Going North
Bryce Bernardo POV
Binigyan ko si Marian ng packed food galing kasi ako kanina sa isang fast food chain kaya naisipan kong bigyan siya baka kasi 'di pa siya kumakain.
Nandito ako sa harap ng pinto, nag-aantay na pagbuksan niya ako. Kinuha ko 'yung telepono ko sabay tawag sa kaniya. Sinagot niya naman ito.
"Hello." Rinig kong sabi niya.
Ang ganda talaga ng boses niya parang musika.
"Marian open the door." I responded
"Okay." Sagot niya.
Binaba niya na ang telepono. Maya-maya binuksan niya naman ito.
"Bryce." Aniya.
I just gave her a smile. "Goodmorning, how's your sleep?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya. "I-It's good." Sagot niya.
Tumango ako. "Okay, by the way ready na ba ang mga gamit mo?" Tanong ko.
Tumago siya. "Yup. Ito na nga oh." Sabay pakita niya sa bagahe niya.
Ngumisi ako. "O-Okay. So ready ka na?" Tanong ko.
Tumango ulit siya. "Ready." Aniya.
Lumabas na siya ng room niya at bumaba kami para makapag check out na. Sakto namang dumating si uncle, pumunta muna ako sa kaniya.
"Hi uncle." Sabi ko.
Lumingon naman siya. Nagulat siya sa presensiya ko. "Bryce? Hijo anong ginagawa mo dito? Tapos ka na bang mag almusal?" Tanong niya.
Bahagya akong tumawa. "It's okay tito tapos na akong mag almusal actually I'm heading back to Manila today." Sabi ko sabay ngiti sa kaniya.
"Miss na gyud ka ni mama uncle. Kanus-a daw ka mo bisitag balik sa iyaha? (Miss ka na ni mama uncle, kailan ka daw bibisita ulit sa kaniya?)" Dagdag ko.
He smiled at me. "Me too Bryce. Miss ko na rin ang mama mo. Mo bisita ko sa inyo sunod dominggo, promise ko yan (Bibisita ako sa inyo ngayong susunod sa susunod na linggo)" Sagot niya.
I smiled at him. "Oh sige tito. Mo adto na ko kay nag hulata na to si mama didto (Oh sige tito. Aalis na ako kasi naghihintay na si mama doon)" Sagot ko.
Tumango naman siya. "Sige Bryce paki kamusta ako sa mama mo ha at kay Trixie. Ah nga pala Bryce." May kinuha siya sa wallet niya.
"Ito oh. Pang meryenda niyo sa biyahe." Sabay bigay niya sa akin ng pera.
Nagtaka naman ako kung paano niya nalamang may kasama ako. "Niyo po?" Tanong ko.
He chuckled. "Oo niyo, 'di ba girlfriend mo 'yung babaeng 'yun?" Tanong niya sabay turo kay Marian.
Bahagya akong tumawa sabay iling. "Hindi pa po kami." Sagot ko.
Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Hindi pa kayo so may pag-asang maging kayo. Sige lang Bryce kaya mo 'yan magiging kayo din niyan sa huli." Sabi ni uncle.
Tumango lang ako. "Ah sige po aalis na po ako." Sabi ko sabay hakbang na sana ng pigilan ako ni uncle.
"Yung pera mo, naiwan mo." Aniya sabay bigay sa perang inabot niya kanina.
Ngumiti lang ako sa kaniya pagkatapos pumunta ako sa gawi ni Marian.
"Hey, did I wait you?" Tanong ko.
Ngumiwi siya. "Hindi naman masyado." Sagot niya.
I faced her "Pasensiya ka na ha. Nag-usap pa kasi kami ng kakilala ko dito. Napasarap 'yung usapan namin kaya 'di ko namalayan na ang tagal na pala naming nag-uusap. Sorry talaga." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Ngumiti siya. "Okay lang tito mo 'yun eh." Aniya.
Nagulat ako sa sinabi niya. "How did you know?" Gulat kong tanong.
Tinuro niya 'yung babae sa counter. Nag peace sign naman sa 'kin 'yung babae. Napa buntong hininga na lang ako.
"Wa'g ka na ngang ma badtrip diyan. Alam ko namang gusto mo lang itago ang profile mo eh. You know? Mayaman kayo eh...Ahm mali pala ako, super yaman niyo nga pala." Aniya sabay ngiti.
I snooted at her. "Di naman ako mayaman at ayokong mabuhay ng umiikot lang sa pera ang buhay ko gusto ko yung malaya akong makakapunta kahit saan ng walang limitasyon." Sagot ko sa kaniya.
Tumango naman siya. "O-Okay." Aniya.
"Tara na? Baka 'di tayo makasakay ng bus nito." Pag-iiba ko sa topic.
She nodded at me. "Sige." Tipid niyang sagot.
Umalis kami sa hotel tapos may na contact na akong taxi para magsundo sa amin. May-maya dumating din naman ang taxi na kinontact ko. Sumakay kaming dalawa sa taxi actually magkatabi kami. Habang papunta kaming Terminal nagtanong ang mama.
"Sir teka. 'Di ba ikaw 'yung anak ni Lucio Bernardo?" Tanong niya.
Nako loko na!
Umiling ako. "Hindi po ako 'yun." Pagtatanggi ko.
Tinignan niya ulit ako sa rear mirror niya. "Hindi eh...hindi ako puweng magka mali. Ikaw talaga 'yun eh." Pagpupumilit niya.
Buti na lang malapit na kami sa terminal ng bus kung hindi naku loko na siguro. Huminto ito sa labas ng terminal ng bus hindi kasi puwedeng pumasok kasi kukuha pa kami ng ticket.
Bumaba kami ni Marian sa taxi. 'Yung driver naman todo tanong pa din sa akin kung ako nga ba 'yung anak ni Lucio Bernardo, aba siyempre papa ko 'yun eh pero 'di ko puwedeng sabihin. You know, I'm hiding my identity. Nagbayad ako ng pamasahe namin at pagkatapos pumasok na kami sa terminal ng bus.
Papasok pa lang kami nang may nakita akong isang prest na kaka shoot lang para sa daily news nila. Nako po! Wala akong sumbrero. Buti na lang talaga may nakita akong nagtitinda ng sumbrero sa labas. Bumili ako halos malapit na nga nila akong mabuking eh.
Sinuot ko ang shades ko sabay pasok namin ng tuluyan sa loob ng terminal ng bus. Pagkapasok namin pumunta akong ticketing outlet.
"Miss 2 ticket to Cdeo." Suwabe kong sabi.
Bigla namang nagulat ang babae sa sinabi ko. May nakaka gulat ba dun? Nag antay lang ako kasi sabi niya mag antay kami kay nag antay ako saglit.
"Ito na po 'yung ticket niyo." Sabi niya.
"Thank you miss." Sabi ko.
Aalis na sana kami ng pigilan niya kami. Lumingon naman ako sa gawi niya. "May sasabihin ka pa miss?" Tanong ko.
"May kamukha po kayo...Oo ikaw nga!" Aniya na para bang bata na nanalo sa laro.
Naguluhan naman ako sa sinabi niya. "Huh?" Tanong ko.
"Ikaw si Bryce Bernardo ang anak ni Lucio Bernardo. Nandito ka lang pala ah." Tumayo siya sabay sigaw . "Nandito 'yung anak ni Lucio Bernardo." Aniya.
Dinumog naman kami ng mga tao. Sa dami nito madadaganan talaga kami buti na lang naka takbo kami.
Nasa mga bus na kami pero todo pa rin 'yung sigaw ng mga tao sa amin. May nakita akong papaalis na bus kaya tinawag ko ito pero 'di pa rin humihinto ito hanggang sa huminto ito para pagbuksan ng guard. Dun na kami tumakbo ng malakas ni Marian sabay pasok namin sa bus. Luckily the foyer of the bus has been closed. Nakahinga kami ng maluwag ni Marian.
"Grabe ang sikat mo pala. 'Di ko in expect 'to." Aniya sabay ngisi.
Tinakpan ko ang bunganga niya baka kasi may maka rinig sa amin dito at sugudin ako para magpa picture.
"W'ag kang maingay baka may maka rinig sayo." I whispered.
Tumango naman siya. "Copy sir." Sagot niya.
Hinubad ko ang shades ko at bumungad sa kaniya ang mata kong kulay brown. Tinitigan niya lang ako at tinitigan ko lang din siya. Umiwas siya ng tingin.
Tumikhim ako ng mahina. "Pasensiya ka na ha? Sana 'di na lang kita sinama. Naabala pa tuloy kita." I muttered.
"Okay lang at least nalaman ko na sikat pala ang kasama ko ngayon at nung tinaray-tarayan ko pala kanina ay grabe...super yaman pala. Grabe ang lupit ni tadhana." She responded.
I just gave her a smile. "Okay lang." Tipid kong sagot.
Magsasalita pa sana siya ng may biglang umagaw sa atensiyon ng lahat. "Nandito daw ang anak ni sir Lucio sa bus na ito. Maaari ba namin siyang makapanayam kahit saglit man lang." Rinig kong sabi ng lalaki.
Yumuko ako para 'di nila ako makita. Mahirap na baka kung ano pang tatanongin nila sa akin.
Bumaling sa akin si Marian. "Hoi! Hinahanap ka oh." Mahina niyang sabi.
Tumayo si Marian ewan ko kung ano ang binabalak niya pero sana wa'g niya akong ibuko. "Si Bryce Bernardo po ba ang hinahanap niyo?" Tanong ni Marian.
"Oo hija. Alam mo ba kung nasaan siya? Puwede mo ba kaming samahan sa kaniya?" Tanong ng lalaki.
Tumango si Marian. Ano bang iniisip niya?
Nakahinga ako ng maluwag ng bigla niyang tinuro ang isang bus. "Do'n po siya sumakay magkasama kasi kami kanina kumuha ng ticket." Aniya.
Tinignan ko siya pero kinindatan niya lang ako. Damn! She's so gorgeous.
"Salamat hija. Pasensiya sa abala puwede na kayung umalis" Sabay baba nong lalaki.
Naka yuko pa rin ako dito sa inuupuan ko. Umayos lang ako sa pagkaka upo nang malayo na ang bus sa lugar na 'yun.
"Bakit ka ba kasi nila hinahanap?" Tanong niya.
I remained silent at her. I heard her sigh. "I understand kung ayaw mong sabihin sa akin." Aniya.
Tinignan ko siya. "Hindi ka galit?" Tanong ko.
Umiling siya. "Bakit naman ako magagalit? May ginawa ka bang masama para magalit ako sayo? 'Di ba wala naman." Aniya sabay ngiti sa akin.
I just forced my smile to her. Maya-maya linamon kami ng matinding katahimikan tanging musika lang ng bus ang naririnig namin.
Ang tagal ko na palang nakatulala halos 'di ko napansin na nakatulog na pala siya. I saw her sleeping kahit sa pagtulog ang ganda pa rin niya. Kinuha ko ang ulo niya at ipinatong ito sa balikat ko para maka tulog siya ng maayos. Maya-maya biglang dinapuan ako ng antok at nakatulog na rin ako.
Continue reading :)
Hi there, thank you for reading this chapter. For opinions and suggestions just comment below and I'll answer it. Thank you. By the way salamat kasi umabot ka sa pahinang ito. Kung nagustuhan mo ang chapter na ito just comment down below.