Ken's POV
Nang makapasok kami napansin kong namumugto ang mga mata ni Gwaen kaya nag-aalala akong nakatingin sakanya. May sinabi naman siyang kung ano kay Josh, na ikinatango lang nito. Hinila niya palabas si Sejun na nasa bukana padin ng pinto.
"Josh, anong nangyari do'n kay Gwaen?" Tanong ni Stell. Napansin ko ding nagdadalawang isip pa ito sa sasabihin.
"May nililihim ba kayo?" Diretsong tanong ko kay Josh na ikinagulat niya. Alam ko na agad ang ekspresyon niyang 'yon. Sa tagal ba naming magkakasama ay kilala na namin ang isa't-isa.
"Ano 'yon Josh? Kayo ha!" Pang-aasar ni Jah kaya binatukan naman siya ni Josh, na idinaing nito. Natawa nalang kami dahil sa pagiging mapanakit ni Josh kay Jah. Bully kami sa isa't-isa pero tiklop kami kapag si Gwaen na ang nangbully sa amin. Kahit anong pang-aasar namin do'n may laban siya, sa huli ikaw pa mapipikon.
"Baliw! Kaya ang hilig mo sa mais eh." Sambit ni Josh na ikinakunot ng noo namin.
"Huh? Anong connect?" Takang tanong ni Jah.
"Mais-yu ka kasi!" Sambit ni Josh atsaka binatukan na naman si Jah. Natawa nalang kami ni Stell sakanilang dalawa. Bagay nga talaga silang dalawa na magkasama, parehas mais eh.
"Pero ano nga? Share mo naman, Josh!" Sambit ni Stell na ikinatango namin kaya napakamot nalang sa ulo si Josh.
"Hindi ko pwedeng sabihin. Antayin niyo nalang na si Gwaen ang magsabi, hehehe." Sambit ni Josh. Dismayado namang nagmaktol ang dalawa at kinain na ang pizza. Akala ko pa naman kila Gwaen 'yon.
"Labas lang ako." Paalam ko sakanila at hindi na inantay ang sagot nila. Hindi ko alam kung bakit, pero may parte ko na gustong sundan sila Sejun kaya lumabas ako at hinanap kung nasaan sila. Napahinto ako sa Tools Room ng makarinig ako ng pamilya na boses. Boses iyon ni Sejun at Gwaen.
"Bakit?! Dahil ba may gusto ka kay Ken?! Kaya hindi pwede?! Dahil ba may relasyon kayo ni Ken?!"
"Stop that sh*t, Sejun!"
Napakuyom ako ng kamao dahil sa mga narinig ko. Napatigil ako sa kinalalagyan ko ng hindi sila matigil sa pagpapalitan ng sigaw. Habang ako nandito padin sa labas ng Tools room at pinipigilan ang sarili na pumasok.
'Anong karapatan niyang sigawan si Gwaen?'
"Bakit?! At kailan ka magpapaliwanag?! Kapag nakaalis kana?! Alam mo Gwaen, kung sila napapaikot mo. Pwes ako, hindi! Explain!" Napaigtad ako ng sinabi iyon ni Sejun. Kung anu-anong negatibo ang pumasok sa utak ko.
'Aalis si Gwaen? Bakit?'
"B-bitawan mo ako, S-sejun. Masakit!"
Napakunot ako ng noo at hindi na napigilang buksan ang pinto dahil sa daing ni Gwaen. Hindi ko kayang makita na nasasaktan si Gwaen, at hindi ko hahayaan iyon.
Naabutan kong nakahawak si Sejun ng mahigpit sa pulsuhan ni Gwaen. Namumula na iyong sa sobrang higpit at bakas din ang galit at lungkot sa mukha ni Sejun. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, sa tagal na naming magkakasama.
"At ano?! Aalis ka?! Explanation la—" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinugod ko ng sapak si Sejun. Nabitiwan niya ang pulsuhan ni Gwaen na namumula padin. Nilingon ko si Gwaen at akmang hihilain na siya palabas ng suntukin ako pabalik ni Sejun.
"Anong karapatan mong mangialam dito, Ken?!" Singhal niya sa akin habang matalim ang titig. Binitawan ko muna ang kamay ni Gwaen para harapin si Sejun.
"At bakit? Narinig ko lahat Sejun. Bakit mo pinipilit na mag-explain si Gwaen kung ayaw niya? Hindi ka ba marunong umintindi? Leader ka pa naman nam—" Hindi pa ako natatapos magsalit ng lumapat ang kamao niya sa mukha ko. Malakas ang suntok niya na ikinangiwi ko.
"Ano ba?! Magsitigil nga kayo!" Pag-aawat sa amin ni Gwaen pero hindi nagpaawat si Sejun.
"Alam mo naman na may gusto ako kay Gwaen diba?" Mariing sambit ni Sejun kaya tinitigan ko ng isang blankong ekspresyon.
"Oo. Alam mo din na si Gwaen lang ang babaeng nag-alaga sa akin ng gano'n."
"Bakit umaaligid ka pa kay Gwaen kung alam mo naman?! Ang ayaw ko sa lahat Ken talo-talo. Alam mo 'yan."
"Anong magagawa ko?! Eh bigla akong nakaramdam ng ganito?! Nagulat nalang ako paggising ko mahal ko na si Gwa—" Muling lumapat ang kamao niya sa mukha ko. Malalakas na suntok ang ginawad niya sa akin, pero hinayaan ko lang siya na bugbugin ako. Alam ko naman na ako ang mali. Hinayaan ko ang sarili kong mahulog at mapalapit kay Gwaen.
"Umawat nga kayong dalawa diyan! Sejun! Ano ba?!" Narinig kong saway ni Stell atsaka kinuha sa ibabaw ko si Sejun na matalim padin ang tingin sa akin.
"Alam niyo ngayon lang nangyari 'to! Bakit ba nag-aaway kayo dahil lang sa isang babae?! Ano ba?! Nakalimutan niyo na ba 'yong mga pinagsamahan natin?!" Singhal sa amin ni Stell. Tinulungan naman akong makatayo ni Josh.
"Siguro nga oras na para malaman niyong lahat ang totoo." Sambit ni Gwaen na ngayon ay umiiyak na at malungkot na nakangiti sa amin. Lahat kami sakanya lang nakatuon ang atensyon.
"Anong totoo?" Nagtatakang tanong ni Jah kaya napabuntong-hininga si Gwaen.
"Iyong naabutan niyo kanina na magkasama kami ni Josh, kinuwento ko sakanya ang totoo kong pagkatao. Nag-usap kami tungkol sa mga problema niya, hanggang sa napadpad sa pagkatao ko. Kung sino talaga ako. Sana hindi niyo ako katakutan kapag nakilala niyo ako."