Meeting

-

"Jason????" pagulat na tanong ni Ella at sumabay ito ng mga sigaw ng kanyang pangalan "Jason!" hinabol ni Ella at biglang dumating si Alex at hinarangan ang paningin ni Ella. Lumingon ng kaunti ang lalakeng nakita niyang naglalakad ngunit pinagpatuloy nito ang kanyang paglalakad.

Hinila ni Alex si Ella at bigla silang bumaba na kung sinabihan itong may utos si Jane sakanilang dalawa. Hindi maka-ayaw si Ella sa utos ng kanyang CEO kaya't sumunod na lamang ito at hinayaan ang lalakeng lumayo muna sa kanyang paningin sapagkat alam nyang magiistay ito sa gusali ng kanilang kumpanya.

Inutusan ni Jane si Alex at Ella na bumili ng mga gamit para sa meeting ng mga VIP sa kanilang kumpanya kasama si Kyle. Nagulat si Ella sapagkat akala niya ay chismis lamang ito ng mga empleyado na ang isa sa mga CEO ay nagbalik na, na si Kyle ay abot na ng kanyang mga kamay.

Dumaan ang ilang oras ay nakuha na nina Alex at Ella ang mga kailangang gamit at bumalik na sila sa kanilang kumpanya. Umakyat ang dalawa sa palapag ba kung saan mangyayari ang meeting or pagpupulong ng kanilang CEO.

Pagpasok nila sa lugar ng pagpupulong ay nakita nilang naghihintay si Jane sakanilang dalawa. Agad silang lumapit at ipinakita ang mga gamit na binili. Binigyan ni Jane sina Alex at Ella ng kanilang kailangang gawin sa pag-aayos ng lugar ng pagpupulong.

Sa pag-aayos nina Alex at Ella ay mayroong nakitang parang litrato na nakaipit sa isang folder ni Jane. Sinubukan tignan ni Ella ang larawang ito ngunit sa paghila nito ay sumabay ang pagpatong ng kamay ni Jane sa folder ng larawan.

Nakangiting pagsabi ni Jane na, "Confidential files Ella, wag malikot sana ang mga kamay". Nahiya si Ella at nagsorry kay Jane sa kanyang pagkataka ay napunta siya sa puntong gustong tignan ang larawan. Naging maayos naman sila ni Jane ngunit may nahagilao ng imahe si Ella mula sa larawan na kanyang hinawakan.

Tatlong tao---tatlong tao ang kanyang nahagilap ngunjt yun lamang ang impormasyon.

Pinagpatuloy na ni Ella ang pag-aayos at nagpatulong ito kay Alex.

Pagkatapos ng kanilang paglilinis ay biglang may tumawag sa office phone nila, "Jane---is the room ready for the meeting?" Boses na parang ito'y pamilyar kay Ella. Sumagot si Jane na malapit na itong matapos at tinanong agad ni Ella kay Jane kung sino ang lalakeng iyon. Ang sabi naman ni Jane ay isa lamang sa mga VIP na magsasalita sa pagpupulong. Ngunit, alam ni Ella sa kanyang damdamin na kilala niya ang taong nagsalita sa office phone nila. Ang mahinhin na boses ngunit may dating na bumihag dati kay Ella.

"Hindi kaya si Jason iyon?" ---malalim na pagiisip ni Ella

Sa pag-iisip ni Ella ay bigla itong ginulo ni Alex sapagkat tapos na ang kanilang trabaho doon. Sa paglabas nina Ella ay biglang tumawag ulit sa office phone at sinabing "Jane, okay na bang pumunta diyan? are they gone?".

Sa lakas gn loob ni Ella ay hindi na nito napigilan ang sarili kaya't tumakbo ito pabalik at sumagot sa office phone. "Jason?! ikaw ba yan?!" pasigaw na tanong ni Ella ngunit walang sumagot sakanya. Nagalit si Jane sakanya sapagkat parang nakalimutan ni Ella ang pagrespeto at ang agwat nila sa posisyon. Kahit sila ay magkaibigan ay hindi parin kinakalimutan ni Jane ang kanilang posisyon pagdating sa trabaho.

Nahiya si Ella at lumapit si Alex upang humingi ng tawad para sakanya. Pumayag si Jane at pinaalis na ang dalawa para ipagpatuloy ang kanilang pagtatrabaho. Pagkaalis nilang dalawa ay mayroong tumawag ulit sa office phone nila at sabing "You shouldn't be too harsh to her though, you know I can see you right now right?".

Kumalma si Jane sa sinabi ng tumawag sa office phone at humingi na lamang ng patawad sa kanyang mga nasabi dahil kahit sila ay magkaibigan kailangan parin panatiliin ang imahe ng kanilang kumpanya sapagkat ito'y pinangaral nila at pinaghirapan.

Sa paglabas nina Alex at Ella, alam ni Ella ay nag-uusap si Jane at ng tumatawag sa kanilang office phone. Kahit gustong malaman ni Ella ang taong tumatawag na ito ay hindi niya kayang ilagay sa delikadong sitwasyon ang kanyang maganda trabaho.

Sa kanilang paglalakad ay sinabihan ni Alex si Ella na wag ito pabuhat sa emosyon ng dahil lang sa isang nawawalang lalake. Malungkot na tinanggap ni Ella ang mga sinabing sermon ni Alex sapagkat gusto niya na lamang makita at makasama si Jason.

Umabot na ng matagal na panahon ang paghahanap ni Ella ngunit lagi na lamang mga sulat ang kanyang nakukuha. Napupunta na sa puntong hindi na siya makapaghintay sa pagdating ni Jason kaya't gusto na niyang gawin lahat para magpakita siya.

Natapos ang kanilang oras sa trabaho at malapit nang gumabi. Sa paglabas nito ay tinawag siya ng security guard at sabing " ma'am! meron pong nagpapabigay sainyo ng sulat, ayaw niya pong pakilala eh. Ingat po!". Nagulat si Ella na ang mga sulat na kanyang hinahanap ay siya na mismong lumapit sakanya. Inisip ni Ella kung ito ay senyales na malapit na lamang si Jason sakanya?

Hindi muna binuksan ni Ella ang sulat at ito'y umuwi na agad. Pagkauwi nito ay agad nang humiga sa kanyang malambot na kama at kinuha ang sulat. Ang nakalagay sulat ay hindi tulad ng mga kasulatang kanyang karaniwang nahahanap kay Jason. Ang sulat na ito'y hindi nakapangalan na galing ito kay Jason. Nagtaka si Ella ngunit kanyang binasa parin---

"

Sa mga sumusunod na araw ay malalaman mo na ang katotohanan. Makikita mo ang kayamanan na iyong hinahanap

"

Simpleng sulat na hindi nakapangalan galing kanino man. Sa pag-iisip ni Ella ay ito ay senyales ng pagkikita na muli nina Jason. Sa pagkahalo ng emosyon, natulog parin si Ella ng may ngiti sa kanyang mga labi.

Pagpapatuloy...