-
Sa paggising ni Ella ay may nakita itong sulat sa kanyang gamit. Binasa nito ang nakasulat at nakalagay na ----
"
Umpisa pa lamang ang iyong paglalakbay
Ang tunay na kayamanan ay maghihintay
Hindi sa iisang taga-hanap
Ngunit sa isang pagkakaibigang nabuo
"
Napaisip ng malalim si Ella ukol dito sapagkat maaaring ito'y bigya nanaman ni Kyle o isa kina Alex at Jane upang bigyan siya ng hamon o inaasar lamang. Hindi na masyadong pinansin ni Ella at inisip na itatanong na lamang niya ito sa kanyang mga kaibigan.
Habang nag-aayos si Ella ay may nadinig itong sasakyan. Napatitig si Ella sa bintana at tumingin sa labas ng kanilang bahay.
Nakita niyang papalapit sa pintuan ng kanilang bahay si Alex na parang ito ay nagmamadali at tinatawag ang kanyang pangalan.
Si Ella ay minadali ang kanyang pag-aayos at lumabas agad ito upang makausap niya si Alex.
Pagkalabas nito ay sinabihan siyang hindi nila kailangang mag-aksaya ng oras at kailangan na nilang magkita.
Hinawak agad ni Alex ang kamay ni Ella ngunit pumiglas ito at sinabing kailangan muna nitong kunin ang kanyang mga gamit.
Pagkabalik ni Ella ay agad na silang umalis at sumakay sa sasakyan. Habang nasa sasakyan ay nagpatawad si Alex sa kanyang pagmamadali dahil mayroon silang importanteng bagay na kailangang pag-usapan. Tumango at nanahimik na lamang si Ella sa sasakyan na napuno nanaman ng katanungan sapagkat walang kaalam-alam sa pangyayari.
Pumunta sila sa isang bahay na hindi pamilyar kay Ella. Isang bahay na magara at mayroong kalakihan. Tinanong agad nito kay Alex kung kaninong bahay ang kanilang pinuntahan. Sinagot ni Alex agn tanong ni Ella na ang bahay na kanilang pinuntahan ay ang bahay ni Kyle.
Nagmasid muna sa loob ng sasakyan si Ella at naunang lumabas si Kyle. Pinagbuksan nito ng pinto si Ella at sila ay naglakad na papalapit ng pinto ng bahay ni Kyle.
Sa paglapit nila sa pinto ay pinindot ni Alex ang doorbell. Pagkaraan ng ilang segundo ay binuksan ang pinto na kung saan ay si Jane ang unang humarap sakanila.
Pinapasok ni Jane sina Alex at Ella sa loob ng bahay at nakita na lamang nilang may ibang taong kasama si Kyle sa isang kwarto. Habang naglalakad at tumitingin si Ella sakanila ay biglang napatingin din ang hindi kilalang tao nito sakanya.
Pumunta sina Alex, Ella at Jane sa isang kwarto na kung saan sinabihan sila ni Jane na utos ni Kyle na maghintay na muna sila doon.
Pagkaraan ng ilang minuto, may kumatok sa kanilang pintuan at lumapit si Jane na kung saan ay binuksan niya ito.
Sa pagkabukas ay may dalawang tao ang kanilang nakaharap at si Kyle ay nasa likod nila. Pumasok ang dalawa sa loob at nagpakilala. Ang matalas ang tingin na nakasuot ng salamin na lalake ay nagpakilala bilang Detective Charles. Ang magandang katawan at maamong mukha na babae ay si Detective Alice.
Si Kyle ay pumasok sa loob ng kwarto pagkatapos magpakilala ng mga ito.
Nagtaas ng kamay si Ella upang itanong kung bakit may mga detective at parang pagpupulong sila dito. Bigla din nitong tinanong na kung bakit may mga pulis sa bahay ni Kyle.
Agad sumingit si Detective Charles na kung saan ay parang sinermonan si Ella dahil ang sinasabi nitonng "parang pulis" ay ang mga tinatawag na inspectors. Nagtaka si Ella sapagkat ang pagkakaalam niya ay magkapareho lamang ang mga ito. Binigyan ng pagpapliwanag ni Detective Charles si Ella ukol dito dahil ang mga inspector ay karaniwang mga pulis at nagtatrabaho para sa batas ngunit ang mga detective ay maaaring maging inspectors pero mayroon silang kakayahang maging pribadong tauhan at magsarili.
Naliwanagan si Ella sa kanyang pagpapliwanag lalo na ang paraan ng pagpapaliwanag at pagsasalita ni Detective Charles ay tila inaayon nito ang mga salita depende sa kanyang kausap.
Napansin naman ni Ella na nanahimik lamang si Detective Alice kaya tinanong nito sakanya kung sila ay magkasama na talaga noon pa. Bigla na lamang sumingit si Detective Charles at sinabing ito sy trabaho lamang at hindi maaaring maging personal. Humingi na lamang ng patawad si Ella sa kanyang tanong.
Sa kanilang diskusyin ay biglang sumingit si Kyle. Sinabi nito na may rason kung bakit sila nandito at hindi para lamang makipagkwentuhan at makipagkaibigan sa isa't isa.
Bago nagsimula ang mga pag-uusap binanggit ni Ella sakanya ang tungkol sa sulat na nakita niya sa kanyang mga gamit. Tinanong nito kung may kinalaman ito sakanila ni Alex, Jane at Kyle.
Tumingin sa isa't isa ang tatlong magkakaibigan at nagsalita si Kyle na ipakita na nila.
Ipinakita ng tatlo sa gitna ang mga kasulatan. Lahat ay magkakamukha ang gawa, ang laman ay magkakaiba.
Nagulat si Ella sa kanyang nangyari dahil akala niya ay isa nanaman na plano ni Kyle ang lahat ng ito. Ipinaliwanag ni Kyle na ipinatawag niya ang mga detective simula noong pumunta bigla si Jane sa kaniyang bahay tunngkol sa sulat na kanyang nakuha. Akala lamang nito na siya lamang ang nakakuha ngunit sa puntong nalaman niyang pati si Jane ay mayroon ay agad na nitong tinawag si Alex at upang utusan na sunduin ka kasabay ng pagtawag nito sa mga detective.
Sumingit sa pag-uusap si Detective Charles at sinabing ang taong nagbigay ng kanilang sulat ay hindi lamang madiskarte kung hindi ay matalino sa bawat hamon na hinaharap nito.
Ang lebel ng misteryosong taong ito ay mas mataas pa sa lakas ng pag-iisip ni Detective Charles, na kanyang inamin. Kaya ipinilit ni Detective Charles na kailangan din nito ang tulong ng apat na magkakaibigan upang malaman ang mga sagot. Ang misteryosong taong ito ay maaaring kakilala ng husto sina Kyle sapagkat alam na alam nito ang kanilang mga bahay at nakayanan pang pumasok sa loob ng hindi nahuhuli, bakas ng daliri o alikabok ay wala itong iniwan sa kanyang pagpasok sa bahay upang ilagay ang mga sulat. Kung ito ay may galit sa magkakaibigan ay napatay na nito ang mga ito.
Lumakas ang tensyong nararamdaman ng bawat isa sa loob ng kwarto. Sa pagkalma ng paligid ay inutusan ni Detective Charles ang apat na magkakaibigan na buksan ang mga kasulatan na nakuha nila.
Ang mga nakalagay sa bawat sulat ay---
Pagpapatuloy...