Kinuha ni Detective Charles ang kasulatan at tinanong kung nagbigay ng utos sakanya. Sumagot ang misteryosong lalake at sinabing hindi nagpakita o nagpakilala man lang ang nagutos sakanya. Dinalhan lamang ito ng pera at inutusan kaya nagawa ng misteryosong lalake ito.
"Let's go back to your friends Charles" Iminungkahi ito ni Inspector Xavier pagkatapos nilang konfrontahin ang misteryosong lalake. Hinayaan na lamang nila tong umalis at nagdesisyon na din silang bumalik kina Detective Alice
Sa paglalakad ng dalawa pabalik ay nakipagkwentuhan si Inspector Xavier kay Detective Charles.
"It has been a long time huh Charles" Patawang pagkasabi ni Inspector Xavier
Sumagot naman agad si Detective Charles na parang may kinikimkim na galit--- "I only called you because we needed manpower, don't take it in a different way Xavier"
Sa puntong iyon ay nanahimik na lamang si Inspector Xavier at ang dalawa ay naglakad na parang hindi magkakilala. Nakabalik ang na ang dalawa sa ospital.
*Detective Alice Scene
Pagkatapos aabihin ni Detective Alice ang gagawin ni Detective Charles ay ipinagpatuloy na nila ang paglalakad papunta sa kwarto ni Jake. Bumalik ang lakas ng loob ng mga magkakasama dahil malakas ang tiwala nila sa detective.
Habang papalapit na ang mga ito sa kwarto ni Jake ay biglang nagsalita sa Jane na parang may halong lungkot, "Nandiyan ba talaga si Jake? Siya nga ba yang nandiyan?"
Sa paraan ng pagsasalita ni Jane ay tila hindi ito makapaniwalang nasa ospital si Jake sapagkat nagkahiwalay silang dalawang magkaibigan na alam niyang may sakit ito at magkikita muling mayroon parin kinikimkim na sakit si Jake.
Umabot na ang tatlo sa harap ng kwarto ni Jake at lumapit na si Detective Alice sa pinto na kung saan ay dahan dahan nito inabot ang hawakan ng pinto at binuksan ito.
Sa pagkabukas nito ay nakita silang isang lalakeng nakahiga na tila naubusan na ang sustansya sa kanyang katawan. Si Jake na lumalaban sa kanyang buhay ay ang lumantad sa kanilang harapan. Dahan dahang tumingin si Jake sakanila na parang matandang lalake ang kanyang pagkilos, nahihirpan at mabagal.
Sa pagharap nito sa kanila ay napansin niyang kasama si Jane, at si Jake ay napangiti.
Nagsalita si Jake habang ito'y nakangiti na"Akala ko hindi na tayo magkikita muli Jane"
Nalungkot at namumuo na ang mga luha ni Jane na kung saan hindi kinaya ito at nanatili na lamang ito sa labas. Sa pananatili nito sa labas ay nakita niyang dumating si Detective Charles na may kasamang lalake.
Pumasok sina Detective Alice, Alex, Ella at Kyle sa loob upang kausapin si Jake.
Nagsimula agad ang pagtatanong ni Detective Alice na parang wala mang dinadamdam na sakit si Jake. Pagkadating nina Detective Charles sa harap ng kwarto ni Jake ay agad itong pumasok at ipinakilala ang kanyang kasama na si Inspector Xavier. Nagulat si Detective Alice dahil hindi nito inaasahan na kay Inspector Xavier sya hihingi ng tulong sapagkat mayroong pagtatalo sa nakaraan ang dalawa.
Sinabihan ni Inspector Xavier na hayaan muna ni Detective Alice na mag-usap ang mga magkakaibigan lalo na si Jane at Jake.
Sumang-ayon si Detective Charles na kung saan ay nagulat ulit si Detective Alice sapagkat simula noon ay hindi ito sumasang-ayon sa mga sinasabi ni Inspector Xavier. Tinanong nito kung ano ang nangyare para malaman ng mga magkakaibigan ngunit iginiit ni Detective Charles na maaaring mamaya na lamang ang pamimigay ng impormasyon ukol sa lalakeng sumusunod sakanila.
Lumabas muna ang dalawang detective kasama si Inspector Xavier upang bigyan ng oras ang mga magkakaibigan. Sa paglabas ng mga ito ay naunang lumayo sina Detective Alice at Inspector Xavier habang si Detective Charles ay kinausap si Jane at biglang sinabi na "Balik kana sa loob bago mo pagsisihan ang pag-iyak sa labas"
Sa mga sinabi ni Detective Charles kay Jane ay parang naramdaman nitong kahit papaano ay naranasan na niya ang ganitong pangyayari. Hindi nagpakontrol si Jane sa kanyang nararamdaman at pumasok na ito sa loob ng kwarto.
Ang dalawang detective at ang inspector ay nanatili sa unang palapag, na nagmasid sa mga taong pumapasok ng ospital at lumalabas.
Sa pagpasok ni Jane ay nakita niya muli si Jake na nakatingin sakanya at nakangiti na patawang sinabing "Don't worry Jane, di ako nangangagat"
Sa loob ng kwartong iyon ay nagkwentuhan silang magkakaibigan at nalaman na ni Jake na si Ella at Kyle ay nagmamahalan na habang si Alex ay galing sa ibang bansa at si Jane ay sinasamahan si Kyle na mamalakad sa kanilang kumpanya.
Laking tuwa ni Jake sa kanyang mga nalaman ngunit ikinalulungkot nito ng makwento ni Ella ang tungkol sa pangyayare sa paghahanap niya kay Jason pagkatapos ng pagkawala ng memorya ni Ella.
Sa kanilang kwentuhan ay napunta sa puntong naging seryoso na ang pakikipagusap. Tinanong ni Jane kay Jake kung may ibinigay itong mga kasulatan. Ngunit pabirong sinabi nito na "As if kaya ko naman tumakbo sa sitwasyon ko dito"
Pinagalitan ni Jane si Jake sapagkat seryoso ang kanyang tanong na maaaring may inutusan siya para gawin iyon. Nagsalita si Jake na wala itong kinalaman sa kanilang isinusumbat sapagkat ang kaniyang iniisip lamang ay ang kanyang kamatayan. Nalungkot sila sa kanilang sinabi lalo na ang pagbibintang sakanya.
Sinabi ni Jake na iilan na lamang ang kanyang araw ayon sa doktor. Ngunit, alam niya ngayon sa kanyang sarili na masaya itong mamamatay sapagkat unang beses itong magkaroon ng bisita at ang kanyang naging malapit na mga kaibigan pa ito. Napangiti ito na may halong lungkot sa kanyang mga mukha.
Nalungkot ang mga magkakaibigan sa kanilang nalaman dahil wala itong magagawa para kay Jake at hindi nila mahihinto si kamatayan.
Sa pagtatapos ng kanilang mga diskusyon ay nagdesisyon na silang lumabis at puntahan ang mga detective.
Sa kanilang pagtayo ay mayroon silang nadinig na tumatakbo sa labas ng kwarto hanggang may bumukas sa pinto, si Inspector Xavier.
"MAY MALAKI TAYONG PROBLEMA" pasigaw na sinabi nito
Pagpapatuloy...