-
Sa pagkalagay ni Charles sa ambulansya ay agad ginawa ng mga nurse ang kanilang trabaho upang panatiliing buhay ito.
Ang tanging nagagawa na lamang ni Alice ay umiyak dahil wala na itong magawa kung hindi manood ang pag-aagaw buhay ni Charles. Sa puntong ito ay naalala niya mga nakaraan nila noon at papaano sila nagkasama.
Pagkatapos ng pagkamatay ni Marcus ay nagluksa si Charles ng todo at huminto muna sa pagtatrabaho bilang inspector. Iniwan niya si Xavier ng mag-isa sa kanyang mga trabaho at nagkulong na lamang sa kanyang apartment.
Sinubukan ni Xavier ng ilang beses na kausapin si Charles upang bumalik na ngunit kada darating ito ay walang sumasagot sakanya.
Napunta na sa puntong magpapakamatay si Charles dahil sa mga pagsisi nito at hindi niya naligtas ang isa sa pinakamalapit nitong kaibigan. Nagdesisyon itong tumalon sa tulay na malapit sakanila upang tapusin na ang lahat.
Isang gabi ay pumunta si Charles sa tulay. Sa balak niyang pagpapakamatay ay bigla itong may nakitang dumaan na babae at may iilang lalakeng sumusunod sakanya sa kalayuan. Hininto ni Charles ang kanyang ginagawa at sumunod na din sakanila.
Sa paglalakad ng babae ay napansin nitong may nakasunod sakanya at natakot. Nagmadali ito sa paglalakad at biglang tumakbo at hinabol na siya ng mga lalake. Sa takot ng babae ay napunta ito sa isang madilim na iskinita at wala nang kalalabasan. Humingi ito ng tulong ngunit dahil malalim na ang gabi ay walang nakakadinig sakanya.
Ang mga lalake ay sinubukan na siyang hubaran at gahasain. Sa pagalis nila ng damit nito ay may nadinig silang pagkasa ng isang baril. Tumingin sila sa pinanggalingan ng tunog at nakita ang isang lalakeng matalas ang pagtingin na tila balak nitong patayin ang lahat.
Sinubukan nilang kausapin si Charles ngunit hindi ito nakinig. Hindi nagbigay ng babala si Charles tungkol sa kanyang pagputok at basta na lamang niya pinindot ang baril upang patayin lahat sila.
Limang putok ng baril ang kanyang ibinigay sa limang
lalakeng magkakasama. Napasigaw muli ang babae at natakot sakanya dahil sa kaya nitong gawin. Nagsalita na lamang si Charles na ang mga ganitong tipo ng taong mas masahol pa sa hayop ay hindi dapat nabubuhay.
Pinakita ni Charles ang kanyang pruweba na isa siyang kasamahan ng kapulisan at naging kalmado na ang babae. Ang babae ay kalaunan nagpakilala kay Charles bilang Alice at sinabi nito na susundin niya ang yapak ni Charles.
Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ang kapulisan at inayos ang pinangyarihan ng krimen. Dumating din si Xavier dahil nalaman nito na nasa lugar ng pinangyarihan si Charles. Sa pagpunta niya ay nakita niyang may kasama itong babae at lumapit ito sakanya. Nagtanong si Xavier kay Charles kung ano ang nangyare ngunit hindi siya sinasagot. Lumapit na lamang ito sa nakitang kasama ni Charles na babae at nagtanong sakanya.
Nagpakillala si Alice at simula noon ay siya na ang sumasagot para kay Charles kapag sinusubukan kausapin siya ni Xavier.
Bago mangyare iyon ay umabot ng ilang araw ang pagpunta ni Alice sa bahay ni Charles upang pilitin itong gawin niyang kasamahan sa pagtatrabaho.
Umabot ang araw ng tag-ulan ay hindi kinaya ni Charles na maligo sa ulan so Alice at maaaring magkasakit. Iyon ang araw na unang pinapasok ni Charles si Alice sa kanyang bahay, at ang unang araw na magkaroon ng babae sa loob nito.
Nakita nitong basang basa si Alice kaya nagkaroon ng konting pagkagusto sa kanyang itsura dahil sa kanyang pagkalalake.
Kumuha agad ng tuwalya at damit si Charles para kay Alice at sa kanyang pag-alaga sakanya ay biglang lumapit si Alice at hinalikan ito.
Nagpatuloy ang paghahalik ng dalawa sa malamig na panahon. Ito ay umabot hanggang naghubad ang bawat isa at maramdaman ang init ng katawan nila.
Dito nagumpisa ang kanilang pagsasama. Ang pag-ibig na nagligtas sa buhay ng bawat isa ay naging bunga ng pagkakaroon ng bagong misyon. Nagdesisyon ang dalawa na himiwalay sa pagiging alagad ng batas at maging mga detective na lamang dahil ang mga ito ay hindi basta basta nakukuha kung hindi kailangan ng matagal na panahon.
Sa pagkahiwalay ni Ella noon kina Alex, Kyle at Jane, ipinatawag niya si Charles upang alamin ang kanyang kinaroroonan at alamin lahat ng tungkol sakanya. Sa pangyayaring ito dito nakilala at naging kaibigan ni Kyle at Jane ang mga detective.
Sa kasalukuyan, dinala agad sa emergency room si Charles pagkadating ng ospital sapagkat nag-aagaw buhay na ito. Si Alice naman ay tila patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Dumating na din ang apat na magkakaibigan at si Xavier sa ospital pagkatapos ng ilang minuto. Napansin ni Xavier na nasa ospital sila kung saan si Jake.
Hinayaan niyang maghintay ang apat na magkakaibigan at si Alice sa labas ng emergency room at pumunta ito sa kinaroroonan ni Jake. Balak nitong paaminin si Jake upang matapos na ang lahat ng ito ngunit sa kanyang pagpasok ay nag-aagaw buhay na siya.
Tumawag agad ng tulong si Jake at agad naman itong nirespondehan ngunit kalaunan ay binalitaan agad siyang hindi na ito umabot.
Nagulat si Xavier sa pangyayare sapagkat ang taong maaaring magturo sakanila tungkol sa kinaroroonan ng taong nasa likod ng lahat ng ito ay wala na habang ang kanyang pinakamalapit na kaibigan ay nag-aagaw buhay sa loob ng emergency room.
Papaano nila hahanapin ang taong nasa likod ng lahat ng to? Ano ang magiging kapalaran ni Charles?
Pagpapatuloy...