Blood Trails

Humingi ng tawad si Xavier kay Charles pagkatapos ikwento ng bawat isa ang kanilang panig tungkol sa nakaraan ng dalawa. Hindi parin pumayag si Charles sapagkat ramdam niya parin ang sakit na dinanas nito sa pagkawala ni Marcus dahil sa kanyang pabayang desisyon. Tinanggap na lamang ni Xavier ang desisyon ni Charles at kanyang sinabi na sana balang araw ay mapapatawad niya din ito. Umabot ang kanilang paguusap ng madaling umaga, na kung saan ang paligid ay tahimik at tila nababalutan pa ng dilim.

Sa oras na ito, lumabas si Alice sa kwarto pagkatapos nitong magpahinga. Si Kyle at Alex ay natulog sa mga mahahabang upuan habang si Charles at Xavier ay gising at nagbabantay.

Sa katahimikan ng paligid ay biglang huminto si Charles sa kanyang ginagawa at nakinig. Papalapit si Alice sakanila at biglang tumitig si Charles sa kanya na parang may dalang mensahe. Si Xavier ay agad tumayo at kinuha ang kanyang baril ng napansin niya din ang naramdaman ni Charles. Sa pagtitig ni Charles kay Alice ay naisio agad nitong may delikadong paparating.

Dahan dahan lumapit si Alice sa dalawang natutulog na si Kyle at Alex. Ginising niya mga ito at agad nagising si Kyle ngunit si Alex ay parang isang hayop na natutulog sa tag-lamig. Tinanong agad ni Kyle kung ano ang nangyayare at bigla na lamang tinutok ni Alice ang kanyang hintuturo sa kanyang labi na parang sinasabi nitong kailangan nilang manahimik.

Pumwesto si Xavier sa tabi ng pinto habang si Charles ay sinarado ang mga bintana.

Dahan dahan na pumunta si Kyle at Alice sa kwarto ng dalawang babae at kanilang ginising ang mga ito. Binunot ni Alice ang kanyang baril at kanyang binantayan sina Kyle, Ella at Jane.

Lumapit si Charles kay Alex at bigla nitong binatukan.

"Aray!!!" sa lakas ng tama ay siya'y nagising at naramdaman ang sakit. Tinakpan naman agad ni Charles ang bibig nito para mahinto ang kanyang ingay. Inutusan agad ni Charles na pumasok si Alex sa kinaroroonan nina Ella at sumunod ito.

Binuksan ni Xavier ng dahan dahan ang pinto at bigla itong lumabas upang tumingin sa paligid. Sa kanyang pagting ay wala itong nakita na kahit isang tao. Lumapit si Charles at biglang sinabi ni Xavier na wala itong nakita ngunit sa paglapit ni Charles ay mayroon itong nakitang bagay na kuminang. Isang bagay na maaaring kumuha na ng buhay ni Xavier. Pinayuko agad ni Charles si Xavier at hinila papasok habang ang taong nakatago ay nagpaputok.

Tinamaan si Xavier sa kanyang balikat sa pagputok ng baril ng kriminal. Pumunta agad sa silungan si Charles at sinubukang tumingin sa labas upang malaman ang pwesto ng bumabaril.

Nakita nito ni Charles at saktong hindi siya pansin sa kanyang pwesto ay agad niya itinutok ang baril at pinaputok. Sumunod ang pagbaril ni Xavier sa kalaban at napansin ng dalawa na huminto ang pagbabaril nito.

Nagdesisyon ang dalawa na sabay silang lumabas at tignan kung mayroon pa itong kalaban. Paglabas ng dalawa ay may nakitang dugong umaapaw sa likod ng pader ng kahoy. Nagbiro si Charles na buti nalang ay malayo ang tumamang bala kay Xavier kung hindi ay makikita niya din itong umaapaw ang dugo mula sa kanya.

Sinubukan lumapit ni Xavier sa pinagmumulan ng dugo ngunit pinigilan ito ni Charles dahil maaaring magiging pabaya nanaman ito sa kanyang desisyon. Papalapit na si Charles at nakaalalay si Xavier sa kanya.

"Magkita tayo sa kabilang panig Xavier" sabi ni Charles bago ito lumingon.

Sa paglingon ni Charles sa sulok ng pader ay hindi niya inaasahan na nakatutok na ang baril ng kalaban. Pinutok ito at sinubukang umiwas ni Charles ngunit siya parin ay natumba.

Sumigaw si Xavier at tinawag ang pangalan ni Charles, at biglang nagpapaputok kung saan banda ang kalaban. Ang pag-apaw ng dugo ay nagsimulang dumadami pagkatapos ang mga putok ng baril.

Sumigaw ng paulit ulit si Xavier sa pangalan ni Charles at kanyang binuhat ang katawan. Sa sigaw na mga binitawan ni Xavier ay nakaramdam na ng masama si Alice kaya lumabas na din ito kasama ang mga magkakaibigan.

Sa kanyang paglabas ay humarap si Xavier na duguan at buhat ang katawan ni Charles. Tumawag agad ang iba ng ambulansya at tulong.

Sa pagtawag nila ng tulong ay sinubukang lagyan ng paunang palunas si Charles dahil maraming dugo na ang lumalabas sakanya.

Si Alice ay biglang lumabas at nakita nito ang daloy ng dugo sa likod ng pader na kahoy. Pinuntahan ito at nakita ang isang patay na katawan, dahil sa galit ay ganyang pinagbabaril muli.

Sa sakit na kanyang nakita dahil sa nangyare kay Charles ay hindi nito napigilan ang galit upang iparamdam sa nakagawa nito sakanya.

Pagkatapps ng ilang minuto ay dumating na ang ambulansya at agad pinasakay ni Xavier si Alice sapagkat siya ang importante sakanya ngayon.

Dumating na din ang kapulisan upang ayusin ang lugar ng krimen.

Sumakay na din ang bawat magkakaibigan sa kanilang sasakyan upang sundin ang ambulansyang naghahatid kay Charles.

Ano nga ba ang relasyon ni Charles at Alice? Kakayanin ba ni Charles ang kanyang sitwasyon? Sino ang bumaril sakanila at ano ang rason?

Pagpapatuloy...