TWELVE

(St. Anne University, Friday morning)

 

(Renz's POV)

(Main Building)

NASA main building ako ngayon at kasalukuyan kong inaasikaso ang application ko para sa overseas medical service sa Singapore. Habang hinihintay kong ma-validate ang application form ko ay nakita kong lumapit sa akin ang tatlong pinakasikat, pinakamayayaman at pinakamalditang mga cliques sa balat ng SAU, ang Maldita Club, Fashionista Club at Sossy Chick Club. And they all looking so absurd and disappointed.

"Good morning Miss Renz!" ang sabay sabay nilang bati sa akin.

"Good morning girls. Anong kailangan ninyo sa akin?"

"Nalaman na namin ang incident last Tuesday night about you and that clingy. And were so worried at you! Tell me, anong gusto mong gawin namin sa malanding Arra Diaz na yun?" ang sabi ng leader ng Sossy Chick Club na si Jane Adamson.

"Oo nga! That b*tch ruined our chance to Prince Paul!" - Liezel.

"Correction. Your chance. Not ours. Wag nyo nga akong isali." inis na sabi ko sa kanila.

"Sorry Miss Renz." - Jayme.

"But why you're still so bitter to Prince Paul?" - Ayanna.

"Alam nyo naman siguro ang dahilan diba? So don't you dare to ask me." seryosong sabi ko sa kanila.

"Yes Miss Renz." sabi nilang lahat.

"Ahm back to our topic, since naiinis naman tayong lahat sa palengkerang babaing yun, what is the best way para maturuan natin siya ng leksyon?" Airish asked.

"Iparamdam nyo sa kanyang hindi siya karapat-dapat sa school na 'to." sabi ko sa kanila.

"Tulad ng ginawa namin kay Valerie Bitch dati?" curious na tanong ni Vickie.

"Mas higit pa roon. Pero dahil wala naman akong alam sa pagmamaldita, kayo na ang bahalang gawing miserable ang buhay niya. Remember...INAANGKIN NIYA ANG PRINCE PAUL NINYO. SO BE ALERT AND READY."

"Yes Miss Renz!" 

Nang ma-validate na ang application ko ay nagpaalam na ako sa siyam na amazonang alipores ko dahil ilalakad ko pa ang application ko kay Dean para pirmahan na niya ito. Habang naglalakad ako sa corridor ay napapangiti ako....dahil mag-uumpisa nang maging miserable ang buhay ni Arra sa piling ng mga malditang yun.

Arra Bitch....

HUMANDA KA NA SA MGA PANGANIB NA NAKAAMBA SAYO.

 

 

 

DAHIL IISA-ISAHIN KA NA NILA.

 

*evil grin lvl 100*

(Cucina Alferez, Friday afternoon)

 

(Samantha's POV)

 

KUMAKAIN ako sa Cucina Alferez kasama sina Kuya Uno, Kuya Miguel, Ate Ella at Kuya Kurt nang makita kong pumasok sa loob si Arra Bitch. At mukhang hindi niya kasama si Paul.

"Ugh! Here comes the bitch again." Ate Ella said so absurdly.

"What the hell she doing here?!" - Kuya Uno.

"Nakakapagtaka. Hindi niya kasama si Palaka." sabi ni Kuya Kurt.

"Baka nagka-LQ sila." sabi ko naman.

"Siguro...." sabi naman ni Kuya Miguel.

Nung nasa counter na si Arra ay may tatlong babaing lumapit sa kanya. At kung sino sila? Walang iba kundi ang pinakapinangingilagang girl group sa school, ang Maldita Club, in courtesy of Ayanna San Miguel, Michelle Heinrich and Cializ Mitchell Araneta.

"OMIGOSH. IKAW BA ANG NEW GIRLFRIEND NI PRINCE PAUL? UGH. HOW UGLY YOU ARE." mapanlait na sabi ni Ayanna kay Arra.

"Sinong sinasabi ninyong ugly? Ako ba?" Arra said sarcastically at them.

"Eh sino pa ba ang nag-iisang ugly sa balat ng school na ito? Di ba ikaw lang?" sabad ni Michelle.

"How dare you!" at sasampalin na sana ni Arra yung babaing nagsalita kanina pero laking gulat niya nang buhusan siya ng juice ni Cializ.

"Ooops. Sorry." ang sabi ni Cializ pagkabuhos niya ng juice kay Arra.

"You wicked--!" at sinugod ni Arra si Cializ pero umilag ito, dahilan para biglang ma-out of balance si Arra at matumba sa harap ng maraming mga tao. Umugong ang malakas na tawanan sa paligid, siyempre sa pangunguna nilang tatlo.

"Uuuuuuh..." pang-aasar pa nila sa kanya. "Ayan kasi ang napapala ng mga malalandi. Nadadapa na nga, napapahiya pa."

"You dearly pay for this! Isusumbong ko kayo kay Paul!" ang banta ni Arra sa kanila pero hindi nagpatinag ang tatlo.

"Isusumbong mo kami sa Prince Paul namin?! Eh di magsumbong ka! Tignan lang natin kung sino ang paniniwalaan niya!"

"Akin lang si Paul! Akin lang siya!" Arra said angrily pero bigla siyang napatiklop sa gulat nang makatikim siya ng malutong na sampal mula kay Ayanna.

"Sayo siya?! Talaga?! FYI lang Miss Bitch, amin lang si Prince Paul! Amin lang siya!" sabay lapit nila ng husto kay Arra. Halatang natatakot na si Arra pero pinilit niyang maging matapang sa harap ng mga babaing yun. Habang ang tatlong mga babaing yun ay sobrang nakamamatay ang tingin sa kanya.

"Anong sa inyo siya?! Paul is only mine at ako lang ang mahal niya! Ako lang!" ang sabi pa ni Arra, dahilan para masampal na naman siya ni Ayanna.

"Talaga?! Well, para sabihin namin sayo, hindi ka niya mahal. Panakip-butas ka lang niya! As in panakip-butas!" ang sabi ni Ayanna, dahilan para biglang magulantang si Arra. Hindi na kami nagulat pa ni Kuya Uno sa mga sinabi ni Ayanna dahil malamang ay yun ang trato sa kanya ni Paul. Na kaya lang siya pinakikisamahan ng ganun ay upang mapagtakpan ni Paul ang mga kasalanan niya kay Ate Renz.

"Hindi totoo yang mga sinasabi ninyo! Hindi totoo yan! Sinasabi nyo lang yan para sirain ako sa kanya!" ang tila hindi pa makapaniwalang sabi ni Arra pero pinagtawanan lang siya nila Ayanna.

"Dear, ang payo namin sayo, layu-layuan mo na si Prince Paul kung ayaw mong masabunutan ka ng boss namin sa mga susunod na araw. Tandaan mo, kay Miss Beautiful Boss lang si Prince Paul." ang sabi ni Cializ.

"Right Cializ!" at nag-appear sina Ayanna at Michelle.

"Sino yang demonyong boss nyong yan?! Sino?!" this time, galit na galit na si Arra habang nagtatanong kina Ayanna.

"Secret. Bakit naman namin sasabihin. Wag kang mag-alala Arra Bitch, kilala mo na ang boss namin at siya ang tipo ng girl na mahirap pabagsakin. Anyways, nice meeting you and nice talkin to the piece of shit like you. C'mon girls." at umalis na sa canteen sila Ayanna. Naiwan si Arra sa counter na nakatanga at hindi makapagsalita, malamang ay di siya makapaniwala sa mga sinabi ni Ayanna sa kanya.

"Alam ko na kung sino yung Boss nila Ayanna." ang nakangising sabi ni Kuya Uno. "Ang galing talaga ng Ate Renz mo noh, Bunso."

"O-oo nga po Kuya...." ang medyo gulat ko pa ring sabi habang umuukilkil pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Ayanna.

Mahal ba talaga ni Paul si Arra o pinaglalaruan lang niya ito?

Parang gugustuhin ko nang maniwala sa mga sinabi sa amin ni Richard at Clarke.

Pero hindi. Hindi pwede. 

Hindi pwedeng magpapaniwala na lang kami ng basta basta kay Paul lalo pa't walang kapatawaran ang ginawa niyang pang-iiwan kay Ate Renz sa mga panahong kailangan siya ni Ate.

Pero sa ngayon....yun ba talaga ang tingin ni Paul kay Arra?

Dahil kung ganun nga....

NAKAKAAWA NAMAN SI ARRA.

 

 

DAHIL PAREHAS LANG PALA NABIKTIMA NI VALERIE DIZON.