-
Pagbukas ng mga mata ni Ella ay hindi nito namalayan agad na isang panaginip lamang iyon sapagkat ang bawat hawak na kanyang naramdaman ay parang katotohanan. Umabot na ng umaga at hindi nag-aksaya ng oras si Ella upang maghanda sa pagpasok niya sa kanyang trabaho.
Sa pagkatapos mag-ayos ni Ella ay nagpaalam na ito sa kanyang mga magulang at umalis na sa kanilang tahanan upang pumunta sa kanyang trabaho.
Sa paglabas nito ay nakasalubong niya agad si Alex na parang may hinihintay. Tinawag agad agad ni Ella si Alex upang itanong kung ano ang ginagawa nito sa harap ng kanilang bahay. Sumagot naman si Alex na parang siya ay nagulat sapagkat malalim ang kanyang Iniisip. Pinapasundo ni Jane si Ella kay Alex dahil mayroon silang espesyal na lakad para sa kanilang kumpanya.
Laking tuwa ni Ella sapagkat siya ay nabigyan ng ganitong oportunidad lalo na gusto nyang mapromote sa trabaho at lalong mapalapit sa mga founder ng kumpanya.
Pagkadating nila Alex at Ella sa gusali ng kanilang kumpanya ay agad silang umakyat sa palapag ni Jane upang maghanda at magayos ng mga kailangang gamit para sa lakad.
Sa kabilang dako, hindi masyadong nabigyan ng impormasyon si Ella sa kanilang pupuntahan at mga ibang bagay na kailangan nyang alamin ukol sa gagawing trabaho o misyong ng paglalakbay.
Pagkakita nila kay Jane ay agad na silang binigyan ng trabaho sa pag-aayos at paghahanda ng mga gamit.
Habang nag-aayos ay tinanong na ni Ella kay Jane ang i ang detalye o impormasyon na kailangan niyang malaman sa kanilang gagawing trabaho. Sumagot naman si Jane na parang siya ay nagmamadali. Ang kanilang lakad ay pagsesurvey ng mga lokasyon na maaring pagtayuan ng kumpanya ni Jane and Kyle bilang branch ng kanilang kumpanya. Pahabol naman ni Jane na ang kanilang pipiliing lokasyon ay hindi naman kalayuan sa kanilang lugar.
Sumang-ayon na lamang si Ella sapagkat gusto nitong makakuha ng promosyon at mapunta sa tabi ng mga nasa taas.
Natapos ang kanilang paghahanda ay sumakay na lahat sa kanilang company vehicle at naglakbay patungo dito. Sa kanilang paglalakbay, si Ella ay tumitingi sa bintana ng sasakyan sapagkat siya ay napapamahal sa tanawin.
Dumaan ang ilang oras ay nakapunta na sila sa kanilang destinasyon. Isang bahay na abandonado ang tumambad sa harapan ni Ella, na parang isa itong kagaya ng bahay ni Jason na isang abandonadong mansyon. Ang bahay na ito ay may dalawang palapag ngunit sa pagtingin sa labas ng bahay ay mayroon itong attic.
Ang lugar ay mala-bukid ang istilo sapagkat malawak ang lugar at iisang bahay ang nasa gitna nito. Ayon kay Jane, ang bahay na ito ay ang dating bahay ni Kyle. Si kyle ay mahirap lamang ngunit dahil sa naiwang kayamanan ng kanyang pinakamalapit na kaibigan ay nakaahon sa kahirapan ito. Inalok ni Jane na pumasok sila sa loob ng bahay at pagkatapos ay tumingin tingin si Ella sa loob nito.
Si Alex ay nagpahinga sa sala at sinamahan ni Ella habang si Jane ay pumunta sa kusina upang maghanda ng kakainin. Sa paghahanda ni Jane ay inutusan nito si Ella na pumunta sa attic upang kunin ang isang box na kulay ginto sapagkat ito ay importante sakanya. Sinunod ni Ella ang utos ng kanyang CEO at umakyat ito sa attic ng bahay.
Hinanap ni Ella ang box na binigay deskripsyon ni Jane sa mala-bundok na gamit ng attic. Sa kanyang paghahanap ay may nakita itong painting ng mga pinto, tatlong pinto. Naalala bigla ni Ella ang sulat na kanyang nabasa. Ito na nga ba ang nakasulat doon? Ikatlong palapag, ikatlong pinto. Sinubukan alisin ni Ella ang painting at pagkaalis nito ay may isang kulay ginto na kahon na kagaya ng sinabi ni Jane. Sa tabi naman ng gintong kahon ay isang itim na kahon na may sulat---
"
Maaaring ikaw ay nalilito
Sa mundong puno ng luho
Ngunit ito'y parte ng paglalakbay
Ituloy mo lang, ika'y masanay
-Jason
"
Nalito si Ella sapagkat papaano nagkaroon ng box sa bahay ni Kyle na para kay Ella lamang na galing kay Jason. Sa pag-iisip ni Ella ay may nadinig siyang tawag ni Jane sapagkat ilang minuto na siyang nasa attic.
Kinuha ni Jane ang gintong kahon pati na ang itim na kahon. Pinuntahan nito si Jane at ibinigay ang gintong kahon. Ang gintong kahon ay isang importanteng bagay sa pagkakaibigan ni Jane at Kyle ayon kay Jane mismo. Gustong itanong ni Ella ang tungkol sa itim na kahon ngunit naguguluhan ito sa nangyayari.
Sa pagkakaroon ng determinasyon, nagtanong ni Ella kung mayroong mga batang kaibigan dati si Kyle sa kanilang lugar. Ayon kay Jane ay mag-isa lamang si Kyle mula pagkabata hanggang magkita silang dalawa at ng isang malapit niyang kaibigan.
Naisip ni Ella na maaaring magkaibigan sina Kyle at Jason at naging misyon niya din na makakilala ito at makaharap upang magtanong ukol kay Jason ngunit sabi naman ni Jane ay matagal tagal pa bago babalik si Kyle sa kanyang kumpanya sapagkat ang trabaho niya ang pinakaimportante ngayon.
Natapos ang diskusyon nina Ella at Jane. Pagkatapos ng paghahanda ni Jane at pagkain nila ay itinuloy na nila ang pagobserba sa lugar. Lahat ay naaayon sa inaakalang kalalabasan ng trabaho nila.
Pagkatapos ay hinatid ni Alex sina Ella at Jane sa kanilang mga bahay at inuuwi ni Ella ang kanyang nakitang itim na kahon. Ang susunod na araw ay day-off ni Ella kaya't napagdesisyonan niyang ituloy ang paghahanap kay Jason.
Pagkahiga nito sa kanyang malambot na kama ay tumitig ito sa nakuha nitong susi. Sa pagtitig ay naisip ni Ella ay maari itong susi sa pintong nakasaad sa sulat ni Jason. Nais bumalik ni Ella sa abandonadong mansyon sa susunod na araw upang subukan ang nagawa nitong teorya ukol sa sulat. Sa araw na ito, susubukan nitong humingi ng tulong kay Alex sa paghahanap kahit wala itong masyadong kaalam-alam ukol sa hinahanap ni Ella.
Sumunod na araw ay nag-ayos agad si Ella at nagmadaling lumabas ng bahay dala ang susi habang si Alex ay maagang pumunta sa kanya at naghihintay lamang ito sa labas.
Agad silang pimunta sa abandonadong mansyon at tumakbo si Ella papunta sa ikatlong palapag, hinanap ang ikatlong pinto at humarap dito.
Puno ng kaba si Ella na kung saan iniisip nito kung ito na nga ba ang magtuturo sa lokasyon ni Jason o isa nanamang hamon sa kanyang paghahanap. Hawak na hawak ni Ella ng kanyang dalawang kamay ang susi, at dahan dahan na iniabot ito sa hawakan ng pinto. Sinubukan nitong iikot ang susi na parang birheng unang karanasan sa pagtatalik. Sa pag-ikot ng susi ay tumunog ito na parang senyales na nabuksan na ito.
Hinawakan ni Ella ang pinto at dahan dahan ang pagbukas nito. Sa pagbukas ay
Pagpapatuloy...