Gwaen's POV
Nang matapos ang meeting ay naisipang bumili ni Jah ng pizza kaya nagpadeliver siya ng tatlong family size pizza. Hindi pa kami nagsisimulang kumain ng biglang lumabas si Josh na hindi pinansin ng mga kasama ko dahil abala sila sa pagkukwentuhan at pagkain.
"Teka... Labas lang ako." Paalam ko sakanila.
"Huh? Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Stell sa akin atsaka nilantakan ang pizza na hawak.
"Sige lang, kumain lang kayo. May pupuntahan lang ako." Paalam ko at tinignan sila isa-isa.
Nakita ko namang kumunot ang noo ni Ken pero nginitian ko lang siya kaya yumuko siya at nilantakan nalang ang pizza. Habang si Sejun naman ay walang emosyon at tahimik lang na kumakain ng pizza.
"Tirhan nalang namin kayo ni Josh." Sambit ni Jah na ikinatango ko nalang atsaka tuluyan nang lumabas.
Hinanap ko si Josh sa make-up room pero wala kaya napagpasiyahan kong pumunta sa dance room at hindi naman ako nagkamali. Nakaupo siya at tila sobrang lalim ng iniisip. Kulang nalang ay malunod siya sa kaiisip. Bakas sa gwapo niyang mukha ang lungkot at pagkainis. Salubong din ang makakapal nitong kilay habang nakatingin sa kawalan.
'Mukhang kailangan niya ng kausap at handang makinig sakanya.'
"Hoy! Master lolo!" Nakangiting pagtawag ko sakanya na lumingon namannagad habang salubong padin ang makakapal na kilay. Mukhang mananapak lolo niyo, pero baka siya pa bugbugin ko.
"Oh?" Walang emosyon niyang sambit na kinainis ko. Nagmamaldito ang lolo niyo! Kaya lumapit ako sakanya agad at binatukan siya. Hindi naman siya gumanti dahil sanay na siya sa pambubugbog ko sakanya. Pero mahina lang naman ang pambabatok ko.
"Ikaw ah! Anong nangyari sa'yo? Bakit bigla kang umalis pagkadating ng pizza?" Tanong ko sakanya na ikinakunot niya ng noo. Nagmumukha tuloy siyang lolo. Kaya bagay talaga sakanya ang Master Lolo na bansag eh.
"Bakit? Tapos naman na ang meeting ah?" Masungit niyang sambit kaya binatukan ko na naman siya, atsaka tumingin ng masama sa akin.
Akala niya naman matatablan ako ng pagsusungit niya. Ha! Baka mabugbog ko pa siya. Alam kong may problema siya, naglilihim na naman. Pwes, hindi tatalab sa akin ang paglilihim niya. Hindi naman sa nanghihimasok ako, pero hindi ko kaya na nalulunod sa problema ang isa sa mga kaibigan ko.
"Alam kong may problema ka, magkwento ka dali!" Pangungulit ko sakanya na ikinatigil niya at tulalang nakatingin sa akin. Nabigla siguro siya dahil ito ang unang beses na naging concern ako sakanya.
"P-paano mo alam?" Gulat na tanong niya na ikinatawa ko. May pagulat factor ang lolo niyo!
'Kung alam mo lang na kilalang-kilala ko kayo, na galing ako sa future baka magulat ka.'
"May powers ako eh. Dali na magkwento ka. Makikinig ako." Natatawang sambit ko sakanya na ikinailing niya habang nakangiti. Iniisip siguro nito na puro kalokohan nasa utak ko.
Kung alam lang nila na sila ang mga idol ko sa future, kaya may kaunti akong alam tungkol sa kanila. Matatapos naman na ang oras ko dito eh. Babalik nadin ako sa totoo kong timeline.
"Ahhm... Ano kasi..." Nagdadalawang-isip pa ata siyang magkwento dahil akala niya huhusgahan ko siya. Hinding-hindi ko magagawa 'yon sa mga idol ko.
"Ano? Wag kang mahiyang magkwento sa akin ng mga problema mo. Feel free to open up with me, Josh. Makikinig ako." Nakangiting sambit ko sakanya atsaka siya niyakap na ikinaigtad niya.
Hindi siguro siya sanay na niyayakap ko siya kasi puro pambubugbog ginagawa ko sakanya. Ang hindi niya alam concern ako sakanya dahil alam ko lahat ng naranasan niyang paghihirap. Kinwento niya kasi iyon no'ng mention party niya sa twitter, sa timeline ko.
"Sige. Salamat." Sambit niya na ikinangiti ko. Bumitaw naman ako sa pagkakayakap sakanya at ginulo-gulo ang buhok niya. Matagal ko na iyong pangarap dahil nga mga idol ko sila sa timeline ko. Hindi ko din aakalain na makakasama ko sila at magiging kaibigan.
"Gwaen! Sinisira mo hairstyle ko!" Inis na sambit niya kaya natawa ako. Tumigil naman na ako sa paggulo ng buhok niya dahil baka mahigh-blood ang lolo niyo.
"Ang arte naman ni lolo. Sige na magkwento kana." Natatawang sambit ko na ikinasimangot niya. Tumabi ako ng upo sakanya.
"Tigilan mo nga katatawag sa akin ng lolo. Pinapatanda mo ako ng maaga eh." Nakangiwing sambit niya na ikinatawa ko. Ayaw niya talaga ng lolo, eh gurang naman talaga siya.
"Sorry po, lolo—este Josh. Kwento na dali."
"Naguguluhan kasi ako, nahihirapan nadin ako kung tutuparin ko pa ba ang pangarap ko. Kung ipagpapatuloy ko paba ang pagiging idol. Parang wala naman kasing nangyayari, Gwaen. Ang sabi ko sa pamilya ko papatunayan ko na mali ang sinasabi nila, na wala akong mararating sa pangarap ko na'to. Pero mukhang totoo nga ang sinabi sa akin ng mama ko. Na wala akong mararating dito." Malungkot na saad niya atsaka tumulo ang luha niya. Pati ako naiiyak. Ang ayoko ko sa lahat nakikita kong umiiyak ang mga taong importante sa akin.
"Alam mo Josh, kung gusto mo talaga ang bagay na 'yan ay bakit mo ihihinto? Bakit hindi ka magtiwala sa sarili mo na mararating mo din ang pangarap mo? Kung masaya ka sa ginagawa mo, ipagpatuloy mo lang. It may took a long time to become sucessful, but don't give up on your passion."
"Salamat, Gwaen. Sa'yo lang ako komportableng magkwento ng ganito." Napatingila ako saglit para pigilan ang luhang gustong kumawala.