Chapter 1: Ball
I sigh as I hear my father's voice. Sini-sermunan si kuya. Favorite niya na atang routine ang semunan si kuya.
"Nasan ka na naman kagabi? Lagi mo pinagaalala mama mo! You're one week grounded, Ros. Home-School, School-Home. Walang sasakyan. Mag commute ka. And that's final." narinig ko naman na umagal si kuya. Basagulero kasi.
"Love, tama na. Ang aga pa." Si mama.
"Naghanap lang ng chix, pa. Sama kita sa susunod para hindi kana magagalit." si kuya na malaki ang tama sa ulo.
"Anong chix?! Bibilhan nalang kita ng truck ng melon! Dapat ba gabi sinasabihan 'to? Hindi na nagtanda. Umaga man o gabi hindi naman sinusunod!" sakit sa ulo ng ganito. Mukhang napulot lang ata sa basurahan si pating, lahat kami mabait, maliban sa kanya.
"Good Morning, sermuners," tumingin lahat sila sa akin. Si kuya naman nakangisi pa. Ayos to ah?
"Anong sermuners? Saan mo natututuhan 'yan?"
"Sa school, papa. Ganda ng turo 'don e," si mama at kuya naman ay nagpipigil na tawa. Pag itong kapatid ko namulunan, wag na bigyan ng tubig, wala namang dulot 'to e.
"E 'di Good Morning din tulo lawayers," tumawa si papa na parang walang nangyaring pani-nermon. Hindi naman millennial 'tong si papa ah?
Tuluyan ng natawa si kuya kaya nasamid siya. Nang inaabot niya ang tubig, kinuha ko iyon at ininom ko habang tinitignan niya ako ng masama. Mamatay na ata 'to kung hindi binigyan ni mama ng tubig.
"Ang sama ng ugali mo, ha?" Bulong pa ng bulong, rinig na rinig naman. "Kaya siguro hindi ka nagkaka boyfriend."
"Hindi ako nagkaka boyfriend dahil tinatakot mo, tanga!"
"Ang hina mo naman, anak. Nung dalaga ako ang daming manliligaw na nakapila sa tapat ng bahay namin, hindi ko lang sinasagot dahil bata pa ako 'non." isa lang masasabi ko sa kuwento ng nanay ko, Yuck.
"Papasok na nga ako, malason pa isip ko dito." Naglakad na ako habang ikinakaway ang dalawa 'kong kamay. "Bye! Matalisod ka sana pating!" Pating ang tawag ko kay kuya dahil parang pating buhok niya, yuck. Sinamaan niya ako ng tingin at akmang hahabulin ako. Bago pa man siya makatakbo, tumakbo na ako ng mabilis para sumakay ng sasakyan.
"Hi, ma'am, aga po ng takbo niyo, ah?" Si kuya Vlamir. Driver namin
"May humahabol po saaking pating, kuya."
"Kuya niyo ho ba ma'am? Ang gwapong pating naman po 'non," Ay peste. Kampon ng pating ata 'to. "Buhok lang naman po 'yon ni sir, ma'am. Pogi pa rin."
"Ikaw ata leader ng fans club 'non, kuya. Gusto mo bang maging literal na pating, kuya? Kung hindi magdrive ka na dahil male-late na po ako."
Napatingin ako sa cellphone ko ng umilaw at tumunog ito.
"Vosphen followed you."
Stephen? Followed me on twitter? Omg! Achievement 'to! I called Shira para sabihin sa kanya na her brother followed me na.
From Shira:
Omg? For real?!
To Shira:
Yes! Can't wait for him
to ask me to a date!
From Shira:
You sure? My brother
never dated a conyo
before.
To Shira:
What?! I'm not conyo
naman, ha?
From Shira:
Really? Sure? Is that
final?
Am I conyo? No. She's just bitter because my brother, Luther, never followed her nor like her. She's one of the reason kung bakit lumipat si kuya kina mommy la.
My phone suddenly rang. I saw my brother's name on it.
Pating Calling...
Accept | Decline
I tap the answer button. Pag lagay ko ng cellphone ko sa tenga ko, narinig ko na ang sigaw ng mga kaibigan niya.
"Ay, pre, bat ka naninigarilyo? Masama 'yan ah?" What the?
"Pre, tagay pa tayo. Magcut nalang tayo!"
"Pre, 'yung chix mo nagtatampo na! Ayaw mo na kausapin?"
"Hala bat may pregnancy test sa wallet mo, pre?"
[Wtf? Papatayin ko kayo! Ingay niyo! Hello, congot? Nasan ka na? Sunduin mo nga ako, hindi ko na matiis na makasama 'tong mga 'to. Parang nsnaginip ako ng gising."] he always call me congot. Short for conyo at busangot daw. Sa kanya lang naman ako nakabusangot.
"[Ano ka? Aegis? baka nakatulala ka na rin sa hangin? magcommute ka, pating. Kaya mo 'yan. Naninigarilyo at nakabuntis ka pala, ha? Isusumbong kita. Ready ka na ma-extend ni papa grounded mo?" Narinig ko na binatukan niya 'yung dalawa niyang nakasama.
"Peste kayo, pag ako nasumbong, kayo isusumbong ko kay tulfo! Hindi ako naninigarilyo, mas lalong hindi ako nakabuntis! Sabi-sabi lang nitong mga mokong 'yon!]" Tinignan ko 'yung cellphone ko kung naka loud speaker ba, hindi naman. Pero ang lakas lakas ng boses niya. Parang nakabara ata sa lungs 'yung speaker.
"[Lagot ka, tanga. Ba-bye!]" Bago pa man siya umagal, binaba ko na ang tawag at nai-block ko na rin number niya. Linggo-linggo siya bumili ng sim card dahil linggo-linggo ko rin siya kung iblock.
"Ma'am dapat may hawak ka na libro. Para pag may naka bungguan kang lalaki, forever mo na 'yon, ma'am! Napanood ko po sa k-drama kagabi." Kinikilig pa siya nang sinabi niya ang kuwento ng pinanood niya kagabi. Parang may epilepsy lang?
"Ikaw nalang pumasok, kuya, baka may ka-forever ka palang school mate ko."
"Sige na nga, ma'am. Late naman kuya mo, ma'am, kaya mag dala ka ng libro para magkajowa ka na ma'am, sige, ma'am. Bye. Payo ko lang ma'am, effective raw minsan, ma'am" Pinanood kong umalis ang sasakyan. Magdala na kaya ako ng libro? Effective raw e.
Pumasok ako sa gate na bitbit ang bow at arrow ko. May practice mamaya para sa game namin, kaya dinala ko.
Sa gitna ng hallway, nakita ko na nakatanaw ang mga estudyante sa nakapaskil na announcement. Hindi naman halatang chismosa sila.
Searching for Ms. And Mr. Wesleyan 2020
Please go to Ms. Laura Reyes for registration.
Umalis na ako ng makita ko na. Every year naman may nagaganap na ganyan. I saw Shira waving her hand at me. May dala siyang libro. Kaya ba nagkaka-boyfriend siya?
"Sana all finallow. Patanong nga sa kuya mo kung ano na balak niya. Ang bagal niya kamo. Maghahanap na ako ng iba sabihin mo!" Matagal na niyang gusto si kuya Luther, umamin siya dati na gusto niya si kuya, pero sabi ni kuya mas gusto niya raw 'yung mas matanda sa kanya.
"Nabasted ka na nga 'non e," dumilim ang mukha niya na parang bagyo, mukha siyang angry bird. "Tigil mo nga 'yan, mukha 'kang angry bird. Bakit ka nagdadala ng libro?"
"Kasi naman 'yang kuya mo, sabi mas matanda raw sa kanya gusto niya, matanda naman na ako, ah? Mabigat kasi sa bag kaya ng hinahawakan ko nalang." Ngumuso naman siya ngayon, mukha naman siyang duck ngayon.
"Wala na nga dito si kuya, kaya nga 'yon umalis kasi lagi mo raw siyang kinukulit, baka sa pangugulit mo raw mag sinko na siya." college na si kuya Luther, nagaaral siya ngayon sa probinsya kasama sina mommy la. Mas maganda nga mag college dito sa manila, ewan ko lang kung bakit niya pa gusto ron.
"Kasi naman, ang ganda ng mga drawings niya, proud future girlfriend lang ako 'no!" hinawi niya pa ang magkabila niyang buhok. Ang arte-arte nito, hindi naman gusto ng kapatid ko.
"Anong future? Meron ka ba 'non?"
"Ay peste, lumayas ka na sa pangingin ko
Nasa tapat na ako ng pintuan nang marinig ko ang ingay ng mga estudyante sa hallway. Puro landian, yuck. Umupo ako sa bandang gitna para sakto lang, hindi malayo, hindi malapit.
"Good Morning, students. I have few announcement to yto say, please go to your seats. Aware naman kayo na every year, nagkakaroon ng beauty contest ang school natin, and every levels should have their representatives. So, may willing bang mag represent ng section natin?" walang nag taas ng kamay maliban kay Thander, the captain of Lions. Confident, huh?
"Wow, pre, nasali ka pala sa mga ganyan?"
"Baka malampa ka lang don, dre, sasali ka pa?"
"Bobo ka ba? May nag babasketball bang lampa?"
"Yes, Mr. Samaniego? Do you want to join?" hindi ko pa siya nakikitang sumali sa ganyan, nakakapanibago. Nahipan ata ng masamang hangin.
"No, ma'am. Excuse ko lang po kami nila Jeicy, natatae raw po kasi siya, nahihiya lang." rinig na rinig ko ang usapan nilang tatlo sa likod. Hindi talaga siya nahihiya? For real?
"Bro, hindi ako natatae, ano ba?"
"Hayaan mo na bro, mukha ka namang natatae, basketball nalang tayo."
"Hahawak ba ako sa tyan ko, pre? Para natatae?"
"Ano kayong dalawa? Tiga hugas? Sige, you can go now. Pumunta kayo sa clinic para sa gamot." Luh? Ayaw ko na rin mag aral, sabihin ko na rin ba na natatae rin ako?
"Suportahan po namin sa pag-ire, ma'am. Thank you, ma'am." Naglakakad silang tatlo papunta sa pintuan. Naiinggit ako, gusto ko rin lumabas.
"Walang magvo- volunteer?" wala pa ring nagtaas ng kamay. "Okay, any nominations?" Marami na ang nagtaas ng kamay.
"Ma'am, si Kiera po!"
"Si Seri rin po, Ma'am!
"Leo po, miss!" parang nagtitinda lang sa canteen 'yung tawag ah?
"Let's vote, then. Who's in favor with Kiera?" Halos kalahati ng estudyante sa classroon ang nagtaas ng kamay. "And Seri?" Mas kaunti naman ang bumoto para kay Seri. Well, I like Kiera's body, but I love Seri's face. Ang inosente e.
"Kiera won, and for the boys--" natigil sa pag sasalita si ma'am nung nagtaas ng kamay si shawn. He's handsome, but not my type. I heard na nililigawan niya si Kiera, kaya siguro.
"I volunteer, ma'am."
"Okay, all settled, then."
Nagsimula na siyang magturo nang magturo. Ang agang math naman nito. Sana pala sa gilid nalang ako umupo para hindi halata na matutulog ako, hindi tuloy ako makatulog. Antok na antok na ako but I suddenly hear the bell.
Umalis na ako sa classroom para puntahan si Shira. Shira is a year older than me. Senior High School na siya, while I am in my last grade in junior high school.
"Manonood ka ng practice game mamaya ng Lions?" nasa canteen na kami ngayon, nakaupo sa table. Nasa tapat ko ngayon ang burger na inorder ko. Diet my ass. "Balita ko sasama rin si kuya."
"Sino kalaban? May practice rin kami mamaya e, not sure. Pero aabot naman siguro, paabutin ko, nandon pala kuya mo." ngumiti ako sa kanya. Nang aasar na ngiti.
"Maharot ka! Pag ako finallow na ng kuya mo, sinasabi ko sa'yo. By the way, mga tiga Qeian. Diba kasali si Ros 'don?" kumagat na ako sa burger ko dahil kanina pa ako gutom.
"Baka mapana ko pa si pating pag nakita ko 'yon. Pero at least mapapana naman ni Stephen puso ko. #blessed." nagsign pa ako ng '#' sa kanya. Diring-diri naman itsura niya.
"Sabagay, baka iunfollow ka ng kapatid ko, sayang. Buong buhay mo pa naman 'yon hinintay." I glared at her. Mga kalahating taon lang naman ng buhay ko. "Pogi rin kasi ni Thander, manonood talaga ako!"
"Akala ko loyal ka kay kuya Luther?" Kinain ko nalang ang burger ko tinignan siya.
"Kasi po, idol star, gigil na po ako sa kapatid niyo. Pero loyal ako, harot lang ng konti." Hindi pa man ako nakakasagot sa sinabi niya nagring na ang cellphone ko, unregistered number ang naka lagay 'don.
"[Hello? Who's this?]"
"[Ako 'to, si natoy, na papatayin ka. Ilang beses na nablock number ko sa'yo! Nagstock na ako ng sim!]" Si pating pala 'to. Sipag nito ah.
"[Ay anak ng pating, ikaw pala pating! Bat galit ka?]"
"[Wala. Nood ka mamaya ng game namin, video mo tas post mo tapos caption mo 'Go pogi 'kong, kuya! Kaya mo 'yan! Pogi pogi mo talaga!']"
"[Parang gusto ko nalang ata maging kriminal kaysa gawin 'yan.]"
"[Kriminal kana talaga. Muntik mo na nga ako patayin kanina. Alam mong kinukuha ko na 'yung tubig, ininom mo pa. Madamot!]" Luh? Nauuhaw din ako kanina e.
"[Matutuyuan ako ng laway pag hindi ko ininom 'yon. Mamatay din ako.]"
"[Arte mo, basta manood ka mamaya.]" dahil makapal ang mukha niya, binabaan niya pa ako. Ayos 'tong kapatid.
"Tawag ka na raw ni Ms. Carla. Practice na raw." tumango nalang ako at inayos ang gamit ko.
"Try ko mamaya manood ng game, bye! See you later!" we bid our goodbye. Dumiretso na ako sa room kung saan kami nagpapractice.
"Start na tayo, nandito na si Satara."
Hinawakan ko na ang aking bow at ang arrow. I postion my fingers on the string. I pull back the string and level it on my chin. I align the arrow on the target. Pinakawalan ko na ang arrow at tumama ito sa target. Tumama ito sa inner.
I sigh, I am always aiming for the bull's eye. I maintained my position at kumuha ulit ako ng arrow para itry. Luckily, nag bull's eye.
We stayed there a for almost 3 hours. Paulit-ulit ang ginagawa namin. Nang matapos na, lumabas na ako at pumunta sa gym, tumingin ako sa relo ko at nakita ko na 4:30 na. Start na ng game.
Pumasok ako sa gym at nakita ko ang mga estudyante na sumisigaw. Nandoon na rin ang mga kalaban.
To Shira:
I'm here na,
where are you
na ba?
From Shira:
Look at your right.
Tumingin ako sa kanan at nakita siyang nakaupo sa bleacher. Nagsimula na ang game. Nakita ko si Thander na hinaharangan ang kalaban. Nasa team mate nila ang bola. Nang maipasa ang bola kay Thander, mas lalong umingay ang gym.
Nagulat ako nang makita ko ang bola na papunta sa gawi ko. Tatama pa ata sa akin. Lord, my precious face. Mama mary, pray for me.
Tumama nga ang bola straight na straight sa mukha ko. Malakas ang impact kaya napahawak ako sa ulo ko, habang 'yung bola, ngayon ay nasa kandungan ko.
Tinignan ko ng masama si Thander na ngayon ay nakatingin sa akin.
Damn you, Samaniego. I'll sue you!