(St. Anne University Gymnasium, Wednesday evening)
(Renz's POV)
KATATAPOS lang ng outreach activity ng Institute of Medicine sa gymnasium at bilang presidente ng Union of Medicine Students ay nagpapasalamat ako dahil very successful ang aming activity.
Dahil halos makalat pa sa buong gym ay nag-volunteer na ako, kasama ang mga co-officers ko na maglinis sa buong gym. At ang nakakagulat sa lahat, naghimala ang langit este himalang nakita ko si Arra Diaz na nagliligpit ng mga kalat sa gym. Ewan ko kung bakit pero natutuwa naman ako dahil nandito siya.
BUT IF SHE ALREADY CONVINCED ME WITH HER DIRTY TACTICS?
WELL, THAT'S A BIG NO.
- 7:30 pm -
"Ate Renz, kailangan na po naming umalis, kasi po may duty pa kami sa SAUGH. Pasensya na po Ate."
"Sure, go ahead at nang makapag-volunteer na kayo."
- 9:30 pm -
"Espren Renz, kailangan ko nang umuwi. Kanina pa nag-aalala si Mommy sa akin." paalam ni Ate Rianne sa akin.
"Sige po. Ingat na lang kayo."
- 10:00 pm -
(Kaming dalawa na lang ni Arra ang naiwan sa loob)
"May sakit ka ba?" - Ako.
"Me? Hello! I'm not sick!" - Arra.
"Eh ba't ka nagpaiwan dito, aber?" - Ako.
"Well let's say, I'm trying to be good, okay." - Arra.
"Hindi ko alam kung totoo yang sinasabi mo pero salamat na rin dahil napagaan ang trabaho ko dito." - Ako.
"Ah...okay. So is that how your parents taught you how to say thank you?" - Arra.
"Hindi. Kasi ang paniniwala ko, dapat lang na pinapasalamatan ang mga totoong tao. Yun ang totoong definition ng salitang thank you," - Ako.
"Fine. But I hope you'll see my efforts next day." - Arra.
"Well, in fairness naman sayo at matulungin ka. Dahil siguro natauhan ka na sa mga pambubugbog namin sayo." - Ako.
- 10:30 pm -
"Bye Maldita. Aalis na ako." - Arra.
"Sige na. Lumayas ka na. Tsupe." - Ako.
Nung ayusin na niya ang mga gamit niya ay lumabas na siya sa gym. Haay salamat! Wala nang impokritang malandi!
Habang nagwawalis ako sa sahig ng gym ay nakita kong pumasok si Paul at laking gulat ko na lang nang bigla niyang i-lock ang pinto ng gym.
"Anong ginagawa mo ditong demonyo ka?! And...WHY THE HELL YOU LOCKED THE DOOR!" I asked angrily to him kahit na medyo binabadha na ako ng takot sa maaaring gawin sa akin ng sampaktong 'to.
"Dahil alam kong dito ang perfect place para makapagpaliwanag ako sayo." he said seriously.
"Makapagpaliwanag?! Na naman! Argh! Sa totoo lang, sawang-sawa na akong marinig yang paulit-ulit na verse mong yan! Kaya kung pwede lang, buksan mo na yung pinto at paalisin mo na ako, okay?!!"
"Sorry but I wont Renz." matigas niyang sabi.
"Sinabi nang paalisin mo na ako eh!" at patakbo ko na sanang susugurin ang pintuan ng gym nang bigla akong mahilo at matumba.
"Renz! Are you alright?!" ang gulat na sabi ni Paul sabay lapit sana niya sa akin pero inambahan ko siya ng hawak kong walis.
"Hoy Paul, para sabihin ko sayo, hindi ko kailangan ng awa mo. Kaya kung pwede lang, paalisin mo na ako sa lugar na ito at baka sakaling mabawasan pa yung galit ko sayo...KUNG MAY CHANCE PANG MABAWASAN."
Kita kong napahiya si Paul pero agad siyang nakabawi.
"Kung makikinig ka sa paliwanag ko, then I set you free."
"Ayoko nang makinig pa sa paliwanag mo kaya kung pwede lang, palayasin mo na ako dito!"
"Pasensya na pero ayoko Renz. Ayokong matapos ang gabing ito na hindi naaayos ang gusot sa pagitan nating dalawa." kalmado pero seryosong sabi ni Paul, dahilan para mas lalo pa akong mangamba at matakot sa maaari niyang gawin sa akin.
"FVCK YOU BEAST! I SAID LET ME GO!" galit na galit ko nang sabi kay Paul pero para lang siyang bingi na imbis na makinig siya sa mga pakiusap ko ay nakuha pa niyang humiga sa bleachers ng gym.
"Bingi ka bang demonyo ka! Ang sabi ko, let me..." at namalayan ko na lang na tuluyan nang nagdilim ang paningin ko kasabay ng pagkatumba ko sa sahig.
"Renz! Renz! Renz!" ang narinig ko na lang na sigaw ni Paul bago ako tuluyang naging unconscious.
(Tierro Nueve)
(Renz's POV)
NAGISING na ako at napansin kong wala na ako sa gym. Nasa kwarto na ako at kasalukuyang inaasikaso nina Bunso at Kuya Uno. Si Mareng Madi naman ay di mapakali sa sobrang pag-aalala sa akin.
"Anong nangyari? N-nasaan ako..."
"Sa wakas Ate! Nagkamalay ka na!" ang masayang sabi ni Bunso.
"Okay ka lang ba Renz?" tanong ni Kuya Uno.
"Okay na po ako Kuya. P-pero...anong nangyari sa akin kanina? Tsaka sino ang nagdala sa akin dito?"
"Hmp! Sa maniwala ka man o sa hindi, si Palakang Amphibian ang nagdala sayo dito. Ang walang'ya, nakuha ka pang ikulong. Ayan tuloy ang nangyari sayo, bigla kang tinamaan ng pagkahilo mo tapos hinimatay ka pa." sabi ni Mareng Madi.
"Wee. Di nga?"
"Oo Renz. Si Paul ang nagdala sayo dito. Akala ko nga ay pinagtangkaan ka niya sa gym kaya uupakan ko na sana." sabi naman ni Kuya Uno.
"Huy Kuya Uno. Wag po kayong war freak masyado." awat ni Bunso sa kanya.
"Oh anong say mo Mare. Pasasalamatan mo ba ang bruho?" tanong ni Mareng Madi sa akin.
"Ewan ko." matipid kong sabi.
"Didiretsuhin na kita Renz Villongco Villarin, magpasalamat ka naman dun sa tao. Malamang kung 'di dahil sa kanya, baka dedo ka na ngayon." sabi pa ni Mareng Madi.
"Sorry but I wont. Ayoko."
"Sige na naman Ate. Magsabi ka lang ng simpleng thank you sa kanya. Sa totoo nga ay utang nyo pa po ang buhay ninyo sa kanya." pakiusap sa akin ni Bunso.
"Hoy, sinasabi nyo bang patawarin ko na siya, ha?" inis na tanong ko sa kanila.
"Ate Renz, hindi naman po sa ganun. Magsabi lang kayo ng simple thank you tapos wag nyo na po siyang kakausapin." sabi pa ni Bunso.
"Oo nga naman Bunso. Magpasalamat ka pa rin dun sa tao este sa palakang yun dahil tinulungan ka pa rin niya." sabi naman ni Kuya Uno.
"Sige na Mare. At nang mabawasan naman yang mga kasalanan mo sa purgatory." sabad ni Mareng Madi.
"Pag-iisipan ko. Sige na. Matutulog na ako." at ipinikit ko na ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang ang halik ni Bunso sa noo ko bago sila humakbang palabas ng kwarto ko.
Paglabas nila ay tumayo ako para isara ang pinto ng kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto ay nahiga na ako sa kama ko at ipinikit ko na ang mga mata ko. Pero hindi ako makahimbing dala na rin ng mga samu't saring bagay na naglalaro sa isip ko...kasama na nga dun si Paul.
Hindi ko maiwasang maisip si Paul at ang mga kabutihang ipinakita niya sa akin kani-kanina lang kahit na todo-todo ang pagkabwisit ko sa kanya dahil hindi niya ako kaagad pinalabas ng gym. Gustuhin ko man siyang pasalamatan ay hindi ko naman magawa dahil kulang pa ito sa mga ginawa niya sa akin noon...na kailangan pa niyang lumuhod sa harapan ko para mapatawad ko lang siya. Pero dahil hindi ko pa naman maipagpapalit ang mga miminsang prinsipyo ko sa buhay ay pasasalamatan ko na lang si Paul at nang kahit papano'y mabawasan naman ang inis at galit ko sa kanya....