Nang makarating na kami sa dance room ay nag-isip sila ng mga laro na pwede naming laruin. Nagpaalam nadin kami kila Tatang, Ms. Hong, ate Rappl at iba pang staff na dito kami mag-oovernight. Pumayag naman sila, kaya nagpasalamat nadin ako sakanila bilang pagtanggap sa akin at pagturing na parang isang kapamilya. Sinabi ko din na uuwi na ako kung sa'n ako galing, naintindihan naman nila iyon.
Naiyak pa nga si Ms. Hong dahil aalis na ako at mawawalan na daw siya ng mabait na estudyante. Sabi ko naman ay mababait naman ang mga estudyante niya, pasaway nga lang. Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano bago ako nagpaalam.
Nagka-ayaan kaming anim na magdance showdown habang nagpapalipas ng oras. Aantayin daw kasi nilang mag-alas dose. Mga baliw talaga.
"Ayaw mo ba talaga ihatid ka namin, Gwae?" Tanong ni Jah kaya tinarayan ko siya.
"Gusto mong mabatukan kita, Jah?" Tanong ko sakanya na ikinatawa niya.
"Kung maaabot mo!" Sambit ni Jah atsaka nagsimula ng tumakbo sa dance room, pero hinawakan siya ng apat kaya nabatukan ko siya.
Napuno ng kulitan at tawanan ang dance room dahil sa mga kalokohan namin. Bumili din kasi sila ng mga makakain, para daw hindi gutumin sa mga kalokohan namin. Nagpapatawa naman si Jah na puro corny kaya palaging nababatukan ni Josh. Si sejun naman ginamot na ang mga pasa ni Ken at binilhan ito ng isang chicken bucket bilang peace offering sa pambubugbog niya. Tuwang-tuwa naman si Ken at pinakita nadin sakanila ang pagiging childish niya. Si Stell naman ay puro pang-aasar kay Sejun na binasted ko daw, kaya puro hampas ang inabot niya kay Sejun.
"Hays. 11:55 na." Malungkot na sambit ni Stell. Napatingin silang lahat sa akin. Isang malungkot na tingin.
"Salamat sa lahat, Gwaen. Hinding-hindi kita makakalimutan." Sambit ni Stell atsaka ako niyakap.
"Thank you sa pagtitiis mo sa mga baliw kong kaibigan. Salamat din sa pagsuporta sa amin at pagtitiwala." Sambit ni Jah atsaka niyakap din ako. Hinayaan ko nalang na maglandas ang mga luha sa pisngi ko habang nakangiti.
"Thank you for listening on my problems, Gwaen. Thank you for being my little sister. Masaya ako na nakilala ka namin." Sambit ni Josh at niyakap din ako. Binatukan ko naman siya na ikinatawa niya lang.
"Hayaan mo last na 'yan. Hahaha." Natatawang sambit ko atsaka tinuyo ang luha ko.
"Gwaen, sorry. Alam kong marami akong maling ginawa. At first I doubted you because we really don't have an idea about your personality. But you captured my heart, our heart. I'm so thankful na dumating ka sa buhay namin. Na kahit sandali nakasama ka namin sa pag-abot ng mga pangarap namin. You always cheered us when we're down, you always makes us happy because of your naughtiness. You even make me smile when you smile, you even make my heart skipped when your near. Hindi ako nagsisisi na nagustuhan kita, na minahal kita Gwaen. Kahit sandaling panahon lang na nakasama ka namin. You will always in my heart, Gwaen. I love you." Hindi ko namalayang tumulo na naman ang mga luha ko. Tumingin naman ako sa tatlo na tinutukso na kami at kinikilig, habang si Ken naman ay nakangiti lang sa amin. Walang halong selos o inggit.
"I know that this is wrong, but this is my last moment with you. I wanna say that I love you bias." Nakangiting sambit ko sakanya at bakas ang gulat sa mga mata niya pero agad din iyong nawala.
"I just want to give you this. Para kahit papaano may remembrance ka sa amin. Actually ginawa namin 'yan no'ng pangalawang linggo mo dito." Nakangiti niyang sambit atsaka isinuot ang nylon bracelet sa akin. May beads iyon ng hotdog, mais, barbeque, chicken at strawberry. May nakalagay ding SB19 beads sa gitna.
"Ang cute naman. Thank you! Salamat sa memories na ibinigay niyo sa akin. This is the best gift ever. I love you all! Group hug!" Sambit ko atsaka kami nagyakapan habang may ngiti sa labi at saya sa mga mata.
Naramdaman ko ang unti-unting paglalaho ko,dahil alas-dose na. Oras na para bumalik ako sa totoo kong timeline. Masaya akong nakilala sila, sobrang saya! Nakangiti sila sa akin habang nagpapaalam.
"Gwaen! Gising na! Tanghali na!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa boses ni mama na rinig hanggang sa kabilang bahay. Napakapa-kapa ako sa pulsuhan ko at naramdamang walang bracelet do'n.
"Panaginip lang ang lahat?!" Napasapo ako sa noo ng mapagtanto na panaginip lang ang lahat. Ang lakas kasing makareality ng panaginip ko, akala ko tuloy totoo.
"Good afternoon, my babies!" Sambit ko sa limang nagga-gwapuhang lalaki sa tabi ng kama ko. Hinaplos ko ang poster nila atsaka ngumiti. Sa sobrang pagiging fangirl ko sakanila, dinalaw na ako sa panaginip. Mas masaya sana kung totoo.
"I'm so lucky to have you all, SB19."
END