Puzzle

Pagbukas ni Ella sa sulat na kanyang nakuha ay laking gulat nitong may tulang nakatitulo bilang Palaisipan. Agad nito binasa sapagkat ang kanyang pagnanasa upang malaman ang totoong sitwasyon at pangyayare kay Jason ang nangingibabaw sa lahat ng bagay ngayon para kay Ella

"

Palaisipan

Sa mundong puno ng sumpa

Aking pag-asa ay munting nawawala

Karaniwang karanasan sa lahat ng makata

Iiwan ang kanyang minamahal para sa pagtutula

Tatahakin ang mapait na landas ng pagiwan sa kanyan sinta

Ang iyong nais malaman ay naghihintay sa iyong puso

Naglalakbay patungo sa dulo ng matikas na puno

Gagabay ang mga salitang ito sa'iyo

Darating ang iyong malikhang misyon ng walang plano

Aking kayaman ay naghihintay sa dati nating bahay kubo

'Lika at ako'y hihiga sa pundasyon ng ating mga puso

Ating pagyamanin---ang bahay ng ating mga luho

"

Pagkatapos basahin ni Ella ang tulang ito, sinubukang niyang alamin ang bawat linya. Sa sobrang pagkasimple ng tula ay inabutan si Ella ng dalawang araw upang makita ang kahulugan ng kanyang ginawa.

Ella: Pundasyon? Misyon? Bahay kubo? bakit parang pamilyar ang mga bagay na ito sa akin?

Sa kanyang mga tanong, biglang punasok ang isang piraso ng kanyang memorya.

Nakita ni Ella ang kanyang nakaraan na kung saan ay sinusubukan niyang makipaglaro sa ibang bata ngunit hindi siya binibigyan pansin hanggang sinabihan syang umalis at huwag lumapit sakanila. Naging malungkot ang pagkabata ni Ella hanggang dumating ang isang di kilalang bata. Ito ay nag-alok kay Ella na maglaro silang dalawa at simula noon ay may oras silang dalawa sa paglalaro at pagpunta sa mga lugar na ninanais nila.

Bata: Sup! Tara laro? --- bigkas ng batang nag-alok kay Ella na walang sinuman ang nagbigay atensyon sakanya kapag oras na ng paglalaro sa labas.

Ella:A-Ako ba?

Bata: Yes of course! Meron pa bang ibang tao sa paligid? Kaya let's go! --- Biglang hinawak ng bata ang kamay ni Ella at sila ay naglaro. Napuno ng saya si Ella sapagkat ngayon palang niya naramdaman ang magkaroon ng kasama sa paglalaro sapagkat mula walang ibang bata ang gustong makipaglaro sakanya.

Sa kanyang memorya, naalala niyang pumunta sila nung bata sa isang abandonadong mansyon. Ang sambit ng bata ay ito ang kanyang tirahan ngunit hindi naniniwala si Ella at inisip lamang ito na biro. Sa unang pagpunta niya ay napuno siya ng takot ngunit sa pagpatuloy ng kanilang pagdaloy ay tinrato na di niya ito bilang tahanan niya.

Naging mahina na ang kanyang pag-alala ngunit sa nakalap na memorya ni Ella, nagkaroon siya ng ideya sa tulang nilikha ni Jason para sakanya. Ang abandonadong mansyon na kanyang nakita.

Ella: Magkikita na tayo muli...Jason....

Bigkas ni Ella at nagmadali itong pumunta sa mansyon. Pagpunta ni Ella sa mansyon ay napuno ito ng halong emosyon. Saya, lungkot at takot---mga salitang magbibigay deskripsyon sa kanyang nararamdaman ngayon  sapagkat hindi na alam ni Ella kung ilang taon na ang nakalipas noong huling pumunta siya dito.

Sinubukan kumatok ni Ella sa pinto ngunit walang sumasagot. Paglipas ng ilang minuto, nagdesisyon na siyang pumasok dahil walang sumasagot sakanya. Inisip agad ni Ella na wala si Jason sa mansyon at pumasok sa kanyang isip na umuwi na lamang. Pagtingin ni Ella sa kanyang kaliwa, nakita niya ang isang larawan na ginuhit ng parang mga bata. Dahan-dahn nitong nilapitan at laking gulat niya sa kanyang nakita.

Nanahimik ng ilang segundo si Ella sapagkat hindi niya alam ang dapat maramdaman

Ella:....totoo ba ito?

Bigkas ng binibini na litong lito sa nangyayare. Ang nasa larawan ay nakalagay ang pangalan ni Ella at Jason na magkahawak ang kamay ng dalawa, na kung saan ay mayroon ding nakasulat na---

"Hanggang pagtanda walang kakawala!"

Ella: Ito na ba ang pangako namin sa isa't isa?

Sa paglapit ni Ella sa larawan ay sinubukan niyang maghanap ng mga bakas ni Jason na magtuturo sa kanyang kinaroroonan. Sinubukan mag-isip ng malalim ni Ella na maaring magturo sa susunod na "clue" upang mapalapit kay Jason. Sa paghahanap ni Ella, nakita niya ang isang letra na nakalagay sa isang flower vase. Ang flower vase ay may lamang rosas na parang ito'y kakalagay pa lamang dahil sariwa pa ang kanyang itsura. Kakagaling lang ba ni Jason dito? o may ibang taong galing rito at inilagay lamang ito para sa ala-ala ng mansyong ito?

Ella: Isa nanaman ba itong palaisipan na ginawa mo jason? Nasaan kana?

Mga katanungang hindi makuhanan ng sagot ang pumapasok sa isipan ni Ella. Si Jason---isang kilalang kaibigan ni Ella bilang mahilig sa mga palaisipang laro ay ngayong hinahamon ang kakayahan ni Ella. Ngunit, ano nga ba ang intensyon niya sa mga letrang itinatago na mayroong relasyon sa nakaraan ni Ella? Sino nga ba si Jason?

Ang letrang ito ay maaring magturo sa kinaroroonan ni Jason. Sa pagbukas ni Ella sa sulat ay nagulat na lamang ito.

Pagpapatuloy...