Pursuit

Flashback: Silang apat ay nanatili sa iisang kwarto na kung saan ay nagkwentuhan, nagkwentuhan na parang wala nang bukas hanggang umabot na sa kanilang pagtulog

Ang pagtulog ng bawat isa ay parang mga batang nananaginip ng puno ng kasiyahan, pero na lamang kay Alex na tila ito ay humihilik ng malakas at nakikipagdigmaan sa pagod.

Sa matahimik na bahay na kanilang kasalukuyang tinitirahan ay biglang may malakas ng kumatok sa kanilang pinto na naging dahilan ng pagkagising ni Alex. Ang pagkatok sa pinto ay nagpatuloy at lumakas ito ng lumakas. Lumabas agad si Alex sa kwarto ngunit siya ay nalagyan ng takot dahil sa pagkatok ng taong nasa labas.

Dahan-dahan itong sumilip muna sa bintana sa paraang hindi ito mapapansin. Sa pagtitig nito sa labas ay huminto ang pagkatok at kinabahan si Alex. Nakatitig ito sa labas at biglang nagpakita si Detective Alice sakanya. Napaurong ito at napasigaw dahil sa kanyang pagkagulat.

Sa pagsigaw ni Alex ay nagising si Kyle at agad itong tumakbo papunta kay kinaroroonan ni Alex. Nakita na lamang ito na gulat na gulat at biglang nagpatuloy ang pagkatok. Lumapit agad si Kyle at binuksan ito at nakita sina Detective Charles at Detective Alice ay naghihintay sa labas

"Hindi natin kayang mag-aksaya ng panahon" biglang sabi ni Detective Charles na parang ito ay nagmamadali.

Pumasok agad ang dalawa, si Detective Charles ay tinanong kung nasaan ang iba at pinuntahan agad ang mga ito. Sumunod naman si Kyle kay Detective Charles habang si Detective Alice ay pinuntahan si Alex at humingi ng tawad dahil nagulat niya ito.

Pagkatapos magka-ayos nina Alex at Detective Alice ay sumunod ang dalawa sa kinaroroonan ng mga magkakaibigan at Detective Charles.

Sa kanilang pagpasok ay sinara agad ni Detective Alice ang pinto at tumingin sa paligid si Detective Charles. Sa kanyang pagmamasid ay napansin nito ang isang manika na nakalagay sa tabi ng istante ng mga libro ni Kyle. Tinanong nito kung dati pa nandoon iyon at kung sakanya ito. Sinagot ni Kyle na matagal na ang manikang iyon at binigay ng isang hindi kilalang tao.

Lumapit si Detective Charles sa manika at biglang hinawakan ito at sinira ang ulo. Tinignan nito kung may at biglang nanahimik. Nagulat ang lahat sa kanyang ginawa.

"Oops...Sorry, maling akala" nahihiyang sinabi ni Detective Charles sa lahat.

Biglang napahawak sa mukha si Detective Alice at lumapit kay Detective Charles. Binatukan ang ulo at may inilabas ito sa kanyang bulsa, isang gamit na hindi pamilyar sa apat na magkakaibigan. Pinindot ni Detective Alice ang gamit na ito at biglang may narinig na parang statik na tunog ng isang telebisyon.

Hinanap ni Detective Charles at Detective Alice ang kinaroroonan nito at napansin nila na nanggagaling ang tunog sa likod ng salamin sa kanilang kwarto. Lumayo silang dalawa at kumuha ng matigas na bagay si Detective Charles at sabay na binato ito sa salamin.

Sa pagbasag ng salamin ay mayroong parang maliit na mikropono na may kasamang kamera na kung saan ay naisip agad nilang may nakikinig at nagmamatyag sakanilang apat.

Sinira ng dalawang detective ang nakita nilang gamit at bumalik sa apat na magkakaibigan.

Ipinaliwanag ni Detective Charles na hindi iyon ang dahilan ng kanilang pagpunta sapagkat pumunta sila dahil alam na nila ang kinaroroonan ni Jake, ang taong nasa likod ng kasulatang naibigay sakanila.

Lumapit si Ella at tinanong kung may iba pang impormasyong nalalaman ang mga detective ngunit isinambit na lamang ni Detective Charles ay mas maganda kung pupuntahan na lamang nila si Jake mismo ay sakanya manggagaling ang mga kasagutan sa mga tanong nila.

Naghanda at nag-ayos ng sarili ang bawat isa upang puntahan si Jake sa kaniyang lokasyon. Sa paglabas ng mga ito sa kanilang bahay ay tila naramdaman ni Ella na may nakatingin sakanila sa may kalayuan. Tumingin ito sa paligid at biglang tinawag ni Alex si Ella upang sumakay na sa sasakyan nila.

Sa pagsakay ng bawat magkakaibigan sa kanilang sasakyan ay sumunod ang mga ito kina Detective Charles at Detective Alice sa pagpunta sa kanilang misyon sa araw na ito.

Umabot ang ilang oras at dumating sila sa isang ospital. Nagtaka ang magkakaibigan dahil hindi nila ito inaasahan. Sa paglabas ng mga ito sa kanilang sasakyan ay tinawag sila ni Detective Alice upang sumunod sakanila.

Sa pagpasok ng apat na magkakaibigan at pumunta si Detective Alice sa mga nurse sa reception upang itanong ang kwarto ni Jake.

Matapos ang ilang minuto ay pinasunod ni Detective Alice ang apat na magkakaibigan sakanya papunta sa ikalawang palapag ng ospital habang si Detective Charles naman ay nanatili sa unang palapag at sinabing mayroon itong kailangang gawin.

Sa pag-akyat nina Ella sa ikalawang palapag ay biglang nagsalita si Detective Alice. Sinabi nito na may sumusunod sakanila at si Detective Charles na ang bahala tungkol dito. Nagulat sina Ella at nagkaroon ng kaunting takot dahil sa nalaman ng mga ito lalo na hindi nila alam ng motibo ng sumusunod sakanila.

Sa paglalakad ng mga ito sa kwarto ni Jake ay biglang tumawag si Detective Charles kay Detective Alice at sinabing naayos niya na ang problema.

*Detective Charles scene

Sa pag-akyat nina Ella sa ikalawang palapag ay may napansin si Detective Charles na paran gmay sumusunod na lalake sakanila. Sinundan nito ang lalake hanggang lumabas ang mga ito papunta sa isang iskinita. Sa pagpasok nila sa iskinita ay sinubukan tumakbo ng misteryosong lalake.

Hinabol ni Detective Charles ang lalake at pumailalim ang dalawa sa iskinita hanggang makita niyang papalabas ang dalawa sa kabilang bahagi ng iskinita. Sa paglabas ng misteryosong lalake ay biglang may matipunong lalake na humawak sa kanyang katawan at binagsak ito sa lupa.

"Musta Charles" biglang sabi ng matipunong lalake. Ang lalakeng nagpatumbang ito ay ang kaibigan ni Detective Charles na si Inspector Xavier, isang alagad ng batas.

Hindi na nakagalaw ng maayos ang misteryosong lalake at agad itong kinonfronta ni Detective Charles. Hindi ito sumagot sa mga unang katanungan hanggang nagpumilit sina Detective at Inspector upang makakuha ng impormasyon.

Napunta sa puntong nagsalita ang misteryosong lalake at sinabing inutusan lamang siyang maglagay ng kasulatan sa apat na magkakaibigan na sina Alex, Ella, Jane at Kyle.

Kinuha ni Detective Charles ang kasulatan at tinanong kung nagbigay ng utos sakanya. Sumagot ang misteryosong lalake at----

Pagpapatuloy...