Book of Stories

-

Hinawakan ni Ella ang pinto at dahan dahan ang pagbukas nito. Sa pagbukas ay napamulat ng huato ang kanyang mga mata.

Ang kwartong binuksan ni Ella ay puno ng mga libro. Sa kanyang paglapit sa mga librong ito ay may kumuha sa kanyang paningin. Isang libro na nakalagay sa isang kahon na gawa sa salamin. Nilapitan niya ito at bahagyang inalis sa lalagyanan ng libro.  Noong basahin ni Ella ang titulo ng libre ay kanyang pinagtaka sapagkat parang konektado ito sa hamon ni Jason,  "Hanapin mo ako" ang titulo ng librong umakit sa mga mata ni Ella.

Sinabihan ni Ella si Alex na siya'y tulungan sa paghahanap ng mga bakas upang mahanap ang nagngangalang Jason. Si Alex naman ay nalilito sapagkat wala siyang alam kaalam-alam ukol sa lalakeng binabanggit ni Ella. Sa pagpipilit ni Ella na tulungan sya ay basta na lamang naghanap ng mga titulo ng libro si Alex.

Umabot ang ilang minuto ay wala na silang makitang ibang libro na maaaring magturo kay Jason. Sa pagkapagod nila, naisipang basahin ni Alex ang librong nakuha ni Ella. Binasa ang umpisang pahina at agad pumunta sa dulo. Napansin ni Alex na mayroong maaaring clue tungkol sa sinasabing karakter ni Ella na si  Jason. Binasa ni Alex ang nakasulat---

"

Sa bundok ng aking pagiisip

Sa dulo ng bangin ang aking panaginip

Naghihintay ako, sa aking dugong naiinip

Hanapin mo ako

Wasakin mo ang aking puso

Ako ay naghihintay sa likod ng bundok

"

Agad sinabi ni Alex ang nakasulat kay Ella at nagsimula silang magisip. Napatingin si Alex sa mga istante ng mga libro at sinabihan si Ella na subukan nilang alisin ang mga ito. Hindi pumayag nung una si Ella sapagkat mga gamit ito ni Jason at hindi nila ito pagmamay-ari. Ipinilit ni Alex na alisin ang mga ito sapagkat ito nalang naiisip niyang paraan upang maaaring makaturo sakanila sa sinasabing tao ni Ella

Sa pagpipilit ay pumayag na lamang si Ella. Sinimulan ng dalawa ang pagalis sa mga libro upang makahanap ng clue patungo kay Jason. Sa kanilang pag-aalis ng mga libro ay may nakita silang hugis parisukat na nakatago sa likot ng istante. Ginalaw nila ang istante upang magkaroon ng espasyo sa pagbukas.

Pagka-alis ng istante ay tinignan ni Alex kung may hawakan ito ngunit wala siyang makita.

Nirekomenda ni Alex na sirain ito ngunit laking oposisyon ni Ella dahil ala-ala ni Jason ang bawat parte na ito. Sa pagpipiglas ni Ella ay binasa ulit ni Alex ang sulat ni Jason upang maliwanagan siya dahil ayon sa sulat ay kailangang wasakin ang puso ni Jason. Kung ang puso neto ay ang nasa likod ng parisukat na to sa pader ay kailangan nila itong wasakin.

Kumalman si Ella pagkatapos ng ilang minuto at pumayag na ding gawin ang balak ni Alex. Naghanap si Alex ng matibay na gamit at sinimulan ang pagwasak sa pader. Ngunti sa kanyang paghampas ay hindi pala ito gawa sa bato ngunit sa kahoy. Doon naisip nina Ella at Alex na ang puso ni Jason ay malambot at madaling masira.

Sa pagkasira ng pader ay tinutok nina Jason at Ella ang mga flashlight upang tignan ang nasa loob. May nakita silang letra na nakapaloob dito at inabot ni Alex.

Sa pagkakuha ni alex sa sulat ay ibinigay niya ito kay Ella sapagkat siya ang mas kailangan makabasa ng kasulatan na ito. Binuksan ni Ella ang sulat at nagbigay itong pahiwatig na kung saan makikita si Jason. "Sa wakas..." mahinhin na pagkasabi ni Ella sapagkat makikita na niya si Jason sa tagal ng panahong di sila nagkikita.

Tinanong ni Alex kay Ella bakit niya ginagawa ang mga ito at bakit umaabot ng ganito ang kanyang mga gawain upang makita lamang ang isang taonng iniwan na siya. Sumagot si Ella na ang lalaking hinahanap niya ay may kinalaman sa nakaraan ni Ella at gusto niyang malaman ang lahat ng nangyare.

Napatango nalang si Alex sa mga sagot ni Ella.

Tinuloy ni Ella ang kanyang gagawin, at binasa muli ang kasulatan na bigay galing kay Jason. Ang nakasulat dito ay---

"

Sa tagal ng panahon na iyong inialay sa paghahanap ng kayamanan

Nalalapit na ang oras upang magtapo ang ating hinaharap

Ang parte nito ay nasa harap mo na

Ngunit ang tunay na kayamanan ay naghihintay

Sa dulong ng buhay, nagpapahinga

Magkikita na tayo balang araw

Sa tamang oras ng iyong pagtanaw

"

Ang dalawang magkasama ay nagdesisyon na lamang na tapusin ang araw nila dahil nakuha na din nila ang kanilang kailangang makuha sa araw na ito.

Sa paglabas nila Ella at  Alex sa abandonadong mansyon ay may nakita silang sasakyan na parang naghihintay sa kanilang paglabas. Sa kanilang pagtingin ay may nahaligap na mukha si Ella ngunit sa pagtapak nilang dalawa sa labas ay agad itong umalis.

Tinanong ni Alex si Ella kung ayos lamang siya at sumangayon naman na siya ay maayos. Maaaring nadala lamang ng pagod ang nagbigay kutob sa kanyang isipan.

Pagkahatid ni Alex kay Ella sa kanilang bahay ay agad itong dumiretso sa kanyang kwarto gaya ng mga ginagawa niya kada maghahanap ng bakas para hanapin si Jason. Sa pagod na nararamdaman ni Ella ay hindi niyang namalayan na unti unti na itong napatulog sa kanyang malambot na higaan.

Sa sumunod na araw, pumasok si Ella sa kanyang trabaho. Nadinig niya ang mga empleyado na naguusap tungkol sa isang CEO ng kumpanya na si Kyle, ay darating ngayong araw. Gustong malaman ni Ella ang tungkol kay Kyle ngunit mas pokus ngayon ang atensyon niya kay Jason sapagkat iniisip at nararamdaman niyang malapit na silang magkita.

Lumabas si Ella sa kanilang office upang bumili lamang ng pagkain. Sa kanyang pagbalik, palakad na siya sa kanilang hallway hanggang may nakita siyang pamilyar na hugis ng tao.

"Jason????" pagulat na tanong ni Ella at sumabay ito ng mga sigaw ng kanyang pangalan "Jason!" hinabol ni Ella at...

Pagpapatuloy...