Revelations

-

Pagkagising ni Ella ay nag-ayos na ito para sa pagpasok niya sa kanyang trabaho. Masigla ang kanyang pakiramdam sapagkat naiisip na niya na malapit na silang magkita ni Jason.

Paglabas ni Ella ay may sasakyang nakaparada sa harap ng kanilang bahay. Laking pagtataka ni Ella sapagkat wala namang rason upang magkaroon ng isang magarang sasakanya sa kanilang lugar lalo na at walang mayamang pamilya sa lugar nila.

Sa pagtitig ni Ella ay may nakita siyang lumabas ng sasakyan, si Alex. Umikot si Alex sa sasakyan at binuksan ang kabilang pinto, lumabas naman dito ay si Jane. Laking gulat ni Ella sapagkat kung si Alex lamang iyon ay maiintindihan niya pa kung bakit pumunta si Alex saknila dahil madalas nitong hinahatid at sundo si Ella sa kanilang trabaho.

Sa kabilang dako, hindi akalain ni Ella na kasama si Jane ngayon dahil wala naman silang espesyal na lakad o trabaho ngayong araw.

Lumapit sina Jane at Alex sa pinto at tinawag ang pangalan ni Ella. Tinanong ng mga ito kung maari silang pumasok. Pumayag naman agad si Ella sapagkat sino ba naman ang hindi papasukin ang CEO ng kanilang kumpanya.

Sa pagpasok nina Alex at Jane ay kanilang sinabi agad ang dahilan ng kanilang pagpunta kay Ella, na sila ay may pupuntahang lugar. Magulo ang isip ni Ella sapagkat bigla bigla ang mga pangyayari ngayong araw na ito. Pagkatapos ng araw na sinabihan siyang palapit na si Jason ay ito ang mangyayari. Iminungkahi muna ni Alex na huwag mabigla si Ella sa kanilang sasabihin sapagkat ito'y importante.

Ang paligid ay nananahimik na parang walang taong nakatira. Ang nararamdaman ni Ella ay parang siya'y nasa loob ng nagyeyelong bahay. Hindi alam kung ano ang magiging emosyon at hindi maayos ang takbo ng isip.

Noong kumalma na ang paligid ay isinama na nina Alex at Jane si Ella sa kanilang sasakyan. Tinanong ni Ella kung saan ang pupuntahan nilang lokasyon. Ang tanging sagot lamang ni Jane ay "Malalaman mo din".

Kinakabahan si Ella sa nangyayari sapagkat hindi niya inaasahan ang pangyayaring ito.

Nagtanong tanong si Ella sa trabaho na kanilang pupuntahan at tila laging sinasabi ni Jane na utos lang ito ni Kyle.

Umabot ang mahigit isang oras ay nakapunta na sila sa kanilang destinasyon.

Naunang lumabas si Alex at sunod na pinagbuksan niya ng pinto si Jane, pagkatapos si Ella. Pagkalabas ni Ella ay nakita niyang malawak na lupa lamang. Sa gitna ng malawak na lupang ito ay may isang malaking puno na nakatayo. Isang punong na parang matagal nang nabubuhay sa mundong ito. Isang puno na madaming memorya ng nakaraan.

"Let's go Ella" pagbigkas ni Jane kay Ella at nagsimulang maglakad si Jane patungo sa malaking puno.

Tinanong ni Ella kung bakit sila andito ngunit hindi nakangiti lamang si Jane at hinawakan ang malaking puno na parang ito'y kanyang inalagaan ng sobrang tagal na panahon. Sumunod naman si Alex na niyakap ito ng mahigpit na parang ilang taon niya itong hindi nakapiling.

Naguguluhan si Ella sa ginagawa nina Alex at Jane, at kanyang itinanong kung bakit nila ito ginagawa. Sa pagsalita ni Ella ay bumalik sa realidad sina Alex at Jane at humingi ng patawad sakanya.

"Ang punong ito ay memorya ng limang magkakaibigan na dahilan ng kumpanya namin ni Kyle ngayon" sagot ni Jane na parang may halong lungkot sa kanyang damdamin.

"Ano ang kinalaman naman ni Alex dito?" Tanong naman ni Ella kay Jane. Nakangiti at biglang sumagot si Alex na isa siya sa limang magkakaibigan na iyon.

Lumaki ang mga mata ni Ella sapagkat ang pagkakaalam niya ay matagal niya nang kaibigan si Alex ngunit wala itong nakwento tungkol sa iba nitong kaibigan o kababata. Agad tinanong ni Ella kung ano ang kinalaman niya sa punong ito dahil wala siyang memorya ng kanyang nakaraan. Biglang sagot ni Alex na " Ang memorya ng nakaraan mo ay nandito, dito halos ang naging pundasyon".

Hindi inaakala ni Ella ang mga nalalaman niya. Sa kanyang mga nakuhang sagot, agad niyang tinanong kung may kinalaman sila kay Jason. Ngunit sa katanungan ni Ella ay ngiti lamang ang  nakuha nitong sagot.

Namumuo na ang mga luha nito sapagkat pinagkakamalan niyang may kinalaman sina Alex at Jane sa kinaroroonan ni Jason ngunit ayaw lang nilang sabihin. Tinanong ulit ni Ella kung may alam sila tungkol kay Jason, sa kanyang memorya, at lalo na sa mga sulat ng ilang ulit hanggang tumulo na ang mga luha nito.

Sa pangyayaring ito ay hindi lamang si Ella ang nakakaramdam ng matinding emosyon kundi pati narin sina Alex at Jane sapagkat wala silang alam na isasagot sakanya.

Lumapit si Jane kay Ella at niyakap ito ng mahigpit upang pakalmahan ito. Ang tanging sabi lang ni Jane kay Ella ay  utos lamang ni Kyle ang ginagawa nila ngayon.

Hinayaan nila na lumipas ang ilang minuto hanggang maging maayos na ang pakiramdam ni Ella. Sa paghinto ng kanyang mga luha ay tinawag ni Jane si Ella.

Pinalapit ni Jane si Ella sa punong kanilang sinisilungan at pinakita sakanya ang mga nakaukit. Limang hugis tao na magkakahawak kamay at nakangiti na parang gawa ito ng mga bata.

Sa mga ukit na ito ay may napansin si Ella na nakalagay ang mga pangalan nila sa taas. Binasa ni Ella ang mga pangalan, at sa kanyang pagbasa ay muling namuo ang kanyang mga luha. Ano nga ba ang nakita ni Ella sa matandang puno na ito?

"Alex-Ella-Jane-Jason-Kyle" ang mga pangalan at mga batang nakaukit sa punong ito.

Umiyak si Ella at niyakap agad agad si Jane na parang sila ay nagkahiwalay ng maraming taon na kanyang naramdaman sapagkat sila nga ay nagkahiwalay ng maraming taon sa kanyang memorya. Sumali si Alex sa pagyakap ng magkakaibigan at naghalo ang kanilang mga emosyon ng saya, at lungkot.

Saya na muling pagsasama ng matagal na magkakaibigan at lungkot sa tagal ng pagkakahiwalay nila sa ala-ala ni Ella. Ngunit hindi dito nagtatapos ang araw ni Ella.

Pagkatapos kumalma ng tatlong magkakaibigan ay biglang nagtanong si Ella tungkol sa kanyang nakaraan at kina Jason at Kyle. Ngunit sumagot sina Alex at Jane na hindi nila ito pwedeng sagutin sapagkat wala silang masyadong nalalaman sa nakaraan ni Ella.

Sumagot ulit si Jane na si Kyle lamang ang makakasagot ng kanyang katanungan. Nagmungkahi naman si Ella na puntahan na nila si Kyle ngunit humarang si Alex sa kanyang gusto. Sinabi ni Alex kay Ella na hindi pa ito ang tamang oras para magkita silang dalawa. Si Kyle mismo ang lalapit sakanya ayon sa utos niya mismo sakanilang dalawa ni Alex at Jane.

Biglang naalala ni Jane na may pinapaabot pala si Kyle kay Ella. Isang sulat na gawa sa parang mamahaling produkto at ang amoy ng isang bagong pitas na rosas.

"Pinapabasa sayo ni Kyle yan Ella" bigkas ni Jane.

Hindi na muna binuksan ni Ella ang sulat sapagkat gusto nitong basahin sa kwarto niya at mag-isa. Ano nga ba ang nilalaman ng sulat na ito?

Sa isip ni Ella ngayon ay masaya siya sapagkat may nalaman siyang importanteng parte ng kanyang nakaraan. Ngunit napuno naman ang kanyang isipan ng mga katanungang hindi masasagot nina Alex at Jane.

Nagpahinga ng iilang sandali sina Alex, Ella at Jane sa tabi ng puno hanggang malapit nang bumaba ang araw. Unang hinatid si Ella sa kanyang bahay. Bago nila itong iwan ay niyakap siya ng mahigpit nina Alex at Jane.

Sa iba't ibang emosyon ng kanyang naramdaman ngayong araw ay nangibabaw ang pagod sakanyang damdamin.

Pagkapasok sa kwarto ay agad itong humiga, na tila nakalimutan nang basahin ang sulat na mula kay Kyle.

Ano nga ba ang nilalaman ng kasulatang ito? Ano ang tunay na pagkatao ni Kyle at kelan sila maghaharap ni Ella?

Pagpapatuloy...