Image

-

Dumating ang kinaumagahan at hindi namalayan ni Ella na siya ay nakatulog. Agad itong bumangon at hinanap ang binigay na sulat ni Jane kay Ella na galing kay Kyle.

Nang mahanap ni Ella ang kasulatan, agad nitong binasa ngunit sa paghagilap nito sa orasan ay napansin niyang huli na siya sa trabaho. Nag-ayos agad ng sarili si Ella at nagmadaling lumabas sa kanilang bahay. Sa araw na ito ay hindi siya sinundo ni Alex at napilitang pumunta mag-isa sa gusali ng kanilang kumpanya. Umabot ang ilang minuto at nakarating na si Ella sa kanyang kumpanya ngunit siya ay nahuli sa tamang oras ng kanyang pagtatrabaho.

Puno ng pawis si Ella at sinubukan niyang sumakay sa elevator ngunit hindi na ito umabot dahil agad sinara ng lalakeng nasa elevator ang pintuan nito. Nagmadaling umakyat sa mga susunod na palapag si Ella at pagdating  nito sa kanilang office ay nakatingin sakanya ibang emoleyado dahil sobra na sa oras ang kanyang pagkahuli.

Binalewala ni Ella ang kanilang mga titig at nagsimula nang maglakad papunta sa kanyang pwesto. Habang naglalakad si Ella ay biglang pumasok si Jane sa kanilang office at tinawagan si Ella. Kinabahan ito sapagkat huling huli si Ella sa kanyang pagpasok.

Lumapit si Ella na may dalang kaba at kinausap siya ni Jane sa labas. Sa paglabas nilang dalawa ay agad yumuko si Ella at sinabing "Tatanggapin ko kung ano mang parusa ibibigay nyo sakin! Basta wag lang ako alisin sa trabaho". Natawa si Jane sa reaksyon ni Ella dahil hindi nito inaasahan ang kanyang ginawa.

Pinaharap Jane si Ella habang ito'y nakangiti at sinabing walang kasalanan or maling nagawa si Ella dahil unang kaso niya pa lamang ito at karaniwan lamang mangyare to sa mga empleyado niya. Sa puntong iyon ay nagtaka si Ella kung bakit siya pinatawag ni Jane.

Sa katayuan ni Ella at namumutawi ang pawis sa kanyang ulo hanggang katawan, na kung saan maaari siyang magkasakit dahil sa lamig ng paligid sa kanilang gusali.

Iniabot ni Jane ang isang piraso ng kasuotan kay Ella upang magpalit ng damit at ayusin ang sarili. Laking pagtataka ni Ella sa ginawa ni Jane ngunit biglang sambit ni Jane na ito ay galing kay Kyle. Lumaki ang mga mata ni Ella at tinanong kung nasa gusali si Kyle at kung maaari niya itong makaharap at makausap.

Hindi sumang-ayon si Jane sa gusto ni Ella dahil utos ni Kyle sakanya ay magkikita silang dalawa ni Ella ayon sa sulat na ibinigay niya.

Naalala ni Ella at binanggit na hindi niya pa ito nababasa dahil nakatulog siya kagabi at nagmadaling pumasok sa trabaho kaninang pagkagising.

Sinabihan agad ni Jane si Ella na kailangan niya itong basahin dahil mas importante pa ito sa kanyang trabaho dahil ito ang kanyang memorya sa nakaraan.

Pagkatapos pagsabihan ni Jane si Ella tungkol sa kasulatang pinabigay ni Kyle ay agad niya itong hinikayat sa susunod na palapag.

Nagtaka si Ella kaya't tinanong kay Jane kung ano ang gagawin nilang trabaho doon. Ibinigay ni Jane ang dahilan na mayroon itong ibibigay na importanteng bagay na isang mahalagang parte ng kanyang nakaraan. Pumayag agad si Ella dahil ito ay pabor din para sakanya.

Umakyat ang dalawa sa susunod na palapag at pumunta sa office ni Jane. Pinaupo ni Jane si Ella at hinanap nito ang kanyang ibibigay sakanya.

Habang naghahanap ito, tinanong ni Jane kay Ella kung naaalala niya pa ang tanong nito noong ininterview siya. Sumagot naman si Ella na ito'y kanyang naalala.

"You keep promises right? soon you'll make them true" biglang sabi na lamang ni Jane kay Ella

Pagkaraan ng ilang segundo ng paghahanap ay nakita na ni Jane ang kanyang ibibigay kay Ella. Iniabot agad nito kay Ella.

Lumalim ang titig nito na parang pamilyar ang larawan. Naaalala niyang ito ang kanyang larawan na sinubukang tignan dati ni Ella sa pagpupulong kaya't pamilyar ito sakanya.

Sa larawang ito ay may nakita syang dalawang binata at isang dalagang babae. Nagtanong si Ella kung sino mga ito at bakit ibibigay ito sakanya.

Ngumiti si Jane at sinabing "Ikaw yan Ella, si Kyle at si Jason"

Isang malaking rebelasyon ang nalaman ni Ella. Si Ella, Kyle at Jason ay magkaibigan na noon pa. Ngunit ano ang nangyare sa kanilang tatlo? at anong koneksyon ni Jane sa kanila? Dahil ang tanging alam lamang ni Ella ay sila ay magkakaibigan nina Alex, Jane, Kyle at Jason. Ngunit hindi ito alam na mas matagal na niyang kaibigan sina Kyle at Jason.

Nagtanong tanong si Ella kay Jane ukol dito ngunit ang utos ni Kyle ay walang sasabihin sina Alex at Jane patungkol sa kanilang nakaraan kung may nalalaman man sila. Humingi na lamang ng patawad si Jane kay Ella dahil hindi nito kayang sirain ang pangako nito kay Kyle sa pagsunod sa kanyang utos.

Ibinigay na lamang ni Jane kay Ella ang larawan at sabay na silang lumabas ng opisina ni Jane.

May oras pa ang natitira sa pagtatrabaho ni Ella kaya't bumalik agad si Ella sa kanilang opisina at sinimulan ang kanyang pagtatrabaho.

Umabot na ang gabi at pauwi na si Ella. Sa paglabas nito sa kanialng gusali ay nakita nitong naghihintay si Alex.

Nagulat si Ella dahil karaniwang nauunang lumabas si Alex kay Ella sa kanilang trabaho. Lumapit ito sakanya at tinanong kung ano ang kanyang ginagawa. Humingi ng patawad si Alex dahil hindi niya ito nasundo at nahuli siya sa kanyang trabaho kaya't naghintay na lamang si Alex sa labas ng gusali para ihatid si Ella pauwi. Natawa si Ella sa kanyang sinabi at hinayaan na lamang si Alex sa kanyang gusto.

Habang pauwi na silang dalawa ay biglang nagsalita si Alex,"Bukas na no?". Nagtaka si Ella kung ano ang kanyang sinasabi pero binalewala na lamang nito dahil nahahaluan na ito ng pagod.

Pagdating nila sa bahay ay namaalam na si Alex at Ella sa isa't isa. Dumiretso si Ella sa kanyang kwarto at humiga.

Napansin nito ang letrang binigay ni Kyle at kinuha ito. Nakita niyang may titulo ang sulat na "Huling sulat". Hindi alam ni Ella ang kanyang mararamdaman sapagkat hindi niya alam kung ito ay magtuturo sa kinaroroonan ni Jason o isang katapusan sa kanyang paghahanap.

Binuksan ni Ella ang sulat at nakalagay dito ay---

"

Huling sulat ko para sa'iyo

Panglimang hilera at ikatlong haligi

Doon tayo magtatagpo

Doon ang kayamanang iyong hahanapin

Ako ay maghihintay habang buhay

Sa destinayong nakalagay sa letrang ito

Sundin mo sa ikalawang araw na naibigay sayo.

-Jason

"

Pagpapatuloy...