Limang taon na ang nakalipas. Matapos nang lahat ng masamang pangyayaring iyon.
Naglalakad ako sa corridor papunta sa classroom ko. Umpisa na ang mga klase pero heto ako at papasok pa lang. Sa pagdaan ko sa bawat room, naririnig ko ang discussion ng teachers.
Sa ibang classrooms ay napapansin ko ang mga estudyanteng nakatulala, mariing nakikinig, pasimpleng nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook habang nagdidiscuss ang teacher sa kanilang unahan. May ilan pang estudyanteng napapatingin saakin mula sa bintana. Siguro nga ay namumukhaan na nila ako dahil palagi akong late at nakikita nila akong papunta pa lang sa classroom kahit umpisa na ang klase.
Our adviser will be mad at me again for being late, for sure. Ganun naman lagi. Sanay na nga ako sa mga sermon ni Mr. Abuloc.
Bilib ako sa teacher na 'yun. Hindi nagsasawang manermon. Pero kahit naman anong sermon niya, I will always be late in school.
Pagdating sa classroom, lahat na naman mga kaklase ko ay nakatingin sakin. I don't know why they're still staring at me with that look. Lagi naman akong late, ba't 'di pa sila nasanay?
And as usual, namumula na naman ang mukha ni Mr. Abuloc at parang sasabog na ang ulo sa galit.
"You're late again!" Halata naman na late ako, sinasabi pa.
"Opo. Late nga po 'ko." Sa inis niya ay binato niya ang eraser ng board sa pader.
"Aba't sumasagot ka pa! Manahimik ka!" Itinuturo niya ako gamit ang hintuturo niyang daliri.
"Bakit ka na naman ba late ha?! Hindi ka na nadala! Simula first day of school, lagi kang late!" Tama siya. I never went to school early. Noon lang...
"O, ngayon 'di ka makasagot?! Samantalang kanina namimilosopo ka pa!" Ano ba talaga? Sabi niya manahimik ako?
"Sabi niyo po manahimik ako---"
"To the guidance office now!" Sumunod ako sa sinabi niya. I went to the guidance office.
"She's always late! Hindi pa siya nakakapasok ng maaga simula ng mag transfer siya dito! Nananadya na ang batang 'yan! Gusto niya ako laging iniinis!" Lahat ng sinasabi ni Mr. Abuloc ay papasok sa kabilang tenga ko at lalabas sa kabila. Wala akong pakialam kung anong sabihin niya. I know myself better than other people.
"Ms. Clemente? Alam mo ba na ang pasok dapat ng mga estudyante dito ay 7 am?" Tanong ng guidance counselor. I nodded. Syempre alam ko 'yun. Estudyante din naman ako dito kaya alam ko yun.
"Alam mo naman pala! Bakit late ka pa din pumapasok?!" Namumula na naman sa galit si Mr. Abuloc.
I didn't answer.
"Ano?! Hindi ka naman makasagot?! Kanina ka pa!" Akmang lalapit na sakin si Mr. Abuloc pero pinigilan siya ng guidance counselor na si Ms. Gomez.
"Do you have a problem, Ms. Clemente? May problema ba sa pamilya mo?" I shook my head. Sana nga ganun na lang ang problema ko. Pero hindi.
"Kung ganun, bakit lagi kang late? Malayo ba masyado ang bahay mo?"
"Hindi po. Late lang akong nagigising, Ma'am." Nagulat si Ms. Gomez sa sinabi ko.
"Aba't ang batang 'to talaga---" Akmang susugod na naman sakin si Mr. Abuloc pero tumayo na ko at lumabas ng kwarto.
Habang naglalakad, maraming estudyanteng napapatingin sakin. Sanay na ko, so I just ignore them. Wala naman silang mapapala kung titingnan nila ko.
Taas-noo lang akong naglakad. Wala akong pakialam sa kanila. Hindi ko dapat kaawaan ang sarili ko. Dahil kung iisipin kong kaawa-awa ako, ano na lang ang mangyayari saakin? Made-depress? Matatakot pumasok? Nah, ayokong mangyari iyon. In the end, ako lang naman ang magpapakalakas ng loob sa sarili ko. It's just going to be ME. Kaya kailangan kong tatagan ang sarili ko at 'wag magpapadala sa iniisip ng iba.
I changed my mind. I won't attend classes today. I want to get out of here.
Pagdating sa may gate, itinigil ko ang paglalakad ng makita ang guard na nakabantay doon. Bumalik ako ng direksyon at nagtungo sa garden. Siniguro kong walang ibang taong makakakita sakin. Pagdating sa dulo ng garden, inihagis ko ang bag ko sa kabila gilid ng pader. Bumwelo ako at tumalon sa kabilang pader.
Isinukbit ko na ang bag ko sa aking likod at naglakad palayo ng school.
Nasira ang mood dahil sa Bulok na 'yun. So I'll just cut classes.
Dalawang linggo na simula ng magpasukan. At sa dalawang linggong 'yun, I never went to school early. Para sa'n pa? Going to school isn't my priority. Dapat nga ay hindi na lang ako pumasok ng school.
Kung hindi lang ako pinilit ni Lolai, hindi talaga ako papasok ng school.
"Rhyzel?" Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Lolai sa harap ko. A-anong ginagawa niya dito sa labas?!
"Bakit ka po nandito, Lolai?" Napalunok ako. Lagot ako nito.
Walang alam si Lolai na nagka-cutting ako. Dapat pala'y hindi na lang ako nag-cut ngayon!
"Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo. Hindi ba't may pasok ka? Bakit nandito ka? Wag mong sabihing tumakas ka?"
Lolai is my neighbor. She's an old woman. Ang edad niya ay nasa early 60s. Puti na rin ang buhok niya.
Si Lolai ang gumagabay at tumitingin tingin saakin dahil mag-isa lang naman akong namumuhay. She's like a family for me. A real one.
Siya ang nagpumilit sakin na pumasok sa school. Wala na akong nagawa kaya kahit ayaw 'ko, napilitan akong pumasok ng school.
"Masama po kasi ang pakiramdam ko kaya pinauwi na po ako, Lolai." I call her Lolai. Gusto niya kasing unique ang tawag ko sa kanya at 'yun ang naisip kong itawag sa kanya.
"Ganun ba? Naku! E bakit hindi ka nagpasundo sa'kin? Ikaw talagang bata ka!" Iginaya na ako ni Lolai pauwi. Mabuti na lang at naniwala si Lolai sa palusot ko.
Pagdating sa bahay, pumasok agad ako sa aking kwarto. Ang bahay na tinutuluyan ko ay hindi naman kalakihan at sapat lang para sa'kin dahil mag-isa lang naman ako dito. I rented this apartment by using the money my parents left. Ang perang iniwan nila saakin ang gamit ko para mamuhay sa nakalipas na limang taon. Kahit papa'no ay sapat naman ito.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong ibinaba ang aking bag at tinanggal ang sapatos ko bago nahiga sa kama.
I closed my eyes and let myself fall asleep.
I just want to escape this reality. The reality that seems a nightmare.
Pagkamulat ko ng aking mata ay nagising na naman ako sa katotohanan.
Sa katotohanang nandito pa pala ako sa mundong ito at nakikipagsapalaran. Kailangan ko namang bumangon at makipagsabayan sa mundong ito. Na kahit gaano kasakit ang lahat ng naranasan ko, kailangan ko pa ring mamuhay sa mundong mapanghusga.
"O, Rhyzel. Buti at gising ka na. Pagpasensiyahan mo na kung pumasok ako dito sa bahay, nag-alala lang ako sa'yo kaya ako pumasok. Pinagluto na nga pala kita ng makakain." Pumasok si Lolai sa kwarto ko. Tumango ako at sumunod sa kanya palabas ng kwarto.
Bumungad saakin ang isang bowl ng lugaw sa hapag kainan.
"Sige na, kainin mo na 'yan. Dapat ay magpagaling ka nang makapasok ka na sa school kinabukasan." Kinain ko ito at inubos. Maya-maya ay umalis na Lolai at bumalik na sa kanyang bahay na katabi lang ng bahay ko.
Nang may marinig akong katok mula sa gate. Sino naman kaya ang bibisita dito?
Sinubukan kong tumingin sa gate mula sa bintana. Nakita 'kong may pamilyar na babaeng naka school uniform ang kumakatok. What is she doing here?