TWENTY THREE

(Villa De Torre Mansion, Monday evening)

 

(Adelle's POV)

HABANG abala sa paghahanda ng isang espesyal na dinner ang mga chef at butlers sa kusina ay nakikita kong inaayos na ni Daddy ang kulay itim nilang necktie. While our Mommy looks so dazzling on her sky blue gown na katulad sa gown ni Lorraine Kendrickson sa Miss World Philippines. At si Lolo Eddie naman ay napaka-aristokrato ang dating sa suot nilang gray tuxedo. Ako naman, simple white silk dress ang isinuot ko.

Nang matapos nang maihanda ang mga pagkaing pagsasalu-saluhan namin mamaya ay lumabas saglit sa mansyon si Lolo para abangan ang bisita namin na walang iba kundi ang Vice President for Academic Affairs na si Dr. Tirso Bumatay kasama sina Tito Basilio, Tita Cristina at si Dane. Saktong paglabas ni Lolo ay may pumasok nang isang kulay pulang Porsche Carrera sa loob ng malawak na pathway ng aming mansyon. Paghinto ng kotse ay naunang bumaba sina Tito Basilio at Dane. Sumunod naman sina Tita Cristina at Lolo Tirso. Pagbaba nila sa kotse ay masayang nagyakapan sina Lolo Eddie at Lolo Tirso.

"Kumpadre, kamusta ka na!" ang masayang bati ni Lolo Eddie kay Lolo Tirso.

"Heto't ayos naman ako. Ikaw?" sabi ni Lolo Tirso.

"Haha, alam mo na, masama akong damo kaya hindi mamatay-matay!" ang biro ni Lolo Eddie.

"Ikaw talaga Kumpadre, lagi ka na lang nagbibiro." ang natatawang sabi ni Lolo Tirso.

"Kamusta na ang mga apo natin Kumpadre?" 

 

 

"Heto, malapit na silang magsi-graduate sa SAU." ang masayang sabi ni Lolo Tirso sabay akbay niya kay Dane.

"Aba, paris lang pala ng mga apo ko! Mga graduatings na rin!" sabay tingin ni Lolo Eddie sa akin.

"Aba't mabuti kung ganun! Sayang at hindi namin kasama si Samantha, eh di sana kumpleto ang pamilya naming haharap sa inyo." sabi pa ni Lolo Tirso.

"Ano ka ba, ayos lang. Magkasama naman silang dalawa ng apo kong si Kurt sa Tierro Nueve eh, kaya wala tayong dapat na alalahanin." sabi naman ni Lolo Eddie.

"And speaking of them, tara na sa loob nang mapag-usapan na natin ang tungkol sa kanilang kasal." at nauna nang pumasok sa loob ang dalawang lolo namin. Sumunod naman kami ni Dane sa loob. 

(Dining Hall)

 

(Adelle's POV)

NAGSASALU-SALO na kami kasama ang pamilya ni Lolo Tirso sa dining hall at kasalukuyan nang pinag-uusapan ang tungkol sa napipintong fixed marriage ng kapatid ko na si Kurt sa apo ni Lolo Tirso na walang iba kundi ang one true love niya na si Samantha Nicole. At sang-ayon naman ang bawat isa sa suggestions at kagustuhang mangyari ng dalawang kampo.

"Eh kumpadre, pano naman natin ipapaliwanag sa dalawang apo natin ang tungkol sa napipinto nilang pagpapakasal? Baka naman ayaw nila," ang nag-aalalang tanong ni Lolo Tirso kay Lolo Eddie.

"Kumpadre, gustuhin man nila o hindi, nakatakda na ang kasal nila sa susunod na taon. At walang sinuman o anumang bagay ang makakapigil sa kanilang kasal." ang kampanteng sabi ni Lolo Eddie sabay labas nila ng isang folder na tila yata isang contract. "Oras na pirmahan natin ang kontratang ito, wala nang makakabali pa sa ating kasunduan." sabay bigay nila ng folder kay Lolo Tirso. Binasa ni Lolo Tirso ang nilalaman ng folder sabay dukot nila sa ballpen nila sa gilid ng kurbata nila. Agad na pinirmahan ni Lolo Tirso ang contract. Sumunod namang pumirma sina Tito Basilio at Tita Cristina.

"Sang-ayon kami sa nilalaman ng kontrata kung kaya naman pinirmahan na namin agad ito Kumpadre." ang nakangiting sabi ni Lolo Tirso sabay bigay niya ng folder kay Lolo Eddie.

"Aba't mabuti naman kung ganun. Sige, pipirma na rin ako." at hiniram saglit ni Lolo Eddie ang ballpen ko. Pinirmahan ni Lolo ang contract. Pagkapirma ni Lolo ay sumunod nang pumirma sina Mommy at Daddy. 

Nang matapos na ang pirmahan ay inabot na ni Lolo Eddie ang folder sa chief butler namin na si Mr. Hyde.

"Mr. Hyde, gumawa ka ng xerox copy ng contract para maipadala mo sa Tierro Nueve bukas na bukas." ang utos ni Lolo Eddie kay Mr. Hyde.

"Yes Sir. Gagawin ko po." at umalis na sa dining hall si Mr. Hyde dala-dala ang folder.

"So okay na ang lahat! Sasabihin na lang natin kina Kurt at Samantha ang tungkol sa kasal nila at pagkatapos ay magdaraos tayo ng isang marangyang engagement party para sa kanilang dalawa." ang masayang winika ni Lolo sa amin.

"Tiyak na masisiyahan silang dalawa." ang masayang sabi ni Mommy.

"Mag-toast tayo para sa masayang future nina Kurt at Samantha!" ang sabi ni Lolo Tirso sabay taas nila sa kanilang glass wine. Naki-join na rin kaming mag-toast kay Lolo Tirso.

Kung bakit nakatakdang ikasal si Samantha kay Kurt? Dahil matagal na silang itinakda ng dalawang prime patriarchs ng angkan namin at angkan nila na dapat ang bunso ng bawat isa ay makasal hindi lang para sa pagsasanib ng angkan namin at angkan nila bilang isa, kundi para tuluyan nilang makuha ang ipamamana sa kanilang De Torre Conglomerate. Sa una ay hindi kami sang-ayon ni Dane sa plano ng mga lolo namin, pero mula nung nalaman namin ang feelings ni Kurt para kay Samantha ay pumayag na rin kami dahil alam namin na mapapasaya ni Kurt si Samantha at magkakaroon sila ng isang masayang pamilya.

Nang matapos na ang dinner ay nagkaroon pa ng chikahan sessions sina Tita Cristina at Mommy Xianna sa sala habang nagkaroon ng inuman sa smoking and bar room sina Tito Basilio and Daddy Kristoff. At sina Lolo Eddie at Lolo Tirso? Hayun at naglaro ng golf sa golf garden kahit na dis-oras na ng gabi. Tanging kami na lang ni Dane ang naiwan sa dining hall at ine-enjoy ang pagkain ng caramel chiffon cake.

"Haay Adelle...ano na lang kaya ang magiging reaksyon nung dalawa oras na malaman nilang ikakasal sila sa isa't isa?" ang sabi ni Dane habang kumakain kaming dalawa.

"Naku, baka mabigla yang si Bunso. Pero si Kurt, for sure, mapapatalon yun sa sobrang tuwa." 

 

 

"Eh bakit kasi hindi pa ligawan ni Kurt ang kapatid ko?" ang sabi pa ni Dane.

"Malamang ay humahanap pa siya ng tamang tiyempo." sabi ko naman.

"Siguro." ang nasabi ko na lang.

"Kung sa atin kaya nangyari yun, papayag ka ba?" ang natanong ni Dane sa akin.

"Depende." ang matipid na sabi ko.

"Ahm Adelle...." ang tawag niya sa akin.

"Yes, bakit?" ang nagtatakang tanong ko sa kanya.

"W-wala. Nevermind." 

 

 

"Aww c'mon. Ano ba yung gusto mong sabihin sa akin? Go ahead." ang sabi ko pa pero umiling-iling lang si Dane.

"Wala. Wala talaga akong sasabihin. Okay lang ako." at ipinagpatuloy ni Dane ang pagkain niya. Ganun na lang din ang ginawa ko.

Kung sa amin man siguro ni Dane nangyari ang betrothal na yun...I will consider it a greatest treasure.

Why?

BECAUSE I SECRETLY IN LOVE TO DANE.

 

 

EVERSINCE.