Gwaen's POV
Hindi ko kayang makita na nag-aaway ang dalawang importanteng tao sa harap ko, nang dahil lang sa akin. Ayaw kong masira ang samahan nila ng dahil lang sa isang babae, at iyon ay ako.
Pumunta ako ng dance room para magpatulong sa pag-awat kila Ken at Sejun na naglalabanan ng kamao sa Tools Room. Mabuti nalang at tapos ng kumain sila Stell, Jah at Josh ng abutan ko sila.
"Guys! Tulungan niyo akong awatin sila!" Sambit ko na nagtatakang ipinukol nila ang tingin sa akin.
"Bakit? Ano bang nangyayari Gwaen?" Tanong sa akin ni Stell na puno ng pagtataka ang mga mata.
"Ipapaliwanag ko mamaya! Dalian niyo! Hindi ko kayang nag-aaway silang d-dalawa." Naiiyak ng sambit ko. Lumapit naman sa akin si Stell at pinatahan ako habang naglalakad kami papunta sa Tools Room.
Naabutan namin silang nasa ibabaw si Sejun at pinapaulanan ng suntok sa mukha si Ken, habang hindi naman lumalaban o sumasalag si Ken. Tinatanggap niya lang ang bawat suntok na iginagawad ng kamao ni Sejun sakanya. Putok na din ang labi niya at puro pasa na sa mukha.
Agad na lumapit sakanila si Stell at Josh para awatin sila habang si Jah naman ay pinapatahan ako.
"K-kasalanan ko'to. Kasalanan ko kung b-bakit sila nag-aaway." Umiiyak kong sambit. Tinapik-tapik naman ni Jah ang likod ko para patahanin ako.
"Shhh... Wala kang kasalanan, Gwaen. Hindi mo naman 'to ginusto eh." Pag-aalo sa akin ni Jah.
"Umawat nga kayong dalawa diyan! Sejun! Ano ba?!" Pag-aawat ni Stell atsaka hinatak paalis si Sejun sa ibabaw ni Ken, na ngayon ay bugbog sarado na.
"Alam niyo ngayon lang nangyari 'to! Bakit ba nag-aaway kayo dahil lang sa isang babae?! Ano ba?! Nakalimutan niyo na ba 'yong mga pinagsamahan natin?!" Napatigil ako sa pag-iyak at hinarap sila.
"Siguro nga oras na para malaman niyong lahat ang totoo." Nakangiti ngunit malungkot kong sambit sakanila. Rumihestro ang pagtataka sa mukha nila maliban kay Josh na alam na ang totoo. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na'to, dahil bukas ay wala naman na ako.
"Anong totoo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Jah. Bumuntong-hininga ako para kumaha ng lakas ng loob. Napuno na naman ng mga 'sana' ang utak ko.
"Iyong naabutan niyo kanina na magkasama kami ni Josh, kinuwento ko sakanya ang totoo kong pagkatao. Nag-usap kami tungkol sa mga problema niya, hanggang sa napadpad sa pagkatao ko. Kung sino talaga ako. Sana hindi niyo ako katakutan kapag nakilala niyo ako." Sambit ko at muling bumuntong-hininga.
"Hindi ka namin katatakutan, Gwaen. Alam naming mabuti kang tao." Sambit ni Stell na ikinangiti ko.
'Mabuting tao, sana nga naging mabuti ako sainyo.'
"Hindi takaga ito ang tunay kong timeline. Isa akong time traveler na galing sa hinaharap at pumunta lang sa panahon na'to para mas makilala kayo. Para iparating sainyo na ipagpatuloy niyo lang ang pangarap niyo kahit sukong-suko na kayo. Kahit minsan maski sarili niyo hindi niyo na napagkakatiwalaan na kaya niyo. Sa maniwala kayo't sa hindi, sikat na sikat kayo sa timeline ko. Minamahal kayo at sinusuportahan ng mga tao dahil sa mga musika niyo na nagiging inspirasyon ng karamihan."
"Kaya no'ng naabutan niyo akong natutulog sa dance room nang araw na 'yon? Iyon ang pagdating ko dito. Inisip ko kasi na mas gusto ko kayong makilala, dahil isa kayo sa mga iniidolo ko sa timeline ko. Alam kong maaapektuhan nito ang hinaharap pero kapag nawala na ako bukas, hindi niyo na ako maaalala. Walang Gwaen na nag-iexist sa utak niyo. Kaya ngayon palang gusto ko sanang sulitin natin ang oras, habang nandito pa ako. Magbati na kayo, hindi ko kayang nakikita kayong nag-aaway dahil lang sa akin. Please? Pagbigyan niyo sana ako sa huling araw ko dito?" Lumuluhang sambit ko. Nawala na ang tensyon sa pagitan ni Sejun at Ken at napalitan na iyon ng lungkot.
"K-kaya ba sabi mo ay aalis kana bukas?" Tanong ni Sejun na hanggang ngayon ay hindi padin makapaniwala. Tumango nalang ako.
"Kaya ayaw kong mapalapit sa inyo, na tipong mag-aaway kayo ni Ken dahil sa akin. Dahil hindi pwede. Hindi ako nabibilang sa panahon na'to. Sana naman magkaayos na kayong dalawa, mas pagtibayin niyo ang samahan niyo at huwag niyong hahayaan na mabuwag ang grupo niyo. Kahit anong pagsubok harapin niyo ng magkakasama. Bilang isang team, bilang SB19." Sambit ko. Lumapit naman sa akin si Stell na ngayon ay luhaan na at niyakap ako. Sumunod nadin 'yong apat atsaka nakisali sa pagyakap.
"Tama na nga drama natin. Sulitin nalang natin ang natitira kong oras. Dahil mamayang alas-dose, wala nang Gwaen na nag-iexist. Makakalimutan na ako ng mga utak niyo. Lahat ng memorya niyong kasama ako mawawala na." Nakangiting sambit ko habang lumuluha padin. Mukha na siguro akong baliw.
"Pero ang puso hindi nakakalimot, Gwaen." Sambit ni Sejun na ikinangiti ko.
'Sana nga, Sejun.'
"Tara na nga! Balik na tayo sa Dance room! Do'n nalang tayo mag-overnight." Anunsyo ni Jah na sinang-ayunan namin. Nakita ko naman sa peripheral ko na nilapitan ni Sejun si Ken at may kung anong sinabi dito na ikinangiti ni Ken.
'Masaya ako na okay na kayo bago ako umalis.'