(St. Anne University, after one week)
(Renz's POV)
AFTER one week....
Nag-umpisa na ang practice para sa Mr. and Miss St. Anne University pero tanging si Kuya Espren Dane lang ang uma-attend sa rehearsal. Nasaan si Senyoritang Impaktang Arra? Hayun, laging missing in action, kung kaya naman nag-decide na si Ate Railley na si Airish na ang i-represent sa pageant. At kahit na na-zo-zombie mode na si Airish sa SAUGH gabi-gabi ay sinisikap niyang makadalo sa rehearsals. At nagagawa naman niya iyon ng maayos. Siya na rin ang isinama namin sa mga medical missions namin sa iba't ibang part ng Metro Manila dahil mas nakakatulong siya di tulad ni Senyoritang Impaktang Arra na walang ibang ginawa kundi magpaka-donya. Ginawa naman ni Maelyn ang mga kondisyon ko, pumayag siyang alisin na namin siya sa pwesto niya sa organization bilang P.I.O at nakapagkumpisal na siya ng mga nalalaman niya kay Ate Railley at Mr. President, Dr. Simon Ante, dahilan para biglang magpagawa ng memorandum si Mr. President na nagtatanggal kay Arra sa posisyon niya bilang Miss Institute of Medicine 2014. Dahil sa kontribusyon ni Maelyn sa pagbubulgar ng mga nalalaman niya ay ako mismo ang nag-opera sa nanay niya na may heart disease pala. Sa ngayon ay magaling na ang nanay ni Maelyn at nagpapalakas na lang sa ospital. Sinagot ko na rin ang isang taong maintenance ni Aling Gloria para sa mga gamot nila. Ang gagawin ko na lang ngayon ay utuin si Paul na ibigay ang 'red love letter' na ginawa ni Maelyn para kay Arra para ibulgar mismo ni Arra ang mga kahayupang pinagagagawa niya.
---
NGAYON ay may practicum activity kami sa SAU at guest observer sina Ate Railley, Dr. Clara Ante at Dr. Imelda Ramos mula sa St. Luke's Medical Center. Ipapakita ng dalawang team na maglalaban ang tamang procedure sa pag-opera ng heart clotting sa totoong tao na may ganung sakit. Magkalaban ang team nina Kuya Espren Dane, Ate Rianne, Ate Nanay Aleinne, Airish at Ate Arleen habang nasa kabilang team naman si Arra Bitch at ang iba pang mga volunteer doctors. Ako ang tatayong student observer sa kanila.
Nagsimula na ang practicum activity. Nauna ang grupo nina Arra na pumasok sa operating room. Habang nag-oopera sila sa loob ay nag-o-observe naman ako mula sa glass window ng operating room. Nang matapos na ang grupo ni Bruha ay sumunod na sina Kuya Dane na pumasok sa room. Binulungan ko sila ng "God Bless You All" bago sila tuluyang makapasok sa loob. Habang ginagawa na nila ang procedure ay inoobserbahan ko sila mula sa labas. At kitang-kita ko ang pag-iingat sa ginagawa nilang pag-o-opera dun sa pasyente. Naging matagumpay ang kanilang pag-o-opera kung kaya naman relax na silang nakalabas sa operating room.
"Congratulations Kuya Espren! You did a very great job!" ang masayang bati ko sa kanila.
"Salamat Renz. Ginawa lang namin ang natutunan namin mula sa observations namin dito sa ospital. Pero salamat dahil nagawa namin ng tama at maayos." ang sabi naman ni Kuya Dane.
Paalis na sana kami nang biglang napasigaw sa gulat si Ate Nanay Aleinne.
"Kuya Dane! Yung pasyenteng inoperahan nina Arra! Nag-aagaw buhay!"
"What?!" ang gulat na sabi ni Kuya Dane sabay takbo nila sa loob ng operating room. Maging kami nina Ate Railley ay kinabahan din kung kaya naman pumasok kami sa loob. And we were shock nang makita namin ang kalunus-lunos na sinapit nung pasyente. Wasak na wasak ang balat sa kanyang chest wall, hindi maayos ang pagkaka-incision sa kanyang puso at kinakapos na ng paghinga ang pasyente. Agad kaming sumaklolo nina Kuya Dane at Ate Rianne at inayos ang pag-opera sa pasyente nina Arra. Nang ma-operahan na namin ang pasyente ay bumalik na sa normal heart beat ang puso ng pasyente at umayos na rin ang kanyang paghinga. Nakahinga na kaming lahat ng maluwag dahil nasa ligtas nang kalagayan ang pasyente.
Paglabas naming lahat sa operating room ay saktong nakita namin si Arra na pinagsasalitaan ng hindi maganda ang kanyang mga teammates.
"Omigosh! Si Arra!" gulat na sabi ni Airish.
"Grr! Papatayin ko na talaga ang impaktang yan!" ang galit na galit nang sabi ni Ate Rianne.
Mula sa di kalayuan ay narinig namin ang confrontation between Arra and her teammates.
"Hey you! Akala ko ba 6th Year Med ka na?! Bakit ang laki ng ginawa mong incisions sa chest wall nung pasyente?! Kaya tuloy nagkawasak-wasak ang chest wall ng pasyenteng yun!!"
Hindi nakaimik ang lalaking naka-salamin na kilalang-kilala ko. Si Kuya Teo, ang bagong P.I.O ng organization.
"Answer me, worthless nerd!" singhal ni Arra kay Kuya Teo.
Hindi pa rin sumasagot si Kuya Teo.
"So you're not going to answer?! Are you already mute?!"
Sa galit ko ay sinadya ko nang lumapit kay Arra para ipagtanggol si Kuya Teo.
"Ano ba Arra! Team work yung operation kaya wala kang karapatang sisihin si Kuya Teo! Nalagay sa alanganin ang pasyente nang dahil sa kapabayaan ninyo! Lalo na ikaw, ang lakas ng loob mong tumayo as team leader tapos hindi mo sila mapamahalaan ng tama!" sigaw ko kay Arra.
"Wag kang makialam! You're not part of this conversation." sabay irap sa akin ni Arra.
Kinuha ni Arra ang Clover Chips nung isang teammate niya sabay buhos niya kay Kuya Teo. Napaiyak na lang si Kuya Teo habang nanlilimahid siya sa dami ng chips na itinapon sa kanya.
"Yan ang nababagay sayo...worthless nerd." at tumawa ng ubod lakas ang impaktang bruha.
"So yan pala ang tunay na ugali ng bagong muse ng ating department! How wonderful!" ang sarkastikong sabi ni Ate Railley na nasa harapan na ni Arra.
"D-Dean...." ang halos mautal-utal sa gulat na sabi ni Arra.
"Well Miss Diaz, let me pass to you this lyrics from the song, True Colors." at lumapit ng husto si Ate Railley kay Arra, dahilan para mas lalong manginig sa takot si Arra.
"♪I SEE YOUR TRUE COLORS FEELING SHINING THROUGH...♪" at sinampal ng ubod lakas ni Ate Railley si Arra. "You're most worthless rather than him...BITCH." at pabanggang nilayasan ni Ate Railley si Arra. Halos mapaiyak na sa sobrang kahihiyan si Arra habang pinagtatawanan na siya ng mga teammates niya. Mag-wa-walk out na sana si Bruha nang hilahin siya ni Dr. Clara palapit sa kanila.
"Everyone leave now, tuturuan ko lang ng leksyon ang iresponsableng babaing 'to." sabay hila ni Dr. Ante kay Arra papasok sa loob ng operating room. At mula sa loob ay kitang-kita namin kung pano pinahihiya nina Dr. Ante at Dr. Ramos si Arra. Ngiting tagumpay kami ni Airish dahil nakatikim na naman ng karma si babae.
Nakita kong nag-group hug ang team nina Kuya Dane at ang team nina Arra. Habang si Airish naman ay nilinis ang ulo at balikat ni Kuya Teo.
"Kuya, okay ka lang ba?" ang tanong ni Airish.
"Ah...e-eh...o-oo...Miss Airish..." at biglang nag-blush si Kuya Teo.
"Pagpasensyahan mo na lang yung bruhang yun kasi bruha na siya since birth." ang sabi pa ni Airish habang pinupunasan niya ng tissue ang lab gown ni Kuya Teo.
"Okay lang yun...Miss Airish." ang nahihiya pang sabi ni Kuya Teo.
"Ahm Kuya Teo...pwede bang mahingi ang number mo?" ang tila nagpapa-cute nang sabi ni Airish.
"Ha? S-sige..." at ibinigay ni Kuya Teo ang cellphone number niya kay Airish.
Airish...mukhang dumadamoves ka na kay Kuya Teo ah! xD!
"Ano mga mareski! Kain na tayo sa labas!" ang masayang sabi ni Kuya Dane.
"Yes! Because it's time to party party!" sigaw naman naming lahat.
Natigil kami sa pagsasaya nang makita naming nanginginig na lumabas sa operating room si Arra at nung makita niya kami ay umiiyak siyang nag-walk out.
"Mabuti nga kay Bitch! Tinamaan na naman siya ng karma niya!" - Ate Rianne.
"As you said Rianne!" - Kuya Dane.
Nang matapos na ang practicum activity ay nagparty-party na kami sa Cucina Alferez at si Kuya Dane ang nag-treat sa amin.