Rose's Mask

Inalalayan ni Xavier ang pagayos ng mga nurse sa katawan ni Jake at pumunta ito kung nasan ang silid ng mga security guard. Tinanong nito kung saan ang kanilang cctv upang alamin niya kung may taong nanggaling sa kwarto ni Jake bago matapos ang pangyayari.

Sinamahan si Xavier ng mga tagabantay at pinakita sakanya ang mga nangyare ilang oras bago siya mamatay. Sa kanyang pagsubaybay ay nakita nilang may isang tao ang pumasok sa kwarto nito at umalis din agad pagkaraan ng ilang minuto.

Sinubukan hanapin ni Xavier ang tao sa ibang kamera upang makita niya ang kanyang mukha ngunit napansin nito na alam ng taong ito ang mga pwesto ng mga kamera kaya't sa lahat ng ito ay hindi nahagilap ang kanyang pagmumukha.

Habang sina Alice ay naghihintay sa labas ng emergency room ay may isang babaeng naglakad sa kanilang harapan. Sa paglalakad nito ay mayroon na nahulog na isang piraso ng sulat ngunit ito ay lukot.

Sa pagtataka ni Ella ay lumapit ito at sinubukang ibalik sa may-ari ngunit sa pagtingin nito sa pinuntahan ng babae ay biglang naglaho na lamang na parang bula.

Sinubukan basahin ni Ella ang kasulatan kahit alam niyang hindi niya ito pagmamay-ari. Sa kanyang pagbukas ay laking gulat nitong ang kasulatan na hawak niya ay gaya ng mga nagdaang sulat na naibigay at nakuha nila.

Sinabi agad ito ni Ella sa kanyang mga kasamahan at tinawag ni Alice si Xavier. Saktong nagoobserba si Xavier sa mga kamera ay natanggap nito ang tawag ni Alice at kanyang ikinuwento ang lahat.

Sinubukan maghanap ni Xavier ang taong sinabi ni Ella at tinignan din nito ang mga nakaraang nakuhanan ng mga kamera upang makita ang sinasabi ni Ella sakanila.

Nakita din ni Xavier ang sinasabing babae ni Ella ngunit hindi din nito nahagilap ang mukha sapagkat may maskara ito at may suot na rosas sa bulsa ng kanyang damit. Naisip na agad ni Xavier na ito ang taong nasa likod ng mga sulat at tangkang pagpatay sakanila.

Sa poisyon naman nina Ella ay kanilang binasa ang nakalagay sa sulat----

"

Ang dugong nawala sa akin ay ang dugong aking aangkinin mula sainyo.

Ang dugong dumadaloy sa aking puso ay ang dugong huminto sa iyong hawak

Ang labang ito ay kamatayan lamang ang magpapatigil

Sa puso kong nawasak ng dahil sainyo

Sa puso kong nahiwalay sa hindi nito kasalanan

Kayo ay magsisisi, sa rosas na iyong binigyang pighati.

Sa dulo ng mansyong naiwan

Ang liblib at tagong pader na nasira

Ito ang magtuturo sa aking kinaroroonan

Tayo ay magkikiita at magtutuos

Para sa rosas na puno ng tinik, aking aangkinin

"

Nag-isip sina Ella kung ano ang maaaring ipahiwatig ng sulat na ito ngunit hindi na muna nila binigyang pansin sapagkat mas mahalaga ang buhay ni Charles sa ngayon.

Pagkaraan ng ilang oras ay lumabas na ang mga tauhan sa loob ng emergency room at sinabing nasa maayos na kondisyon na si Charles. Laking pasasalamat ni Alice sa kanyang mga nadinig na tila siya na ang pinakamasayang babae sa buong daigdig. Napuno din ng saya ang ibang kasamahan nila sapagkat napalapit na din ang mga ito sakanila. Si Xavier naman ay nasa sulok ng daan at nang marinig niya ang magandang balita ay napangiti na lamang ito at may luhang tumulo sa kanyang mga mata.

"Kahit kailan, ikaw din mismo pabaya Charles" bigkas ni Xavier habang tumulo ang mga luha nito.

Inilipat agad ng ospital si Charles sa isang kwarto upang makapagpahinga ito ng maayos. Pagdating ng sumunod ng araw ay nagising na ito, at napangiti na lamang dahil nakita niyang nakabantay lahat sila sakanya.

Sa paggising ni Alice ay agad itong natuwa at niyakap si Charles ng mahigpit dahil akala niya ay mawawala na ito sa kanyang piling.

Nagising na din ang iba at nagkwento ng nararamdaman at karanasan nila sa paghihintay sa pagkagaling ni Charles, ngunit napansin nitong wala si Xavier. Tinanong niya kay Alice kung nasaan siya at sinabing nagbabantay ito magdamag sa labas.

Pagkatapos ng ilang oras ng pakikipagkwentuhan ay pumasok si Xavier na may dalang kapeng pampagising sa sarili at nagulat ito nang makita nitong gising na si Charles. Umabot sa tenga nito ang kanyang mga ngiti dahil masaya itong nakitang maayos na ang kalagayan ng kanyang malapit na kaibigan.

Tinanong agad ni Charles kung may nakuha silang impormasyon tungkol sa taong nasa likod ng pangyayaring ito ngunit sinabi lamang ni Alice na wala silang nakuha sapagkat patay na ang taong nagtangkang pumatay sakanila.

Biglang binaggit ni Ella ang tungkol sa sulat na nahulog ng isang babae at sabay na binigkad ni Xavier na nakita niya ito sa mga kamera ng ospital na may maskara at may dalang rosas sa kanyang bulsa.

Binigay ni Ella ang sulat at binasa nito ni Charles upang intindihin ang ipinapahiwatig nito.

Pagkatapos basahin ni Charles ang sulat ay bigla nitong naisip na maaaring may malapit na kaibigan ang taong ito na isa sa mga magkakaibigan ay kanilang kinuha sakanya.

Tinanong nito kung mayroon silang nakaaway sa mga nakaraang araw o taon ngunit wala naman silang natatandaan na kanilang nakaalitan. Napansin din nito ang patungkol sa isang mansyon kaya tinanong agad nito kung may alam silang mansyon.

Sinabi agad ni Ella ang abandonadong mansyon ni Jason ngunit iginiit nito na wala nang ibang tao ang nandoon. Sumagot si Charles na ang taong kayang gumawa ng ganito ay ang taong kayang magtago sa inyong harapan at gumagamit lamang ng ibang tao upang maging panlinlang.

Tinanong ni Kyle si Charles sa kanyang sinabi sapagkat napansin nitong hinihinala ni Charles na isa sa mga magkakaibigan ang utak ng mga pangyayaring ito.

Nagtinginan ang bawat isa na parang sila ay magkaka-away.

Sino nga ba ang taong nasa likod ng mga pangyayaring ito? Ano ang kinalaman ng abandonadong mansyon ni Jason sa kasong ikinakaharap nina Ella?

Pagpapatuloy...