Broken Mansion

-

Kinuha agad ni Ella ang nakalagay na sulat sa labas ng kanilang bahay. Pumasok agad ito sa kwarto para basahin ito. Ngunit, sa pagbukas ni Ella mail na nakuha nito ay walang ibang nakasulat ngunit isang imahe lang ng isang rosas. Sa paglalim ng pagiisip ni Ella ay pumasok sa isip niya ang mga kasulatan ni Jason sakanya makalipas ang ilang buwan. Nagmadali si Ella sapagkat sa pagbigay nya ng atensyon sa ibang bagay ay nakalimutan na niya ang kanyang misyong hanapin si Jason.

Hinanap at kinolekta ni Ella ang mga sulat at ang larawan na mga nakuha niya noong siya ay naghanap sa abandonadong mansyon. Binasa muli ni Ella ang mga nakasulat ng paulit-ulit ngunit wala parin siyang makuhang kasagutan. Napahiga na lamang si Ella at kanyang itinaas ang larawan ng tatlong magkakaibigan. Sa isang parte ng imahe ay may napansing kasulatan si Ella. Agad napatayo si Ella sa kanyang posisyon at itinutok ulit ang larawan sa liwanag upang basahin ang kasulatan na kanyang nakita---

"

Ang ikatlong palapag ang matuturo sa kinaroroonan ng kayamanan

Ang ikatlong pinto ang magbubukas sa puso ng mga kaibigan

Ako'y nakatago at naghihintay

Sa dulo ng aking nasisirang bahay

Magdala ng katabi

Dahil oras ang kahati

"

Nagisip-isip si Ella hanggang sa nakatulog na ito sa pagod.

Namulat ang mata ni Ella na siya ay nasa abandonadong mansyon. Sinubukan niyang tumingin sa paligid upang malaman ang nangyayare. Sa kanyang paglalakad ay madinig siyang mga apak ng isang tao. Nagmadaling nagtago si Ella ng dahil sa magulong pagiisip at takot. Sa isang sulok ng mansyon ay nagmasidcng maayos. Naririnig ni Ella na ang mga yapak na ito ay papalapit sakanya.

Sa paglapit ng yapak kay Ella ay sinubukan niyang silipin ng mabilis ang taong papalapit. Saktong pagsilip nito ay lumingon na ang taong papalapit at tumingin sa paligid.

Ngunit, sa pagmamasid ni Ella ay mukhang pamilyar sakanya ang taong ito. Ang lalake ay pumunta sa hagdanan at umakyat sa susunod na palapag. Nagdesisyon si Ella na sundin ito upang malaman ang totoong karakter ng taong ito.

Sa pagakyat ng lalake sa susunod na palapag ay sumunod si Ella ng may pagaalinlangan. Tinititigan ng sobra ni Ella ang lalakeng kanyang sinusundan at nakita nitong umakyat muli sa susunod na palapag. Sinundan ulit nito ngunit sa kanyang pagsunod ay nakaapak si Ella sa isang sirang parte ng sahig na kung saan gumawa ito ng ingay.

Paakyat na sana ang lalake ngunit napatingin ito banda kay Ella. Laking pasalamat ni Ella at nakagalaw agad siya ng walang ingay upang iwasan ang paningin ng lalake. Tumingin ng ilang segundo ang lalake na parang sinisiguradong walang sumusunod sakanya.

Sa pagpapatuloy nito sa pag-akyat sumunod muli si Ella. Pagkaakyat nk Ella ay tila biglang naglaho ito sa kanyang paningin. Nagpatuloy sa paglakad si Ella hanggang may naramdaman siyang parang nakatutok sa kanyang likod sabay sambit ng isang karakter na "Wag kang gagalaw". Nangibabaw ang takot nito sapagkat hindi man lang handa si Ella na mamatay hanggat hindi natutupad nito ang kanyang misyon.

Umiyak si Ella at nagmakaawang wag siyang patayin. Sa pagmamakaawa ni Ella ay biglang nagsalita ang lalake na "Gotcha". Boses na sobrang pamilyar kay Ella ang kanyang nadinig. Tumigil ito sa pag-iyak at parang ang oras sa mundo ay biglang bumagal. "Jason?" ang biglang bigkas ni Ella. Sa dahan dahang pagtalikod ni Ella, nakita niyang nakangiti ang lalaki na parang walang nangyari. Si Jason na kay tagal nang nawawala at biglang nagpakita sa mansyong matagal nang nasisira.

Jason: I've been waiting for you --- biglang bigkas ni Jason

Namuo uli ang mga luhang inipon ni Ella at niyakap agad si Jason. Puno ng galit, lungkot at saya ang nararamdaman ni Ella sa oras na iyon. Sa tagal ng panahon ng kaniyang paghahanap ay hindi akalain ng matatagpuan nito ang hinahanap niya sa isang abandonadong lugar. Sa mahigpit na yakap ni Ella ay biglang nagsalita si Jason---

Jason: Don't you forget our promises okay? I'll always keep them ---Binigkas nito ng may ngiti sa kanyang mukha

Sumang-ayon na lamang si Ella kahit hindi na nito naiintindihan ang mga sinasabi ni Jason. Sa paglipas ng ilang minuto, sa higpit ng yakap ni Ella unti unti nitong naramdaman na ang kaniyang niyayakap ay naglaho.

Hindi mapigilan ni Ella ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mata. "Isa lamang bang imahinasyon iyon?" tanong niya sa kanyang sarili.

Pagkaraan ng ilang segundo ay bumalik na sa sarili si Ella, pagtingin nito sa isang parte ng bahay ay may nakita siyang pintong may kakaiba ang ukit. Nilapitan ni Ella ito ng may pag-aalala kung ano ang nasa kabila ng kahoy na pintong ito. Narito ba si Jason? o baka isa nanamang mensaheng kailangan sagutin ni Ella upang malaman ang kinaroroonan ni Jason.

"Hindi ito ang oras upang magisip pa ng malalim" sambit ni Ella sa kanyang sarili at kanyang binuksan ang pinto.

Sa pagbukas ng pinto ay ang pagbukas ng kanyang mga mata. Sa panaginip na puno ng memorya na parang ito'y totoo.

Ano ang susunod na aksyon ni Ella? Saan nga ba ang lugar na kaniyang nabasa?

Pagpapatuloy...