"Ate!" Tumatakbong lumapit saakin si Kevin habang nagsusuklay ako ng buhok sa harap ng salamin. Basa ito ng pawis at may bakas na rin ng mantsa sa kanyang damit dahil sa paglalaro. Humawak ito sa dulo ng t-shirt ko at nagtago sa likod ng aking binti.
Tumatawang sumunod naman si Papa at pumasok rin ng k'warto. Hinahabol nito ang kapatid kong maliit na si Kevin.
Pilit nagtatago habang humahagikhik si Kevin sa aking likod habang si Papa naman ay iginagalaw ang mga daliri at handa na itong kilitiin. Maging ako ay nahawa sa kanilang tawanan. Hearing my little brother's giggle makes my day filled with sunshine.
Mas lumapit pa si Papa saamin kaya tumakbo palayo si Kevin. At dahil maliliit ang hakbang niya ay naabutan siya ni Papa. Ikinulong ito ni Papa sa kanyang braso at pinaulanan ng mga kiliti. My room was filled with soft giggles.
This is my family. Isang pamilya na kahit hindi ko kadugo ay minahal pa rin ako na parang tunay nilang anak. Hirap kasing magkaanak noon sina Mom at Dad kaya nag-ampon muna sila at ako ang bata na tinuring nilang parang tunay na pamilya. Wala na akong mga magulang dahil namatay sila dahil sa isang pagsabog sa building na pinagtatrabahuan ng tunay kong mga magulang.
Si Kevin ang nakababata kong kapatid. Ito ay tatlong taong gulang pa lamang. Malaki ang agwat ng aming edad dahil si Kevin ay isang miracle baby. May edad na rin kasi sina Dad at Mom nang magbuntis ito. Nagkaroon ng kumplikasyon sa panganganak ni Mama kaya't nahirapan ito sa paglabas ni Kevin. Ayon sa doktor, isa itong himala dahil nagkaroon pa sila ng anak.
We were so happy and happiness flashed on our faces when we first saw Kevin. Siya ang nagpapasaya saamin. He's our sunshine.
Kapag pagod si Dad sa pagtatrabaho at kapag madaming problema si Mom, nawawala ang pagod at problema nila makita lang si Kevin. At kapag malungkot ako, marinig ko lang ang nakakagigil na tawa ni Kevin ay napapawi ang lungkot ko.
That's how a person in our life can change our mood.
But everything changed when something happened.
"Rhyzel, samahan mo muna si Kevin sa labas. Gustong maglaro kasama ang mga kalaro niya. Madami pa akong tatapusing trabaho rito e." Dinig kong sabi ni Papa habang nakatuon sa lamesa hawak ang maraming dokumento.
Agad naman akong napatayo upang samahan si Kevin sa labas ng aming village. Binihisan ko na siya at naghanda na kaming lumabas. Paglabas namin ay nandoon at sinalubong na siya ng kanyang mga kalaro. Agad itong tumakbo papunta sa mga kalaro.
Ako naman ay naupo sa bench at nagsimulang libangin ang sarili sa cellphone. Kahit abala sa pagcellphone, hindi pa rin nawawala ang atensyon ko sa maliit kong kapatid.
Napatingin ako sa suot kong kwintas. A 'Marie Antoinette' necklace. Nagkakahalaga ito ng ilang milyong dolyar. Bigay ito saakin ng Lola ko na galing pa daw sa Lola niya. In short, matagal na ang kwintas na ito kaya pinakaiingatan ko 'to. Palagi ko itong sinusuot dahil ito din ay isang nagsisilbing alaala kay Lola na pumanaw na noong nakaraang taon.
Malapit kami ni Lola sa isa't isa kaya malaking dagok saakin ang kanyang pagkawala.
Napatingin ako kay Kevin. Mag-isa na lang itong nagmaneho ng kanyang bisikletang may maliliit na gulong pang-suporta. Wala na ang mga kalaro niya.
Nagkibitbalikat ako. Ba't kaya biglang umalis ang mga 'yon?
Nang bigla akong may naramdamang kakaiba. Bumilis ang pintig ng puso ko. Napalingon ako sa paligid.
Something's not right.
Hinawakan ko ang kamay ni Kevin at nagsabing iuuwi ko na siya.
Inalalayan kong sumakay si Kevin sa kanyang bike. Nang biglang may brasong humila kay Kevin. Halos tumigil ako sa paghinga nang tutukan siya ng lalaki ng baril sa kanyang leeg.
May dalawang lalaki sa aming harap. Pareho itong puro itim ang damit. Nakatakip rin ang kanilang mga mukha ng itim ba face mask. Ang may nakatutok na baril kay Kevin ay walang cap samantalang may cap naman ang isa.
"Holdap 'to," ani ng lalaking nakatutok ang baril kay Kevin.
Nangangatog ang tuhod ko at napakalakas ng pintig ng puso ko. Mabilis kong ibinigay ang cellphone ko na siya namang kinuha ng lalaking nakasuot ng cap.
"Akin na ang kwintas mo." Namilog ang mga mata ko sa sinabi ng lalaking hindi nakasuot ng cap.
A-Ang kwintas ko?
"P-Pero bigay 'to ng Lola ko at---"
"Ibibigay mo, o gusto mong tapusin ko ang buhay nitong kasama mo?" Napalunok ako. Tumingin ako sa aking kwintas habang tinatanggal ito mula sa aking leeg.
Sorry Lola, pero kailangan ko itong gawin para mailigtas kami ni Kevin. Alam kong pinangako kong iingatan ko 'to at ipapamana pa sa sunod nating henerasyon pero-----
Nang biglang inagaw ng lalaking nakasuot ng cap ang baril mula sa kasama niya.
"Ano bang ginagawa mong bata ka bakit---"
Pilit inagaw ng isang lalaki ang baril. Nag-agawan ang dalawa kaya nagkaroon ng pagkakataong makatakbo si Kevin.
"Itigil na po natin 'to---"
Napapikit ako ng isang malakas na putok ang aking narinig. Unti-unti akong nagmulat at agad napasigaw nang makita si Kevin na nakahandusay sa lupa habang naliligo sa sarili niyang dugo.
Tumakbo ang dalawang lalaki palayo.
"K-Kevin!" Tumatakbong dumalo si Mom at Dad papunta kay Kevin.
"Guards, tumawag kayo ng pulis! 'Wag niyong hahayaan ang dalawang lalaking naka-itim na makalabas ng village!" Dinig kong sigaw ni Dad sa telepono.
Agad naming dinala si Kevin sa ospital. But unfornately, our baby boy didn't make it. Dead on arrival na ito. Malalakas na hagulgol ni Mom at Dad ang pumaibabaw sa paligid.
Maging ang mga luha ko ay walang tigil sa pagtulo. It's my fault. It's all my fault.
"Sorry po... Mom... Dad." Yumakap ako sa kanila. Ngunit agad akong tinulak palayo ni Mom.
"Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo kung bakit namatay ang pinakamamahal naming anak! Hindi ka na dapat namin inampon!" Tila tinutusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko nang marinig ang mga salitang iyon. Kahit kailan ay hindi pa ako pinagsalitaan nang masama ni Mom. N-Ngayon lang..
"Sorry po----" Sinubukan kong lumapit muli sa kanya ngunit isang malakas na sampal ang sumalubong saakin.
"Sorry?! Sa tingin mo mababalik pa ng sorry ko si Kevin?! Ha?!" Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi sa lakas ng kanyang sampal.
And that's how people judged me for the mistake I did. They will judge you without even listening to your explanation. You won't even have a chance to explain yourself or to understand you...
That's when everything changed. Nagbago na ang pakikitungo nila saakin. Naging malamig sila saakin. Oo, nawala si Kevin. Pero pakiramdam ko, pati sila Mom at Dad ay wala din.
Palagi silang galit saakin. Pakiramdam ko ay hindi na rin nila ako tinuturing na anak. Nagmistula akong hangin na hindi nila naririnig o nakikita. Kulang na nga lang ay palayasin nila ako ngunit hindi lang nila sinasabi saakin. Sinubukan kong humingi ng tawad nang paulit-ulit. Ngunit hindi man lang nila ko pinapakinggan.
Pakiramdam ko ay naging mag-isa na lang ako. Masakit... Sobrang sakit.
I was just twelve years old when all those things happened.
And that's when I felt that my life is not worth living anymore.
Tatlong araw ang nakalipas at katatapos lang ng libing ni Kevin.
Nasa kotse kami ngayong tatlo at pauwi na kami ng bahay. Si Dad ang nagda-drive at nasa front seat si Mom.
"Kung sana ay ako na lang ang sumama kay Kevin noong araw na 'yon.. Sana naprotektahan ko man lang ang anak natin.." Hinahampas ni Dad ang manibela sa inis.
"Hon.. Kung gusto mo ay ihinto muna natin 'tong kotse para----"
Nang biglang may marinig kaming malakas na busina ng isang truck at nakakasilaw ang headlights nito. Sa bilis ng pangyayari, hindi na naigalaw ang manibela at hindi na nakaiwas ang sinasakyan namin.
Napapapikit ako at nakaramdam ng isang malakas na impact.
Nakita ko ang aking sarili sa isang lugar na puro puti ang paligid. Tinakpan ko ang aking mata dahil sa liwanag na sumilaw sa mata ko. Nanggagaling ito sa langit. Ito na ba 'yun? Aakyat na 'ko sa langit?
Anong nangyayari? Am I really dead? Kaluluwa na lang ba ako ngayon?
Am I already... dead?
May isang babaeng nakaputi at may pakpak ang lumitaw sa harap ko. Is she an angel?
"I-Isa kang anghel?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oo. Isa nga akong anghel." Sinusundo na niya 'ko?
"Patay na ba ako? At ikaw ang susundo sakin?" Lumitaw ang isang napakagandang ngiti mula sa kanyang labi.
"Hindi pa. I'm giving you a chance." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Chance?" Nagtatakang tanong ko.
"You haven't live your life to the fullest yet. So I'm giving you a chance."
"Po?"
"Pwede ka pang mamuhay dito. Pasayahin mo ang puso mo. Do what makes you happy."
Hinawakan ng anghel ang kamay ko at sa isang iglap ay bigla akong napamulat ng mata. Natagpuan ko ang aking sarili sa ospital, at buhay pa din ako.