin, hindi ako lalayo." Pagmamatigas ko. "Alam kong mau dahilan sa likod niyang cold treatment mo sa akin. May dahilan kung bakit ayaw mong nakipagkaibigan." Sabi ko pa.

"Bakit ba ang kulit mo? Bakit ayaw mong makinig sa akin?" Tanong nitong pilit.

"Kasi ganito ako. Gusto kong makilala ka pa, gusto kong kulitin ka ng kulitin hanggang sa mapansin mo ako." Sagot ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin, sa pagkakataong ito hindi masamang tingin ang binigay niya sa akin. Isa iyong makahulugang tingin, hindi ko mahulaan kung ano iyon. Tumayo siya at muling umupo sa kabilang sulok, ayaw niya ba talaga akong katabi?

"When I was 7 years old, I lost my first bestfriend. I lost the first person who accepted who I am. I lost her, I lost my mother." Kwento niya.

Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko akalain na magkukuwento siya ngayon. Na magsasabi siya nang nararamdaman niya. Tinignan ko siya na binubuklat ang librong kanina ay binabasa niya.

" Mahilig siyang magbasa ng libro, and this book, ito lang yung naiwan niya sa akin. Ito ang kwentong pinakapaborito niya." Pagpapatuloy niya.

Kaya pala binabasa niya iyon. Hindi ko alam na wala na ang nanay niya, kaya siguro ganito siya. Ngayon naiintindihan ko na.

"When I was 12, my sister got an accident because of me. Lahat ng taong lumalapit sa akin napapahamak, I don't wanna get close to anyone because I am protecting them in such pain."

Tumayo ako at nilapitan siya. Wala sa sariling hinawakan ko ang balikat niya at pinisil iyon. Alam ko na ang nararamdaman niya ngayon, ang rason kung bakit siya gano'n. Kung bakit ayaw niyang lumapit sa tao. Pero hindi parin iyon magiging rason para lumayo ako sa kanya.

Nakita ko nalang ang sarili kong yakap yakap siya.

'Hindi na yata basta crush ang nararamdaman mo para sa lalaking iyan, Steph. Mukhang pagmamahal na iyan." Pagkausap ko sa sarili ko.