Flashback:
//
Hindi sumang-ayon si Detective Charles sa kanyang mga sinabi at nagalit ito. Pumayag ito na buksan ang pag-uusap nila tungkol sa kanilang nakaraan.
Ano nga ba ang naging alitan ng dalawang magkaibigan noon?
//
Si Detective Charles ay isang inspector bago nito makuha ang kanyang hinahawakang titulo ngayon. Noong siya ay nag-aaral at nagsasanay pa upang maging parte ng academy ay nakilala niya si Xavier at Marcus.
Naging malapit na magkaibigan ang tatlo at walang nakakatalo sa talaan nila sa loob mga araw ng kanilang pag-aaral at pag-sasanay sa akademiya.
Dumating na ang araw ng kanilang hinihintay, ang araw na magbubunga ng prutas ang kanilang mga paghihirap. Ang pagbigay nila sa kanilang panunumpa bilang parte ng kapulisan.
Sa panahong nakuha na nila ang opisyal na posisyon ng pagiging inspector ay kanilang naisip kung papaano na ang kanilang pagsasama dahil dalawa lamang ang maaaring magsasama sa kada grupo. Umaksyon at nagdesisyon agad si Marcus upang humiwalay sa dalawa dahil sa kanilang pagsasama ay alam nilang si Marcus ang pinakalamang pagdating sa pagiging inspector.
Simula noon ay nagsama na lagi sina Charles at Xavier sa kanilang misyon. Inaalalayan na lamang nila si Marcus tuwing ito ay nangangailangan ng tulong.
Isang araw ay may nagbigay ng delikadong kaso sa dalawang magkasama na sina Charles at Xavier. Ang kanilang lakas ng loob at malaking pagtitiwala sa sarili ay kanilang kinuha ang kaso.
Si Xavier ay kilala bilang kulang sa pag-iingat sapagkat ito ay lumulusob agad sa mga kinikilalang kriminal kahit hindi sapat ang mga impormasyong hawak nito. Si Charles naman ang mahihin sakanilang dalawa na kung saan ay gusto muna nitong makuha lahat ng kailangang impormasyon bago sumabak sa laban.
Umabot ng ilang buwan ang kanilang paghawak sa kasong ito at nalalapit na ang katapusan ng kanilang kontrata upang huliin ang mga taong nasa likod ng kaso. Kapag hindi pa nila ito nalutas ay maaaring mababawasan ang kanilang reputasyon at ibibigay ang kaso sa ibang departamento.
Hindi nagdalawang isip si Xavier na ibigay lahat ng kanyang oras sa paghahanap ng mga bakas upang mahuli ang mga kriminal sa likod ng kasong droga.
Isang araw, nakakuha na ng lead ukol sa hawak nilang kaso ni Charles. Si Charles naman ay naghanap pa ng ibang impormasyon upang mas maging malinaw ang kanilang paghahanap sa mga kriminal ngunit si Xavier ay hindi nag-aksaya ng panahon at dumiretso ito sa lugar ng kanyang nakuhang impormasyon, isang drug deal sa tagong lugar.
Dumating agad si Xavier sa lugar ng mangyayareng drug deal at tumingin ito sa paligid na kung saan ay naghanap ng mga kriminal. Wala itong nakitang ibang tao kaya nagdesisyon itong pumasok sa loob ng gusali upang maghanap pa ng ibang tao.
Kahit madilim ang loob ng gusali ay pumasok parin ito. Sa pagpasok ni Xavier at napalalim na ang paglalakad ay biglang sumindi ang mga ilaw. Si Xavier ay nagtago bigla sa likod ng isang kahon. Sa kanyang pagtatago ay madinig itong mga taong naguusap. Maaaring ito na ang mga kriminal na kanyang hinahanap.
Naghintay si Xavier na mawala sa atensyon ang mga ito upang tambangan niya ang mga kriminal. Sa kanyang paghihintay ay biglang nanahimik sa paligid.
Ang sunod na nadinig ni Xavier ay mga putok ng baril sa kanyang lugar, dumapa ito at naghanap pa ng masisilungan mula sa mga bala.
Naramdaman na ni Xavier na hindi ito makakalabas ng buhay kung siya ay mag-isa kaya't tinawag niya na sina Charles at Marcus. Sa kanyang pagtawag ay nagslit si Charles dahil hindi niya muna ito hinintay upang magkaroon ng sapat na impormasyon dahil ang kanilang hawak na kaso ay delikado.
Si Marcus ay agad rumesponde kay Xavier dahil ito ay malapit. Tumawag na din ito ng ibang kapulisan upang magbigay tulong sa paghuli sa mga drug dealer.
Sa pagpunta ni Marcus ay tunog lamang ng mga baril ang kanyang nadinig. Naghintay muna ng kaunting oras si Marcus para sa pagdating ni Charles.
Sa pagdating ni Charlee ay gumawa agad ang dalawa ng plano upang iligtas si Xavier sapagkat iilang minuto pa bago makakadating ang tulong nila mula sa kanilang departamento.
Tumawag muli s Xavier at sinabi nitong paubos na ang kanyang bala. Nagmadali sina Charles at Marcus sa pagpunta sa kinaroroonan ni Xavier.
Ang kanilang plano ah magpapaputok si Marcus at kukunin ang kanilang atensyon habang si Charles ay tatakbo papunta kay Xavier.
Sa pagputok ng baril ni Marcus ay sumabay ang pagtakbo ni Charles. Humarao ang mga kriminal kay Marcus at nagpaulan ng bala sakanya.
Si Charles ay nakapunta kay Xavier at binigyan ito ng baril. Sumisigaw si Marcus na tumakbi na sila pabalik at ginawa ito ng dalawa. Sa pagtakbo nila ng pabalik ay biglang pumunta si Marcus sa likod nina Chatles at Xavier.
Sa paglingon ng dalawa ay nakita nalamang nila na duguan si Marcus at may mga butas sa katawan.
Sinisigaw ni Charles ang pangalan ni Marcus at sinubukang lumapit sakanya ngunit hinila ito ni Xavier paalis da paningin ng mga kriminal. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ang tulong at binigay nina Charles at Xavier ang paghuli sa mga kriminal.
Pagkatapos ng ekspedisyong ito ay isang alagad ng batas ang nasawi. Simula noon ay sinisi ni Charles ang kamatayan ni Marcus dahil sa kanyang pagiging pabaya. Dumaan ang ilang taon ay nagsarili na muna si Charles hanggang naisipan nitong sumali sa pagiging detective at dito nya nakilala si Alice.
Pagpapatuloy...