-
Kinuha agad ni Ella ang sulat na nakita niya sa flower vase at binasa ito. Ang nakasulat dito ay---
"
We treasure our friends, and we'll find our treasures at our own treasure rooms.
"
Isang palaisipan nanaman ang ibinigay ni Jason sakanya. Iniisip ni Ella kung may kinalaman ang rosas sa palaisipan na ito. Habang nag-iisip sa kasagutan ng kasulatan ni Jason kinuha ni Ella ang rosas at naglakad lakad sa mansyon upang maghanap ng mga clue.
Sa kanyang paglalakad napaisip siya sa salitang "treasure room".
Ella: Narito ba ang sinasabing treasure room ni Jason? --- malalim na pagiisip ang tinahak ni Ella hanggang pinagpatuloy ang paglalakad
Habang naglalakad ay may pumasok na memorya sa kanyang nakaraan. Nakita ni Ella na papasok siya ng mansyong ito at sa bandang itaas na palapag na may bintana ay nakatitig sakanya ang isang batang na parang hinihintay ang kanyang pagdating.
Sa clue na nakuha nito, agad umakyat si Ella sa ibang palapag upang puntahan ang ibang kwarto na maaring magturo sa "treasure room" na hinahanap nito.
Napansin ni Ella na ang abandonadong mansyong ito ay halatang matagal na walang nakatira sapagkat sira sira na ang ibang pader at inaagiw ang ibang parte nito. Nahirapan si Ella pumili ng mga kwartong bubuksan sapagkat halos lahat ng mga pinto ay sarado at ang iba naman ay nasisira na at ayaw masira ni Ella na maaaring magiging rason upang magkaroon pa ng problema.
Umabot ng mahigit isang oras ang paghahanap ni Ella sa tamang pinto hanggang napansin niya ang isang pintong na parang bagong linis at hindi parte ng abandonadong mansyong ito. Dahan dahan inabot ni ella ang hawakan ng pinto at binuksan. Laking gulat niya sa kanyang mga nakita.
Ella: Paano posible ito? --- Napuno ng pagtataka si Ella ng kanyang makita ang kaloob-looban ng kwartong pinasukan niya.
Sa lahat ng parte ng abandonadong mansyon, ang kwartong ito lamang ay ang pinakamalinis at parang normal na kwarto lamang na kung saan ay inaalagaan at nililinis ng madalas. Isang kwarto na puno ng misteryo at mga maaaring bakas ni Jason.
Tumingin-tingin si Ella sa paligid at laking gulat nya ay may nakita nanaman siyang nakasulat na larawan sa pader at parang bago lamang ang pagagawa nito. Ngunit sa pagkakita nito ay sa huling nakasulat na larawan sa ilalim na palapag ay dalawang bata lamang at dito naman ay naging tatlo. Sino nga ba ang mga nasa larawan na ito?
Sa larawang nakaukit sa pader ay may nakasulat din na "Treasure room". Ito na nga ba ang hinahanap ni Ella at ang binibigkas ni Jason na "treasure room" sa kanyang sulat?
Naghanap-hanap ulit si Ella sa paligid upang maghanap pa ng mga maaaring maging bakas ng memorya sa kanyang nakaraan at maaring maging daan patungo kay Jason
Sa paghahanap nito ay may nakita siyang isang litrato ng tatlong batang nakangiti na parang wala ng bukas. Sa pagiisip ni Ella kung sino ang mga batang ito ay biglang may pumasok nanaman na memorya sa kanyang isipan na tila unti unting nabubuo ang mga nakalimutang nakaraan nito.
Naalala ni Ella noong kanyang pagkabata ay mayroon pa siyang isang kalarong batang lalaki na kanyang nakakasama sa abandonadong mansyon. Nakakasama nila ito tuwing palapit na ang pagbaba ng araw. Hindi alam ni Ella kung bakit o hindi maalala nito kung bakit sa ganong oras lamang ito nakikipaglaro sakanila. Naalala ni Ella na kumuha sila ng litrato nilang magkakasama upang maging memorya at maitago nila ito bilang kayamanan sa kanilang "treasure room"
Ngunit bakit walang bakas man lang ni Jason ang makikita sa mismong abandonadong mansyong ito?
Naguguluhan na si Ella sa kanyang mga naaalala at nangyayari ngayong araw. Binasa na lamang niya ang nakasulat sa likod ng larawan
Sa likod ng letratong ito ay may nakasulat---
"
Kayamanan, makikita mo sa tubig. Isang bahay na napuno ng memorya, memorya ng nakaraang iniibig
Maglakbay patungo sa dulo ng buhay
Magkikita ang kamatayan at pagnanasang paghalay
Sa mga memoryang ito'y aking hahawakan
Sa pagtagos ng pana ni kamatayan
Pulang rosas sa hardin ay hindi ka kailanman iiwanan
"
Sa pagpapatuloy ni Ella na malaman ang mga salitang bigay ni Jason, lalonng humihirap at lumalalim ang mga sulat nito. Litong lito si Ella sa maaaring ibig sabihin ng kasulatan sa likod ng litratong puno ng masasayang memorya.
Sa katagalan ni Ella sa paghahanap ng mga bakas patungo kay Jason ay hindi na nito napansin na pababa na ang araw. Sa kanyang pagod ay nagdesisyon na itong umuwi na muna at ipagpatuloy na lamang kapag nakuha na ang sagot sa susunod na palaisipan. Kinuha ni Ella ang rosas at ang litratong kanyang nahanap at lumabas na ng mansyon.
Sa paglalakad pauwi ni Ella ay naramdaman niyang parang may nakatitig sakanya. Lumingon ito ngunit walang kahit anong buhay sa kanyang pinanggalingan. Inisip na lamang ni Ella ay marahil ito ay dahil sa kanyang pagod at pinagpatuloy na lamang ang paglalakad. Sa kabilang dako, hindi alam ni Ella na mayroong nagmamasid talaga sakanya sa malayo. Sa kadiliman ay kanyang tinitignan ang mga yapak ni Ella.
Nakauwi si Ella ng ligtas at maayos. Sa pagpasok ng kwarto ay humiga agad ito at itinaas ang litrato at rosas
Ella: Ano ang ibig nyong sabihin? --- Tanong niya sa dalawang bagay na ito. Pagkalipas ng araw na iyon ay hindi parin nakuha ni Ella ang kasagutan sa palaisipang nakalap sa abandonadong mansyon.
Ano ang susunod na yapak ni Ella? Sino ang taong nagmamasid sakanya?
Pagpapatuloy