-
Napansin ni Ella na bukas ang ikalawang araw na nakalagay sa kasulatan. Napuno ng tuwa si Ella sapagkat magtatagpo na muli sila ni Jason. Maaari na ang kayamanan na isinasaad nito ay si Jason mismo.
Sa kanyang pagtulog ay namutawi ang ngiti sa kanyang mga labi at ito'y mahimbing na nakatulog na parang isang batang walang problemang iisipin sa mga susunod na araw.
Sa pagsikat ng araw, sumabay ang pagbukas ng mga mata ni Ella. Ito'y nag-ayos papunta sa kanyang trabaho na tila siya'y may lakad pagkatapos nito at kakain sa labas kasama ang mahal niya sa buhay.
Paglabas ni Ella ay nakita nitong naghihintay si Alex at siya'y sumakay na agad upang maihatid siya sa kanilang kumpanya.
Si Alex ay muling nagpatawad dahil hindi nito nasundo si Ella kahapon dahil sa kanyang mga ginagawa pero hindi ito masyadong binigyang pansin ni Ella dahil ang kanyang emosyon sa kasiyahang makikita na nito si Jason ay nangingibabaw.
Sa pagdating nila sa gusali ng kanilang kumpanya ay inumpisa agad ni Ella ang kanyang trabaho. Umabot ng kalahating araw ay sinubukan hanapin ni Ella si Jane upang mag-paalam sakanya dahil kailangan din nito puntahan si Jason.
Sa pagkaswerte ng araw ni Ella ay nakita niyang naglalakad si Jane sa labas ng kanilang opisina at agad itong naglakad papunta sakanya.
Tinawag ni Ella si Jane na parang may aaminin ito sakanya. Ngunit sa paglingon at paglapit si Jane sakanya ay humingi bigla ng pabor si Ella kay Jane upang payagan siyang makauwi agad para puntahan si Jason.
Nagulat si Jane sa hinihingin pabor ni Ella na may kasabay na sinabing "Si Jason? Makikipagkita sayo?---Sige..."
Nagtaka si Ella sa kung papaano ipinakita ni Jane ang kanyang reaksyon sa gagawin ni Ella ngunit pinapangunahan si Ella ng kanyang emosyon sa pagtatagpo nila ni Jason.
Nagpasalamat si Ella kay Jane at agad itong bumalik sa kanyang opisina at tinapos lahat ng kailangan upang makaalis na agad ito.
Pagkatapos nito sa kanyang trabaho ay agad itong lumabas sa kanialng opisina. Papalabas na si Ella hanggang makita niya si Alex na naghihintay kasama si Jane. Biglang lumapit si Jane kay Ella at sinabing "Hindi naman siguro patas kung ikaw lang makakakita kay Jason 'di ba?" na nakangiti. Sa bandang likod naman ni Jane at nasa tabi ng sasakyan ay si Alex na kumakaway sakanila na parang hinihikayat na niyang umalis na sila para matagpuan si Alex. Nagtaka lamang si Ella dahil hindi niya ito inaasahan.
Sumakay na silang tatlo sa sasakyan ang minaneho ni Alex ito papunta sa lugar na nakasaad sa sulat galing kay Jason. Pagkaraan ng ilang oras ay dumating na din sila sa kanilang destinasyon at nagtaka si Ella sapagkat ito'y isang sementeryo. Tinanong nito kung nasa tamang lugar sila dahil nagkaroon ng masamang kutob si Ella sa lokasyon na kanilang napuntahan.
Sumagot naman si Jane na "Ayon sa sulat makikita mo ang isang kayamanan, baka ang huling piraso para mahanap si Jason nandyan Ella". Dahil sa sinabi ni Jane ay nabigyan ng lakas ng loob para lumabas ng sasakyan at umpisahan ang paghahanap.
Naunang lumabas si Ella at sumunod naman si Alex at Jane. Napansin ni Ella na ang sementeryong ito ay parang pamilyar sakanya. Marahil ito ay may kalayuan sakanila ngunit ang lugar na ito ay nararamdaman niyang may kinalaman sa kanyang ala-ala.
Lumapit si Alex sa malaking pinto ng sementeryo at binuksan ito. Pinagtaka ni Ella na walang nagbabantay sa oras na ito at tinanong niya kay Jane kung bakit ganito.
Ayon kay Jane ay inutusan ni Kyle ang mga nagbabantay na magpahinga muna ngayon dahil espesyal ang araw na ito para sakanya. Inamin din ni Jane na silang dalawa na ni Kyle ang nagmamay-ari ng sementeryong ito. Sinabi din na itong sementeryong ito ay dito nakalibing ang mga magulang ni Jason na namatay noong bata pa siya pero sa kahit papaano, siya ay nagmana sa mga kayamanan ng kanyang magulang. Ito ang dahil kung bakit ang mansyon ay mayroon lamang na parte na maayos at ang iba ay parang nasisira na dahil ito lamang ang binigyang pansin ni Jason para ayusin.
Hindi inaasahan ni Ella ang kanyang nalaman kaya't lungkot lamang ang naramdaman nito.
Sa kanilang pagpasok sa sementeryo ay binasa muli ni Ella ang sulat "panglimang hilera at ikatlong haligi"
Naisio agad ni Ella na ang mga sinasabi ng mga ito ay ang mga puntod. Nagsimula itong maghanap ngunit napansin niyang hindi sumusunod sina Jane at Alex. Bumalik si Ella sakanila at tinanong niya kung bakit. Sinagot nina Jane at Alex na ang araw na ito ay para sakanya at silang dalawa lamang dapat ang magkikita. Ngumiti na lamang sina Alex at Jane pagkatapos habang nakita nilang lumingon si Ella at nagsimulang maghanap
Naglakad-lakad si Ella hanggang napunta siya sa ikalimang hilera. Naglakad pa ito ng kaunti hanggang umabot sa ikatlong haligi. Nakatitig sa kasulatan at kanyang dahan dahan na binaba. Sa pagkababa nito ay may nakitang pangalan si Ella---"Jason". Nagsimulang bumuo ang mga luha nito pero hindi parin ito naniniwala sa kanyang nakikita.
Tumingin si Ella sa kanyang banda kaliwa at napansin niyang nandoon mga pangalan ng kanyang mga magulang (na binaggit nina Jane at Alex kanina) at tumingin ito sa kanan na may pangalan nina Alex, Ella, Jane at Kyle. Ngunit ang mga ito ay hukay pa lamang.
Heto na---umabot na sa puntong tumulo ang kanyang mga luha. Maaring ito lamang ay isang palaisipan para kay Ella ngunit nasa harap na niya mismo si Jason.
Sa pag-iyak ni Ella ay may boses na bigla niyang nahagilap
"I guess you found him"---mga salitang nanggaling sa isang mahihin na boses ng lalake.
Sa puntong ito ay lumingon agad si Ella at nakita ang lalake na nakangiti. Sumigaw agad ito na "Jason?!!!" Tumakbo ito sakanya at niyakap nito.
Biglang nagsalita ito at sinabing hindi siya si Jason kung hindi siya si Kyle.
Nagulat si Ella sapagkat ang Jason na nakilala niya ay kamukhang kamukha, kaboses at kagalaw nito. Hindi naniwala si Ella ngunit pinakalma siya ni Kyle.
"I guess it's time"--- mahinhin na pagbigkas ni Kyle kay Ella.
Ito ang oras ng rebelasyon. Ang oras na aaminin lahat ni Kyle dahil siya lamang ang nakakaalam sa kanyang nakaraan.
Ipinaupo ni Kyle si Ella para ikwento ang lahat ng kanilang nakaraan.
Si Jason ay galing sa mayaman na pamilya na kung saan ay namatay agad ang kanyang mga magulang at minana nito ang kayamanan. Unang naging kaibigan ni Ella si Jason na kung saan lagi silang naglalaro sa kaniyang mansyon.
Pangalawa naman si Kyle na kung saan silang tatlong magkakaibigan ang nasa larawan at nanggaling lagi si Kyle sa malayo kaya't kada malapit nang magdilim ito nakakapunta.
Noong bata sila ay nagustuhan ni Jason si Ella ngunit umamin si Ella na gusto niyang mapakasalan si Kyle. Isang araw ng kanilang paglalaro ay naging pinakamahalagang parte ng kanilang pagkakaibigan.
Iniukit nila ang kanilang sarili sa kanilang treasure room at pagkatapos ay iniukit ni Jason ang kanyang sarili na kasama si Ella sapagkat ito'y kanyang gusto.
Noong naglalaro sila sa treasure room ay gumawa sila ng pangako sa isa't isa. Si Ella ay gusto niyang makahanap at makakita ng malaking kayamanan balang araw kaya't pinangako nitong paghahanap niya sina Jason at Kyle ng malaking kayamanan. Si Jason ay nangakong bibigyan nito ng malaking palaisipan upang makakuha ng malaking kayamanan si Ella. Si Jyle naman ay nangakong gagawin lahat upang maprotektahan at maging masaya ang kanilang pagkakaibigan.
Tumagal ang panahon at nakilala nila si Alex at Jane na naging parte ng kanilang pagkakaibigan.
Ngunit lahat ng kanilang mga pangarap ay nawasak ng dahil sa isang pangyayari. Sa pagdaan ng ilang taon ng kanilang pagsasama ay naaksidente sina Ella at Jason galing sa isang okasyon. Sa araw na yun ay tumakbo agad si Kyle sa ospital na kung saan sila.
Pinuntahan agad ni Kyle si Ellla upang malaman ang sitwasyon, at ayon sa doktor ay walang malalim na natamong sugat si Ella ngunit iginiit ng doktor na ang kanyang kasama ay nag-aagaw buhay. Tumakbo agad si Kyle sa emergency room at nakita nitong malalaki ang natamong sugat.
Nakita ni Kyle si Jason na gumagalaw pa ito at biglang lumapit. Biglang nagsalita si Jason habang siya at nakangiti at sinabing ginawa niya ang lahat para protektahan si Ella, ang kanyang mahal.
Sa pag-aagaw buhay ni Jason ay tumutulo ang mga luha ni Kyle sapagkat silang dalawa ay malapit na mag-kaibigan. Biglang tinawag ni Jason si Kyle sa kanyang tabi, na kung saan ang boses ay pahina ng pahina.
Humingi ito ng pabor na mahalin niya si Ella, ipagpatuloy ang kanyang pangako at ibigay sakanya ang kanyang ginawang "treasure hunt" para makuha ni Ella ang kanyang kayamanan. Sinabi na din ni Jason kung saan niya gustong malibing at ito'y ipinasama ni Jason kay Kyle. Ibinigay na din ni Jason ang kayamanang mayroon ito kay Jason at gusto niyang pagandahin pa ito.
Natapos ang kanilang pag-usap at nagawa na ni Kyle ang "treasure hunt" na ipinangako ni Jason. Sa huling sandali nito ay napuno ng ngiti si Jason dahil alam niyang matutuloy ni Kyle ang pangakong binitawan nito kay Ella.
Pagkatapos ay nalaman na lamang na nawalan ng memorya si Ella at nagdesidido si Kyle na kunin ang pangalan at pagkatao ni Jason.
Simula noon ay nakilala na lamang ni Ella si Kyle bilang Jason. Ang lahat ng pangyayari ay naaayon sa plano ni Jason. Ang pagkawala ni Ella sa landas sa paghahanap sa kayamanan ni Jason ay ginabayan ni Kyle gamit ang tulong nina Alex at Jane.
Ang sulat sa harap ng bahay ni Ella---Ang imbitasyon ng kumpanya sakanya--- Ang pagpunta sa lumang bahay ni Kyle na kung saan nakuha ni Ella ang susi--- Ang pagkakita ng hugis parisukat na pader at gawa sa kahoy--- Ang sulat na galing sa guard--- Ang nagmamasid kay Ella sa malayo
Lahat ng ito ay plano ni Kyle upang matulungang makita ni Ella ang kayamanang ninanais nito noong bata pa siya.
Ang kayamanang pinakita ni Jason, pangako ng pagkakaibigan.
Sa kwentong nadinig nito mula kay Kyle ay hindi alam ni Ella ang kanyang sasabihin. Sa pananahimik ng paligid ay biglang lumapit si Kyle at hinawakan ang mukha ni Ella ---sumabay ang paghalik sa kanyang mga labi. Halik na parang ilang taong hindi ito naramdaman, halik na parang matagal silang naghiwalay.
Tumula ang luha ni Ella at sumunod na lamang sa paghalik nito sapagkat ang kanyang matagal nang hinahanap ay nasa harapan na niya. Hindi si Jason na napunta na sa kabilang buhay ngunit ang lalakeng bumihag ng kanyang puso.
Matapos ng kanilang halikan ay bumalik na silang dalawa kina Jane at Alex ng nakangiti na parang nanalo ang dalawa sa isang lotto. Sa paglapit nina Ella at Kyle kina Alex at Jane ay biglang yumakap si Ella kay Jane at sumunod si Alex at Kyle. Pagkatapos ng kanilang yakapan ay nagdesisyong umuwi na ang lahat at magkikita na lamang muli sa susunod na araw dahil palubog na ang araw.
Ang pagkakaibigang naglaho sa nakaraan ay nabuo muli dahil sa kayamanang itinago ni Jason. Ang kayamanang ipinangako kay Ella upang makuha niya ang kanyang pinapangarap, ang makasagot sa isang palaisipang magtutungo sa isang malaking kayamanan.
Pagkauwi ni Ella ay dumiretso ito sa kanyang kwarto at natulog ito na parang wala na itong poproblemahin sa mundo dahil nakita na nito ang kanyang minamahal---Mga kaibigan.
Sa paggising ni Ella ay may nakita itong sulat sa kanyang gamit. Binasa nito ang nakasulat at nakalagay na ----
"
Umpisa pa lamang ang iyong paglalakbay
Ang tunay na kayamanan ay maghihintay
Hindi sa iisang taga-hanap
Ngunit sa isang pagkakaibigang nabuo
"
Pagpapatuloy....