TEN

(St. Anne University, Wednesday afternoon)

 

(Samantha's POV)

(IAS and IL Library)

KATATAPOS lang ng OJT namin sa TV station at kasama ko ngayon si Ate Kathleen sa library ng department namin nang mapansin naming biglang nagkagulo sa kilig ang mga estudyante at nung tignan namin ay tumambad sa amin si Kuya Kurt. And he looks so handsome in his OJT uniform (ayan ka na naman Bunso! Lumalandi ka na naman! xD.)

"Hi Kathleen. Hi Bunso." and he smile at me.

"Omigosh! You're Kurt De Torre, right?" ang gulat na sabi ni Ate Kathleen.

"Yes I am." 

"G-good afternoon po K-Kuya. Ano pong ginagawa ninyo dito?" nahihiyang tanong ko sa kanila.

"Wala lang. Gusto kasi kitang makita eh." and Kuya smirk at me. Napatili si Ate Kathleen sa matinding kilig habang bigla-bigla na namang namula ang mukha ko sa hiya.

"Ayiee! Anong paandar yan Kurt?!" ang kantyaw sa kanya ni Ate Kathleen.

"Oo nga, ano na namang paandar yan?" ang sabi ni Kuya Uno sabay akbay niya kay Kurt.

"Kuya Uno!" ang bati namin ni Ate Kathleen sa kanila.

"Good afternoon po Sir Uno." magalang na bati ni Kurt kay Kuya.

"Good afternoon." at ngumiti si Kuya. "Ano nga palang ginagawa mo dito, Kurt?" 

 

 

 

"Wala lang po. Gusto ko lang pong makita si Samantha." and he smirk again at me. Mas lalong namula ang mga pisngi ko habang napatili pa lalo si Ate Kathleen sa matinding kilig.

"Makita lang ba? Yun lang?" pang-aasar ni Kuya Uno kay Kuya Kurt.

"Hindi lang yun Kuya."

 

 

"Kung di lang yun eh ano pa?" ang tila excited na sabi ni Ate Kathleen.

"Gusto ko sanang yayaing kumain sa labas si Sam...kung pupwede lang sana..." sabay tingin nila sa akin. "Pwede bang lumabas tayo sandali...Bunso?"

 

"Ha? Ah eh....k-kasi...." ang nangangatog na sabi ko kasabay ng pagtakbo ng mga daga sa puso ko.

"Sige na Sam! Pumayag ka na!" kantyaw sa akin ni Ate Kathleen.

"Ahm....k-kasi Kuya....a-ano..." halos mautal-utal ko nang sabi.

"Please....pretty please...." ang pakiusap ni Kuya Kurt with matching romantic brown eyes na kapag tinitigan mo ng matagal ay tiyak na mangangatog ka sa sobrang nerbyos and the same time....KILIG.

"Bunso, kung iniisip mong hindi ako papayag, nagkakamali ka. Sige na, pumayag ka na." ang sabi ni Kuya Uno sa akin.

"Please, pumayag ka na...." patuloy na pakiusap ni Kuya Kurt.

Dahil ayaw kong ma-offend si Kuya Kurt ay pumayag na ako.

"S-sige na nga, papayag na po ako." ang sabi ko sa kanila.

"Salamat Bunso!" at nabigla na lang ako nang hagkan ako ni Kuya Kurt sa noo tulad ng ginawa niya sa akin nung na-confine ako sa ospital kagabi.

"Walang anuman po Kuya." sabi ko naman.

"Since pumayag ka na, tara na, kain na tayo sa Jollibee para di tayo gabihin. Sige po Sir Uno, Kathleen, mauna na kami ng GIRLFRIEND ko." at dali-dali na akong hinila ni Kuya Kurt palabas ng library, ni hindi ko na nga nadala pa ang bag ko.

HANUDAW?!

SI KUYA KURT....

 

SINABI NIYANG....

 

GIRLFRIEND NIYA AKO?!

GYAAAAH!!!

Siguro nagkamali lang ako ng dinig, oo, tama nga. Mali nga ako ng dinig....(nga ba?)

(C.J.A: Mali ka nga ba talaga ng dinig, Bunso?)

 

 

 

(Samantha: Opo. Parang mali po ako ng dinig....)

 

 

 

(C.J.A: Pakinggan mo kaya tibok ng puso mo, baka sakaling tumama na yang dinig mo.)

 

 

 

(Samantha: HUWAT po CJA?)

 

 

 

(C.J.A: Wala, ang sabi ko enjoy kayo sa date niyo ni Kurt!)

 

 

 

(Kurt: Yes, Jhae Ann!)

 

 

 

(C.J.A: Huy, ba't ka sumasabad dito! xD. Sige na nga, hindi na nga ako eeksena dito at baka kung ano pang magawa ninyo sa akin...hehe.)

 

 

 

(Kurt and Samantha: Thenchuu Ate Author!)

 

 

 

 

#MASYADONGEPALSIAUTHOR

 

 

 

#MEDYOCUTENADATE

(Jollibee-St. Anne University Compound)

 

(Samantha's POV)

 

"PUMILI ka na ng gusto mong order." sabi ni Kuya Kurt sa akin.

Nasa Jollibee kami ngayon at kasalukuyang nasa counter na. Nakapili na si Kuya Kurt ng kanyang order habang ako naman ay nag-e-eenie-meenie-mainimoo pa dahil bukod sa paborito ko ang halos lahat ng pagkain sa Jollibee ay sobrang di pa rin ako maka-get over sa sinabi ni Kuya Kurt kanina.

"Mauna na kami ng GIRLFRIEND ko...."

Waaaaaahhhhh! Anubayan, kinikilig aketch! (malandi lang ang peg xD.)

"Ano Bunso, nakapili ka na ba ng sayo?" untag sa akin ni Kuya Kurt.

"Opo. Cheesy Bacon Mushroom Champ na lang." ang sabi ko kay Kuya.

"Eh di yun na lang din ang order ko...para match tayo." and he wink at me. Again....I melt down on the way he wink his eyes.

 "S-si-sige po....kayo po ang bahala." ang nauutal na sabi ko kay Kuya Kurt. 

Nung si Kuya Kurt na ang nasa harap nung crew ay in-order na nila ang order namin. Pagkabigay nung crew sa kanila ng order namin ay humanap na kami ng mauupuan namin. Nakakita kami ng pandalawahang upuan sa gilid ng bintana ay dun na kami naupo. Inilapag ni Kuya Kurt ang order namin sa table at hinila na niya ang upuan. 

"Upo ka na dito, Bunso." sabi niya sa akin.

"Opo." at naupo na ako sa upuang hinila niya. Sumunod naman si Kuya na hinila ang upuan sa tapat ko sabay upo na rin dun.

"Okay na ba Bunso?" ang tanong pa niya sa akin.

"Opo. Okay na po ako." sabi ko naman.

"Then let's eat!" sabay bukas na ni Kuya Kurt sa box ng burger. Sumunod naman ako na binuksan ang box. Nakita kong kumagat na si Kuya ng burger. Ganun din ang ginawa ko. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa napakaguwapo niyang mukha. Sobrang cute niya habang ngumunguya siya at labas na labas pa ang kanyang dimples kung kaya naman hindi lang ako ang kinikilig sa kanya, kundi maging ang mga babae't baklang mga estudyante na puro nag-aaral sa SAU.

Habang busy kami sa pagkain ay kwento siya ng kwento tungkol sa college life niya dito sa SAU at binalikan niya ang mga panahong magkaschoolmate pa kami sa SAU High School Department kung saan nagkasama na kami sa student organization ng department namin. Ako naman ay natatawa na medyo napapa-throwback sa mga alaala namin sa SAU High School Department.

"Ang sarap balikan ang mga alaala natin noh?" he said at me.

"Opo Kuya. Masarap pong mag-throwback sa nakaraan." ang sabi ko naman.

"Thank you Bunso at pumayag kang sumama sa akin dito. Sobrang saya ko ngayong kasama na kita." and Kuya smile at me....isang ngiting nakakailang na nakakakilig na ewan ko....basta nakakaloka.

"G-ganun po ba Kuya? Wala pong anuman yun..." ang sabi ko naman habang pinagtatakpan ko ang nararamdaman kong ilang sa puso ko.

Ilang kwentuhan pa ang napagsaluhan namin hanggang sa naubos na ang burger namin. Paglabas namin ay dinala naman nila ako sa isang carnival na may isang sakay pa mula sa SAU Compound.

(Mystical Magic Carnival and Theme Park)

 

(Samantha's POV)

PAGPASOK namin sa carnival ay bigla akong nakakita sa stuffed toy store ng isang very cute na teddy bear na kulay pink at may naka-stitch na "Hug Me" sa puting puso na hawak niya. Bagama't gustung-gusto kong bilhin ang teddy bear na yun ay wala naman akong dalang pera lalo pa't naiwan sa library ang bag ko.

"Sayang...ang cute cute pa naman ng teddy bear na yun..." ang may panghihinayang na sabi ko.

"Tara Bunso, may bibilhin lang ako saglit." at hinila niya ako papuntang stuffed toy store na kung saan nandun ang gusto kong teddy bear.

Nung makapasok kami ni Kuya Kurt sa stuffed toy store ay tumambad sa amin ang mga napaka-cu-cute na mga stuff toys mula sa teddy bear hanggang sa furr caps. Pero wala pa ring tatalo sa teddy bear na nakikita ko ngayon dito.

"Ang cute ng teddy bear na 'to noh?" sabay kuha ni Kuya Kurt sa teddy bear na gustung-gusto ko.

"Opo. Ang cute-cute po niya." ang halos maglaway ko nang sabi habang nakatitig ako sa napaka-cute na teddy bear na ito.

"Bibilhin ko lang siya sandali ha." at pumunta na si Kuya Kurt sa counter. Agad nang binayaran ni Kuya ang binili niyang stuff toy. Pagkabayad ni Kuya sa counter ay nagulat na lang ako nang ibigay niya sa akin ang teddy bear.

"T-Teka lang....b-ba-bakit nyo po binibigay sa akin ito?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Alam ko kasing gustung-gusto mo siyang bilhin pero wala ka namang dalang pera kung kaya naman binili ko na si Baby Bear para sayo. Here's my gift for you....SWEETHEART." sabay bigay nila sa akin ng teddy bear na gustung-gusto ko.

HANUDAW NA NAMAN?!

 

 

TINAWAG NA NAMAN NIYA AKONG.....SWEETHEART....

Oo. Tinawag nga niya akong sweetheart. Hindi nga ako nagkakamali.

"S-salamat Ku-Kuya Kurt. Salamat po talaga." ang naiilang na nagpapasalamat kong sabi sabay yakap ko sa teddy bear ko na pinangalanan kong Baby Kurt, hango sa pangalan ng mabait na taong nagbigay sa akin nito na walang iba kundi si Kuya Kurt. :-) 

"You're welcome sweetheart."

Again, I blush.

"Ahm Bunso, since nandito na rin lang tayo sa carnival, tara, sakay tayo sa mga rides!" at hinila na ako ni Kuya Kurt papunta sa roller coaster.

(Mystical Magic Carnival and Theme Park)

 

(Samantha's POV)

 

(Wednesday evening)

NAKAUPO kami ni Kuya Kurt sa may upuan kung saan tanaw na tanaw namin ang buong theme park na napakaganda dahil sa mga nagkikinangan nilang mga ilaw.

"Nag-enjoy ka ba?" ang tanong ni Kuya sa akin habang nakatingin kami sa mga magagandang ilaw ng buong carnival.

"Opo Kuya. Ang sarap sumakay sa mga rides!" ang sabi ko naman sabay turo ko sa mga sinakyan naming rides.

"Mabuti naman at nag-enjoy ka. Ako rin, nag-enjoy din ako kanina...lalo na ngayong kasama na kita..." and he touch my face. "Samantha....thanks for making me happy."

"W-walang anuman po Kuya." ang nahihiyang sabi ko sa kanila.

"Nilalamig ka ba Bunso?" he asked.

"H-hindi naman po masyado." ang sabi ko pero ang totoo, nilalamig ako dahil malamig ang hangin sa paligid at bagama't masarap ang dampi ng hangin ay medyo giniginaw ako dahil wala akong dalang jacket.

Napansin ko na lang na tinatanggal ni Kuya Kurt ang kulay maroon na jacket niya sabay suot niya sa akin.

"Isuot mo muna yung jacket ko." ang sabi niya sa akin.

"S-sige po..." ang sabi ko naman habang muli na naman akong napapantastikuhan sa mga ikinikilos niya sa akin. 

"Sam," ang tawag niya sa pangalan ko.

"B-Bakit po?"

 

 

"May boyfriend ka na ba?"

"Ha?" gulat na tanong ko sa kanila.

"Oh sorry! Did I offend you?" ang nag-aalalang tanong niya sa akin.

"H-hindi po Kuya. Ang totoo po...ay wala po akong boyfriend. Kasi po bawal pa sabi ni Daddy." ang magalang na paliwanag ko sa kanila.

"Bawal talaga? Sayang naman...."

"Ha? Ano pong sabi ninyo?"

"Wala. Ang sabi ko....baka may right time din para sayo na magkaroon ng taong mamahalin mo. Sadyang naka-focus ka muna sa pag-aaral mo. Pero wala ba talaga sa isip mo na maghanap ng perfect match mo?"

"Ahm...meron pa naman. Pero study first po muna." sabi ko.

"Hmm....so pwede bang ako na lang?"

 

 

"Ho?!" ang gulat na gulat kong sabi, dahilan para biglang mataranta si Kuya Kurt at hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa akin.

"A-ah...eh...w-wa-wala. Ang sabi ko, u-umuwi na tayo." ang tarantang sabi ni Kuya sabay hila nila sa akin patayo sa upuan. "Umuwi na tayo dahil tiyak na lagot tayo kay Sir Dylan." 

"Si-sige po. Uwi na po tayo." ang sabi ko.

Sabay na kaming lumabas sa carnival at sumakay ng jeep pabalik sa SAU. Habang nasa jeep kami ay naramdaman ko ang mahigpit na dantay ng mga braso ni Kuya Kurt sa beywang ko. At nung lingunin ko sila ay halos mapatda ako dahil halos 1 inch na lang ang layo namin sa isa't isa. In short, isang maling galaw ko lang at mahahalikan ko si Kuya ng wala sa oras. At habang nasa ganun kaming posisyon ay naalala ko na naman ang nakakagulat na sinabi nila kanina.

"....pwede bang ako na lang?"

NYAAAAAAHHHHHH!!!

 

 

BA'T NA NAMAN AKO KINIKILIG NG GANITO?!!

ATE AUTHOR, PAKI-EXPLAIN NAMAN OH!

Pero dahil natutulog si Kuya ay hindi ko napigilang pagmasdan ang napakaguwapo niyang mukha na kahalintulad sa isang inosenteng anghel. Napaka-cute ng kanyang mga mahuhubog na pisngi na may dimples sa magkabilang gilid, nakakahalinang hagkan ang mala-rosas na kulay ng kanyang mga labi at puno ng kababalaghan ang kulay ng kanyang mga pilikmata. In short, isa talagang napakaguwapong nilalang ang nasa paningin ko ngayon....natutulog na tila ba parang anghel na nagbabantay sa akin.

Habang pinagmamasdan ko si Kuya ay bahagya kong hinaplos ang kanilang mukha sabay halik ko sa kanilang noo.

"Kuya...thank you for this special day. You're the best talaga." and I whisper softly on his ears. "I love you Kuya. Pares ng pagmamahal ko kina Kuya Uno, Kuya Jake at Kuya Dane." 

Patuloy ko lang na pinagmasdan si Kuya Kurt hanggang sa tuluyan na akong mawala sa sarili ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong yakapin sila ng mahigpit. At kung bakit ko nagawa yun?

HINDI KO RIN MAIPALIWANAG KUNG BAKIT.