Kahit nagkaroon ng tensyon sa bawat isa ay nagkaroon parin sila ng tiwala.
Nagdesisyon ang mga magkakaibigan na pumunta sa abandonadong mansyon ni Jason upang maghanap ng mga bakas na maaaring magturo sa kinaroroonan ng utak ng mga pangyayaring ito.
Hindi muna sumama si Charles dahil ito ay nagpapagaling muna at magbabantay si Alice sakanya. Inutusan na lamang ni Charles si Xavier upang bantayan ang mga magkakaibigan sa kanilang gagawin.
Sa paghahanda nila ay nagsalita si Alex sa harap ng mga magkakaibigan at sinabing hindi ito naniniwala na ang isa sakanila ay ang utak dahil malaki ang kanyang tiwala sa bawat isa. Sumang-ayon ang iba dahil ang kanilang relasyon at koneksyon mula pagkabata ay hindi basta basta aabot sa ganong sitwasyon. Lumapit si Kyle at niyakap si Alex, na sumunod na sina Jane at Ella sa kanilang yakapan.
Pagkatapos nila maghanda ay nagpaalam na ang mga ito kina Charles at Alice upang lumabas na ng ospital at pumunta sa abandonadong mansyon.
Umabot ng ilang oras ang kanilang biyahe at nakadating din ang mga ito sa kanilang destinasyon.
Lumabas ng isa isa ang mga ito sa sasakyan at tila bumalik ang mga panahong hinahanap pa ni Ella si Jason.
Pumasok ang mga magkakaibigan sa abandonadong mansyon at nagdesisyon silang maghiwalay sa tatlong grupo upang malawak ang kanilang paghahanap. Si Ella at Kyle, si Jane at Alex, at si Xavier ang naging paggugrupo ng mga kaibigan. Naghanap sina Ella sa unang palapag habang sina Jane ay sa Ikatlong palapag at si Xavier sa ikalawa upang agad niyang marespondehan ang isa sa mga grupo kung mayroon man na mangyayare sakanila.
Sa paghahanap nina Ella ay inisip muli nito ang mga nakalagay sa kasulatan. Pinagtataka niya ang sinabing nasa dulo ng mansyon kaya nagsimula agad itong pumunta sa mga sulok na kwarto at sinabi kay Kyle na maghanap ng maaaring hawakan.
Sa paghahanap nina Jane at Alex ay tila nararamdaman ng mga ito na may nagmamasid sakanila ngunit hindi nila masyadong binigyan pansin. nagpatuloy sila sa paghahanap hanggang mapansin nila ang isang kwarto na parang may tunog na nanggaling dito.
Si Xavier naman ay isa isang tinitignan ang mga kwarto ngunit naramdaman nito na kahit anong oras ay maaaring umatake ang kriminal sa isa sa kanilang grupo. Tumawag si Xavier sa kanila at tinanong kung maayos lamang sila, sumagot naman ang bawat grupo na walang problema sa posisyon ng bawat isa.
Sa paglapit nina Jane sa kwartong may tunog na nanggagaling ay binuksan nila ito ng dahan dahan. May nakita silang isang music box sa gitna ng kwarto at dahan dahan pumasok at nagmasid sa paligid papalapit sa music box. Tumitig si Alex dito at natapos ang kanta.
Pagkaraan ng ilang segundo ay parang may nagsara sa pinto ng kwarto at mga bintana. Pagkatapos ay may usok na lumabas sa music box at binalutan nito ang buong kwarto. Sinubukan tumawag ng mga ito ng tulong ngunit agad silang nawalan ng malay.
Sa paghahanap ni Xavier ay bigla nitong nadinig na may bumukas ng kanilang tawag ngunit walang nagsalita. Nagkaroon na agad ito ng masamang loob kaya agad itong tumawag. Sa kanyang pagtawag ay sina Ella lamang ang sumagot.
Naisip na agad ni Cbarles ang nangyare kaya umakyat agad ito sa ikatlong palapag. Napansin nito na may usok na nanggagaling sa iisang kwarto at sa kanyang pagmamadali ay tumakbo ito papalapit sa pinto. Sinusubukan nitong buksan ang pinto ngunit hindi niya ito magawa. Sa pagpipilit nito sa pagbukas ng pinto ay hindi na niya namalayan na may papalapit sa kanyang likod at ito ay hinampasan siya ng matigas na bagay sa kanyang ulo.
Si Xavier ay unti-unting nawalan ng malay at sinukan paring makalagay hanggang siya ay tuluyan nang natumba.
Sa paghahanap nina Ella ay napunta sila sa isang silid. Sa kanilang pagpipindot or paghawak sa iba't ibang gamit ay bigla na lakang may nadinig na parang pintong nabuksan. Pagkaraan ng ilang segundo ay mayroong pader na bumukas at tinigna nila ito.
Sa kanilang pagpasok ay nadinig nilang parang may tumatawag sa kanila ngunit dumaan ang ilang minuto ay tumawag si Xavier at kinamusta lamang sila. Naisip nina Ella na maayos lang ang lahat kaya pinagpatuloy nila agad ang paghahanap at pumasok sa bagong lagusan.
Sa pagpasok nila ay mat nakita silang isang pinto. Lumapit si Kyle dito at binuksan ito. Sa kanilang pagbukas ay nakita nilang isa itong kwarto na na puno ng mga litrato.
Sa isang panig, napansin ni Ella ang isang larawan ng isang babae at isang lalake. Ang babae ay nakahawak sa lalake na tila sila ay magkakilala. Sa pagtitig nina Ella at Jane ay napansin ng dalawa na si Jason ang lalakeng nasa larawan ngunit laking pagtataka ng dalawa kung sino ang babaeng kasama nito.
Sa kanilang paghahanap ay bigla na lamang nilang nadinig ang isang pagkasa ng baril. Pagtingin ng dalawa sa bandang pinto ay nakita nila ang isang babaeng nakamaskara at may rosas sa kanyang buksa.
Naisip na agad ng dalawa na siya ang nasa likod ng lahat.
Tinutok ng babae ang baril sakanila na parang may kimkim ito na galit. Tinanong ni Ella kung ano ang nagawang kasalanan nito sakanya at sumagot ang babae na kasalanan nilang lahat ng ito.
Nagtanong ulit si Ella kung kaano-ano niya si Jason, dahil sa pagiisip ng babae na mamamatay na din sina Ella at Kyle ay kanyang sinabi ang katotohanan
Ang babae ay ang nakakatandang kapatid ni Jason. Ito ay nahiwalay sa kanyang pamilya noong bata pa sila sa rason na magkaroon ng sariling pera at para mapalaki si Jason balang araw. Palaging naghihintay si Jason dati sakanya, sa kanyang pagdalaw ngunit sa araw na nakilala niya si Ella ay wala na itong oras sa kanyang nakatatandang kapatid.
Kinuha nina Ella at ang kanyang mga kaibigan ang kanyang kapatid sakanya. Simula noong nawala si Jason ay sinisi na lamang niya ang lahat sa mga magkakaibigan at ipinangako sa sarili at kay Jason na makukuha niya ang paghihiganti sa mga ito.
Sinabi niya din ang kanyang pangalan ay Kelly, ang pangalang nakalagay sa kanilang kasulatan ay nagmula sa panglaan nina Jason at Kelly na kung saan ay nagpangako ang dalawang magkapatid na kung sino ang mauunang magkakaroon ng lalakeng anak ay ito ang kanilang ipapangalan.
Ngunit hindi na ito nangyari sapagkat ang naging mahal sa buhay ni Kelly ay naging isang kriminal at isa sa mga napatay noong ekspedisyon nina Charles, Xavier at Marcus. Ang kanyang utos sa pagpatay sakanila ay tila planado lahat magmula sa una na kung saan ay nagsama sama ang mga taong kinasusuklaman ni Kelly sa iisang grupo.
Ang kamatayan ng kanyang kapatid ay isang rason na din kung bakit hindi na matutupad ang pangako nila sa isa't isa. Ngayon, nais na lamang kunin ni Kelly ang mga utang ng magkakaibigan sa pagkuha nila sa kanyang minamahal na kapatid, ang kanilang mga buhay.
Tinutok muli ni Kelly ang baril sakanila at namaalam. Sa pagputok ng baril at sinubukang harangin ni Kyle ito ngunit pinigilan siya ni Ella. Sa pagputok ng baril ay tila nanahimik ang paligid.
Pagkatingin ni Kyle ay nakita niyang duguan si Ella at nakahiga sa sahig. Sinabihan siya ni Kelly na makukuha niya din ang kanyang bala. Hinarapan siya ni Kyle at sinabing iputok na ito. Sa pagtutok ni Kelly ay nagpaputok ng barik.
Ang tunog ng baril ay hindi galing kay Kelly. Sa bandang likod nito ay si Charles na hawak hawak ang kanyang baril. Napalingon si Kelly at nakita niya si Charles.
Nagsalita si Kelly habang lumalabas ang dugo sa kanyang katawan. Ang pagkakaalam nuto ay naiwan sina Charles sa ospital at nagpapahinga pa ito.
Sumagot si Charles at sinabing alam plano niyang hindi sabihin ito sakanila upang matambangan nito kung sino man ang nasa likod ng lahat. Humingi din ng patawad si Charles sa nangyare sa kanyang mahal ngunit igniit niyang kinuha din nito ang kanyang pinakamalapit na kaibigan.
Nag-aagaw buhay na si Ella at sinubukang buhatin siya ni Kyle ngunit pinigilan si nito. Alam ni Ella na hindi na ito aabot, at nagpasalamat na lamang siya kay Kyle sa lahat. Sa pag-aagaw buhay ni Kelly at Ella ay humingi si Ella ng tawad sa kapatid ni Jason dahil kinuha niya ito sakanya.
"Masaya ako dahil binalik mo lahat ng ala-ala ko, masaya ako dahil hindi nyo sinira pangako niyo. Maraming salamat Kyle, makakasama ko na din si Jason, ang matagal ko nang hinahanap" malungkot na pagkasabi ni Ella at unti unti humina ang boses nito hanggang pumikit na at huminto ang kanyang pahinga.
Lumapit si Charles kay Kelly humingi ulit ng patawad ngunit pinukha niya ito sakanya ang kanyang mga nagawa ng dahil lamang sa galit. Umiyak si Kelly dahil namulat ito sa realidad na hindi gugustuhin ni Jason ang kanyang mga nagawa. Bago ito tuluyang namatay ay humingi ng matinding patawad sapagkat nagawa nitong pumatay ng tao dahil sa galit.
Dumating si Alice at nagulat sa kanyang nakita, duguan ang dalawang babae at wala nang malay. Nakita na lamang nito na tumutulo ang luha ng dalawang lalake at biglang napasabay si Alice sa daloy ng mga luha.
Lumapit ito at sinabing nasa ikatlong palagpag lamang sina Alex, Jane at Xavier.
Dumaan ang ilang oras ay dumating ang ambulansya at kapulisan. Ang tatlong natirang magkakaibigan ay umiiyak sapagkat hindi nila ito inaasahan.
Pagkaraan ng ilang taon ay naging tatlo na ang CEO ng kumpanyang hinahawakan nina Kyle at Jane dahil isinama nila si Alex dito. Si Charles naman ay nagpakalalake na at nagkasal kay Alice. Si Xavier ay pinagpatuloy lamang ang kanyang pagtatrabaho hanggang kalaunan ay tinanggap na din siya ni Charles at nakasama muli ang kanyang malapit na kaibigan.
Ito ang kwento ng paghahanap sa kanyang minamahal, ang mga pangakong binitawan at niyakap. Ito ang kwento ni Ella, ang babaeng inalam ang nakaraan at hinanap ang taong minahal na ngayon ay namayapa na at kasama ang kanyang matagal na hinanap, si Jason.
Katapusan...