TWENTY FIVE

(St. Anne University, Wednesday evening)

 

(Arra's POV)

KAHIT na paika-ika akong naglalakad sa paligid ng backstage ay hinanap ko pa rin si Paul. I want to confront him! I want to confront him! Bakit sinagip niya ang impaktang Renz na yun kesa sa akin?!

Hinanap ko na si Paul sa kung saan saan pero hindi ko na siya makita. Pero hindi pa rin ako sumuko. Pinilit ko pa ring hanapin si Paul kahit na sobrang sakit na ng paa ko.

Hanggang sa mapagod na ako sa kakahanap sa kanya. Napaupo ako sa sahig at tinanggal ko ang sapatos sa paa ko. Laking gulat ko na lang nang makita kong may dugong umaagos sa paa ko.

"Aaaaaah!!!!!" ang nahihintakutang tili ko habang hawak-hawak ko ang paa ko na naliligo na sa dugo. Nanginginig kong tinitigan ang kaliwang sapatos ko at mas napatili ako nang makita ko ang 3 inch na pako na nakadikit sa ilalim ng sapatos ko.

"WHO THE HELL HAMMERED THIS NAIL ON MY SHOE?!!" ang nagngingitngit kong tanong kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"We hammered the 3 inch nail on your shoe, stupid."

Napalingon ako sa likuran ko at nagulat na lang ako nang may sumampal sa akin at tumadyak sa tyan ko, dahilan para mamilipit ako sa sobrang sakit.

"What the bloody hell are you doing!?" I exclaimed at the top of my lungs pero nginisian lang ako ng isa sa mga anim na babaing yun sabay sabunot niya sa buhok ko.

"Don't touch my hair! I said don't touch my hair!" at sinubukan kong makatayo para tumakbo palayo sa kanila pero dahil masakit ang paa ko ay napatumba ako at hindi na nakatayo pa. Sinamantala na nila ang pagkakadapa ko para pagtulungan akong sabunutan, sampalin at bugbugin. Sinubukan ko man silang gantihan pero hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina ng katawan ko.

"This is for hurting our boss!" sabay sipa nung isang babae sa pigi ko.

"Ayan lang?! Sipa lang?!" sabay mudmod sa akin ng isa pang babae sa sahig. "Ayan! Ayan ang tunay na torture!"

"May ibibigay pala kami sayo. Advance gift namin sayo sa Christmas. Isang bote ng Domex thick bleach." at nakita kong binuksan ng babaing may bangs ang bote ng Domex at ibinuhos niya ang lahat ng laman ng boteng yun sa ulo ko. Napaiyak na lang ako dahil hindi ako makalaban sa kanila.

"Oh Ayanna! Look! The bitch is crying! Crying and crying!" at nagtawanan silang lahat ng ubod lakas. Mas lalo akong napaiyak sa sobrang frustration.

"Uh.....kawawang Arra! Iniwan na siya ni Prince Paul!"

"Kung inaakala mong ikaw ang mahal ni Prince Paul, nagkakamali ka!"

 

"Because the truth, only truth and nothing but the truth is....SI MISS RENZ PA RIN ANG MAHAL NI PRINCE PAUL!"

"Hindi totoo yan! Hindi totoo yan!" ang pasigaw kong sabi sa kanila pero nakatikim lang ako ng isang malutong na sampal mula sa isa sa kanila.

"Hoy! Kahit anong gawin mong denial of reality dyan, yun at yun pa rin ang totoo! He saved Miss Renz rather than you because he still in love with our boss! So stop clunging to your illusions dear!"

"Korek! If I were you, lumayu-layo ka na kay Prince Paul, malandi!"

"Hindi ako naniniwala sa inyo! Ako lang ang mahal ni Paul! Ako lang!" ang umiiyak ko nang sabi pero laking gulat ko na lang nang sampalin ako ng back to back ng isang kasamahan nila sabay tulak nila sa akin pasubsob.

"So you want to get into a big trouble huh?!" 

 

 

"Pakisabi-sabi nyo sa impaktang Renz na yan na humanda siya sa akin!" at nginisian ko silang lahat. Sa galit nila ay sinipa nila ang mukha ko, dahilan para mas mapasubsob ako sa sahig.

"You really want to get into big trouble? Pwes, sa bawat pagtatangkang gagawin mo kay Miss Renz o kay Prince Paul, may katumbas yung parusa mula sa amin!"

"Right! We will make your life here like a living hell!"

 

 

"Just like what we did to Valerie!"

Bigla akong kinabahan at natakot sa sinabi nila dahil halata sa mga ikinikilos nila na tototohanin nila ang banta nila.

"Humanda ka na sa mga susunod pang mangyayari sayo...BITCH." at itinulak pa nila ako sa sahig bago sila nagsilayas sa backstage. Umiiyak akong napasandal sa pader habang paulit-ulit na nagtutumining sa isip ko ang mga nakakakilabot na sinabi nila.

"We will make your life here like a living hell!"

Mas lalo akong natakot para sa sarili ko. Kung ganun...matindi pala ang taong kinakalaban ko.

Pwes, hindi ako magpapatalo sa Renz na yun! Babawiin ko sa kanya si Paul kahit na mamatay pa ako!

Over my dead body!!