(Villa San Miguel, Tuesday evening)
(Renz's POV)
HUMAHANGOS kaming humakbang ni Airish papasok sa malawak na mansyon nina Ayanna. Pagdating namin sa sala ay nakita namin sina Jane, Jayme, Vickie, Ayanna, Cializ, Michelle, Liezel at Phoebe na nakapalibot sa nakagapos na si Maelyn. Mas nanginig sa takot si Maelyn pagkakita niya sa amin ni Airish.
"Miss Renz, Airish! You're here!" ang bati sa amin ni Jane.
"Nasaan si Maelyn?! Gusto namin siyang makausap!" I screamed to them.
"Miss Renz, relax! Nandito si Maelyn." sabay pwersahang hinila ni Jane si Maelyn palapit sa amin. Hindi na napigilan pa ni Airish ang matinding galit niya, sinampal niya ng ubod lakas si Maelyn.
"This is for frauding the election!" sabay sampal pa ulit ni Airish kay Maelyn. Agad na inawat nina Liezel si Airish habang tinitigan ko ng mata sa mata si Maelyn.
"Maelyn, umamin ka nga sa akin. Nakipagsabwatan ka ba kay Arra Micaella Diaz para ipanalo siya sa eleksyon kahapon?" ang diretsahang tanong ko kay Maelyn.
Hindi kaagad nakasagot si Maelyn kung kaya naman muli siyang sinampal ni Jane.
"Ano, aamin ka o ililigpit ka na namin ng buhay?!" ang nangigigil na banta ni Jane kay Maelyn, dahilan para biglang matakot si Maelyn.
"Wag! Wag nyo po akong patayin! Aaminin ko na ang totoo! Aaminin ko na ang totoo! Binayaran ako ni Arra Diaz para i-photocopy ko ang laman ng ballot boxes na puro pangalan niya ang nakasulat. Nung bago mag-eleksyon, inutusan niya akong itago ang ballot box na dapat sana'y bibilangin na at pinalitan ko ng tampered na ballot box na may laman na mga pekeng balota." at napaiyak na si Maelyn sa sobrang pagsisisi.
"Walang-hiya ka talaga! Parehas kayo ng demonyita mong amo!" sabay sampal ng malakas ni Airish sa pisngi ni Maelyn. Mas lalong naiyak si Maelyn habang salat-salat niya ang mukha niya na pulang-pula na sa sunud-sunod na pagkakasampal.
"Anong dahilan at bakit mo ginawa yun?" tanong ko pa kay Maelyn.
"Miss Renz...k-kasi...may malalang sakit ang nanay ko at nangangailangan siya ng perang pampa-opera...mga nasa isang milyong piso ang kailangan. Siyempre...di ko po kaya yun dahil hindi naman ako mayaman katulad ninyo...tsaka sa gamot pa lang po...namamahalan na ako...sa operasyon pa kaya? Dahil wala na akong makapitan pa ay ako mismo ang kusang-loob na nag-offer kay Arra Diaz na tulungan siya na doktorin ang resulta ng eleksyon, mabigyan niya lang ako ng kinakailangan kong pera. Sana...patawarin nyo na po ako. Patawarin nyo na po ako." at napasubsob na sa sahig si Maelyn sa kaiiyak.
"Sige. Palulusutin ka namin sa ginawa mo...sa isang kondisyon." ang sabi ko sa kanya.
"Kahit anong kondisyon po...basta mapatawad nyo lang po ako!" desperada nang sabi ni Maelyn.
"Dalawa lang naman ang kondisyon ko eh. Kung ayaw mong mawala ang scholarship mo at acceleration mo sa school, inaalis na kita sa posisyon mo sa organization bilang PIO, dahil hindi ka na karapat-dapat pang pagkatiwalaan pagkatapos ng pandarayang ginawa mo." mariing sabi ko sa kanya.
"N-naiintindihan ko Miss Renz." ang sabi naman ni Maelyn.
"Tsaka isa pa, gusto kong isiwalat mo mismo sa harap ni Dean Railley Villarin ang mga nalalaman mo tungkol sa pandaraya ni Arra Diaz. After that, don't forget to write it darling, computerized, arial ang font at 18 ang font size para mabasa niya ng mabuti. Ilagay mo sa red scented envelope at ipangalan mo kay Paul Cruz. Ako na ang bahalang magbigay sa kanya. Kapag ginawa mo yun, tatapatan ko ng tatlong milyong piso ang perang bigay ni Arra para gumaling na ang nanay mo. Naiintindihan mo?"
Nakita kong nabuhayan ng loob si Maelyn.
"Sige po! Gagawin ko po ang lahat ng gusto ninyo! Basta't ipagamot nyo lang po ang nanay ko! Handa po akong pagbayaran ang mga kasalanan ko sa inyo...basta't gumaling lang po ang nanay ko!" ang talagang sobrang desperada nang pakiusap ni Maelyn.
"Mabuti. Sige na, umalis ka na." ang sabi ko sa kanya.
"Salamat po Miss Renz! Salamat po, maraming maraming salamat po!" at kinalagan niya ang sarili niya at agad na siyang umalis.
Pagkaalis ni Maelyn ay sumalubong sa akin ang nagtatakang mukha nilang lahat.
"Miss Renz, why you help that poor old slut?!" ang gulat na tanong ni Liezel sa akin.
"Oo nga! Samantalang siya ang kasabwat ni Arra sa pandaraya sa election last day!" - Jayme.
"But in the first place, that whore really needs a money for her mother! Buti na lang at pumayag siya sa mga gusto ni Miss Renz. Dahil kung hindi, baka tinadtad ko na siya ng sunud-sunod na saksak sa kanyang katawan!" sabi naman ni Ayanna.
"Now that she is under our control, anong nightmare naman ang ipapatikim natin kay Arra?" ang excited nang tanong ni Vickie sa akin.
"Don't you worry my gorgeous amazonas, ako na ang bahala sa bagay na yan. Ako ang babawi ng kahihiyang sinapit ni Airish. Ipinapangako ko yan." ang seryosong sabi ko sa kanila.
"Thank you so much Miss Renz!" ang masayang sabi ni Airish.
"You're welcome, the true Miss Institute of Medicine 2014." and I smile back to her.
Arra Micaella Diaz...ganyan ka na talaga kadesperada?
Mang-aagaw ka pa ng title ng iba, mapabagsak mo lang ako?
Tsk. tsk. tsk.
Tignan natin kung sino sa atin ang lalagapak oras na isiwalat ko na ang mga panloloko mo..
So better get ready bitch...
Because it's time to pay back!