Gwaen's POV
Hindi ako pwedeng umiyak. Kailangan kong maging matatag para kay Josh. Ako ang pinagkukuhanan niya ng lakas ng loob ngayon. Humarap ulit ako sakanya atsaka ngumiti.
"Try to open up to others. Paano nalang kapag wala na ako?" Nakangiting sambit ko para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Napatitig siya sa akin, bakas ang lungkot at gulat sa mga mata niya.
'Oras na siguro para sabihin ko ang totoo.'
"B-bakit ganyan ka magsalita, Gwaen? Para ka namang namamaalam." Natatawang sambit niya kahit puno ng lungkot ang mga mata niya.
"Gusto ko lang ipaalam. Malay niyo isang araw bigla nalang akong mawala?" Nakangiting sambit ko at hindi na napigilang umagos ng luha ko. Hindi ko na kayang pigilan pa, sumasakit lang ang dibdib ko.
"Gwaen naman?" Malungkot na sambit niya pero napailing ako, atsaka pinunasan ang pisngi kong luhaan gamit ang kamay.
"Josh, matatakot ka ba sa akin? Katatakutan mo ba ako?" Tanong ko sakanya habang nakatitig sa mata niya. Nagsalubong ang kilay niya at bakas sa gwapong mukha na hindi niya naiintindihan.
"Bakit naman ako matatakot sa'yo?" Nagtatakang tanong niya at salubong padin ang makakapal na kilay. Nginitian ko siya atsaka ginulo ulit ang buhok niya. Pero this time hindi na siya nainis at hinayaan niya lang ako.
"Matatakot ka ba sa akin kapag nakilala mo ang tunay na ako?" Sambit ko na lalong ikinasalubong ng kilay niya.
Sana hindi mo ako katakutan kapag nakilala mo ang tunay na pagkatao ko. Sana hindi mo ako layuan at manatili pading ganito ang turing mo sa akin pagkatapos kong magtapat sa'yo. Sana matanggap mo ang tunay na pagkatao ko. Sana hayaan mo padin akong gawin sa'yo ang mga ginagawa ko habang may oras pa ako sa mundong ito. Sana. Hindi naman siguro masamang umasa sa mga 'sana' hindi ba?
"Josh, mahirap mang paniwalaan pero handa kabang pagkatiwalaan ako?"
"Oo naman, Gwaen. Alam mo namang parang kapatid na kita." Sambit niya na ikinangiti ko. Isang malungkot na ngiti. Nagpakawala muna ako ng isang buntong-hininga para kumuha ng lakas ng loob.
"Josh, hindi ako galing sa timeline na'to." Sambit ko habang nakatingin sakanya ng seryoso. Bakas ang gulat sa mga mata niya. Hindi ko alam kung hallucination ko lang, pero may nakita akong lungkot sa mga mata niya.
"A-anong ibig mong sabihin, Gwae?"
"Hindi ka naman matatakot 'di ba? Hindi mo ako iiwasan? Kahit na sinabi kong hindi ito ang timeline ko? Na isa akong time traveler?"
"A-ano? Paano?" Nagtatakang tanong niya. Tumitig muna ako sakanya ng mariin para alamin kung natatakot ba siya sa presensiya ko o ano, pero wala. Puno lang iyon ng pagtataka.
"Isa akong time traveler. Kayang kong pumunta sa isang panahon o lugar na gusto ko, pero may limit lahat ng iyon. Hindi ako maaaring magtagal sa hindi ko totoong timeline dahil hindi makakayanan ng katawan ko at maaari kong ikamatay. Naniniwala ka ba sa akin, Josh?"
"O-oo. Pero... Iiwan mo kami?" Malungkot akong napangiti atsaka may tumulo na namang luha sa mga mata ko. Akmang pupunasan ko iyon ng bigla niya iyong punasan ng panyo niya.
"S-salamat. Ayaw ko man umalis sa timeline na'to at bumalik sa totoong timeline ko, pero hindi maaari. Ayoko pang mamatay, Josh. Gusto ko pa kayong suportahan sa hinaharap dahil alam kong sisikat kayo at dadami ang magmamahal sainyo."
"Sisikat kami?" Gulat na tanong niya kaya tumango ako at pinunasan muli ang mata ko gamit ang panyo niya.
"Oo. Sikat na sikat kayo sa timeline ko. Kaya nga kung mapapansin mo ay parang kilala ko na kayo, na parang matagal ko na kayong nakasama. Isa kasi kayo sa hinahangaan ko, in my timeline."
"Kaya nga hangga't maaari, huwag kayong sumuko na abutin ang pangarap niyo. Kaya nang mapadpad ako dito sa timeline niyo ay pinipilit ko kayong magsumikap palagi, kahit na sarili niyo nalang ang naniniwala na makakamit niyo ang pangarap niyo."
"Pero paano ka nagkaroon ng ganiyang kakayahan?"
"Kung hindi ka naniniwala sa kapangyarihan, ako na magpapatunay. Totoo lahat ng iyon. Namana ko ang kapangyarihan na'to sa lola ko, sa father side. At kaya din ako napunta dito sa timeline na hindi pa kayo sikat, dahil gusto ko kayong makilala pa lalo. Hindi naman ako nabigo do'n. Mas nakilala ko pa nga kayo eh, at naging ka-close."
"A-ako lang ba nakakaalam nito?" Tanong niya sa akin na ikinatango ko sabay ngiti.
"Oo, ikaw ang unang nakaalam. Balak ko pa sanang makasama kayo sa mga magiging pagsubok niyo hanggang sa sumikat kayo, kaso hindi talaga pwede."
"Mabibisita mo ba kami ulit dito?" Tanong niya na ikinatigil ko.
'Hindi.'
"S-subukan ko, pero hindi ako nangangako. Mahirap mangako lalo na't baka mapako."
"Sasabihin mo naman siguro 'to sakanila, hindi ba?"
"Oo, baka bukas. Kapag okay na." Nakangiting sambit ko sakanya na ikinatango niya.
"Hanggang kailan ka nalang dito?" Seryosong tanong niya ngunit may bahid ng lungkot.
"Hanggang bukas." Malungkot na sambit ko at hindi na namang napigilang lumuha. Basang-basa na ang panyo niya dahil sa mga luha kong ayaw magsitigil.
"Shhh... Tahan na, Gwaen. Ayaw kong nakikita kang umiiyak." Pag-aalo niya sa akin atsaka tinapik-tapik ang likod ko.
"Weh?"
"Oo, kahit na bully at mapanakit ka sa'kin." Sambit niya atsaka ako niyakap at hinaplos sa buhok na lalo kong ikinaiyak.
"A-anong ibig sabihin nito?" Sambit ng pamilyar na boses.