Crafted Letters

-

Lumakas ang tensyong nararamdaman ng bawat isa sa loob ng kwarto. Sa pagkalma ng paligid ay inutusan ni Detective Charles ang apat na magkakaibigan na buksan ang mga kasulatan na nakuha nila.

Ang mga nakalagay sa bawat sulat ay kanilang binasa isa isa----

Sulat kay Ella

"

Umpisa pa lamang ang iyong paglalakbay

Ang kayamanan na maghihintay

Hindi sa iisang taga-hanap

Ngunit sa isang pagkakaibigang ako'y gumuho

"

Sumunod ang kay Kyle

"

Sa matagal panahon ng pagsasama

Ang puso mong nawalan ng pag-asa

Aking aangkinin sa iyong pagnanasa

Tahan na tahan na---aking nawalang sinta

"

Binasa agad ni Alex ang sakanya---

"

Mahalin mo ang iyong bisyo

Nagpakalayo sa sariling misyon

Hinawak mo ang mundo ng mga puso

Iniwan ng matagal, ako'y naging abo

"

At sa huli ang kasulatan para kay Jane---

"

Sa iyong mga yakap ako'y nabuo

Pusong nawasak sumabay ang aking pagkatao

Ang kasagutan sa tagong tanong na ito

Manggagaling sa kayamanang napako.

"

Ang dalawang Detective ay nagusap sa sulok pagktapos basahin ng bawat isa ang kanilang mga sulat habang sila ngayon ay napapaisip ng malalim dahil wala silang naaalala ng mga taong maaaring ganito ang lebel ng pagsusulat kung hindi si Jason lamang.

Sa pagtahimik ng paligid ay biglang sinabi ni Ella na maaaring bubay pa talaga si Jason ngunit giniit ni Kyle na patay na ito lalo na siya mismo nakakita sa bangkay nito. Yumuko na lamang si Ella at humingi ng patawad.

Bumalik ang dalawang detective sakanila at humingi ng pabor kung maaari nilang ibigay ang mga kasulatan sakanila. Pumayag si Kyke sa kagustuhan ng mga detective at sumunod naman sina Alex, Ella at Jane.

Sa pag-abot ni Jane sa kanyang sulat ay tila may napansin ang detective sakanya. Sa lahat ng nag-abot ay siya lamang ang nag-abot gamit ang kaliwang. Naisip nito na sanay sa paggamit ng kaliwang kamay si Jane.

Lumipat ng sa kabilang kwarto sina Detective Charles at Detective Alice. Inumpisahan nila agad ang kanilang pag-oobserba sa mga kasulatan.

Sa kabilang dako, namumuo ang iba't ibang emosyon sa kwarto na kinaroroonan ng apat na magkakaibigan. Sa katahimikan ay napaisip si Kyle na maaaring palitan ang tono ng paligid. Nagsalita si Kyle tungkol sa kanilang nakaraan, mga nakaraan na nalaman ni Ella ngunit hindi nabigyan ng kumpletong detalye.

Kinwento ni Alex ang araw na naglaro sila sa ulan at nahulig si Jane sa putikan. Natawa ang bawat isa habang si Jane ay nakatingin kay Alex at nakasimangot. Noong araw na iyon ay nahulog si Jane sa putikan habang sila ay naglalaro. Umiyak si Jane sapagkat napuno ito ng dumi kaya ang ginawa ni Alex ay tumalon din ito sa putikan, sumunod ang ibang magkakaibigan sa kanilang ginawa upang mapahinto ang pag-iyak ni Jane at ipagpatuloy nila ang pag-sasaya.

Pagkatapos ng ilang minuto ng pag-uusap ng mga magkaibigan ay bumalik na ang mga detective. Tinanong ni Detective Charles kung may kakilala sila noon na kanilang iniwan o kinalimutan.

Sumagot si Kyle na wala itong naaalala na ibang kaibigang naging malapit sakanya ngunit biglang may nabigkas si Alex na maaaring taong dahilan ng mga kasulatan na ito.

Bago sabihin ni Alex ay tinanong ni Detective Charles kung mayroon silang lalakeng pangalan ay Jake. Sumagot si Jane na mayroon siyang kakilalang lalake na Jake ang pangalan ngunit hindi nito inaasahan kayang sumulat ng ganyang kalalim. Sinabi ni Detective Charles na napansin nito ang pagkakasunud-sunod ng kanilang pangalan at nabuo ang Jake na maaaring gumawa ng mga sulat na ito.

Napansin naman ni Detective Alice na kung binasa mo sa bawat linya simula kay Jane hanggang kay Ella ay may iisang kasulatan lamang ang nabigay para sa sa lahat. Nagulat ang mga ito sapagkat hindi nila ito naisip man lang.

Tinanong kung kakilala at alam nila kung saan nakatira ang lalakeng pinupunto ni Jane na pangalan ay Jake. Ang kaniyang kakilalang Jake ay dati nilang kaibigan ngunit sila ay lumipat ng bahay at ang kanyang pagkakaalam ay mayroong sakit ito noong panahon ng kanilang pagkabata, at ngayon ay wala na itong balita tungkol sakanya. Isinulat ni Jane ang alam niyang tahanan ni Jake sa ngayon at kinuha ni Detective Charles upang gamitin sa kanyang imbestigasyon.

Sa pagoobserba ng dalawang detective ay nalaman nilang maaaring nagkaroon ng malapit na damdamin si Jake sa isa sa kanilang apat ngunit walang impormasyon sa binigay na mga sulat kung sino ito

Pagkatapos ng kanilang diskusyon ay itinawag na ni Detective Charles ang araw na ito at umuwi na ang bawat isa.

Sa paglabas ng dalawang detective ay natira ang apat na magkakaibigan sa bahay. Iminungkahi ni Kyle kina Alex, Ella at Jane na tumira muna sila doon sapagkat hindi pa nila alam kung ano talaga ang motibo ng misteryosong tao.

Tinanong naman ni Ella kung papaano na ang kanilang kumpanya sapagkat wala ang mga magpapalakad ng mga ito. Sinabi naman ni Jane na maaari niyang tawagan ang isa sa mga manager upang humawak muna sa kumpanya habang sila ay wala. Sa puntong iyon ay nagkaroon na ng pagkakaisa sa desisyong sa bahay muna ni Kyle sila mananatili hanggat hindi pa nakikita at nalalaman ang tunay na motibo ng taga-bigay ng mga kasulatan nila.

Silang apat ay nanatili sa iisang kwarto na kung saan ay nagkwentuhan, nagkwentuhan na parang wala nang bukas hanggang umabot na sa kanilang pagtulog

Pagpapatuloy...