-
Matapos ang kanyang araw ng paghahanap, nagdesisyon si Ella na ihinto muna ang kanyang misyon na hanapin si Jason sapagkat madami pa siyang kailangang isipin ngayon sapagkat graduate na siya ay may mga resposibilidad na sa buhay.
Naghanap si Ella ng mga kumpanyang maaaring pasukan niya upang magkaroon ng kita at makatulong sa kanyang pamilya. Umabot ito ng ilang araw ay hindi makapagdesisyon di Ella sa papasukan na kumpanyan hanggang napunta siya sa JK Stock Market Company na kung saan sila naghikayay sakanya. Habang naghihintay si Ella na matawag ang kanyang pangalan para sa interview ay may nakausap siyang babaeng employee ng kumpanyang ito---
????- Hello! Are you an applicant?
Ella: Yes po madam
????: I see, the name's Jane. I just thought that you have some potential. I hope working with you soon!
Ella: Thank you so much ma'am!
At umalis na si Jane--- dahil dito nagkaroon pa ng dagdag tapang at determinasyon upang ipasa ang interview at magtrabaho sa kumpanyang ito.
Paglipas ng iilang minuto ay tinawag na ang pangalan ni Ella upang mainterview. Dahan dahan binuksan ni Ella ang pinto sapagkat nakaramdam parin ito ng kaba kahit nabigyan ito ng lakas ng loob upang ipasa ito. Pagkapasok nito ay nagulat si Ella na isa si Jane sa mga nagiinterview sa mga applicant.
Pinaupo si Jane at nagsalita ang isang interviewer---
Interviewer - Welcome Ms. Ella, today we have here one of our CEO or should I say founder of this company. I present to you miss Jane.
Ellla:???
Jane: Hello Ella, nice to meet you again.
Laking gulat ni Ella noong nalaman nya na ang nakausap nyang empleyado kanina ay ang mismong founder ng kumpanyang papasukan nya. Nagumpisa ang kanilang interview at napunta na ito sa puntong patapos na sila. Nagkaroon ng tanong si Jane kay Ella na kanyang pinagtaka.
Jane: Okay, Ms. Ella. Last question, do you keep promises?
Isang tanong na nagbigay ng malaking pagkalito sa isip ni Ella ngunit binalewala niya ito sapagkat ang trabaho ang naging pokus ng kanyang misyon ngayon.
Sumagot si Ella ng "Yes, ma'am" at nagbalik din ng komento si Jane ng "I do wish you're going to make your promises come true".
Tumayo na si Jane at sinabihan si Ella na maghanda na siya dahil bukas mismo ay maguumpisa na siya sa kanyang trabaho.
Nangibabaw ang kasiyahan sa kanyang isipan sapagkat mababawasan na ang mga problemang pinansyal nya at matutulungan ang kaniyang mga magulang.
Sa pag-labas ni Ella sa gusali ng kanilang kumpanya ay may nakita siyang pamilyar na tao. Ito ay lumapit sakanya at kinausap siya.
????--Yo! Ella! Musta? Tagal na natin di nagkikita ah
Tinitigan ni Ella ng mabuti ang lalake at nalaman niyang ang lalaking ito ay ang kanyang kaibigan matapos maaksidente at mawalan ng memorya ngunit siya ay pumunta sa ibang bansa noon kasama ang kanyang pamilya, siya si Alex. Kinausap agad ni Ella si Alex---
Ella: Alex!! Sabi ko na pamilyar ka eh, nagapply ako ngayon dito and bukas daw magtatrabaho na agad ako.
Alex- Oh nice! I guess co-worker nyan kita.
Natuwa si Ella sapagkat agad niyang naisip na nagtatrabaho sila sa iisang kumpanya. Dalawang magkakilalang matagal nang hindi nagkikita ay nagtagpo muli.
Niyaya agad ni Alex si Ella na kumain sila sa labas at pumayag naman ito. Pumunta silang dalawa sa isang kainan at nagkwentuhan magdamag. Nagusap tungkol sa kanilang mga nakaraan at sinubukan ding buksan ni Alex ang mga ala-ala ni Ella noon ngunit hindi parin nakukuha ni Ella lahat ng kanyang memorya.
Sa kanilang pagkukwentuhan ay natanong ni Ellla ang mga impormasyon tungkol sa kumpanyang pinagtatrabauhan nila. Ayon kay Alex, ang kumpanya ay plano ng limang magkakaibigan. Ang tatlo sakanila ay nawala na kung saan si Ms. Jane and Sir Kyle nalang ang natira. Tinanong ni Ella kung sino ang isang founder ng JK stock market company. Sinagot agad ni Alex na wala siyang masyadong alam o impormasyon ukol sa pangalawang founder dahil hindi ito masyadong nakikita sa kumpanya o kahit kailan ay hindi pa pumunta sa kumpanya. Ito ay karaniwang katanungan ng mga empleyado sapagkat gusto din nila itong malaman at makilala sapagkat ayon kay Jane ay mayroong importanteng nilalakad si Kyle na kailangan muna niyang pagtuonan ng pansin at oras kaya si Jane ang nagpapalakad ng kumpanya habang wala ito.
Umabot ng iilang oras ang kanilang pagkukwento hanggang bumaba na ang araw na tila hindi nila ito napansin. Sa paglabas nila sa kanilang pinagkainan ay may nakita si Ella na parang mayroong lalakeng nakatingin sa kanila. Kinausap niya si Alex ukol doon ngunit minungkahi na lamang niya na wag bigyan pansin.
Dahil sa takot na naramdaman ni Ella ay humingi siya ng pabor kay Alex na ihatid ito sa bahay nila. Sumang-ayon naman si Alex at hinatid si Ella sa kanilang bahay.
Isang araw nanaman na puno ng mga pangyayari, mga pangyayaring hindi inaakala. Dalawang founder ng kumpanya ni Ella na puno ng misteryo at isang matagal nang kaibigang nalayo ay bumalik muli. Sa mga papangyayaring ito ay unti-unti nang nakalimutan ni Ella ang paghahanap kay Jason.
Dumating ang lahat sa puntong umabot na ng ilang buwan ang lumipas at tila nawala na ng tuluyan sa isipan ni Ella ang paghahanap kay Jason.
Hanggang isang gabi ay may nakita siyang sulat sa labas ng kanilang bahay.
Pagpapatuloy....