Josh POV
Simula ng maging independent ako ngayon lang ako ulit nakaranas ng may pamilya ako. No'ng una hindi ako sanay kasi nga, mas sanay akong mag-isa. Pero nang makilala ko sila at maging kagrupo, naramdaman ko ulit na may pamilya akong magmamahal at uunawa sa akin.
Ginusto kong tumayo sa mga sarili kong paa para patunayan sakanila na hindi hadlang ang pangarap ko. Ang akala ko ay suportado nila ako sa pangarap ko dati pero hindi. Ang mas masakit pa sarili mong pamilya dinadown ka sa pangarap mo, imbes na suportahan.
"Iyang pangarap mo?! May mapapala ka ba diyan? Sa pagiging dancer mo?! Mapapakain ka ba niyan?!" Sambit sa akin ng mama ko na labis ikinadurog ng puso ko. Hindi ko aakalaing masasabi niya ang mga salita na 'yan sa akin.
"Ang akala ko suportado niyo ako, pero hindi pala. Kung hindi niyo ako kayang suportahan at tanggalin sa pagiging dancer ko, papatunayan ko sainyo na may mararating ako." Sambit ko atsaka kinuha ang bag pack ko na may lamang mga gamit ko.
Napabuntong-hininga nalang ako sa alaalang iyon. Pinagsabay ko ang pag-aaral ko at pagtitraining bilang idol. Nagsumikap akong itaguyod ang sarili ko para makapagtapos ng highschool. Habang nag-aaral ako at nagtitraining ay nagpart-time job din ako para may pangkain sa sarili ko at panggastos. Sobrang tipid ko no'n sa sarili ko, 'yong tipong minsan pinagsasabay ko na ang almusal, tanghalian at hapunan.
Sa tuwing napanghihinaan kami ng loob ng mga kagrupo ko, sa isa't-isa lang kami kumukuha ng lakas. Tinuruan din kaming maging connected sa isa't-isa. Pero may mga times talaga na sobrang down na, ang hirap nang umangat. Gaya nalang ngayon.
Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pangarap ko, dahil parang wala namang nangyayari. Gano'n padin. Kaya sumasagi minsan sa isip ko na mag-quit nalang at maghanap ng matinong trabaho, para naman hindi masabi ng pamilya ko na napunta lang sa wala ang paglalayas ko.
"Hoy! Master lolo!" Pagtawag sa akin ng pamilyar na boses dahilan para mapalingon ako. Bumungad sa akin ang nakangiting si Gwaen.
Mabuti pa siya walang problema at pangiti-ngiti lang. Hanggang ngayon napapaisip padin ako kung pa'no namin nakasundo ang babaeng 'to.
"Oh?" Walang emosyon kong sambit at nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay binatukan niya ako. Siya lang ang nakakagawa no'n sa akin, pero hinahayaan ko lang. Naiintindihan kong may topak 'to minsan si Gwaen, kaya ang hilig manakit.
"Ikaw ah! Anong nangyari sa'yo? Bakit bigla kang umalis pagkadating ng pizza?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Napansin niya pala 'yon? At sinundan pa talaga ako.
"Bakit? Tapos naman na ang meeting ah?" Binatukan niya na naman ako kaya tinitigan ko siya ng masama.
'Ang bully talaga ng babaeng 'to. Masiyadong mapanakit.'
"Alam kong may problema ka, magkwento ka dali!" Sambit niya na ikinatigil ko at tulalang napatingin sakanya.
"P-paano mo alam?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Isang buwan palang namin siyang nakakasama pero parang andami niya nang alam sa amin. Parang matagal niya na kaming kilala kung itrato niya kami.
"May powers ako eh. Dali na magkwento ka. Makikinig ako."
"Ahhm... Ano kasi..." Nagdadalawang isip pa ako kung mag-oopen up ba ako sakanya, pero mukha namang mapagkakatiwalaan siya.
"Ano? Wag kang mahiyang magkwento sa akin ng mga problema mo. Feel free to open up with me, Josh. Makikinig ako." Seryosong sambit niya atsaka ako niyakap, kaya napaigtad ako. Ito ang unang beses na niyakap niya ako at inisip ang kalagayan ko.
"Sige. Salamat." Sambit ko atsaka siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Ginulo-gulo niya din ang buhok ko kaya nairita ako.
"Gwaen! Sinisira mo hairstyle ko!" Saway ko sakanya kaya natatawang tinigil niya ang paggulo sa may kahabaan kong buhok.
"Ang arte naman ni lolo. Sige na magkwento kana." Sambit niya atsaka umupo sa tabi ko. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa dance room, kaya tahimik at wala 'yong mga baliw na magugulo.
"Tigilan mo nga katatawag sa akin ng lolo. Pinapatanda mo ako ng maaga eh." Sambit ko na ikinatawa niya naman.
"Sorry po, lolo—este Josh. Kwento na dali." Sambit niya at parang interesado talaga siyang malaman ang problema ko.
"Naguguluhan kasi ako, nahihirapan nadin ako kung tutuparin ko pa ba ang pangarap ko. Kung ipagpapatuloy ko paba ang pagiging idol. Parang wala naman kasing nangyayari, Gwaen. Ang sabi ko sa pamilya ko papatunayan ko na mali ang sinasabi nila, na wala akong mararating sa pangarap ko na'to. Pero mukhang totoo nga ang sinabi sa akin ng mama ko. Na wala akong mararating dito." Malungkot kong sambit at hindi na napigilan lumuha. Ito ang unang beses na nag-open up ako tungkol sa nararamdaman ko. Hindi kasi ako pala-kwentong tao at lahat ay sinasarili ko lang.
"Alam mo Josh, kung gusto mo talaga ang bagay na 'yan ay bakit mo ihihinto? Bakit hindi ka magtiwala sa sarili mo na mararating mo din ang pangarap mo? Kung masaya ka sa ginagawa mo, ipagpatuloy mo lang. It may took a long time to become sucessful, but don't give up on your passion." Sambit niya na ikinatigil ko. Pinunasan ko ang luha na lumandas sa pisngi ko.
"Salamat, Gwaen. Sa'yo lang ako komportableng magkwento ng ganito."
"Try to open up to others. Paano nalang kapag wala na ako?"