Sejun's POV
Napahinto kaming lahat ng marinig namin ang boses ni Gwaen at Josh. Kaya nandito kami sa harap ng pinto at namumukhang chismoso dahil sa pakana ni Justin.
"Hanggang kailan ka nalang dito?"
"Hanggang bukas."
"Shhh... Tahan na, Gwaen. Ayaw kong nakikita kang umiiyak." Napakuyom ako ng kamao dahil sa narinig ko. Hindi na alintana sa akin ang injury ko. Hindi ko nararamdaman ang sakit ng injury ko dahil naguguluhan ako kung bakit ganito?
"Weh?"
"Oo, kahit na bully at mapanakit ka sa'kin." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at itinulak si Jah sa gilid para mabuksan ko ang pinto.
"A-anong ibig sabihin nito?" Wala emosyong tanong ko atsaka gulat na lumingon si Josh at Gwaen. Mukhang hindi nila inaasahan ang presensiya ko.
"S-sejun?" Gulat na sambit ni Gwaen na ikinangiwi ko. Halatang kakaiyak niya lang dahil mugto ang dalawa niyang mata.
"Hey guys! We brought you some pizza and drinks!" Masayang sambit ni Stell, marahil naramdaman niya ang tensyon sa paligid. Pumasok na silang lahat maliban sa akin na nakatitig padin kila Gwaen at Josh.
"Gwaen." Pagtawag ko sakanya kaya napalingon siya sa akin. Tumingin muna siya kay Josh at may sinabing kung ano si Josh sakanya, kaya nilapitan na ako.
'Ano naman ang sinabi ni Josh sakanya? May sekreto ba sila? At anong hanggang bukas nalang?'
"Gwaen, magpaliwanag ka." Walang emosyon kong sambit sakanya. Hinila niya naman ako sa labas at dinala sa Tools Room.
"Sejun... Ano..." Nag-aalangan na sambit niya at hindi makatingin sa akin. Lalong kumunot ang noo ko dahil sa inasal niya.
"Gwaen, explain. Explain everything to me." Matigas kong sambit pero tahimik lang siya. Ayaw magsalita at magpaliwanag na lalong ikinainis ko.
'So may nililihim nga sila ni Josh?! Bakit ayaw nilang sabihin?! Akala ko ba pamilya kami dito?'
"F*ck it, Gwaen! Bakit ayaw mong mag-explain? Hinihingi ko lang ang paliwanag mo dahil naguguluhan ako, pero ayaw mong magsalita! Gulong-gulo na ako, Gwaen! " Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses. Hindi ko na kayang kimkimin ang nararamdaman ko. Anytime sasabog na ako.
"P-pau..." Himig malungkot na sambit niya. Hinawakan niya ako sa magkabilaang pisngi, dahilan para lalo akong maguluhan.
"Stop this, Gwaen. All I need is an explanation! Huwag mo naman lalong guluhin ang utak ko, through your actions na hindi pinag-isipan. My mind was totally in chaos! Explanation mo lang, Gwaen! Iyon lang naman hinihingi ko." Hindi ko na napigilang sumabog ang emosyon ko. Nakita kong naglandas ang luha sa mga mata niya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I'm totally in chaos.
"I c-can't..." Umiiyak na sambit niya na lalo akong naguluhan. Simpleng explanation lang naman hinihingi ko. Mahirap ba 'yon ibigay?
"Bakit?! Dahil kay Josh?! Ano, Gwaen? Ano 'yong pinag-usapan niyo ni Josh? Aalis ka? Bukas? Bakit?!" Sunod-sunod na tanong ko. Tumingala siya sa akin at pinunasan muna ang luha sa mga mata niya.
"Walang kinalaman dito si Josh, Sejun. At bakit ba kailangan kong mag-explain sa'yo? Bakit, Sejun ha?"
'At ako naman ang tinatanong niya? Great!'
"Damn it, Gwaen! Why don't you just explain it to me?! Mahirap ba 'yon? Walang kinalaman si Josh? Ha! Pero magkausap kayo?!" Sambit ko atsaka napailing, hindi makapaniwala.
"Why you sound so jealous? Are you jealous, Sejun? Stop that, right now." Sambit niya na ikinainis ko. Napangisi ako at hindi makapaniwalang nakatitig sa mga mata niya.
"At sino ka para diktahan ang nararamdaman ko sa'yo?! Gwaen, explanation lang ang hinihingi ko!"
"So you're jealous? Sejun hindi pwede."
"Kanina diniktahan mo ako, ngayon pinagbawalan mo na ako?! Why?! Explain the sh*t on me, Gwaen."
"Hindi mo ako maaaring magustuhan! Hindi kailanman, Sejun!" Sigaw niya sa akin, may bahid ng lungkot iyon. Tumalikod siya sa akin pero hinila ko agad siya paharap. Hindi niya ako puwedeng iwan dito nang hindi nagpapaliwananag.
"Why, Gwaen?! Explain! Bakit hindi kita pwedeng magustuhan?! Damn! Kung pwede nga lang patigilin ko na 'tong kakaiba kong nararamdaman para sa'yo, ginawa ko na! Kaso paano?! Hindi ko na alam kung paano maaalis 'tong nararamdaman ko sayo, Gwaen! Oo! Nagseselos ako! At ano naman sa'yo?!" Sambit ko na ikinatigil niya. Malungkot siyang tumitig sa akin at muli na namang lumuha.
"Kung pwede lang Sejun! Kaso hindi eh! Hindi pwede! Ayaw kong masaktan ka nang dahil sa akin, Sejun!"
"Bakit?! Dahil ba may gusto ka kay Ken?! Kaya hindi pwede?! Dahil ba may relasyon kayo ni Ken?!"
"Stop that sh*t, Sejun!"
"Why would I stop?! Explain it to me first!"
"Magpapaliwanag naman ako sa'yo eh. Pero hindi pa ngayon."
"Bakit?! At kailan ka magpapaliwanag?! Kapag nakaalis kana?! Alam mo Gwaen, kung sila napapaikot mo. Pwes ako, hindi! Explain!"
"I c-can't! Hindi ko pa kaya!"
"So iiwan mo kami nang hindi ka nag-iexplain?! Ano? Maglalaho ka nalang bukas na parang bula?! Iiwan mo kaming naguguluhan?! Simula ng dumating ka dito, Gwaen lahat kami bumalik ang sigla! Tapos iiwan mo nalang kami nang hindi nagpapaalam, bukas?!" Sambit ko sakanya habang mahigpit na hawak ang pulsuhan niya. Nakita ko namang rumehistro ang sakit sa mukha niya. Nakaramdam ako ng awa, pero mas nangingibabaw padin ang galit at pagkalito ko.
"B-bitawan mo ako, S-sejun. Masakit!"
"At ano?! Aalis ka?! Explanation la—" Napatigil ako ng may sumapak sa akin at galit na hinarap ang walang hiya na 'yon.