Star 9: Corn and Confused

Justin's POV

Naubos na namin ang dalawang box ng pizza at isang box nalang ang naiwan para kila Josh at Gwaen. Isang oras na ang nakalilipas pero hindi padin bumabalik ang dalawang 'yon.

"Iligpit na natin 'to, tas do'n na tayo sa dance room tumambay." Anunsyo ni Stell na ikinatango nalang namin at nagsi-kilos na para magligpit.

"Ano palang balak niyo? About sa meeting natin kanina?" Tanong ni Stell sa amin kaya napahinto kami sa paglilipit.

"Hindi ko din alam. Ang hirap din kasi pagsabayin ng studies at pagti-training eh." Sambit ko atsaka napabuntong-hininga.

Tungkol kasi sa mga pangarap namin ang meeting kanina. Tinanong kami nila Tatang at teacher Hong, kung itutuloy pa ba namin ang passion namin. Four years na din kasi kaming hiatus as SB19, pero parang walang nangyayari. Parang hindi kami umuusad.

May mga guesting nga kami tas magpiperform, after no'n makakalimutan naman na kami ng mga nanonood. Hindi na nga kami minsan umaattend ng practice dahil napanghihinaan na kami. Pero simula ng dumating si Gwaen nitong nakaraang buwan, napansin kong araw-araw na kaming nagpapractice.

Kapag naman tinatamad kami ay pinapagalitan at sinisermonan kami ni Gwaen na parang nanay. Hindi ko nga alam kung bakit malapit loob namin sakanya eh. Kahit sila Tatang, teacher, ate Rappl at Sir Paul sobrang close niya din. Parang matagal na kaming magkakakilala samantalang no'ng nakaraang buwan lang namin siya nakilala. Komportable at magaan din ang loob namin sakanya kaya lagi namin siyang kasama.

"Ikaw Ken at Sejun? Anong balak niyo?" Tanong ni Stell kaya napatingin ako kila Ken at Sejun na parang naglalabanan ng tingin. Kulang nalang magsapakan sila. Unang umiwas ng tingin si Ken at sumagot nalang sa tanong ni Stell.

"Hindi ko alam. Siguro kung mabubuwag man 'tong grupo natin maghahanap nalang ako ng pag-aapplyan bilang architect." Sagot ni Ken atsaka napatuloy sa pagpupunas ng mesa.

Bihira lang magsalita ng mahaba 'to si Ken, pero nang dumating si Gwaen naging palasalita na siya. Ang daming nagbago simula ng dumating si Gwaen. Ang grupo naming muntikan nang sumuko, naging masigla ulit dahil sakanya.

"Ako siguro, magcall-center nalang ulit tas sideline as solo artist." Sagot ni Sejun atsaka tinapon ang mga baso ng drinks sa trash can.

"Alam niyo guys, ang daming nagbago sa atin simula ng dumating si Gwaen." Sambit ni Stell na ikinatango namin bilang pagsang-ayon.

"Speaking of Gwaen, nasa'n na ba sila ni Josh? Malamig nalang 'yong pizza hindi padin sila bumabalik." Sambit ko matapos naming maglinis.

"Hanapin kaya natin? Baka tinataguan tayo ng dalawa. Hahaha!" Sambit ni Stell at napansin ko namang sumama bigla ang timpla ng mukha ni Sejun at kumuyom ang kamao. Habang si Ken naman ay kunot lang ang noo at parang malalim ang iniisip.

'Sabi na eh. May gusto 'tong dalawa kay Gwaen, kahit hindi nila sabihin. Obvious masyado eh. Mga hindi magaling magtago, tsk.'

"Tara hanapin natin. Baka ano nang ginawa ng dalawa na 'yon." Natatawang sambit ko atsaka nagpatiuna nang lumabas ng meeting room. Sumunod naman sila kaagad sa akin. Bitbit naman ni Ken 'yong pizza habang si Sejun sa drinks.

Hinanap namin sila sa mga pwedeng tambayan, bumaba pa nga kami para lang hanapin sila sa ibang floor pero wala. Halata naman ang pagod sa mukha ng mga kasama ko except kay Sejun na walang emosyon at nakatitig lang sa kawalan.

"Antayin nalang kaya natin sila sa dance room?" Pag-aaya ni Stell na ikinatango naming lahat dahil pagod na kami.

"Nakakapagod hanapin 'yong dalawa. Teka... Bakit hindi nating naisipan na dumaan kanina sa damce room? Baka nando'n lang sila." Sambit ko na ikinakibit-balikat lang nila. Nagtungo na kaming lahat sa elevator papunta sa dance room.

"Guys, magkaaminan nga. Since matagal na tayong magkakasama kilala na natin ang ugali ng isa't-isa. Napansin ko kasi na parang ilag kayong dalawa? Sejun at Ken. Anong mayro'n?" Tanong ni Stell kaya napadako ang tingin namin sakanya.

"Anong aaminin, Stell?" Tanong ni Ken na ikinangiwi ni Stell, kaya natawa ako.

'Kunwari walang alam ang manok.'

"Baka gusto niyong aminin kung sino crush niyo? Gano'n?" Sarkastikong sambit ni Stell na ikinatawa ko lalo. Tinitigan naman ako ng masama ni Sejun kaya pinigilan ko ang pagtawa ko at pangiti-ngiti nalang. Iba pa naman magalit 'tong leader namin na mahilig sa hotdogs.

"Aminin na kasi. Nahiya pa kayo eh. Hindi niyo nalang aminin na gusto niyong parehas si, Gwaen." Nakangisi kong sabi kaya tinitigan ako ni Sejun at Ken ng masama. Hindi na tatalab sa akin 'yan.

"Confirmed! May gusto nga silang parehas kay, Gwaen! Silence means yes!" Ngiting-ngiti na sambit ni Stell. Napasayaw-sayaw pa na parang baliw.

"Oo na." Sabay na pag-amin ni Ken at Sejun, kaya napahalakhak kami ni Stell.

'Biruin niyo 'yon? Sabay ding sumagot! Hahaha!'

Nang malapit na kami sa dance room ay napatigil kami sa paglalakad ng marinig namin ang boses ni Gwaen at Josh.

"Shhh... Huwag kayong maingay guys gulatin natin sila." Sambit ko at lumapit ng kaunti sa pinto.

"Hanggang kailan ka nalang dito?"

"Hanggang bukas."

"Shhh... Tahan na, Gwaen. Ayaw kong nakikita kang umiiyak."

"Weh?"

"Oo, kahit na bully at mapanakit ka sa'kin."

'Ano? Wala akong maintindihan.'

Akmang bubuksan ko na ang pinto dahil sa sobrang curious nang unahan ako ni Sejun.

"A-anong ibig sabihin nito?" Tanong niya sa mga ito habang salubong ang kilay.