Apat

One night

Marian's POV

Nandito ako ngayon sa room ko actually magkatabi lang kami ng kasama ko 346 ang sa kaniya 347 naman ang sa akin.

Nagbihihis ako ng pangtulog ko ng biglang may kumatok sa pinto ko. "Sino 'yan?" Tanong ko.

Kumatok pa rin ito 'di siguro ako narinig. Pumunta ako sa pintuan sabay bukas at bumungad sa akin si...

"Jeorge? What are you doing here?" Gulat kong tanong.

Tinignan niya lang ako. "Don't you dare to go near that guy or else...I will kill him." Galit niyang sabi.

Nagtaka naman ako sa sinasabi niya. "Ano bang sinasabi mo? Nahihibang ka na ba?" 'Di ko napigilan ang sarili ko, napasigaw ako.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya dito kaya napa daing ako. "Ano ba Jeorge...nasasaktan ako." Nagpupumiglas kong sabi.

Tinignan niya lang ako sa mata. "Makita lang kita na kasama siya 'di mo talaga magugustuhan ang gagawin ko sa kaniya." Aniya.

Pilit kong hinawi ang kamay niya at nag tagumpay naman ako. Hinarap ko siya. "Nag dru drugs ka ba? Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.

Hindi ko in expect ang susunod na nangyari. He held both of my shoulders and he kissed me vigorously. Ano bang nangyayari sa kaniya?

Tinulak ko siya at saka ko siya binigyan ng isang malutong na sampal. "How dare you doing this to me? Mas lalo mo akong pinaniwala na isa ka ngang malaking gago!" Sigaw ko.

Lalapit pa sana siya ng bumukas ang pinto at 'di ko in expect ang susunod na nangyari. Pumunta sa gawi ni Jeorge 'yung lalaking kasama ko kanina at saka niya ito pinagsusuntok. 'Di naman nag patalo si Jeorge sinuklian din niya ng suntok yung kasama ko.

"Gago ka!" Sigaw ng kasama ko.

Nakita ko ang pulang likido sa gilid ng labi niya. Pinahiran niya lang ito sabay suntok ulit sa kasama ko.

"Mas gago ka! Sinong nag sabi sayong kunin mo siya sa akin? Napaka tang*na mo Bryce!" Sabi ni Jeorge sabay suntok sa kasama ko.

Nagulat ako sa narinig ko. Bryce? Siya ba 'yung lalaki kagabi sa tabing dagat?

Nagsusuntukan pa rin sila. Nakita ko si Jeorge na bumulagta at 'yung Bryce naman na sinabi niya ay nakatayo sabay pahid sa pulang likido na nasa labi niya rin.

Susuntukin pa sana siya nung Bryce pero pinigilan ko siya. "Tama na!" Naluluha kong sigaw.

Pumunta ako sa gawi ni Jeorge. "Okay ka lang ba?" Nag-aaalala kong tanong.

Tumango naman siya. "I'm alright babe. Wa'g kang mag-alala sa akin." Aniya sabay hawak sa mukha ko.

Umiwas ako ng tingin. 'Di ko pa siya kayang patawarin. Tumayo ako sabay harap nung Bryce.

"Umamin ka nga sa akin." Panimula ko.

Nakatingin lang ito sa akin. "Ano?" Malamig nitong tanong.

Hinarap ko siya. "Ikaw ba 'yung lalaki kagabi?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Jeorge.

"Oo siya 'yun and he trapped me babe. He even block mailed me-" Putol nitong sabi.

"Tumahimik kang gago ka! Wala kang karapatang saktan si Marian. Alam ko ang pinag gagawa mo sa kaniya. You even cheated on her not once kundi several times. Don't make a story to secludes your so unremarkable doings Jeorge." Sagot ni Bryce.

Tinignan ko ulit si Jeorge. "Totoo ba?" Mahina kong tanong.

"Babe is not like that-" Putol niyang sabi.

"Totoo ba?" Sigaw ko.

Marahan siyang tumango. My tears are dripping down on my cheeks. "Ang kapal mong lokohin ako? Saan ba ako nagkulang sayo ha?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. I wiped my tears and I goes on him then I slapped him. "How dare you! May gana ka pa talagang magpakita sa akin ha? At...balak mo pa talaga akong gahasahin." Sinampal ko ulit siya.

Hindi naman siya umangal. I saw his tears dripping down on his cheeks pero wala akong pakialam.

Tumayo ako at pumunta ako sa kasama ko then niyakap ko siya. I need a person to cry on.

He just patted my back. "Shh. Iiyak mo lang yan." Rinig kong sabi niya.

Napansin ko namang tumayo si Jeorge. Pumunta siya sa gawi ko. "Tandaan mo 'to Marian. Babawiin kita sa gagong 'to." Sabay niya.

"Umalis ka na." Mahina kong sabi.

"Marian I swear hindi ko sinasadya 'yun he trapped me maniwala ka-" Putol niyang sabi.

"Umalis ka na!" Sigaw ko.

Nakita ko naman siyang lumabas sa pinto sabay sarado nito. Pagkalabas niya binuhos ko 'yung luha ko sa kasama ko. Nakayakap pa rin ako sa kaniya. Maya-maya bumitaw ako sabay tingin sa kaniya.

"Pasensiya ka na ha? Nabasa tuloy ang damit mo." Sabi ko.

He smiled at me. "It's okay damit lang yan. Pero ang makapagpa tahan sa isang taong nasasaktan ay napakalaking bagay 'yun." Sabi niya.

I just gave him a smile. "Thank you for saving me. Baka kung 'di ka dumating kanina baka nagahasa na niya ako." Sabi ko.

He just smiled at me. "No problem, anything for you." Sabi niya.

"Ah sige...alis na ako ah. Gabi na kasi eh." Sabi niya.

Tumango lang ako. "Sige, good night." Sagot ko.

Ngumiti lang siya sa akin. "Good night...my queen." Sabi niya.

'Di ko narinig ang dulo n'on pero masaya ako dahil walang nangyaring masama sa akin.

Akala ko aalis na siya kasi nakatalikod na ito kahit naka talikod ito kitang-kita pa rin ang magandang pangangatawan nito.

"One more thing..." Pangbibitin niya.

"Ano yun." Tanong ko.

"If may kumatok ulit sayo just call me and I'll watch who is it." Sabi niya.

"By the way naka phone book na pala ang number ko sa number mo." Aniya.

Tatanongin ko sana siya kung paano pero bigla siyang nagsalita.

"Wa'g mo ng tanungin kung paano." Aniya sabay labas.

Naiwan akong nakatunganga dito. 'Di makapaniwala sa nangyari. Humiga ako sa kama at nag-isip. Napaka misteryoso niya talagang tao kahit mga mata niya 'di ko mabasa.

— — —

Nagising ako dahil sa isang katok. Bumangon ako sa kama ko at tinungo ang pintuan para buksan ito. Pagkabukas ko may nakita akong naka packed na food na nakalagay sa isang plastic.

May nakita akong note na naka lagay. Binasa ko naman ito.

Kain ka na, aalis pa tayo mamaya. Eat well (:

–Mr.B

Kinuha ko ang plastic na may lamang ulam saka ako pumasok at sinara ang pinto. Ipinatong ko ang plastic sa mesa sabay upo ko sa isang stool.

Nagulat ako ng biglang nag pop-up 'yung phone ko. Kinuha ko naman ito at tinignan kung sino ito. May isang unknown number na nag text. Binasa ko naman ito.

From: Unknown Number

Natanggap mo ba ang iniwan ko sa pinto?

I replied.

To: Unknown Number

Oo.

He replied immediately.

From: Unknown Number

Good, eat well.

I replied.

To: Unknown Number

I will.

He just sent me a emoticon.

From: Unknown Number

:)

Itinago ko ang telepono ko pagkatapos kinuha ko 'yung nasa loob ng plastic. Bumungad sa akin ang isang packed food sa isang fast food chain. Binuksan ko ito sabay subo. Kinuha ko 'yung phone ko at tinignan kung anong oras na at rumihestro naman ang oras, mag si-six AM na pala. Ipinatong ko ito sa mesa.

Pagkatapos kong kumain tumayo ako at naligo, nag half bath lang ako dahil tutuloy na kami sa Cagayan de Oro mamaya. Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng casual lang at lagay ng kaunting blush on then I prepared my clothes.

— — —

Maya-maya may kumatok. Nagdadalawang isip naman ako kung bubuksan ko ba o hindi baka kasi si Jeorge na naman ito at baka may gagawin na naman siyang masama laban sa akin.

Biglang nag beep yung phone ko tinignan ko ito at nakita kong may tumatawag. Sinagot ko naman ito.

"Hello." Panimula ko.

"Marian open the door." Boses ni Bryce.

"Okay." Sagot ko.

Pinatay ko ang telepono sabay tayo at tungo sa pintuan para buksan ito. Pagka bukas ko bumungad sa akin si Bryce na sobrang hot sa suot niya. Naka hawaiian suit lang ito tinernohan ng black niyang short pants, hilig niya talaga sa short pants.

Bumaling ako sa kaniya. "Bryce." Gulat kong sabi.

Continue reading :)

Hi there, thank you for reading this chapter. For opinions and suggestions just comment below and I'll answer it. Thank you :)